Ict4 modyul2.1

R

EPP 4 ICT

EDUKASYONG
PANTAHANAN AT
PANGKABUHAYAN
4
INFORMATION AND
COMMUNICATION TECHNOLOGY
RENE F. ESTRERA
QUARTER 1
Modyul 2
1
ICT Competencies
1.1 naipaliliwanag ang mga panuntunan sa
paggamit ng computer, Internet, at email
1.2 natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga
dikanais- nais na mga software (virus at
malware), mga nilalaman, at mga pag-asal sa
Internet
1.3 nagagamit ang computer, Internet, at email sa
ligtas at responsableng pamamaraan
1.4 naipaliliwanag ang kaalaman sa paggamit ng
computer at Internet bilang mapagkukunan ng
iba’t- ibang uri ng impormasyon
2 WEEKS
2
LIGTAS AT RESPONSABLING PAGGAMIT
NG COMPUTER, INTERNET, AT EMAIL
Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang
paggamit ng kagamitan at pasilidad sa Information and
Communication Technology (ICT) katulad ng computer,
email, at internet. Kailangang mahusay na mapag-aralan
ang mga gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng
computer, internet, at email sa paaralan.
1. Nabibigyang-kahulugan ang ICT at ang kahalagahan nito
2. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng
computer, internet, at email
3. Nakakabuo ng mga patakaran na dapat sundin sa ligtas
at responsableng paggamit ng computer, internet, at email
KAYA MO NA BA?
Bago simulan ang gawain, subukin mong gawin ang
sumusunod. Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up
icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung
HINDI.
3
NILALAMAN:
LAYUNIN:
ALAMIN NATIN
1. Ano-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa
bahay, paaralan, at mga lugar-pasyalan na produkto ng
makabagong teknolohiya?
2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga
kagamitang ito? Bakit?
Tumutukoy ang Information Technology sa mga
pamamaraan, kasangkapan, at teknolohiya na tumutulong
sa mga tao upang makakuha ng impormasyon, maproseso
ito, maitago, at maibahagi. Itinuturing din itong Sining at
Agham ng pagtatala (recording), pag-iingat (storage),
pagsasaayos (organizing) pakikipagpalitan
(exchange), at pagpapalaganap ng impormasyon
(information dissemination).
Kasiya-siyang gawain ang paggamit ng computer,
internet, at email.
Ngunit, may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito.
Ang ilan sa mga ito ay:
Exposure o pagkalantad ng mga di-naaangkop na
materyales.
o Maaari kang makakita ng materyales na tahasang
seksuwal, marahas, at ipinagbabawal o ilegal.
4
Viruses, Adware, at Spyware
o Maaaring makakuha ng mga virus sa paggamit ng
Internet na maaaring makapinsala sa mga files at memory
ng computer at makasira sa maayos nitong paggana.
Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying
o Maaari ka ring makaranas ng cyber bullying o malagay
sa peligro dahil sa pakikipagugnayan sa mga hindi kakilala.
• Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft
o Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay
gamitin ng ibang tao sa paggawa ng krimen. Maaaring ding
makuha ang impormasyon na hindi mo nalalaman o
binibigyang pahintulot. Ito ang tinatawag na identity theft o
fraud.
5
Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa
paggamit ng computer, internet, at email ay ang
sumusunod:
Tiyakin/Itakda kung aling websites ang maaaring
bisitahin,at kung gaano katagal maaaring gumamit ng
kompyuter, internet, at email.
Magpa-install o magpalagay ng internet content filter.
Magagamit ito upang ang mga kapaki-pakinabang na
nilalaman lamang ang matitingnan at maida-download
gamit ang internet.
Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibagan
sa online. Sundin ang tamang panuntunang itinakda sa
paggamit ng mga social networking, instant messaging,
email, online gaming, at webcam.
6
Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para sa
Ligtas na Paggamit ng Internet
Magkaroon ng malinaw na patakaran ang
paaralan sa paggamit ng kompyuter,
Internet, at email.
Ang pasilidad ng Internet ay para sa layuning pang-
edukasyon lamang. I-access o buksan ang Internet
sa pahintulot ng guro. Bisitahin lamang ang mga
aprobadong sites sa Internet.
Ipinagbabawal ang paggamit ng chat rooms
na maaaring magdulot ng sa mag-aaral.
Ipagbawal ang pagdadala ng anumang
pagkain o inumin sa loob ng computer
laboratory.
Ingatan lahat ng kagamitan sa loob ng computer
laboratory. Sundin ang mga direksyon ng guro
tungkol sa tamang paggamit ng anumang
kagamitan.
Gamitin lamang ang mga ligtas na search
engine sa internet. Halimbawa:
www.kidzui.com , www.kids.aol.com
www.surfnetkids.com
7
Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para sa
Ligtas na Paggamit ng Internet
Alamin ang pagkakaiba ng publiko at
pribadong impormasyon.
Huwag maglathala, magbigay o mamahagi ng
anumang personal na impormasyon tungkol sa iyo
o sa ibang tao (katulad ng tirahan, email address, o
telepono).
Pumili ng password na mahirap mahulaan,
at palitan ito kung kinakailangan.
Huwag ibigay ang password kaninuman (maliban
sa mga magulang) at siguraduhing nakalog-out ka bago
patayin o i-off ang kompyuter.
I-shut down ang koneksiyon ng internet kung tapos
nang gamitin ang mga ito. Huwag hayaang nakabukas
ang mga ito kapag hindi ginagamit.
8
TAMANG POSISYON SA PAGGAMIT NG
COMPUTER
9
SUBUKIN MO
A. Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M
naman kung mali.
______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at
pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga
ICT equipment at gadgets.
______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang
oras at araw.
______3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon
sa taong nakilala mo gamit ang Internet.
______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa
internet na hindi mo naiintindihan.
______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang
magawa ang output sa panahong liliban ka sa
klase.
B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat
isaalangalang sa paggamit ng computer.
1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong
gawin ay:
a. buksan ang computer, at maglaro ng online games
b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin
c. kumain at uminom
2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online
message,” ano ang dapat mong gawin?
a. Panatilihin itong isang lihim.
b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka
na niyang padalhan ng hindi naaangkop na mensahe.
c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang
Internet Service Provider.
10
3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa
mga ito ang dapat gawin?
