2. ANO ANG SALAPI?
Ang salapi ang ginagamit na
tagapamagitan sa transaksyon
ng sambahayan at bahay-
kalakal at iba pang sektor ng
ekonomiya upang ang produkto
at serbisyo ay maipalit sa ibang
produkto
3. Mahalaga ang salapi sa daloy
ng produkto at kita. Ang salik ng
produksyon ay madaling
maililipat sa bahay-kalakal at
ang mga produktong nagawa
ay madaling makararating sa
sambahayan kung may
intrumentong magsisilbing
tagapamagitan.
5. GAMIT ng Salapi
Kagamitan sa Pakikipagpalitan
Means of Exchange
Batayang Panukat ng Halaga
Standard Value
Pamantayan sa Maantalang Pagbabayad
Standard of Deferred Payments
Resarba sa Halaga
Store of Value
6. Ang Salapi bilang Means of Exchange
Ipinampapalit ang salapi sa mga produkto na pantugon ng
tao sa kanyang panganga-ilangan o kagustuhan.
Dito, ang salapi ay hangad ng tao na magkaroon.
Money Demand ang tawag sa dami at halaga ng salapi na
nais magamit ng bawat tao upang makabili ng produkto.
Transaction Motive ang tawag sa hangarin na magamit ang salapi sa
pagbili ng produkto.
Precautionary Motive ang hangarin na nagamit ang salapi sa mga
pangyayari sa hinaharap.
8. Commodity Money
Naisip ng mga tao noon na gumamit ng
isang bagay na magsisilbing
pamantayan sa palitan. Ito ay anumang
produkto na may kaukulang produkto
na tinatanggap bilang kabayaran sa
mga nais na produkto o bagay.
Mga halimbawa: mga ani, bato, beads,
buhangin, bulak, kabibe, tabako, hayop,
atbp.
9. =$ISTEMANG BARTER=
Ang kaukulang tawag
sa sistema kung saan
ang isang produkto ay
ipapalit sa kapwa
produkto.
10. Salaping Metal
Ang paggamit ng isang bagay bilang
salapi ay hindi pa rin naging madali
sapagkat mabilis masira ang ibang
produkto at ang iba’y mabigat dalhin at
hindi nahahati kaya lumitaw ang
salaping metal.
Hal. Ginto, Pilak at Tanso
11. SALAPING PAPEL
Ang paggamit ng salaping ginto at pilak
ay naging mabigat sa mga
mangangalakal, lalo pa kung malayo
ang kanilang lalakbayin kaya
sinimulang gamitin ang salaping papel.
Sa China, ang salaping papel ay isang
pagtatala ng pangako ng pagbabayad
ng utang (promissory notes) ng isang tao.
12. Hindi nagtagal, sumibol na ang
mga bangko na nagsilbing
tagatago ng mga coins at
salaping papel.
13. Ang Salapi Bilang Batayang Panukat ng Halaga
Ang halaga ng salapi ay may kapantay na halaga ng bawat
produkto.
Ginagawang efficient nito ang pakikipagpalitan sapagkat
naiiwasan ang pag-aaksaya ng panahon sa pagsukat ng
halaga ng isang produkto sa halaga ng isa pang produkto.
Sa mga nagdaan libong taon, ang mga gumawaga ng
salapi, makapangyarihang tao, at mangangalakal ang
nagbibigay-halaga sa salapi.
Sa Pilipinas, ang nagpapahintulot ng mabigyan ng halaga
ang bawat piraso ng salapi ay ang Bangko Sentral ng
Pilipinas. Sila ang nagpapahintulot ng pagpataw ng halaga
ng salapi sa kasalukuyan.
16. Full-Embodied Money
Mayroong panloob na halaga na pareho sa
nakatatak nitong halaga(face value).
Dito nagsimula ang salaping papel. Batayan
ng halaga nito ang halaga ng ginto at pilak
ng naglabas ng salapi.
17. Credit Money
May panloob na halaga na mas mababa
kaysa nakatatak nitong halaga.
Tinatawag ring token money at subsidiary
money.
18. FIAT MONEY
Salaping ginagamit dahil
binigyan ng pamahalaan ng
pahintulot. Noong panahon ng
pananakop ng Hapones, fiat
money ang ginamit.
Umaasa lamang ito sa batas sa
pagtakda ng halaga ng salapi.
19. Representative Money
Maaaring full-embodied, credit o fiat money.
Binubuo ng mga gold certificate at silver
certificate na nasa papel lamang.
Pamalit sa salaping metal.
Maaaring maging promissory note.
20. Demand Deposit
Mga pondong nakadeposito sa bangko o iba
pang konstitusyong pinansyal kung saan
maaari kang mag-issue ng checke (kinikilala ng
bangko na pambayad sa isang indibidwal) mula sa
pondong ito.
Kalimitang credit money.
Uri:
1. Primary deposit
2. Derivative deposit
21. 1. Primary Deposit
Salapi na inilalagak sa isang checking account.
