1. BANGHAY - ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO 3
PANUNURING PAMPANITIKAN
IKATLONG MARKAHAN – UNANG LINGGO
I.
PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN
Paksa
:
Pagbasa/Pagsusuri sa Akdang
Pampanitikan sa Teoryang Humanismo
Tula
Luha ni Rufino Alejandro
Pagtatalakay sa diwang hatid ng Tula
Pagpapahayag ng matalinong
paghuhusga
Susuriing Genre
:
Halimbawang Akda
:
Kasanayang Pampanitikan :
Kasanayang Pampag-iisip :
Halagang Pangkatauhan
II.
:
MGA INAASAHANG BUNGA (BAWAT ARAW)
A. Nakikilala ang mag tauhan batay sa kani-kanilang mga tiyak na
saloobin at damdamin.
B. Mga Layuning Pampagtalakay
B.1.
Pagsusuring Panglingwistika
Nabibigyang-kahulugan ang mga matatalinghagang salitang
ginamit sa akda.
B.2.
Pagsusuring Pangnilalaman
Natutukoy ang mga bahagi ng tula na naglalahad ng
kagalingan/kahinaan ng tao.
B.3.
Pagsusuring Pampanitikan
Nasusuri ang tula batay sa teoryang humanismo.
C. Naipapahayag ang pansariling panlasa sa kagandahan at kahinaan
ng akda.
D. Nakakasulat ng kapaksa ring tula.
2
2. III.
PROSESO NG PAGKATUTO
UNANG ARAW
A. Mga Panimulang Gawain
Mungkahing Gawain : Pakikinig sa awiting “ANAK” ni Freddie Aguilar
1.
Pagganyak
Pagkukuwento sa “PRODIGAL SON”
2. Paglalahad
a. Pakikinig ng mga mag-aaral sa itineyp na tula.
b. Pagkuha ng mga dati ng alam o paglalahad ng mga
karanasang may kaugnayan sa paksa. “BRAINSTORMING”
B. Pagbasa sa tula.
LUHA
Rufino Alejandro
Walang unang pagsisisi, ito’y lagging nasa huli.
Daloy aking luha … Daloy aking luha, sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,
nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
Nang ako’y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan,
may biling gayari si Ama’t si Ina bago sumahukay.
“Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay.
ang ikaw’y mabuyo sa gawang masama’y dapat mong iwasan.”
Nang ako’y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak,
ng kapalalua’t ang aral ni Ama’t ni Ina’y hinamak;
sa maalong dagat ng buhay sa mundo’y nag-isang lumayag,
iniwan sa pampang ang timbulang baon na aking tinanggap!
Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan
3
3. na itong huli na’y nakilalang alak na nanatay.
Ang pinagbataya’y dapat magpasasa sa kasalukuya’t
isang “Bahala na!” ang tanging iniukol sa Kinabuksan!
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi
kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi’t
iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!
Daloy, aking luha … Dumaloy ka ngayon at iyong hugasan
ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng buhay;
ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan.
nang yaring hirap ko’t susun-susong sakit ay gumaan-gaan!
a. Unang Pagbasa : Guro
b. Ikalawang Pagbasa : Mga Mag-aaral
C. Pagtukoy sa pangunahing mensahe / kaisipan ng bawat saknong.
Pangkat 1 : Una at Ikalawang saknong
Pangkat 2 : Ikatlo at Ikaapat na saknong
Pangkat 3 : Ikalima at Ikaanim na saknong
D. Pag-uulat ng lider ng bawat pangkat.
E. Pagbasa sa tula ng isang mahusay na mag-aaral.
PAGSUSURI SA AKDA
IKALAWANG ARAW
A. Panimulang Gawain
Pagganyak :
1. Pagpapakita ng isang larawan ng taong malungkot.
2. Pagbubuo ng hinuha mula sa larawan. Iuugnay sa salitang
LUHA.