a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras
na naisin ko.
b.Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang
instant messaging para makipag-ugnayan sa aking mga
kaibigan.
c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta
sa aprobado o mga pinayagang websites kung may
pahintulot ng guro.
4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad
ng mga numero ng telepono o address, dapat mong:
a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na
gawin ito.
b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong
websites tulad ng Facebook, upang makita ninuman.
c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online,
dahil hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan.
5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na
sa iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapat
mong gawin?
a. Huwag pansinin. Balewalain.
b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.
c. Ipaalam agad sa nakatatanda.
11
MGA PANGANIB NA DULOT NG MALWARE AT
COMPUTER VIRUS
NILALAMAN:
Malaki ang pakinabang sa atin ng paggamit ng
internet. Sa pag-aaral, nagagamit natin ito sa pagsasaliksik
ng mga impormasyon sa paksang-aralin. Nakakapagpalitan
tayo ng mga mensahe at nakakukuha ng mga larawan,
awitin, video, at iba pang bagay na nagagamit sa pag-
aaral. Subalit may panganib na kaakibat ang patuloy na
paggamit ng internet. Isa na rito ang pagkalat ng malware
at computer virus. Mahalagang malaman kung ano ang
mga ito. Paano kumakalat at paano ito maiiwasan.
LAYUNIN:
1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus
2. Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at
virus
3. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon
ng computer virus
4. Naiisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at
matatanggal ang malware at computer virus
12
ALAMIN NATIN
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Naranasan mo na bang magkasakit tulad ng sipon o ubo?
2. Paano mo ito nakuha? Nahawa ka lang ba?
3. Ano ang iyong pakiramdam nang magkaroon nito?
4. Paano ka gumaling sa iyong sakit?
5. Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng sipon at ubo?
Nagkakasakit din ang computer tulad ng tao. Kung
paanong nagkakasakit ang tao nang dahil sa virus, gayundin
ang computer. Tinatawag itong computer virus at malware.
13
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal at pagre-
restart ng iyong computer?
2. Ano ang ginawa mo nang maranasan mo ito?
3. Ano sa iyong palagay ang dahilan ng pagbagal at
pagrerestart ng iyong computer?
14
ANO ANG COMPUTER MALWARE?
Ang malware o malicious software ay idinisenyo
upang makasira ng computer. Sa pamamagitan ng malware,
maaaring ilegal na makuha ang sensitibong impormasyon
mula sa computer. Ang mga halimbawa ng malware ay
virus, worm, o trojan.
15
ILANG KARANIWANG URI NG MALWARE
• Program na nakapipinsala ng computer
atmaaaring magbura ng files at iba pa.
Masmatindi ito kaysa sa worm. Halimbawa
nitoay W32 SFCLMOD.
virus
• Isang nakapipinsalang program sa
computerna nagpapadala ng mga kopya
ng sarili nitosa ibang mga computer sa
pamamagitan ngisang network.
Halimbawa: W32
SillyFDCBBY,W32Trresba.
worm
• Malware na nangongolekta ng
impormasyon spyware mula sa mga tao
nang hindi nila alam.
spyware
• Software na awtimatikong nagpe-play,
nagpapakita, o nagda-download ng mga
anunsiyo o advertisement sa computer.
adware
• Malware na nagtatala ng lahat ng mga
pinindot sa keyboard keystrokes at
ipinadadala ang mga ito sa umaatake
upang magnakaw ng mga password at
personal na data ng mga biktima.
keyloggers
• Software na may kakayahang tumawag sa
mga telepono gamit ang computer kung
ang dial-up modem ang gamit na internet
connection.
dialers
• Isang mapanirang program na
nakukunwaring isang kapaki-pakinabang
na application ngunit pinipinsala ang iyong
computer. Nakukuha nito ang iyong
mahahalagang impormasyon pagkatapos
mo itong ma-install. Halimbawa: JS
Debeski Trojan.
trojan
horse
16
ANO ANG COMPUTER VIRUS?
Ang computer virus ay isang uri ng programa na
ginawa upang makapanira ng mga lehitimong aplikasyon
o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit
at nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong pumapasok sa
mga computer nang walang pahintulot mula sa
gumagamit o user.
Paano ba malalaman na ang isang kompyuter
ay may virus?
Basahin at pag-aralan ang ilang paraan sa pagtukoy
na may virus ang computer.
17
Punan ang diagram ng mga dahilan ng pagkakaroon
ng virus at malware sa computer. Isulat ito sa mga
pahabang piraso ng kartolina. Idikit ang mga pirasong ito sa
diagram.
GAWAIN A
Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Virus
at Malware sa Computer
1.
2.
3.
4.
5.
6.
18
GAWAIN B
Banggitin ang salitang “Puwede” kasabay ng thumbs
up na senyas kung ang pahayag ay mabuting gawin upang
maiwasan ang pagkakaroon ng computer virus/malware.
Sabihin naman ang “Di-puwede” kasabay ng thumbs down
na senyas kung hindi ito
nararapat gawin.
Pag-scan nang regular sa iyong kompyuter.
Paglalagay ng anti- virus na mapagkakatiwalaan
Panonood ng malalaswang palabas sa internet.
Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website.
Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o
mensahe nahindi alam ang pinanggalingan o hindi
kilala ang sender.
Pag-iwas sa pagbukas ng mga email o mensahe
na kahina-hinala.
19
TANDAAN NATIN
Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa
at virus sa kompyuter. Ang paglalagay ng anti-virus
software at regular na pag-i-iscan ng mga dokumento at
pagbubukas lamang ng websites na kapaki-pakinabang ay
malaking tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware
at virus sa ating kompyuter.
Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M kung
mali.
_____1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat-
lipat sa mga document o files sa loob ng computer.
_____2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan
namay virus ito.
_____3. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ng
impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila
nalalaman.
_____4. Ang malware ay anumang uri ng software na I
dinisenyo upang manira ng sistema ng computer.
_____5. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa
na nagkukunwaring isang kapakipakinabang na
aplikasyon. malware at virus sa computer. Ang
paglalagay ng antivirus software at regular na pag
iiscan ng mga dokumento at pagbubukas lamang
ng websites na kapakinabangan ay malaking
tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware
