1. A R A L I N G PA N L I P U N A N 9
KAKAPUSAN (SCARCITY)
Prepared by: Eddie San Z. Peñalosa
2. PAKSA NA TATALAKAYIN
• Kahulugan
• Dahilan ng Pagtindi ng kakapusan
• Batayan ng Suliraninng Pang-ekonomiya
• Palatandaan ng Kakapusan
3. KAHULUGAN
• Tumutukoy sa di-kasapatan ng mga produkto at serbisyo
na tugunan ang walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
• Pinaka-sentrong suliranin ng ekonomiks na matugunan
ang mga kailangan at nais ng tao.
5. DAHILAN NG PAGTINDI NG
KAKAPUSAN
Pagkasira ng mga pinagkukunang-yaman dahil sa mga
natural na kalamidad at pagbabago ng panahon.
6. DAHILAN NG PAGTINDI NG
KAKAPUSAN
Pang-aabuso at pagaksaya ng mga tao sa
pinagkukunang-yaman o resorses.
7. DAHILAN NG PAGTINDI NG
KAKAPUSAN
Maling prayoridad at patakaran sa paggamit ng mga
pinagkukunang-yaman.
8. BATAYAN NG SULIRANING PANG
EKOMOMIYA
Unang Suliranin:
• Ano-ano at gaano karaming kalakal at paglilingkod ang dapat
maiprodus?
Pangalawang Suliranin:
• Paano ipoprodyus ang mga produkto at serbisyong ito?
Pangatlong Suliranin:
• Para kanino ang ipoprodyus? Sino ang magiging konsyumer o
gagamit ng produkto at serbisyo na naiprodyus?
9. PALATANDAAN NG KAKAPUSAN
1. Mataas na presyo ng bilihin.
2. Mahaba ang pila sa mga pamilihan, ngunit walang
mabili na produkto o serbisyo.
3. Dumarami ang nagugutom, nagkakasakit.
4. Ang pamahalaan ay walang ginagawa kundi ang
umangkat ng umangkat ng produkto.
5. Ang pangunahing bilihin ay nirarasyon na lamang
6. Tumataas ang kriminalidad
7. Nangingibang-bansa ang mga manggagawa.