Prepared by: Mr. Lawrence B. Duque
Grade8 Araling Panlipunan Teacher of Tondo High School
Kasaysayan ng Daigdig
Introduksyon
Ang rebolusyon siyentipiko at ang bagong pagtingin sa kalikasan.
Makabagong pagtingin sa kalawakan
Iba pang pag-unlad sa agham pangkalikasan.
Ang paghikayat sa Siyentipikong Pag-aaral
Ang Panahon ng Enlightenment .
Mga pananaw ukol sa pamahalaan
Mga puna sa lipunan
Mga kaisipan ukol sa edukasyon
Ang kababaihan sa panahon ng Enlightenment
Ang panahon ng Enlightenment at ang sining
Pamana ng rebolusyong siyentipiko at panahon ng
Enlightenment.
FOCUS QUESTION
Paano nakaimpluwensya ang pag-
usbong ng makabagong daigdig sa
transpormasyon tungo sa
makabagong daigdig sa
transpormasyon sa makabagong
panahon ng mga bansa sa daigdig
tungo sa pagbuo ng pandaigdigang
kamalayan?
Ang Scientific Revolution na
nagwakas sa mga paniniwalang
namayani sa Middle Ages na walang
matibay na batayang siyentipiko.
Ang rebolusyong siyentipiko ay
tumutukoy sa panahon ng
malawakang pagbabago sa pag-iisip
at paniniwala na nagsisimula sa
kalagitnaan ng ika-16 hanggang sa
ika-17 siglo.
Samantala,nakabuo ang ilang mga iskolar ng mga
teorya sa pilosopiya na naging batayan ng konsepto ng
pamahalaan ,demokrasya,at edukasyon sa modernong
panahon. Ang panahong kinapalooban ng mga nasabing
iskolar ay nakilala bilang Age Of Enlightenment o
panahon ng kaliwanagan. ibig sabihin,ginamit ang
katuwiran at siyentipikong pamamaraan sa lahat ng
aspekto ng buhay. Tinawag din itong Age of Reason
dahil sa paniniwalang sa paggamit ng pangangatuwiran
matutugunan ang mga suliranin sa lipunan at bubuti
ang pamumuhay ng tao.
Si Ptolomy ay nagsabing ang
daigdig ang sentro ng
kalawakan at ang ibang mga
heavenly body ay umiikot dito
sa pabilog na pagkilos.
Ang Geocentric view ang
teoryang ito ni Ptolomy ay
nagtaguyod ng paniwalang
Kristiyano na dinisenyo ng
Diyos ang kalawakan para sa
mga tao.
Ang ambag ni aristotle sa teorya
ni Ptolmy ay ang komposisyon
ng mga bagay sa kalawakan at
sa daigdig. Ayon sa
kanya,malaki ang pagkakaiba
ng komposisyon ng mga bagay
na matatagpuan sa kalangitan
at sa daigdig. Ang una ay
binubuo ng puro at espiritwal
sa elementong tinatawag na
ether,samantala ang huli ay
binubuo ng apat na elemento ---
- Lupa,tubig,apoy,at hangin.
Hindi katulad ng Ether,ang
apat na elemento ay nagbabago.
Ang Geocentric view sa
kalawakan ay hinamon naman ni
Nicolaus Copernicus. Isa siyang
astronomer mula sa Poland. Ayon
sakanya,hindi daigdig ang sentro
ng kalawakan kundi ang araw.
Ang kanyang teoryang
Heliocentric view ay nagsasabing
ang araw ang nasa gitna at hindi
ang daigdig.
Galileo Galilei ay isa sa mga
nagpatunay o sumuporta sa teoryang
ito. Sa pamamagitan ng kanyang
naimbento na Largavista kanyang
napagtanto na ang araw ang sentro
ng lahat at napatunayan rin niya na
hindi patag ang buwan sapagkat
meron itong crater. At may iba pang
mga siyentipiko ang nag sasama
sama upang maghayag ng kanilang
sari-sariling teoryo ukol sa
kalawakan.
Si Isaac Newton ang nakatuklas sa Law of gravity
habang si Andres Vesalius naman ang nanguna sa
pag-aaral ng anatomiya ng tao sa pamamagitan ng
pag-aaral sa mga bangkay at kalansay ng tao. Si
Willian Harvey ay isang doktor na English,ang
nakatuklas at nakapagpaliwanag sa sirkulasyon ng
dugo.
