Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Ang Siyentipikong Rebolusyon at ang Englightenment

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 28 Anzeige

Ang Siyentipikong Rebolusyon at ang Englightenment

Herunterladen, um offline zu lesen

Pag-uumpisa ng panahon ng siyentipikong rebolusyon sa Europa at ang epekto nito sa sanlibutan at ang resulta nito sa pagkakaroon ng kaliwanagan sa sandaigdigan - ang Enlightenment

Pag-uumpisa ng panahon ng siyentipikong rebolusyon sa Europa at ang epekto nito sa sanlibutan at ang resulta nito sa pagkakaroon ng kaliwanagan sa sandaigdigan - ang Enlightenment

Anzeige
Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Ang Siyentipikong Rebolusyon at ang Englightenment (20)

Anzeige

Weitere von ria de los santos (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

Ang Siyentipikong Rebolusyon at ang Englightenment

  1. 1. wf Kasaysayan ng Daigdig 8 Bb. Ria de los Santos
  2. 2. Takdang Aralin Blg. 4 Character Potrayal: pumili ng isang tanyag na tauhan mula sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment at isagawa ang mga sumusunod: • Ilahad ang kanyang naging ambag sa panahon na iyon • Epekto/impluwensiya ng kanyang ambag sa kasalukuyang panahon. • Ilagay ito sa isang short bondpaper. Sanggunian: pahina 268-278
  3. 3. MAHALAGANG TANONG: Paano nakaapekto sa buhay ng mga mamamayan sa iba’t ibang panig ng mundo ang pananakop ng mga Europeo sa iba’t ibang lupain?
  4. 4. SCIENTIFIC METHOD - Sistematikong pagtitipon ng mga datos at pagsuri ng mga ideya. ENLIGHTENMENT - “Age of Reasoning” HELIOCENTRIC - Ang sentro ng daigdig ay ang araw
  5. 5. Sino sa inyo ang gustong kumuha sa kolehiyo ng degree na B.S.? Anong kurso at bakit? Ano ang pagkakaiba ng BS sa BA? BS AB
  6. 6. Matututunan ng mga mag-aaral ang… • Kaganapan at Epekto ng Enlightenment pati ng Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal. Malilinang ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng…. • Nasusuri ang kaganapan at epekto ng Enlightenment pati ng Rebolusyong Siyentipiko at Industriyal.
  7. 7. KWLH Chart” tungkol sa pagbuo ng kaalaman sa Europa K W L H Ano ang alam ko? Ano ang gusto kong malaman? Ano ang bago kong natutunan? Paano ko maisasagawa ang aking natutunan?
  8. 8. PANGKATANG GAWAIN 1. Bumuo ng isang tree chart ukol sa pagsasanga-sanga ng pag-unlad ng agham, sining at politikang Europeo noong panahon ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment. 2. Maikling dulaan tungkol sa mga naging epekto ng pagsibol ng Rebolusyong Siyentipiko at ang epekto nito sa kasalukuyang panahon 3. Pagbuo ng timeline ukol sa pag-unlad ng astronomiya gabay ang tanging lathalain. Sanggunian: pahina 268-278
  9. 9. Mga Pinaniniwalaan ng Europeo sa Gitnang Panahon • Ang daigdig ang sentro ng sansinukob • Hindi gumagalaw ang daigdig • Ang mga heavenly body ay bilog at napalilibutan ng liwanag • Gumagalaw ang lahat ng heavenly bodies paikot sa daigdig • Sa labas ng kalawakan matatagpuan ang kalangitan na tirahan ng Diyos at ng mga kaluluwang nagkamit ng kaligtasan
  10. 10. Galileo Galilei JOHANNES KEPLER NICOLAUS COPERNICUS
  11. 11. NICOLAUS COPERNICUS • May-akda ng “On the revolution of the Heavenly Spheres.” JOHANNES KEPLER • May teoryang “Three Laws of Planetary Motion” GALILEO GALILEI • May-akda ng “The starry Messenger” at “Dialogue Concerning the Two Chief World Systems.” Pinanigan ang teorya ni Copernicus at kinalaban ang teorya ni Ptolemy. • Nakaimbento ng teleskopyo noong 1609 na ginamit sa pag-aaral ng kalangitan.
  12. 12. • Noong 1633, ipinatawag si Galileo Galilei ni Pope Urban VIII upang kaharapin ang paglilitis sa Inquisition. • Napilitan siyang bawiin ang kanyang mga pahayag at nanumpang tatalikuran ang kaisipan ni Copernicus dahil sa takot na parusahan at pahirapan. • Pagkaraan ng paglilitis, nanatili siya sa Florence at ipinagpatuloy ang pagsusulat ng kanyang mga pag-aaral hanggang sa kanyang kamatayan sa edad na 78
