Antigo o Sinaunang
Bagay o Gusali na Kilala
sa Buong Bansa
A. Antigong Bagay
1. Lumang Pera ( panahon ng Kastila, Hapon
at Amerikano)
Noong panahon ng mga Kastila, ang
ating mga ninuno ay gumagamit na ng
pera na yari sa pilak sa
pakikipagkalakalan sa mga d...
2. Lumang Kagamitan
Kabilang sa lumang kagamitan ng ating mga
ninuno ang plantsa na yari sa bakal, gilingan na
yari sa bat...
3. Fort Santiago
Ang Fort Santiago ay naging isang
lugar na karimarim noong mga panahon
ng digmaan. Ang mga selda o silid-...
Sa ngayon ang Fort Santiago ay isang
napakagandang liwasan na naglalarawan
ng kapayapaan at katiwasayan, ng
kapahingahan, ...
4. Malacañang
Ang unang gusali ng Malacañang ay
tinaguriang bahay ng bato na mayroon
ding hardin na naliligid ng pader. An...
5. Bahay ni Gat. Jose P. Rizal
Ang kasalukuyang bahay ni Gat. Jose Rizal
sa Calamba, Laguna ay isang pag-uulit ng
orihinal...
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang
wastong sagot.
1. Aling gusali ang naging kulungan at libingan ng ...
3. Ang ating mga ninuno ay gumamit ng duyan o
uyayi sa kanilang pamamahinga, saan ito yari?
A. kawayan
B. buli
C. ratan
D....
5. Ang bahay ni Dr. Jose Rizal ay
matatagpuan sa Calamba Laguna, ito ay
kakikitaan ng mga antigong
kasangkapan. Saan yari ...
Lumang Simbahan at
Gusali na kabilang sa
UNESCO World Heritage
Site of the Philippines
1. San Agustin Church
Ang simbahang ng San Agustin sa
Intramuros ay ihinahalintulad sa
mariringal at nagagandahan mga
simb...
Ang napakagandang harapan ay
may pinto na puno ng mga dibuhong
bulaklak ng rosas. Malapit sa altar ay
makikita ang pulpito...
2. Miag-ao Church
Ang mga Ilonggo ay mga taong
relihiyoso at maalab sa kanilang
paniniwala sa Diyos. Ang katangiang ito ay...
Ang harap ng Miag-ao Chrurch ay
tulad ng isang pambihirang
pagsabog ng mga disenyong halaman
at mga bulaklak. Dito makikit...
3. Paoay Church
Ang simbahan ng Paoay, Ilocos
Norte ay isa sa mga sinaunang
simbahan na kilala sa ibang bansa.
Ito ay gina...
4. Sta Maria Church
Ang Santa Maria Church or La Asuncion
de la Ñuestra Señora Church ay isa sa apat
na UNESCO World Herit...
5. Lumang Bahay na Bato sa Vigan, Ilocos Sur
Maraming matatandang gusaling
naipatayo ilang dantaon na ang nakalilipas ang
...
Ang bahay na bato lamang ang
nakatatagal sa lindol at bagyo na
madalas bumisita sa rehiyon ng
Ilocos. Ang bubong nito ay y...
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )

181.183 Aufrufe

Veröffentlicht am

Mga Sinaunang Bagay ( Lesson in Sining VI )

