3. Nagmamadali ang magkaibigang Kaloy
at Pam sa pagpasok sa paaralan nang
may makasabay silang isang pilay na
bata.
“Kaloy, tingnan mo ang batang iyon.
Papilay-pilay lumakad, nakakatawa,”
puna ni Pam. “Akala mo tuloy hindi
pantay ang daan.”
“Halika, Pam. Tulungan natin sa
pagtawid,” ang wika ni Kaloy.
4. “Pero Kaloy, mahuhuli na tayo!”
tutol ni Pam.
“Hindi bale, nakatulong naman
tayo. Tingnan mo nga at hirap na
hirap sa pagtawid ang bata,”
katuwiran ni Kaloy.
“Ay ayoko, ikaw na lang. Ayokong
mahuli sa klase natin,” wika ni
Pam.
5. Nagpasya naman si Kaloy na
tulungan ang batang may
kapansanan.
“Totoy! Totoy! Saan ka
pupunta?” tanong ni Kaloy.
“Sa kabilang kanto,” ang tugon
ng bata. “Uuwi na ako.”
6. “Halika, tutulungan na kitang
tumawid. Mapanganib dito dahil
maraming sasakyan,” ang wika ni
Kaloy.
“Maraming salamat sa iyo.
Nahihirapan nga akong tumawid
dahil pilay ako,” ang wika ng bata.
Inakay ni Kaloy ang bata sa
pagtawid.
7. 1. Sino ang nagmalasakit sa batang may
kapansanan?
2. Paano niya ipinakita ang pagmamalasakit?
3. Dapat bang ipagmalaki ang ginawa ni
Kaloy? Bakit?
4. Ano naman ang ginawa ni Pam?
5. Dapat bang tularan si Pam? Bakit?
6. Kaya mo din bang gawin ang ginawa ni
Kaloy?
7. Dapat bang pagmalasakitan ang batang
may kapansanan?
8. • Kaya mo bang magmalasakit
sa mga kasapi ng paaralan at
pamayanan? Sabihin ng
pasalita kung alin sa
sumusunod na larawan ang
kaya mong gawin.
9.
10.
11. 1. Nagmamalasakit ka ba sa mga
kasapi ng paaralan at
pamayanan?
2. Paano mo ito ginagawa?
3. Bakit kailangan mong
magmalasakit sa kanila?
12. Ating Tandaan
• Dapat tayong magpakita ng
pagma-malasakit sa mga kasapi
ng paaralan at pamayanan sa
lahat ng pagkakataon. Ito‟y
maipakikita natin sa pagtulong sa
kanila sa oras ng
pangangailangan.
13. Gawain 1
• Humanap ng mga larawan
na nagpapakita ng
pagmamalasakit sa kapwa.
Ipaliwanag sa klase kung
paano naipakita ang
pagmamalasakit.
14. Gawain 2
• Magpasya ka! Pagmasdan
ang mga larawan. Basahin
ang sumusunod na
sitwasyon at sabihin kung
ano ang iyong gagawin.
15. A. Magkakaroon ng libreng gamutan sa inyong barangay.
Darating ang mga pampublikong doktor at narses. Paano ka
makatutulong sa iyong mga kabarangay?
Magbigay ng mga paraan kung paano mo ito gagawin.
16.
17. • Isipin mo na ikaw ang may-ari ng
mga nasa larawan. Sa isang bond
paper, iguhit at ipaliwanag kung
alin sa mga ito ang iyong ibibigay
bilang donasyon sa biktima ng
kalamidad?
18.
19. • Gumawa ng tsart sa iyong
kuwaderno tulad ng nasa
ibaba. Lagyan ng tsek (/) kung
ang sinasabi ng pangungusap
ay nagawa mo na at ekis (X)
kung hindi pa.
20. 1. Nagpahiram ako ng lapis
sa kaklase ko.
2. Hinatian ko ng baon ang
batang nagugutom.
3. Isinukob ko sa payong ang
kaklase ko upang hindi
mabasa ng ulan.