at virus sa ating computer.
SUBUKIN MO:
20
PANGANGALAP NG IMPORMASYON
GAMIT ANG ICT
Naranasan mo na bang magsaliksik o mangolekta ng
impormasyon? Bukod sa mga libro, magasin, diksiyonaryo,
at iba pa, maaari din tayong gumamit ng Information and
Communications Technology (ICT) para rito. Malaking
tulong ang internet sa pagsaliksik tungkol sa iba’t ibang
paksa. Makatutulong sa iyo ang kasalukuyang paksa upang
lubos na maunawaan ang konsepto ng computer, internet,
at ICT, at kung paano magagamit ang mga ito sa iyong
pananaliksik.
KAYA MO NA BA?
NILALAMAN:
LAYUNIN:
1. Naipaliliwanag ang kaalaman tungkol sa computer,
Internet, at ICT
2. Naiintindihan ang mga kapakinabangan ng ICT
3. Napahahalagahan ang ICT sa pangangalap ng
impormasyon
Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o
kasanayan? Tsekan () ang thumbs up icon kung taglay mo
na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.
21
ALAMIN NATIN
Kilalanin ang mga bagay na sumusunod. Paano
nakatutulongang mga ito sa atin?
Mga halimbawa ng ICT ang mga nasa larawan.
Bawat isa ay makatutulong sa atin upang mapabilis ang
pangangalap at pagproseso ng impormasyon at upang
maging mas malawak at mabilis ang komunikasyon.
22
Ano ang Computer, Internet, at
Information and Communications
Technology (ICT)?
Ang Computer, Internet, at ICT
Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa
atin sa pagproseso ng datos o impormasyon. Maaari itong
gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na
nasa anyong elektroniko o soft copy. May maliliit na
computer gaya ng personal computers, laptops, tablets, at
mayroon namang mainframe computers na ginagamit ng
malalaking kompanya.
Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa
ibang organisasyon, kompanya o ahensiya ng gobyerno, ay
maaaring naka-network. Ang mga computer networks na ito
ay maaaring magkakaugnay at bumubuo ng isang
pandaigdigang computer network. Ito ang tinatawag nating
internet – ang malawak na ugnayan ng mga computer
network sa buong mundo. Binubuo ang Internet ng
maraming networks na pampribado, pampubliko,
pangkomersiyo, pampaaralan, o pangpamahalaan.
23
Ang Information and Communications Technology
o ICT ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na
ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag-
imbak, lumikha, at magbahagi ng mga impormasyon. Ilan
sa halimbawa ng ICT ang radyo, telebisyon, smart
phones, computer, at internet.
Paano makatutulong ang mga makabagong
teknolohiyang ito sa pangangalap ng iba’t ibang uri ng
impormasyon?
Sa pangangalap ng impormasyon sa internet,
gumagamit tayo ng mga web browser gaya ng Internet
Explorer, Mozilla Firefox, at Google Chrome. Mga search
engine sites naman tulad ng Google o Yahoo ang
binabasa natin upang mas mapadali ang pangangalap ng
impormasyon. Kailangan lamang i-type ang mga salita o
keywords na tumutukoy sa paksang nais nating saliksikin
at ibibigay na sa atin ng search engine ang mga kawing o
links sa mga website na maaaring may kinalaman sa ating
sinasaliksik. Napakaraming uri ng impormasyong
maaaring makuha sa internet, gaya ng teksto, musika,
video, at animation.
24
MGA KAPAKINABANGAN NG ICT
1. Mas mabilis na komunikasyon – Ang mga mobile phone,
webcam, at instant messaging applications ay ilan lamang
sa produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at
mas malawak na komunikasyon.
2. Maraming trabaho – Nagbukas din ang ICT ng maraming
oportunidad para sa tao upang magkaroon ng hanapbuhay
tulad ng pagiging computer programmer, web designer,
graphic artist, encoder, at technician.
3. Maunlad na komersiyo – Malaki rin ang ginagampanan ng
ICT upang mas mapaunlad ang pangangalakal. Tinatawag
na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa
tulong ng internet.
25
4. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng
impormasyon – Ngayong tayo ay nasa Information
Age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong
pagsusuri at pangangalap ng makabuluhang
impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya.
TANDAAN NATIN
Nakatutulong sa ating pakikipag-ugnayan sa iba
ang ICT. Ang computer at internet, halimbawa, ay
naglalayong gawing mas mabilis at mas malawak ang
ating komunikasyon sa iba. Malaking tulong din ang ICT
sa pagsasaliksik. Pinadadali at pinabibilis ng computer
ang pagsaliksik at pagpoproseso ng mga impormasyon at
datos gamit ang mga software application. Ang internet,
dahil ito ay may malawak na sakop ng iba’t ibang uri ng
impormasyong maaring gamitin sa iyong aralin. Ito rin
ang maaaring paraan upang maibahagi sa iba ang iyong
ginawa.
GAWIN NATIN
Malikhaing Picture Collage
1. Bawat grupo ay kailangang magdala ng mga lumang diyaryo,
brochure, at magasin, pati na kartolina, gunting, at permanent
markers.
2. Gumawa ng picture collage na nagpapakita ng kahalagahan ng
ICT.
3. Ibahagi ang ginawa ng inyong grupo sa klase.
Sa pagbabahagi ng inyong gawain sa klase, gawing patnubay ang
sumusunod na katanungan:
Paano maipakikita ang kahalagahan ng ICT sa inyong picture
collage?
Paano tayo magiging mas magaling sa paggamit ng ICT?
26
SUBUKIN MO
Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong kuwaderno.
Hanay A Hanay B
1. electronic device na ginagamit upang mas
mabilis na makapagproseso ng datos o
impormasyon
2. isang malawak na ugnayan ng mga
computer network na maaaring gamitin ng
publiko sa buong mundo
3. tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya,
gaya ng radyo, telebisyon, telepono,
smartphones, computer, at internet
4. halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba
sa simpleng mobile phone na maaari ding
makatulong sa iyo sa pangangalap at
pagproseso ng impormasyon
5. napabilis ito sa tulong ng ICT
a. internet
b. computer
c. smartphone
d. ICT
e. komunikasyon
f. network
27
PAGYAMANIN NATIN
Magsulat Tayo!
Magsulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan
ng Teknolohiya sa Impormasyon at Komunikasyon o ICT
sa pangangalap ng mga makabuluhang impormasyon.
Panayam sa mga Gumagamit ng Computer
Bumisita sa isang computer shop o Internet café at
magsagawa ng isang maikling panayam sa ilang
kostumer. Humingi muna ng pahintulot sa kanila bago
simulan ang panayam. Gamitin ang sumusunod na
katanungan:
a. Ano ang madalas na dahilan kung bakit kailangan
mong pumunta sa computer shop?
b. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang computer at
internet? Bakit?
c. Paano mo tinitiyak na ligtas ka sa paggamit ng
computer at internet sa pangangalap ng mga
impormasyon?
Ibahagi sa klase ang resulta ng panayam.

