1. 1.Para sa mga pinuno ng Simbahan: nawa’y
manatili silang tapat sa kanilang
pagpapahayag sa walang hanggang awa ng
Diyos para sa kanyang sambayanan.
Manalangin T.
2.Para sa mga pinuno ng bayan: nawa’y
katulad ng mga apostol, gabayan nila ang
mga mamamayan tungo sa pagtataguyod ng
kapayapaan, kaunlaran at pagkakaisa.
Manala.T.
3.Para sa mga may takot at pag-aalinlangan:
mapatatag nawa sila ng kapayapaan ni Kristo
upang harapin ang mga pagsubok nang may
panatag na kalooban. Manalangin T.
4.Maging bukas nawa ang bawat kristiyano sa
mga biyaya ng kaligtasan na patuloy na
inihahandog ni Hesus sa sangkatauhan.
Manalangin T.
5.Para sa lahat ng natitipon dito: bumuo nawa
kami ng mga pamayanang tunay na
nananalangin at nagtataguyod ng kapayapaan
at pagkakaisa. Manalangin T.