A R A L I N G 4
B U K A S A N G I S I P K O , M A G - A A R A L A K O !
P A G K A B U K A S I S I P A N ( O P E N - M I N D E D N E S S )
DAY 1
QUARTER 1 WEEK 4
Alamin Natin
Ano ang nais mo paglaki
mo? Ikaw ba ay isang
batang nangangarap na
maging isang matagumpay
na tao balang araw, may
malaking bahay at sariling
sasakyan at nalilibot ang
iba’t-ibang bahagi ng
mundo?
Suriin ang ipinahahayag ng mga nasa larawan.
Ano ang mga pagkakaiba ng dalawang larawan?
Ikaw bilang isang bata, aling larawan ang nais mong maging ikaw?
Ano ba ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang batang katulad mo?
Ano ang mga mabuting epekto ng edukasyon sa tao?
CROSSROADS
Sagutan ang tanong na nasa loob ng kahon.
Isulat ang iyong sagot sa kahon ng INITIAL
na kaalaman.
Paano mo maipakikita ang kawilihan at
positibong saloobin sa pag-aaral sa
pamamagitan ng paggawa ng proyekto,
paggawa ng takdang aralin at
pagtuturo sa iba?
Takdang Aralin
Sagutan ang bawat katanungan sa kahon
sa loob ng pyramid.
Saan ginagamit ang
keyboard
Ano ang kahalagahan ng isang
keyboard sa isang mag-aaral
na tulad mo ?
BUIIN MO AKO
Gawain 1
Ako ay isang Keyboard………kaya lamang,
nagkahiwa-hiwalay ang mga bahagi ng aking
katawan….maaari mo ba akong buiin?
Mga kagamitan:
1.Mga letra,numero at iba pang bahagi ng keyboard
2.Pandikit
3.Illustration board
4.Mga aklat na maaaring pagkunan ng larawan ng
isang keyboard.
Gawain 2
Batay sa ibinigay na Takdang Aralin sa unang
araw, talakayin ang kahalagahan ng isang keyboard sa
isang mag-aaral.
Lagyan ng marka ang mga kasagutan sa
pamamagitan ng pagbilog sa mga mukha sa karatig
na kahon.
BAITANG-BAITANG
Sagutan ang bawat katanungan sa kahon sa
loob ng pyramid.
Iguhit ang larawan ng
keyboard
San ginagamit ang keybaord
Ano ang kahalagahan ng isang keyboard
sa isang mag-aaral na katulad mo?
Gawain 3
Round-Robing
Bumuo ng tatlong pangkat
Isagawa ang ituro sa iba
Ang leader ng bawat pangkat ang magtuturo
kung paano ang pagbuo ng isang keyboard
siguraduhin na ang lahat ng miyembro ay may
ginagawa.
Matapos mabuo nila ang kanilang keyboard
ituturo ng leader ang mga impormasyon
nakatala sa metacards na ibibigay ng guro.
Matapos mabuo ang kanilang keyboard
gumawa ng out put ilagay sa kanilang
refleksyon folder ang kanilang natutunan sa
paggagawa ng keyboard at mga
impormasyon kanilang natutunan.
Isapuso Natin
Kaya mo,kaya ko,kaya natin
Basahin ang mga susmusunod na
sitwasyon na nagsasaad ng mga
hindi mabubuting saloobin sa
pag-aaral. Iwasto ang mga sitwasyon batay sa inyong
pang-unawa. Gumupit ng puso at ilagay sa loob ng
puso ang iyong gagawin sa bawat sitwasyon idikit sa
isang malinis na papel. Gawin kaaya –aya ang iyong
presentasyon ng iyong gawain.Maaring magdikit ng
isang larawan ng tao sa gitna bilang iyong simbulo.
1.Pumasok sa paaralan si Alma na
hindi naligo at madumi ang
uniporme. Tanghali na kasi siyang
nagising at mahuhuli na siya sa klase
kung siya ay maliligo pa.