Recomendados

Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus von
Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virusIct lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virus
Ict lesson epp 4 aralin 8 mga panganib na dulot ng malware at computer virusMary Ann Encinas
53.1K views17 Folien
Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict von
Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ictIct lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict
Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ictMary Ann Encinas
68.5K views13 Folien
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan von
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahanIct lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahan
Ict lesson epp 4 aralin 3 uri ng tindahanMary Ann Encinas
29.5K views15 Folien
Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet at Email von
Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet at EmailLigtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet at Email
Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet at EmailMarie Jaja Tan Roa
70.3K views20 Folien
PAGPAPAKATAO 6 Pagmamahal sa Katotohanan von
PAGPAPAKATAO 6 Pagmamahal sa KatotohananPAGPAPAKATAO 6 Pagmamahal sa Katotohanan
PAGPAPAKATAO 6 Pagmamahal sa KatotohananAnaMarieSpringael
3.5K views12 Folien
Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte... von
Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...
Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...Mary Ann Encinas
128.4K views23 Folien

Más contenido relacionado

Was ist angesagt?

Ict lesson epp 4 aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurship von
Ict lesson epp 4  aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurshipIct lesson epp 4  aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurship
Ict lesson epp 4 aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurshipMary Ann Encinas
29.9K views18 Folien
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 1 agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ... von
Grade 4  e.p.p. quarter 3 week 1  agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ...Grade 4  e.p.p. quarter 3 week 1  agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ...
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 1 agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ...Arnel Bautista
34K views19 Folien
Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sarili von
Grade 4  e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sariliGrade 4  e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sarili
Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sariliArnel Bautista
20.6K views19 Folien
Pag aani at pagsasapamilihan ng mga produkto von
Pag aani at pagsasapamilihan ng mga produktoPag aani at pagsasapamilihan ng mga produkto
Pag aani at pagsasapamilihan ng mga produkto'Maryjoy Elyneth Duguran
46K views7 Folien
Epp he aralin 19 von
Epp he aralin 19Epp he aralin 19
Epp he aralin 19EDITHA HONRADEZ
28.7K views23 Folien
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4) von
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)LiGhT ArOhL
104.4K views345 Folien

Was ist angesagt?(20)

Ict lesson epp 4 aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurship von Mary Ann Encinas
Ict lesson epp 4  aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurshipIct lesson epp 4  aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurship
Ict lesson epp 4 aralin 6 kahalagahan ng entrepreneurship
Mary Ann Encinas29.9K views
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 1 agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ... von Arnel Bautista
Grade 4  e.p.p. quarter 3 week 1  agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ...Grade 4  e.p.p. quarter 3 week 1  agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ...
Grade 4 e.p.p. quarter 3 week 1 agriculture aralin 2 pagsasagawa ng survey ...
Arnel Bautista34K views
Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sarili von Arnel Bautista
Grade 4  e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sariliGrade 4  e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sarili
Grade 4 e.p.p. quarter 2 aralin 1-h.e. tungkulin sa sarili
Arnel Bautista20.6K views
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4) von LiGhT ArOhL
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
K TO 12 GRADE 4 TEACHER’S GUIDE IN EPP (Q1-Q4)
LiGhT ArOhL104.4K views
EPP 5 AGRI - Paghahanda sa Lupang Pagtataniman von Camille Paula
EPP 5 AGRI - Paghahanda sa Lupang PagtatanimanEPP 5 AGRI - Paghahanda sa Lupang Pagtataniman
EPP 5 AGRI - Paghahanda sa Lupang Pagtataniman
Camille Paula36.9K views
TLE 6 Agriculture lesson 6 (1).pptx von Sharmain Corpuz
TLE 6 Agriculture lesson 6 (1).pptxTLE 6 Agriculture lesson 6 (1).pptx
TLE 6 Agriculture lesson 6 (1).pptx
Sharmain Corpuz3.3K views
Ict aralin 12 pangangalap at pagsasaayos ng impormasyong gamit ang ict von JOHNBERGIN MACARAEG
Ict aralin 12   pangangalap at pagsasaayos ng impormasyong gamit ang ictIct aralin 12   pangangalap at pagsasaayos ng impormasyong gamit ang ict
Ict aralin 12 pangangalap at pagsasaayos ng impormasyong gamit ang ict
JOHNBERGIN MACARAEG21.4K views
Grade 4 e.p.p quarter 3 week 4 von Arnel Bautista
Grade 4  e.p.p quarter 3 week 4Grade 4  e.p.p quarter 3 week 4
Grade 4 e.p.p quarter 3 week 4
Arnel Bautista106.5K views
Epp week 5 ligtas at responsableng paggamit ng ict von MICHELLE CABOT
Epp week 5 ligtas at responsableng paggamit ng ictEpp week 5 ligtas at responsableng paggamit ng ict
Epp week 5 ligtas at responsableng paggamit ng ict
MICHELLE CABOT7.4K views
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA von ShelloRollon1
PAGMAMALASAKIT SA KAPWAPAGMAMALASAKIT SA KAPWA
PAGMAMALASAKIT SA KAPWA
ShelloRollon11.6K views
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p... von EDITHA HONRADEZ
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat   ng mga karapatan   ng mamamayang p...
Yunit 4 aralin 4 mga tungkuling kaakibat ng mga karapatan ng mamamayang p...
EDITHA HONRADEZ69K views
Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict von Mary Ann Encinas
Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ictIct lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict
Ict lesson epp 4 aralin 9 pangangalap ng impormasyon gamit ang ict
Mary Ann Encinas10.6K views
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental von nottysylvia
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamentalEpp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
Epp agri aralin 1 pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental
nottysylvia58.8K views