B. Pangkatang Pagsusuri.
4
4. Pangkat 1 at 2 : Pagsusuring Panglingwistika
1. Pagsusuri sa mga parirala ayon sa pagkakagamit sa akda at
pansariling kahulugan (Pangkalahatang Gawain)
Mga Parirala/Pahayag
Pansaruiling
Kahulugan
1. hugasan ang puso-yaring
pusong luray sa hilahil
2. bagong namukad yaring
kaisipan
3.
“Bunso, kaiinga’t
inyong paglakad
landas ng buhay
sa
sa
4. ang pahat kong isip ay
biglang nagpakpak
5. sa maalong dagat ng
buhay sa mundo’y nagiisang lumayag
Pangkat 3 at 4 : Pagsusuring Pangnilalaman
Pagtukoy sa mga nais sabihin ng akda
a. sa bumabasa
b. sa sarili
c. sa isang indibidwal
d. sa kalahatan
5
Pagkagamit sa
Akda
5. Gawing makabuluhan
ang buhay
Sa
Bumabasa
Tandaan na ang
buhay ay parang
tanghalan
Mahalin ang sarili
Pahalagahan
buhay.
Sa Sarili
ang
Tao ang gumagawa
ng kanyang
kapalaran.
Sa Isang
Indibidwal
Pakikibaka sa buhay
Ang pagsisisi’y laging
nasa huli.
Sa
Kalahatan
Maging matatag sa
mga pagsubok sa
buhay.
Ang tao ‘y di likas na
masama.
Magbago hangga’t
may pagkakataon pa.
Pangkat 5 at 6 : Pagsusuring Pampanitikan
1. Pagsusuri sa tula batay sa teoryang humanismo.
2. Pagrerebyu sa karakter/persona (Character Mapping)
•
Sino ang persona o nagsasalita sa tula?
•
Ilahad ang mga positibong katangian niya
•
Magbigay ng mga patunay
C. Pagbabahaginan ng bawat pangkat.
D. Pagbabahagi sa klase (Pangkatang Output).
E. Pagbibigay ng feedback ng iba pang mag-aaral at ang guro.
6
6. F. Pagbubuo ng sintesis batay sa :
CHARACTER MAPPING
Di pa huli ang lahat
May tiwala sa sarili
Di nawala
ang pagasa
May
Pananalig
sa Diyos
Awtor
matatag
Marunong tumanggap sa
pagkakamali
Nagsisi siya
IV.
EVALWASYON
7
Nagsikap na
buhayin ang
sarili nang
siya’y naulila
7. PAGPAPAHALAGA SA AKDA
IKATLONG ARAW
Panimulang Gawain
Pagganyak : Pagbibigay ng pansin sa akdang LUHA at sa nais
sabihin nito sa katauhan ng isang tao. Sundin ang tsart.
KATAUHAN / KATANGIAN
PATUNAY SA AKDA
a. Pagmamahal ng mga magulang
sa mga anak / pagbibigay
pangaral sa mga anak.
b. Matutong tumayo sa sariling paa
c. Magsisi’t magbago
B. Pangkatang Gawain
Pagpapakita ng Pakikisangkot
Pangkat 1 : Paghahanap sa karanasan sa akda na may tiyak na
kaugnayan sa pansariling karanasan.
Pangkat 2 : Pagtukoy / Pagpapatunay sa mga bahaging
nagpapakita ng :
a. kagandahan ng tula
b. kagalingan ng tula
c. kahulugan ng tula
8
8. Kagandahan ng Tula
Kagalingan ng Tula
Mga Patunay
Mga Patunay
Kabuluhan ng Tula
Mga Patunay
Pangkat 3 at 4: Pagpapakita ng Paghahambing
Paghahambing ng akda sa katulad na genre (uri ng panitikan) na
natalakay na batay sa : (Venn Diagram)
a. aral
b. mensahe
c. kaisipan
9
9. PAGKAKAIBA
PAGKAKATULAD
-Maging mabuting
anak
Aral
Mensahe
Kaisipan
PAGKAKAIBA
Aral
-Ang buhay ay
pakikipagtunggali
Parehong
Tula
-Ang pagsisisi’y
laging nasa huli
Mensahe
Kaisipan
Pangkat 5 at 6 : Pagpapakita ng Pagtataya
Paglalahad sa mga paraan kung paano naging makabuluhan ang
buhay. (Semantic Mapping)
