Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Mga Dahilan ng mga Bansang Europeo sa Pagsasagawa ng Eksplorasyon

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Ap
Ap
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 16 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Mga Dahilan ng mga Bansang Europeo sa Pagsasagawa ng Eksplorasyon (20)

Anzeige

Weitere von Eddie San Peñalosa (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Mga Dahilan ng mga Bansang Europeo sa Pagsasagawa ng Eksplorasyon

  1. 1. Mga Dahilan ng mga Bansang Europeo sa Pagsasagawa ng Eksplorasyon Araling Panlipunan 8 4th Quarter | Topic 7 Prepared by: Eddie San Z.
  2. 2. Tatlo ang itinuturing na pangunahing dahilan ng mga bansang Europeo kung bakit sumidhi ang kanilang pagnanais na makapanggalugad ng mga bagong lupain sa labas ng Europa.
  3. 3. Ang mga kadahilanang ito ay karaniwang tinatawag na 3Gs o God, Gold, at Glory. Tumutukoy ang God para sa kanilang kadahilanang panrelihiyon, Gold para sa kanilang pang- ekonomiyang kadahilanan, at Glory para sa kanilang kadahilanang pampolitika.
  4. 4. Pang-Ekonomiyang Kadahilanan Ito ang itinuturing na pangunahing dahilan ng mga Kanluranin sa panggagalugad. Dahil sa pag-iral ng sistemang merkantilismo sa Europa na ang batayan ng yaman at kapangyarihan ay ang dami ng ginto at pilak, nagnais ang mga Kanluranin na makahanap ng mga bagong lupaing makapagbibigay sa kanila ng mga kayamanang ito.
  5. 5. Pang-Ekonomiyang Kadahilanan Naging mahalaga rin para sa mga Kanluranin ang mga pampalasa at rekado kung saan salat ang Europa. Nagmumula ang karamihan ng mga pampalasang pumapasok sa pamilihan ng Europa sa Asya kung kaya’t nagnais ang mga ito na makarating sa mga lupaing pinagmumulan nito.
  6. 6. Pang-Ekonomiyang Kadahilanan Nang maging industriyalista ang karamihan ng mga bansa sa Europa, nangangailangan din sila ng mga hilaw na materyales upang makabuo ng mga yaring produkto kung kaya’t higit na sumidhi ang kanilang pagnanais na makapanakop ng mga bagong lupaing mapagkukuhanan nila ng mga hilaw na sangkap.
  7. 7. Pampolitikang Kadahilanan Lumaganap ang kaisipan ng kolonyalismo at imperyalismo sa mga makapangyarihan at malalakas na bansa sa Europa dahil sa pagnanais nilang higit na maging makapangyarihan at pangibabawan ang buong mundo.
  8. 8. Pampolitikang Kadahilanan Ang kolonyalismo ay isang proseso kung saan ang isang malakas at makapangyarihang bansa ay kinokontrol ang isang mahinang bansa o lupain na karaniwan ay isinasagawa sa pamamagitan ng marahas na pananakop.
  9. 9. Pampolitikang Kadahilanan Layon ng prosesong ito na kontrolin ang ekonomiya at politika ng isang lupain. Ang imperyalismo sa kabialng banda ay isang proseso kung saan ang pananakop ng lupain ay batay sa layuning makapagtatag ng isang malawak na imperyo.
  10. 10. Panrelihiyong Kadahilanan Naging kaakibat din ng pananakop ng mga Kanluranin ang kanilang pagtalima sa kautusan ng Simbahang Katoliko – ang ipalaganap ang Kristiyanismo. Gayon pa man, kasabay ng pagpapalaganap ng mga Kanluranin ng Kristiyanismo ay ipanalalaganap din ng mga Muslim ang kanilang relihiyon sa iba’t ibang panig ng mundo.
  11. 11. Panrelihiyong Kadahilanan Naging madali para sa mga Kanluranin na mapahinuhod at mapasunod ang mga katutubo sapagkat ginamit nila ang relihiyon upang mapahupa ang panlalaban ng mga katutubo. Sa pamamagitan ng pagtuturo ng mga doktrina ng Kristiyanismo, maraming katutubo ang tumalikod sa kanilang paniniwalang katutubo at yumakap sa mas organisadong Kristiyanismo.
  12. 12. Panrelihiyong Kadahilanan Dahil dito, ang pagtanggap ng mga katutubo sa Kristiyanismo ay nangahulugan na ring pagtanggap sa kapangyarihan ng mga Kanluranin.
  13. 13. Salamat sa Pagsubaybay

×