Similar a Ict4 modyul2.1

Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte... von
Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...
Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...Mary Ann Encinas
11.1K views23 Folien
Learning about epp von
Learning about eppLearning about epp
Learning about eppMariko Toyama
752 views13 Folien
EPP ICT WEEK 1 - Copy.pptx von
EPP ICT WEEK 1 - Copy.pptxEPP ICT WEEK 1 - Copy.pptx
EPP ICT WEEK 1 - Copy.pptxJhengPantaleon
41 views49 Folien
Panuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptx von
Panuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptxPanuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptx
Panuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptxRizsajinHandig2
24 views24 Folien
EPP 4 ICT WEEK 2.pptx von
EPP 4 ICT WEEK 2.pptxEPP 4 ICT WEEK 2.pptx
EPP 4 ICT WEEK 2.pptxBalquedraQuivesRomme
108 views34 Folien
Monday july 6 july 10,2015 epp lp von
Monday                   july 6  july 10,2015 epp lpMonday                   july 6  july 10,2015 epp lp
Monday july 6 july 10,2015 epp lpEDITHA HONRADEZ
5.8K views9 Folien

Similar a Ict4 modyul2.1(18)

Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte... von Mary Ann Encinas
Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...
Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, inte...
Mary Ann Encinas11.1K views
Panuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptx von RizsajinHandig2
Panuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptxPanuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptx
Panuntunan sa Ligtas at Responsableng paggamit ng Computer.pptx
RizsajinHandig224 views
Monday july 6 july 10,2015 epp lp von EDITHA HONRADEZ
Monday                   july 6  july 10,2015 epp lpMonday                   july 6  july 10,2015 epp lp
Monday july 6 july 10,2015 epp lp
EDITHA HONRADEZ5.8K views
malwares-EPP.docx von ZennyArio
malwares-EPP.docxmalwares-EPP.docx
malwares-EPP.docx
ZennyArio73 views
Ict demo grade 4 von art bermoy
Ict demo grade 4Ict demo grade 4
Ict demo grade 4
art bermoy573 views
Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docx von AngelicaTaer
Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docxPanuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docx
Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docx
AngelicaTaer2 views
Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docx von AngelicaTaer
Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docxPanuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docx
Panuntunan sa Ligtas na Paggamit ng Computer.docx
AngelicaTaer6 views
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante von alrich0325
Epekto ng kompyuter sa mga estudyanteEpekto ng kompyuter sa mga estudyante
Epekto ng kompyuter sa mga estudyante
alrich0325105.4K views
Kamalayan sa Seguridad ng Mag-aaral sa kursong Computer Enginnering sa Rizal ... von florisa reserva
Kamalayan sa Seguridad ng Mag-aaral sa kursong Computer Enginnering sa Rizal ...Kamalayan sa Seguridad ng Mag-aaral sa kursong Computer Enginnering sa Rizal ...
Kamalayan sa Seguridad ng Mag-aaral sa kursong Computer Enginnering sa Rizal ...
florisa reserva361 views