  1. 1. Antigo o Sinaunang Bagay o Gusali na Kilala sa Buong Bansa
  2. 2. A. Antigong Bagay 1. Lumang Pera ( panahon ng Kastila, Hapon at Amerikano)
  3. 3. Noong panahon ng mga Kastila, ang ating mga ninuno ay gumagamit na ng pera na yari sa pilak sa pakikipagkalakalan sa mga dayuhan. Ngunit noong panahon ng mananakop na Hapon ay hindi ginamit ang ating pera sa halip ay pinalitan ito ng pera ng mga Hapon. Sa loob ng panahon ng digmaan sa mga Hapon ang umiral lamang ay ang kanilang pera. Muling nanumbalik ang kalayaan sa paggamit sa sariling pera ang ating mga ninuno noong panahon ng mga Amerikano.
  4. 4. 2. Lumang Kagamitan Kabilang sa lumang kagamitan ng ating mga ninuno ang plantsa na yari sa bakal, gilingan na yari sa bato, mga sandok na yari sa kahoy, palayok at banga na minolde sa luwad, habihan ng damit na nililok sa kahoy, uyayi na yari sa uway at halos lahat ng kagamitan noong unang panahon ay buhat sa yaman ng kapaligiran at kalikasan. Ang mga bahay ay yari sa kubo na ginamitan ng mga dahon mula sa tinuyong buli at sasa. Ginamit din ng ating mga ninuno ang kawayan sa paggawa ng bahay.
  5. 5. 3. Fort Santiago Ang Fort Santiago ay naging isang lugar na karimarim noong mga panahon ng digmaan. Ang mga selda o silid-piitan nito ay naging “kastiguhan”, madilim na kulungan at libingan ng mga nabubulok na bangkay. Mayroon pang bartolina na tinatawag na “Powder Magazine Chamber”, na minsang pinaglagyan ng 600 na bilanggo na ginutom hanggang namatay.
  6. 6. Sa ngayon ang Fort Santiago ay isang napakagandang liwasan na naglalarawan ng kapayapaan at katiwasayan, ng kapahingahan, kasiyahan at pag-ibig. Dito ay matatagpuan ang nagagandahang mga halamang masining na ginawa at ibinagay sa mga upuan at mga pasilyo. Isang espesyal at pinagpipitagang bahagi ng Fort Santiago ay ang tinatawag na “Shrine of Freedom” ng ating pambansang bayaning si Gat. Jose P. Rizal.
  7. 7. 4. Malacañang Ang unang gusali ng Malacañang ay tinaguriang bahay ng bato na mayroon ding hardin na naliligid ng pader. Ang mataas na kisame at nakakurbang suleras ay naghahatid ng kapitapitagang anyo. Ito ang opisyal na tirahan ng pangulo ng bansa. Ang Malacañang ay patuloy na pinagaganda at ipina-aayos ng Pangulo ng bansa na naninirahan dito upang maging karapat-dapat na tahanan ng pinakamataas na opisyal.
  8. 8. 5. Bahay ni Gat. Jose P. Rizal Ang kasalukuyang bahay ni Gat. Jose Rizal sa Calamba, Laguna ay isang pag-uulit ng orihinal na anyo nito. Dito ay makikita ang mga antigo at sinaunang mga bagay at kasangkapan tulad ng pang-alis ng ipa ng palay, “punka” o bentilador na nakalagay sa kisame, at mga pansala ng tubig na nabububungan ng pulang tisa. Ang dingding sa ibaba ng bahay ay yari sa makapal na bato, samantalang ang itaas ay yari sa kahoy na may mga bintanang may kapis. Ang kabuuan ng loob ng bahay ay maluwang at maaliwalas.
  9. 9. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin ang wastong sagot. 1. Aling gusali ang naging kulungan at libingan ng mga patay nuong panahon ng Kastila? A. Malacañang B. Fort Santiago C. Bahay ni Rizal D. Bahay na bato 2. Alin ang naging tahanan ng pinakamataas na opisyal ng bansa? A. Fort Santiago B. Bahay na bato C. Malacañang D. Bahay ni Rizal
  10. 10. 3. Ang ating mga ninuno ay gumamit ng duyan o uyayi sa kanilang pamamahinga, saan ito yari? A. kawayan B. buli C. ratan D. metal 4. Ang mga ninuno natin ay may sariling pera na ginagamit sa kalakalan. Kailan hindi pinayagang gamitin ang pera ng mga Pilipino? A. noong panahon ng Kastila B. noong panahon ng Hapon C. noong panahon ng Amerikano