2.Maingay ang klase ni Mr. Cruz sa
kadahilanang agaran siyang
ipinatawag ng punongguro upang
kausapin. Nag-iwan siya ng Gawain
at inatasan si Julio na mangasiwa
muna sa mga kamag-aral at
magpatahimik. Subalit siya ang
pasimuno sa pag-iingay.
3.Nagbigay ng takdang-aralin ang
guro na si Bb. Raga tungkol sa
pangangalap ng impormasyon sa
malimit na pagbaha sa lugar nina
Margo. Kinakailangan nilang
kausapin ang mga taong may
kaugnayan dito. Subalit tinatamad si
Margo dahil may usapan sila ng
kanyang mga kaibigan na pupunta sa
parke .
4.Nagkaroon ng pangkatang Gawain
sa klase ni Gng. Bala. Inatasan ng
guro na maging lider ang isang
kagrupo ni Tanya. Nawalan ng gana
sa Gawain si Tanya dahil inaasahan
nya na siya ang magiging lider dahil
alam nya na mas magaling siya kesa
sa kaklase. Kaya imbes na makiisa sa
Gawain, hindi siya tumutulong at
kinukwento pa niya ang katabi.
5.Inatasan siya ng kanilang guro na
turuan ang isa nilang kaklase na
nahihirapang maintindihan ang
isang paksa sa Science. Tumalikod
siya at bumulong, “Bakit ako ang
magtuturo? Hindi naman ako ang
guro….at isa pa ito…hindi nakikinig
tapos magpapaturo…kainis..”
Tandaan Natin
Ang edukasyon ay sandata natin sa
pagharap sa buhay. At bilang mag-aaral,
mahalaga na malaman ninyo ang mga
maaaring maging epekto ng mabubuti
at di-mabubuting saloobin sa pag-aaral.
Mahalagang malaman ninyo na sa araw-araw
na pagpasok ninyo sa paaralan kayo ay hinuhubog at
inihahanda sa isang magandang kinabukasan. Lagi ninyong
pakatandaan na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Ikaw,
bilang isang mag-aaral ay maaaring maging isang
instrumento upang magkaroon ng pagbabago ng takbo sa
inyong lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
bansa.
Gumawa ng repleksyon gamit ang crossroad kung
paano ipapakita ang pagkakaroon ng posibong
saloobin sa pag-aaral at ang magiging kaugnayan
nito sa iyong buhay.Sagutin ang mga tanong sa loob
ng box.
Sa iyong repleksyon folder
ilarawan mo ang iyong sarili
na ipinakikita mo na natupad
mo ang iyong mga pangarap.
Ngayon alam mo na ang mga dapat
mong gawin upang maging positibo sa
iyong pag-aaral gumawa ng pangako sa
iyong sarili upang gawin mong gabay .
Ako si ___________________________ ay nangangako at naniniwalang
mahalagang pag-
Iisipan at susuriin ang mga impormasyong nababasa, naririnig, at
napapanood mula sa
Iba’t-ibang media at ilang makabagong teknolohiya upang hindi ito magdulot
ng masamang
epekto sa aking sarili, lalo’t higit sa aking pamilya. Ilalayo ko ang aking mga
mata sa tukso
ng malalaswang panoorin, gayundin sa mga larong maaring makpinsala sa akin.
Magiging
modelo ako sa tamang paggamit ng mga impormasyong ito upang
maitaguyod ang
katotohanan para sa pagkakaroon ng maayos na pamayanan.
Gabayan nawa ako ng Panginoon.
Ako si ___________________________
ay nangangako at naniniwalang matutupad ko
ang aking mga pangarap .At para magawa ko
yong sisikapin kong magkaroon ng -
positibong pananaw sa aking pag-
aaral.Magiging gabay ko ang aking mga
natutunan kaalaman at sisikapin kong
maibahagi ito sa iba upang maging produktibo
ako .
Gabayan nawa ako ng Panginoon.