Ict4 modyul2.1

  • 1. EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 4 INFORMATION AND COMMUNICATION TECHNOLOGY RENE F. ESTRERA QUARTER 1 Modyul 2 1
  • 2. ICT Competencies 1.1 naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, Internet, at email 1.2 natatalakay ang mga panganib na dulot ng mga dikanais- nais na mga software (virus at malware), mga nilalaman, at mga pag-asal sa Internet 1.3 nagagamit ang computer, Internet, at email sa ligtas at responsableng pamamaraan 1.4 naipaliliwanag ang kaalaman sa paggamit ng computer at Internet bilang mapagkukunan ng iba’t- ibang uri ng impormasyon 2 WEEKS 2
  • 3. LIGTAS AT RESPONSABLING PAGGAMIT NG COMPUTER, INTERNET, AT EMAIL Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang paggamit ng kagamitan at pasilidad sa Information and Communication Technology (ICT) katulad ng computer, email, at internet. Kailangang mahusay na mapag-aralan ang mga gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet, at email sa paaralan. 1. Nabibigyang-kahulugan ang ICT at ang kahalagahan nito 2. Naipaliliwanag ang mga panuntunan sa paggamit ng computer, internet, at email 3. Nakakabuo ng mga patakaran na dapat sundin sa ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet, at email KAYA MO NA BA? Bago simulan ang gawain, subukin mong gawin ang sumusunod. Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI. 3 NILALAMAN: LAYUNIN:
  • 4. ALAMIN NATIN 1. Ano-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan, at mga lugar-pasyalan na produkto ng makabagong teknolohiya? 2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito? Bakit? Tumutukoy ang Information Technology sa mga pamamaraan, kasangkapan, at teknolohiya na tumutulong sa mga tao upang makakuha ng impormasyon, maproseso ito, maitago, at maibahagi. Itinuturing din itong Sining at Agham ng pagtatala (recording), pag-iingat (storage), pagsasaayos (organizing) pakikipagpalitan (exchange), at pagpapalaganap ng impormasyon (information dissemination). Kasiya-siyang gawain ang paggamit ng computer, internet, at email. Ngunit, may kalakip na mga salik ang paggamit ng mga ito. Ang ilan sa mga ito ay: Exposure o pagkalantad ng mga di-naaangkop na materyales. o Maaari kang makakita ng materyales na tahasang seksuwal, marahas, at ipinagbabawal o ilegal. 4
  • 5. Viruses, Adware, at Spyware o Maaaring makakuha ng mga virus sa paggamit ng Internet na maaaring makapinsala sa mga files at memory ng computer at makasira sa maayos nitong paggana. Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying o Maaari ka ring makaranas ng cyber bullying o malagay sa peligro dahil sa pakikipagugnayan sa mga hindi kakilala. • Pagnanakaw ng Pagkakakilanlan o Identity Theft o Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay gamitin ng ibang tao sa paggawa ng krimen. Maaaring ding makuha ang impormasyon na hindi mo nalalaman o binibigyang pahintulot. Ito ang tinatawag na identity theft o fraud. 5
  • 6. Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng computer, internet, at email ay ang sumusunod: Tiyakin/Itakda kung aling websites ang maaaring bisitahin,at kung gaano katagal maaaring gumamit ng kompyuter, internet, at email. Magpa-install o magpalagay ng internet content filter. Magagamit ito upang ang mga kapaki-pakinabang na nilalaman lamang ang matitingnan at maida-download gamit ang internet. Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibagan sa online. Sundin ang tamang panuntunang itinakda sa paggamit ng mga social networking, instant messaging, email, online gaming, at webcam. 6
  • 7. Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para sa Ligtas na Paggamit ng Internet Magkaroon ng malinaw na patakaran ang paaralan sa paggamit ng kompyuter, Internet, at email. Ang pasilidad ng Internet ay para sa layuning pang- edukasyon lamang. I-access o buksan ang Internet sa pahintulot ng guro. Bisitahin lamang ang mga aprobadong sites sa Internet. Ipinagbabawal ang paggamit ng chat rooms na maaaring magdulot ng sa mag-aaral. Ipagbawal ang pagdadala ng anumang pagkain o inumin sa loob ng computer laboratory. Ingatan lahat ng kagamitan sa loob ng computer laboratory. Sundin ang mga direksyon ng guro tungkol sa tamang paggamit ng anumang kagamitan. Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet. Halimbawa: www.kidzui.com , www.kids.aol.com www.surfnetkids.com 7
  • 8. Ilang Bagay na Dapat Isaalang-alang Para sa Ligtas na Paggamit ng Internet Alamin ang pagkakaiba ng publiko at pribadong impormasyon. Huwag maglathala, magbigay o mamahagi ng anumang personal na impormasyon tungkol sa iyo o sa ibang tao (katulad ng tirahan, email address, o telepono). Pumili ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung kinakailangan. Huwag ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga magulang) at siguraduhing nakalog-out ka bago patayin o i-off ang kompyuter. I-shut down ang koneksiyon ng internet kung tapos nang gamitin ang mga ito. Huwag hayaang nakabukas ang mga ito kapag hindi ginagamit. 8
  • 9. TAMANG POSISYON SA PAGGAMIT NG COMPUTER 9
  • 10. SUBUKIN MO A. Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali. ______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga ICT equipment at gadgets. ______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw. ______3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang Internet. ______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan. ______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong liliban ka sa klase. B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalangalang sa paggamit ng computer. 1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay: a. buksan ang computer, at maglaro ng online games b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin c. kumain at uminom 2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong gawin? a. Panatilihin itong isang lihim. b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi naaangkop na mensahe. c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider. 10