  11. 11. 5. Ang bahay ni Dr. Jose Rizal ay matatagpuan sa Calamba Laguna, ito ay kakikitaan ng mga antigong kasangkapan. Saan yari ang bubong ng bahay ng ating pambansang bayani? A. capiz B. kawayan C. tisa
  12. 12. Lumang Simbahan at Gusali na kabilang sa UNESCO World Heritage Site of the Philippines
  13. 13. 1. San Agustin Church Ang simbahang ng San Agustin sa Intramuros ay ihinahalintulad sa mariringal at nagagandahan mga simbahan sa Mexico. Ang kasalukuyan gusali ng San Agustin Church ay itinayo noong taong 1598 at natapos kasama na ang monasteryo nito ay kumakatawan sa pagkamaharlika at katatagan noong gintong panahon ng mga Kastila. Bawat makikita ay humahanga sa marilag at malaking gusali ng simbahan.
  14. 14. Ang napakagandang harapan ay may pinto na puno ng mga dibuhong bulaklak ng rosas. Malapit sa altar ay makikita ang pulpito na may disenyong pinya, malaking organo, at upuan ng mga mang-aawit na gawa mula sa nililok na molave na pinalamutian ng “ivory”. Kaakit-akit masdan ang labing-anim na pares ng malalaki at maningning na mga aranya mula sa Paris.
  15. 15. 2. Miag-ao Church Ang mga Ilonggo ay mga taong relihiyoso at maalab sa kanilang paniniwala sa Diyos. Ang katangiang ito ay pinatutunayan ng mga sinaunang simbahan na matatagpuan sa lalawigan ng Ilo-Ilo. Isa na rito ang Miag-ao Church. Ito ay itinayo noong taong 1786 at isa sa mga simbahang dinarayo at hinahangaan ng mga nasa ibang bansa dahil sa pambihira at taal na mga disenyong Pilipino.
  16. 16. Ang harap ng Miag-ao Chrurch ay tulad ng isang pambihirang pagsabog ng mga disenyong halaman at mga bulaklak. Dito makikita ang mga nakaukit na katutubong tanim tulad ng saging, papaya at pinya. Mapapansin din na magkaiba ang disenyong arkitektura ng magkabilang bahagi ng simbahan.
  17. 17. 3. Paoay Church Ang simbahan ng Paoay, Ilocos Norte ay isa sa mga sinaunang simbahan na kilala sa ibang bansa. Ito ay ginawa sa pamamagitan ng mga hinuhugis na corales at mga piling bato at “bricks”. Ang Paoay Church ay ginagawa sa loob ng isang daan at siyamnapung taon. Sinimulan itong itayo noong 1704 at natapos noong taong 1894.
  18. 18. 4. Sta Maria Church Ang Santa Maria Church or La Asuncion de la Ñuestra Señora Church ay isa sa apat na UNESCO World Heritage Sites Baroque Churches of the Philippines. Ang Santa Maria Church ay itinayo noong 1765 sa ilalim ng pamamahala ng mga Augustinian. Ang kalimbang o “bell tower” ay ipinatayo malayo sa simbahan upang maiwasan ang pagkasira ng simbahan sa panahon ng lindol o kalamidad.
  19. 19. 5. Lumang Bahay na Bato sa Vigan, Ilocos Sur Maraming matatandang gusaling naipatayo ilang dantaon na ang nakalilipas ang makikita pa sa Lungsod Vigan sa kasalukuyan. Sa Kalye Mena Crisologo sa Mestizo District ng lungsod ay naroon ang humigit-kumulang sa 150 na bahay na bato. Makikita sa mga ito ang galing ng mga artisanong Filipino bago pa dumating ang panahon ng modernong materyales at teknolohiya sa pagtatayo ng gusali.
  20. 20. Ang bahay na bato lamang ang nakatatagal sa lindol at bagyo na madalas bumisita sa rehiyon ng Ilocos. Ang bubong nito ay yari sa tisa habang ang ikalawang palapag at ang sahig ay yari sa kahoy. Marami sa mga ito ay nasa maayos pang kalagayan at ang ilan ay ginawang mga otel, museo, tindahan ng mga souvenir, kainan o bar.

×