2. Derivative Deposit
Nagagamit sa pagbabayad ng pananagutan
nang hindi naglalabas ng salapi.
Uri ng Demand Deposit
22. Checking Account
Detalye ng transaksyon ng isang indibidwal
gamit ang tseke.
Upang maging pambayad ang tseke(check),
kinakailangan lang magbukas ng checking
account ang nasabing indibidwal sa bangko.
23. Ang Salapi bilang Reserba ng
Iba’t-Ibang Halaga
Paiba-iba ang halaga ng salapi at iba’t iba rin
ang halaga ng salapi para sa ilang tao.
Mapupuna ito sa paggamit ng salapi.
Itinatago ng iba ang salapi, ang iba ay
ginagawang dekorasyon, ang iba ay
sinusulatan kahit na ito ay mahigpit na
ipinagbabawal, at ang iba’y ipinagpapalit sa
iba pang uri ng yaman.
24. Mga Salik sa Pagbabago ng Halaga ng
Salapi at Money Demand
Mga Salik Paliwanag
• Pagtanggap ng Tao • Nakabatay sa pagkilala ng tao sa halaga’t anyo nito.
• Legal Tander • Ipinag-uutos ng batas na kilalanin ang salapi at ang
halaga na nakatatak dito sa paggawa ng mga
transaksyon.
• currency
• Realtibong Kakapusan • Ang halaga ng salapi ay bababa kapag nagkaroon
ng napakaraming salapi sa sirkulasyon.
• Kita ng Tao • Tumataas ang kita, tumataas din ang kakayahan ng
taong gumastos o magkunsumo ng bilhin. Sa pagbaba
ng kita, bumababa rin ang kakayahan.
• Interes • Nakabase sa interes ang desisyon sa pagdeposito
ng pera o sa paghawak nalang nito.
• Pagkuha at Paggamit ng Credit • Nakasalalay sa credit ang kataasan o kababaan ng
money demand.
25. Ang Salapi Bilang Pamantayan ng
Nakaantalang Pambayad
Sa kasalukuyang panahon, maaaring bumili
at iantala ang pagbabayad sa isang
produkto. Ang salapi ayipinapangakong
babyaran sa nasabing panahon. Nasusukat
sa halaga ng salapi pati ang interes na
ipapataw sapagkaantala ng pagbabayad.
May karagdagang katangian ang salapi.
26. KATANGIAN
NAHAHATI (DIVISIBLE)- nabibitbit sa ibang
lugar ng hindi nagiging mabigat na pasanin sa
paglalakbay.
NASISIRA- mapapalitan ang kaanyuan ng
salapi upang maging mas kapakipakinabang
sa mga pinansyal na transaksyon
NALILIKHA- kapag ipinapautang ng mga
bangko ang bahagi ng deposito nito,
nadaragdagan ang money supply sa
ekonomiya
27. Sa pagikot ng salapi sa sirkulasyon…
Nasasaklaw ang kaanyuan nito sa konsepto ng
money supply.
Till money(vault cash)- halaga ng salapi na nakalagak sa vault ng
bangko.
Liquid na asset ang salapi- kapag madali itong magamit sa
pakikipagpalitan.
Kaanyuan ng money supply na liquid:
Barya
Salaping Papel
Demand deposit
Foreign currency bank deposit
Deposit substitute
Domestic liquidity
28. Pagpapalawak ng Money Supply
Mga substitute ng salapi:
Near-money
Saving deposit
withdrawal
Time deposit
Maturity date o period
Money Market Mutual Fund
29. Kasaysayan ng Pagtatag ng Bangko
Sentral ng Pilipinas
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas(BSP) ay
isang bangko sentral ng Republika ng
Pilipinas. Isinaayos muli ang karta ng
bangkong ito noong Hulyo 3, 1993, alinsunod
sa mga panustos ng 1987 Saligang-Batas ng
Pilipinas at ang Bagong Batas ng Bangko
Sentral ng 1993. Itinatag ang BSP noong
Enero 3, 1949, bilang pangasiwaan ng
sentrong pananalapi ng bansa.
30. Nagsimula ito bilang Central Bank of the
Philippines. Napalitan ang CPB ng Bangko
Sentral ng Pilipinas upanggawing
independente sa pagdedesisyon ng
pambansang pamahalaan ng Pilipinas.
Kasalukuyang pamamaraan ng paglutas ng
BSP ng inflation ang inflation targeting.
31. Mga Tungkulin ng Isang
Bangko Sentral
Lumilikha at nagsasagawa ng patakarang pananalapi
Bangko ng mga bangko
Bangko para sa pambansang pamahalaan
Nangangasiwa ng sistema ng pagbabangko ng ekonomiya
Nagsasagawa ng pagdedisisyon sa taunang pagbabayad
ng utang
Pangangasiwa sa foreign Exchange Reserves
Naglalabas at nagpapahintulot sa paggamit ng sariling
salapi ng bansa