MGA PARAAN PARA MAGING MAKABULUHAN ANG BUHAY
C. Pagbabahaginan sa pangkat.
D. Pagbabahagi sa klase ng pangkatang output.
A. Pagkuha/pagbibigay ng feedback ng mga kamag-aral at guro.
F. Pagbubuo ng sintesis ng talakayan.
IV. PAGPAPALAWAK NG KARANASAN
10
10. PAGLIKHA
IKAAPAT NA ARAW
A. Panimulang Gawain
Mungkahing Istratehiya : Sabayang Pagbasa sa Tula
Pagsusuri sa:
•
sukat
•
tugma
•
matatalinhagang salita
B. Pagtalakay/Pagbibigay ng karagdagang kaalaman o halimbawa ng
mga salik ng tula; mga tulang may sukat na lalabindalawahin,
lalabing-animin, lalabingwaluhin, may tugmang ganap at tugmang
di-ganap at mga tayutay.
Mga Halimbawa :
Mula sa – Sa Aking Mga Kababata ni Jose Rizal
Kapagka ang baya’y sadyang umiibig
Sa kanyang salitang kaloob ng langit
Sanglang kalayaan nasa ring masapit
Katulad ng ibong nasa himpapawid.
Mula sa – Akat ng Buhay ni Inigo Ed. Regalado
Pakinggan mo aking Bunso itong sasabihin
Na sa aking katandaa’y parang huling tagubilin
Sa puso mo ay ingatan at sa diwa’y kandiliin
Balang - araw ay tutubu’t parang utang na sisingilin.
Mula sa – Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal
Paalam na mutyang tinubuang lupang minahal ng araw
Ligayang naglaho at Perlas ng Dagat ng kasilanganan
Nasayang sa iyo’y dulot ko ang aking aba’t lantang buhay
Gaano man kaningning, gaano man kaganda at
kasariwa
11
11. Idudulot ko rin kung dahil sa iyong ikatitiwasay.
C. Pagpapasulat ng maikling tula batay sa tiyak na pamantayan.
1. tatlong saknong lamang
2. tig-aapat na taludtod bawat saknong
3. ang sukat ay tig-wawalong pantig ang sukat
4. ang tugma ay magkakapareho
D. Pagpapabasa ng ilang pasimula.
E. Pagkuha ng feedback mula sa mga mag-aaral.
F. Pagbibigay-linaw ng guro sa mga napasimulang gawain.
G. Pagpapatukoy sa pagsulat bilang gawaing-bahay.
PAGPAPAHALAGA SA ISINULAT
IKALIMANG ARAW
A. Panimulang Gawain
1. Pagpaparinig sa awiting “ANAK” ni Freddie Aguilar. Habang
nakikinig, ipabasa ang isinulat.
B. Pagbibigayin ng guro ng reaksyon ang mga mag-aaral kung ano
ang kanilang nadama habang isinusulat ang tula.
C. Pagpapalitan ng isinulat na tula. (Ipababasa sa kapareha).
D. Pagbibigayin ng ng reaksyon ang bawat pareha. Iparinig sa klase
ang ilang reaksyon.
E. Pagkuha ng feedback sa mga nakinig.
•
Tungkol sa kawastuhan ng isinulat.
•
Tungkol sa kagandahan
12
12. •
Mungkahi
F. Pagbibigay ng guro feedback sa mga narinig.
•
Kawastuhan batay sa istandard
•
Kagandahang aystetik
G. Pagbibigay ng faynal input ng guro tungkol sa aralin.
13