Si Rene Descartes ay isang pilosopo at
mathematician na French. Ipinaliwanag niya ang
mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang
pamamaraang matematikal. Isinantabi niya ang
sistema ng scholasticism at napagtantong isang
bagay lamang ang hindi dapat pagdudahan---ang
pagdududa mismo.
Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na
nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa
mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at
pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala
noong Middle ages. Ang Philosophe o ang grupo ng
mga interlektwal na humikayat sa paggamit ng
katuwiran, kaalaman, at edukasyon sa pagsugpo sa
pamahiin at kamangmangan.
Si Thomas Hobbes ay
tinalakay niya ang
kalikasan ng tao at
estado. Siya din ang
may akda ng
Levietan na
sumasalamin sa
tunay na gawain ng
mga nasa
pamahalaan.
Si John Locke ay
binigyang diin ang
paniniwalang mahalaga
ang gitnang uri at ang
kanilang karapatan sa
pagmamayari,pananamp
alataya sa agham at
paniniwala sa
kabutihan ng
sangkatauhan.
Jean Jacques Rousseau ay
pinaliwanag ang Social
Contract ay isang
kasunduan ng mga
malayang mamamayan na
lumikha ng isang lipunan
at isang pamahalaan.
Baron de Montesquieu ay nagsabing nakabase sa
klima ang ugali ng tao o maaaring maka
impluwensya ang klima sa kalikasan ng isang tao.
Si Francois Marie Arouet ay
nag sabing na ang
demokrasya ay lalo lamang
nagtataguyod ng pagiging
mangmang ng masa. Siya ay
mas kilala bilang si Voltaire.
Si Denis Diderot ay nagtipong ng lahat ng
mahahalagang manunulat nna French sa panahon ng
Enlightenment upang mag ambag sa encyclopedie.
Si Cesare Bonesana Beccaria ay
tumuligsa sa parusang kamatayan
sa kanyang akdang “Of crimes and
punishment”.
Si John Howard ay may
impluwensya sa pagpapabuti ng
kondisyong pangkalinisan at
makataong pagtrato sa mga
bilanggo sa mga kulungan sa
Europe.
Malaki ang ambag ni Jean Jacques
Rousseau at John Locke sa ideya
tungkol sa edukasyon.
Tinalakay ni John Locke ay konsepto
ng tabula rasa .
Ipinihayagn ni Rousseau ay kanyang
ideya tungkol sa edukasyon sa
kanyang akda na Emile.
Si Mary Wollstonecraft ay isa sa mga babaeng
naging tanyag sa panahong enlightenment. Siya ang
tumalakay para sa karapatan ng mga kababaihan sa
kanyang “A Valedication of the rights of Women”
(1792). Sa kanyang akda sinasabing dapat
magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto
at magkaroon ng posisyon sa pamahalaan. Itinuring
siya bilang unang peminista o tagapagtaguyod ng
pantay na karapatan sa pagitan ng lalaki at mga
babae.
Hinikayat noong panahon ng Enlightenment ang
muling pagbabalik sa istilong Greek at Roman at
simula ng pagkakaroon ng interes sa ordinaryong
mamamayan sa arkitektura ginamit ang neoclassical
na isitilo. Pinahahalagahan ng mga alagad ng sining
ng enlightenment ang pag gamit ng ideya sa
katwiran at ang kanilang mga akda na sumasalamin
sa ideya ng demokrasya.
Si Haydn ay isa sa mga pangunahing kompositor sa
klasikal sa panahon at itinuturing na “Ama ng
Symphony” at “Ama ng String Quartet”.
Si Mozart ay bihasa sa halos na lahat ng uri at anyo
ng musika,maging ito ay religious,hymns,chamber
musics,solo piano,symphony o opera.
Si Beethoven ay kompositor sa musikang klasikal.
Itinuturing na isa siya sa mga pinakamagaling na
kompositor at nagsilbing inspirasyon ng mga
sumunod na musikero at kompositor.
Sa panahon ng Enlightenment,tinangka ng mga
siyentipiko na ihayag sa mga katauhan ang ibig sabihin
ng mga bagay sa paligid at sa daigdig. Nabuwag ng mga
siyentipiko ang paniniwala na ipinalaganap ng
Simbahan dati.
Ang panahong Enlightenment ay humubog pagdating sa
sining tulad nila Beethoven,Mozart at marami pang iba.
Sa panahong nabanggit ay marami ding mga magagaling
na akda ang lumabas tulad ng Robinson Crusoe at
marami pang iba.