  13. 13. Si Newton at ang Gravity • Isang English mathematician at propesor. • Naglathala ng Mathematical Principles of Natural Philosophy (Principia) • Ipinaliwanag na kaya nanatli ang mga heavenly bodies sa kanilang orbit ay dahil sa naghihilahan ang gravity ng araw at iba pang heavenly body sa isa’t isa.
  14. 14. Ang scientific method Pagtukoy sa Suliranin Paggawa ng Hypothesis Pagsusuri sa Hypothesis Pagsusuri ng datos Pagbuo ng Konklusyon
  15. 15. DALAWANG PILOSOPONG SUMUPORTA SA SCIENTIFIC METTHOD
  16. 16. FRANCIS BACON Sa pag-unawa sa daigdig, makapagkakamit ang tao ng kaalaman na para sa ikabubuti din ng tao RENE DESCARTES Pinaunlad ang analytical geometry at ang paggamit ng Cartesian plane Naging tanyag sa pahayag na “I think, Therefore, I am” SUMUPORTA SA SCIENTIFIC METHOD
  17. 17. REBOLUSYON SA DAIGDIG NG AGHAM Sa Anatomy… MGA SIYENTIPIKO MGA PAG-AARAL ANDREAS VESALIUS • Hindi tinaggap ang pag-aaral ni Galen • Nagdisect ng labi ng tao para pag-aralan ito • Inilathala ang On the Fabric of the Human Body • Pinasinungalingan ang katha nii Galen na galling sa atay ang dugo WILLIAM HARVEY • Inakda ang On the Motion of the Heart and Blood ROBERT HOOKE • Inilathala ang Micrographia at isnaad ang pagkakatuklas ng cell gamit ang kanyang imbensyong microscope
  18. 18. REBOLUSYON SA DAIGDIG NG AGHAM Sa Chemistry… MGA SIYENTIPIKO MGA PAG-AARAL ROBERT BOYLE • Tinaguriang “Ama ng Modernong Chemistry” • Hinamon ang teorya ni Aristotle na binubuo ang pisikal na daigdig ng apat na elemento. JOSEPH PRIESTLY • Nakatuklas ng chemical element na oxygen ANTOINE LAURENT LAVOISIER • Tinaguriang “Tagapagtatag ng Modernong Chemistry” • Inilarawan ang kalikasan ng combustion bilang kombinasyon ng mga sangkap na maaring magliyab at ng hangin – particular ng oxygen.
  19. 19. Sa Pamahalaan JohnLocke • May kakayahan ang tao na matuto base sa kanyang karanasan sa buhay • Sa uri ng pamahalaan, ipinanukala niya ang nagsasariling pamahalaan ThomasHobbes • Ang tao ay likas na makasarili at masama. • Higit na mahalaga ang kaayusan kaysa sa karapatan ng tao • Ang pamahalaan ay dapat may matibay na batas
  20. 20. MGA NALIWANAGANG PRANSES AMBAG BARON DE MONTESQUIEU • Separation o Powers – tagapagpaganap, tagapagbatas at tagahukom na tinawag din na Checks and Balance FRANCOIS MARIE D’ AROUET (Voltaire) • Binatikos ang pamahalaan, mga mahaharlika, alagad ng batas at simbahan. JEAN JACQUES ROUSSEAU • Likas na mabuti ang tao, sadyang naimpluwensyahan lamang ito. • Itinaguyod ang Social Contract Theory upnag bumuo ng pamahalaan at lipunan.
  21. 21. Sa Kababaihan MaryAstell • May-akda ng A Serious Proposal to the Ladies. Tinuligsa niya ang hindi pagkakaroon ng pantay na karapatan sa mag- asawang lalaki at babae. MaryWollstonecraft • May-akda ng A Vindication on the Rights of Women. • Iginiit niyang kailangan ng edukasyon ng mga kababaihan.
  22. 22. Ilan sa mga Monarkong Naliwanagan MONARKO ILANG AMBAG/REPORMA Frederick II ng Prussia (1740-1786) • “Unang Tagapaglingkod ng Estado” • Nagpatupad ng reporma sa kalayaan sa pananampalataya Maria Theresa ng Austria (1740-1780) • Sinubukang itaguyod ang karapatan ng mga serf mula sa panginoong maylupa • Nagtatag ng paaralang elementarya Catherine the Great ng Russia (1762-1796) • Nagmungkahing tibagin ang parusang pagpapahirap at pagpaparusa Joseph II ng Holy Roman Empire (1780-1790) • Nilimitahan ang mga pribelehiyo ng mahaharlika • Ipinatupad ang kalayaan sa pananampalataya at pamamahayag.
  23. 23. Roma 12:2 “Huwag kayong umayon sa sa takbo ng mundong ito. Mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos kung ano ang mabuti, nakalulugod sa kanya at talagang ganap.”
  24. 24. Makabuluhang Takdang Aralin: Isulat at sagutan ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang Rebolusyong Amerikano? Bakit naghimagsik ang 13 kolonya? 2. Ano ang Boston Tea Party? 3. Bakit tinutulan ng mga kolonya ang parusang ipinataw sa Boston ng Great Britain? Sanggunian: Pahina 287-290

×