  • 11. 3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin? a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko. b.Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan. c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpunta sa aprobado o mga pinayagang websites kung may pahintulot ng guro. 4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tulad ng mga numero ng telepono o address, dapat mong: a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang na gawin ito. b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikong websites tulad ng Facebook, upang makita ninuman. c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online, dahil hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan. 5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer na sa iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapat mong gawin? a. Huwag pansinin. Balewalain. b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan. c. Ipaalam agad sa nakatatanda. 11
  • 12. MGA PANGANIB NA DULOT NG MALWARE AT COMPUTER VIRUS NILALAMAN: Malaki ang pakinabang sa atin ng paggamit ng internet. Sa pag-aaral, nagagamit natin ito sa pagsasaliksik ng mga impormasyon sa paksang-aralin. Nakakapagpalitan tayo ng mga mensahe at nakakukuha ng mga larawan, awitin, video, at iba pang bagay na nagagamit sa pag- aaral. Subalit may panganib na kaakibat ang patuloy na paggamit ng internet. Isa na rito ang pagkalat ng malware at computer virus. Mahalagang malaman kung ano ang mga ito. Paano kumakalat at paano ito maiiwasan. LAYUNIN: 1. Nabibigyang kahulugan ang malware at computer virus 2. Natutukoy kung ang isang computer ay may malware at virus 3. Naipaliliwanag ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng computer virus 4. Naiisa-isa ang mga paraan kung paano maiwasan at matatanggal ang malware at computer virus 12
  • 13. ALAMIN NATIN Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Naranasan mo na bang magkasakit tulad ng sipon o ubo? 2. Paano mo ito nakuha? Nahawa ka lang ba? 3. Ano ang iyong pakiramdam nang magkaroon nito? 4. Paano ka gumaling sa iyong sakit? 5. Paano mo maiiwasan ang pagkakaroon ng sipon at ubo? Nagkakasakit din ang computer tulad ng tao. Kung paanong nagkakasakit ang tao nang dahil sa virus, gayundin ang computer. Tinatawag itong computer virus at malware. 13 Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Naranasan mo na ba ang biglang pagbagal at pagre- restart ng iyong computer? 2. Ano ang ginawa mo nang maranasan mo ito? 3. Ano sa iyong palagay ang dahilan ng pagbagal at pagrerestart ng iyong computer?
  • 14. 14 ANO ANG COMPUTER MALWARE? Ang malware o malicious software ay idinisenyo upang makasira ng computer. Sa pamamagitan ng malware, maaaring ilegal na makuha ang sensitibong impormasyon mula sa computer. Ang mga halimbawa ng malware ay virus, worm, o trojan.
  • 15. 15 ILANG KARANIWANG URI NG MALWARE • Program na nakapipinsala ng computer atmaaaring magbura ng files at iba pa. Masmatindi ito kaysa sa worm. Halimbawa nitoay W32 SFCLMOD. virus • Isang nakapipinsalang program sa computerna nagpapadala ng mga kopya ng sarili nitosa ibang mga computer sa pamamagitan ngisang network. Halimbawa: W32 SillyFDCBBY,W32Trresba. worm • Malware na nangongolekta ng impormasyon spyware mula sa mga tao nang hindi nila alam. spyware • Software na awtimatikong nagpe-play, nagpapakita, o nagda-download ng mga anunsiyo o advertisement sa computer. adware • Malware na nagtatala ng lahat ng mga pinindot sa keyboard keystrokes at ipinadadala ang mga ito sa umaatake upang magnakaw ng mga password at personal na data ng mga biktima. keyloggers • Software na may kakayahang tumawag sa mga telepono gamit ang computer kung ang dial-up modem ang gamit na internet connection. dialers • Isang mapanirang program na nakukunwaring isang kapaki-pakinabang na application ngunit pinipinsala ang iyong computer. Nakukuha nito ang iyong mahahalagang impormasyon pagkatapos mo itong ma-install. Halimbawa: JS Debeski Trojan. trojan horse
  • 16. 16 ANO ANG COMPUTER VIRUS? Ang computer virus ay isang uri ng programa na ginawa upang makapanira ng mga lehitimong aplikasyon o iba pang programa ng computer. Ito ay kusang umuulit at nagpaparami ng sarili. Karaniwan itong pumapasok sa mga computer nang walang pahintulot mula sa gumagamit o user. Paano ba malalaman na ang isang kompyuter ay may virus? Basahin at pag-aralan ang ilang paraan sa pagtukoy na may virus ang computer.
  • 17. 17 Punan ang diagram ng mga dahilan ng pagkakaroon ng virus at malware sa computer. Isulat ito sa mga pahabang piraso ng kartolina. Idikit ang mga pirasong ito sa diagram. GAWAIN A Mga Dahilan ng Pagkakaroon ng Virus at Malware sa Computer 1. 2. 3. 4. 5. 6.
  • 18. 18 GAWAIN B Banggitin ang salitang “Puwede” kasabay ng thumbs up na senyas kung ang pahayag ay mabuting gawin upang maiwasan ang pagkakaroon ng computer virus/malware. Sabihin naman ang “Di-puwede” kasabay ng thumbs down na senyas kung hindi ito nararapat gawin. Pag-scan nang regular sa iyong kompyuter. Paglalagay ng anti- virus na mapagkakatiwalaan Panonood ng malalaswang palabas sa internet. Pagrehistro sa mga kahina-hinalang website. Pagbubukas ng attachment galing sa isang email o mensahe nahindi alam ang pinanggalingan o hindi kilala ang sender. Pag-iwas sa pagbukas ng mga email o mensahe na kahina-hinala.
  • 19. 19 TANDAAN NATIN Mahalaga ang kaalaman at kasanayan tungkol sa at virus sa kompyuter. Ang paglalagay ng anti-virus software at regular na pag-i-iscan ng mga dokumento at pagbubukas lamang ng websites na kapaki-pakinabang ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware at virus sa ating kompyuter. Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M kung mali. _____1. Ang virus ay kusang dumarami at nagpapalipat- lipat sa mga document o files sa loob ng computer. _____2. Ang biglang pagbagal ng computer ay palatandaan namay virus ito. _____3. Ang worm ay isang malware na nangongolekta ng impormasyon mula sa mga tao nang hindi nila nalalaman. _____4. Ang malware ay anumang uri ng software na I dinisenyo upang manira ng sistema ng computer. _____5. Ang Trojan Horse ay isang mapanirang programa na nagkukunwaring isang kapakipakinabang na aplikasyon. malware at virus sa computer. Ang paglalagay ng antivirus software at regular na pag iiscan ng mga dokumento at pagbubukas lamang ng websites na kapakinabangan ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkalat ng malware at virus sa ating computer. SUBUKIN MO:
