1. PAGSULAT NG ISKRIP NG
PROGRAMANG PANRADYO
-MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG ISKRIP/PORMAT NG ISKRIP
Grade 8- E, F, H, I
Inihanda ni:
REINA ANTONETTE P. FRANCO
Guro sa Filipino
2.
3. Komentaryong Panradyo
Ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor,
ZUMIX Radio; ito ay ang pagbibigay ng
oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa
isang napapanahong isyu, o sa isang isyung
kanilang napilingtalakayan at pagtuunan ng
pansin.
4. Ang pagbibigay opinyon ayon kay Levy ay
makatutulong nang malaki upang ang
kabataan ay higit na maging epektibong
tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang
unang hakbang upang makagawa ng isang
mahusay at epektibong komentaryong
panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak na
kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na
naglalahad ng opinyon o pananaw.
5. Iskrip
Taguri sa manuskrito ng isang audio- visual material na
ginagamit sa broadcasting.
Nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o
sabihin.
Ginagamit sa produksyon ng programa
Naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat
ippabatid sa mga tagapakinig.
Nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director, taga-ayos
ng musika (musical scorer), editor at mga technician.
10. 4. Hindi lamang ipinakikita ang
paggamit ng musika at
epektong pantunog kundi
kailangan ding ipakita kung
paano gagamitin ang mga ito.
11. 5. Kailangan may dalawang
espasyo pagkatapos ng bawat
linya sa iskrip kapag makinilya
o kinompyuter.
12. 6. Lagyan ng numero ang
bawat linya. Ilagay ang numero
sa kabilang bahagi bago ang
unag salita ng linya upang
maging madali ang
pagwawasto kapag
nagrerecording.
13. 7. Ang mga emosyonal na
reaksyon o tagubilin ay
kailangang isulat sa malaking
titik. Ginagamitan lamang ang
ito upang ipabatid kung
papaano sasabihin ang mga
linya o dayalogo ng mga
tauhan.
14. 8. Gumamit ng mga terminong
madaling maintindihan sa
pagbibigay ng indikasyon kung
sino ang nagsasalita at anong
uri ng tinig ang maririnig.
15. 9. Isulat sa
malaking titik
ang posisyon ng
mikropono na
gagamitin at
ilagay ito sa
parenthesis.
16. 10. Maglagay ng
tutuldok o kolon
pagkatapos isulat ang
mga pangalan ng
tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang
SFX o MSC.
18. KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)
1. MSC : THEME INTRO UP & OUT… BIZ… BEAT….
2. Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong pinagkakatiwalaang
3. mamamahayag sina Roel Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
3. Roel :Magandang umaga sa inyong lahat!
4. Macky : Magandang umaga partner!
5. Roel : Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information Bill na hindi
6. maipasa-pasa sa Senado.
7. Macky : Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of Income eh malamang
8. nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit !
9. Roel : (LAUGHS) Sinabi mo pa, partner!
10. Macky : Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
11. Roel : (UUBO) Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan ang publiko
12. na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
19. 15.Macky: (MAGUGULAT) Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang
16. mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman
17. yan!Demanda dito demanda doon!
18.Roel: (MAGTATAKA) Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi
19. ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan dahil
20. sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
21.Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa mahahalagang
22. desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Masasabi mo bang malaki ang
23. naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo bilang midyum ng pagpapalaganap
24. ng panitikang popular? Ipaliwanag.
20. 15. Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat
16. sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na opisyal.
17. Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative LorenzoTañada III, ‘pag
18. hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh mukhang tuluyan na itong
19. maibabasura.
20. Roel: (TATAWA) Naku! Naloko na!
21. MSC: BRIDGE… SFX…
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia mula sa:
http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/
21. Bigyang kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting.
Mga salitang
ginamit sa Radio
Broadcasting
BROADCAST
MEDIA
Ang broadcast media ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa
nakararami.
Ang pagpapakalat ng impormasyon sa telebisyon, radyo at pahayagan ay isang
halimbawa ng broadcast media. Ito ay karaniwang gumagamit ng radio waves
upang maghatid ng impormasyon sa telebisyon at radyo. Ang internet ay
matatawag na ring bahagi ng broadcast media.
AUDIO-
VISUAL
MATERIAL
Ang audio visual material ay ginagamit na props ng mga
guro o ng mga taong nagdidiskusyon para madaling
maintindihan ng mga tao. Ito ay nababasa at naririnig ng
mga taong binabahagian ng diskusyon.
SFX
Mga ginagamit na instrumento o
effects upang maging mas maganda,
makabuluhan at epektibo ang
presentasyon.
22. PAGSULAT NG ISKRIP
PARA SA PROGRAMANG
PANRADYO
KAHULUGAN
____________
KAHALAGAHAN
_______________
GINAGAMPANAN NITO SA
PAGPAPAIGTING NG
KAMALAYAN NG MGA
PILIPINO
_______________________
EBALWASYON: PUNAN ANG GRAPHIC ORGANIZER