  • 20. 20 PANGANGALAP NG IMPORMASYON GAMIT ANG ICT Naranasan mo na bang magsaliksik o mangolekta ng impormasyon? Bukod sa mga libro, magasin, diksiyonaryo, at iba pa, maaari din tayong gumamit ng Information and Communications Technology (ICT) para rito. Malaking tulong ang internet sa pagsaliksik tungkol sa iba’t ibang paksa. Makatutulong sa iyo ang kasalukuyang paksa upang lubos na maunawaan ang konsepto ng computer, internet, at ICT, at kung paano magagamit ang mga ito sa iyong pananaliksik. KAYA MO NA BA? NILALAMAN: LAYUNIN: 1. Naipaliliwanag ang kaalaman tungkol sa computer, Internet, at ICT 2. Naiintindihan ang mga kapakinabangan ng ICT 3. Napahahalagahan ang ICT sa pangangalap ng impormasyon Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman o kasanayan? Tsekan () ang thumbs up icon kung taglay mo na ito o ang thumbs down icon kung hindi pa.
  • 21. 21 ALAMIN NATIN Kilalanin ang mga bagay na sumusunod. Paano nakatutulongang mga ito sa atin? Mga halimbawa ng ICT ang mga nasa larawan. Bawat isa ay makatutulong sa atin upang mapabilis ang pangangalap at pagproseso ng impormasyon at upang maging mas malawak at mabilis ang komunikasyon.
  • 22. 22 Ano ang Computer, Internet, at Information and Communications Technology (ICT)? Ang Computer, Internet, at ICT Ang computer ay isang kagamitang tumutulong sa atin sa pagproseso ng datos o impormasyon. Maaari itong gamitin bilang imbakan ng mahahalagang dokumento na nasa anyong elektroniko o soft copy. May maliliit na computer gaya ng personal computers, laptops, tablets, at mayroon namang mainframe computers na ginagamit ng malalaking kompanya. Ang mga computer sa inyong paaralan, maging sa ibang organisasyon, kompanya o ahensiya ng gobyerno, ay maaaring naka-network. Ang mga computer networks na ito ay maaaring magkakaugnay at bumubuo ng isang pandaigdigang computer network. Ito ang tinatawag nating internet – ang malawak na ugnayan ng mga computer network sa buong mundo. Binubuo ang Internet ng maraming networks na pampribado, pampubliko, pangkomersiyo, pampaaralan, o pangpamahalaan.
  • 23. 23 Ang Information and Communications Technology o ICT ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya na ginagamit sa komunikasyon upang magproseso, mag- imbak, lumikha, at magbahagi ng mga impormasyon. Ilan sa halimbawa ng ICT ang radyo, telebisyon, smart phones, computer, at internet. Paano makatutulong ang mga makabagong teknolohiyang ito sa pangangalap ng iba’t ibang uri ng impormasyon? Sa pangangalap ng impormasyon sa internet, gumagamit tayo ng mga web browser gaya ng Internet Explorer, Mozilla Firefox, at Google Chrome. Mga search engine sites naman tulad ng Google o Yahoo ang binabasa natin upang mas mapadali ang pangangalap ng impormasyon. Kailangan lamang i-type ang mga salita o keywords na tumutukoy sa paksang nais nating saliksikin at ibibigay na sa atin ng search engine ang mga kawing o links sa mga website na maaaring may kinalaman sa ating sinasaliksik. Napakaraming uri ng impormasyong maaaring makuha sa internet, gaya ng teksto, musika, video, at animation.
  • 24. 24 MGA KAPAKINABANGAN NG ICT 1. Mas mabilis na komunikasyon – Ang mga mobile phone, webcam, at instant messaging applications ay ilan lamang sa produktong ICT na tumutulong para sa mas mabilis at mas malawak na komunikasyon. 2. Maraming trabaho – Nagbukas din ang ICT ng maraming oportunidad para sa tao upang magkaroon ng hanapbuhay tulad ng pagiging computer programmer, web designer, graphic artist, encoder, at technician. 3. Maunlad na komersiyo – Malaki rin ang ginagampanan ng ICT upang mas mapaunlad ang pangangalakal. Tinatawag na e-commerce ang pagbebenta at pagbili ng kalakal sa tulong ng internet.
  • 25. 25 4. Pangangalap, pag-iimbak, at pagbabahagi ng impormasyon – Ngayong tayo ay nasa Information Age, isang mahalagang kasanayan ang matalinong pagsusuri at pangangalap ng makabuluhang impormasyon gamit ang makabagong teknolohiya. TANDAAN NATIN Nakatutulong sa ating pakikipag-ugnayan sa iba ang ICT. Ang computer at internet, halimbawa, ay naglalayong gawing mas mabilis at mas malawak ang ating komunikasyon sa iba. Malaking tulong din ang ICT sa pagsasaliksik. Pinadadali at pinabibilis ng computer ang pagsaliksik at pagpoproseso ng mga impormasyon at datos gamit ang mga software application. Ang internet, dahil ito ay may malawak na sakop ng iba’t ibang uri ng impormasyong maaring gamitin sa iyong aralin. Ito rin ang maaaring paraan upang maibahagi sa iba ang iyong ginawa. GAWIN NATIN Malikhaing Picture Collage 1. Bawat grupo ay kailangang magdala ng mga lumang diyaryo, brochure, at magasin, pati na kartolina, gunting, at permanent markers. 2. Gumawa ng picture collage na nagpapakita ng kahalagahan ng ICT. 3. Ibahagi ang ginawa ng inyong grupo sa klase. Sa pagbabahagi ng inyong gawain sa klase, gawing patnubay ang sumusunod na katanungan: Paano maipakikita ang kahalagahan ng ICT sa inyong picture collage? Paano tayo magiging mas magaling sa paggamit ng ICT?
  • 26. 26 SUBUKIN MO Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. Hanay A Hanay B 1. electronic device na ginagamit upang mas mabilis na makapagproseso ng datos o impormasyon 2. isang malawak na ugnayan ng mga computer network na maaaring gamitin ng publiko sa buong mundo 3. tumutukoy sa iba’t ibang uri ng teknolohiya, gaya ng radyo, telebisyon, telepono, smartphones, computer, at internet 4. halimbawa ng produkto ng ICT na kaiba sa simpleng mobile phone na maaari ding makatulong sa iyo sa pangangalap at pagproseso ng impormasyon 5. napabilis ito sa tulong ng ICT a. internet b. computer c. smartphone d. ICT e. komunikasyon f. network
  • 27. 27 PAGYAMANIN NATIN Magsulat Tayo! Magsulat ng maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng Teknolohiya sa Impormasyon at Komunikasyon o ICT sa pangangalap ng mga makabuluhang impormasyon. Panayam sa mga Gumagamit ng Computer Bumisita sa isang computer shop o Internet café at magsagawa ng isang maikling panayam sa ilang kostumer. Humingi muna ng pahintulot sa kanila bago simulan ang panayam. Gamitin ang sumusunod na katanungan: a. Ano ang madalas na dahilan kung bakit kailangan mong pumunta sa computer shop? b. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang computer at internet? Bakit? c. Paano mo tinitiyak na ligtas ka sa paggamit ng computer at internet sa pangangalap ng mga impormasyon? Ibahagi sa klase ang resulta ng panayam.