Ang asukal ay isang kalakal na marami sa Pilipinas.
Itinitinda ang ibang suplay nito sa domestikong
pamilihan at ang iba ay ineeksport. Mataas ang
presyo ng asukal. Mapapababa sana ito kung ang
suplay ay sa domestikong pamilihan lamang
dinadala ngunit kailangan ding punuin ang
ibinibigay na kota ng mga dayuhang pamilihan
katulad ng U.S. Ito ay dahil sa kailangan ng bansa
ang dolyar na kikitain nito.Ngunit dumating
minsan ang panahong hindi binili ng U.S. ang
lahat ng kota. Kung gayon ay may labis na
maipagbibili sana ang mga prodyuser ng asukal sa
mga local na pamilihan ngunit bakita ayaw nila?
Ang halimbawa ng suplay ng
tinapay ng isang bahay – kalakal,
may limang pamimiliang plano
kung paano ipagbibili ang
tinapay. Ito ay ang plano A, B, C,
D at E.
Ang Suplay ng KENDI
PLANO PRESYO DAMI NG KENDI
A P5 50
B P4 40
C P3 30
D P2 20
E P1 10
Qs= f(p)
Qs=0+10P
Qs=0+10(1)
Qs=0+10P
Qs=10Piraso
Qs=0+10P
Qs=0+10(5)
Qs=0+50P
Qs=50Piraso
PLANO PRESYO DAMI NG
KENDI
A P5 50
B P4 40
C P3 30
D P2 20
E P1 10
Ang market supply ay pinagsama – samang dami ng
suplay ng bawat bahay kalakal sa isang produkto
Ang Batas ng Suplay(Law of Supply) ay nagpapaliwang
na CETERIS PARIBUS, kapag tumaas ang presyo, tataas
din ang dami ng suplay. Kapag bumaba naman ang
presyo, bababa rin ang dami ng suplay.
Gawain 7: MAG-LEVEL-UP KA! Lagyan ng tsek ang tapat ng
kolum na sang-ayon kung naniniwala ka na tama ang
pahayag ukol sa konsepto ng supply at ang tsek sa tapat ng
kolum kung hindi .
PAHAYAG SANG- AYON DI-SANG-AYON
IBA PANG SALIK NA NAKAAPEKTO SA
SUPPLY
Gastos sa Produksiyon. Ang presyong itinstakda ng
bahay – kalakal sa kanilang produkto ay dapat na mas
mataas sa gastos ng produksiyon upang makakuha ng
tubo. Ang desisyon ng bahay kalakal ukol sa dami ng
gagawing produkto ay magbabago bilang tugon sa
pagbabago ng gastos sa produksiyon.
Ang makabago at episyenteng makinarya sa
pagproseso ng pagkain ay nagdudulot ng mas
malaking produksiyon ng pagkain sa mas
mababang gastos.
Presyo ng Kaugnayan na Produkto.
Kalimitan, ang bahay kalakal ay
reaksiyon sa pagbabago ng
na produkto.
Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne ng
baka sa pamilihan. Aasahang darami ang mag aalaga
ng baka kung sakaling bumaba naman ang presyo ng
karne ng baboy o manok sa pamilihan, ito ang
pagtutuunan pansin ng mga mangangalaga.
Pwersa ng Kalikasan. Ang mainam na panahon at
matabang lupa ay nakatutulong upang mapalaki ang
produksiyon, lalo na sa sektor ng agrikultura. Aasahan
na mas mataas ang suplay kung may mainam na
panahon. Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at
iba pang natural na kalamidad, bumababa ang suplay
lalo na ng produktong agrikultural.
Ang pagkakaroon ng landslide sa mga lalawigan ay
humahadlang sa transportasyon ng mga produkto patungo sa
pamilihan sa mga lungsod kaya nagkakaroon ng
pansamantalang kakulangan ng suplay rito.
Ekspektasyon ng Presyo
May ilang negosyantena kapag inaasahang
magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong
kanilang kinakalakal ay gumagawa ng mga ilegal na
gawain tulad ng hoarding.
Ang Hoarding ay ang pagtatago ng kalakal na ilalabas lamang sa
pamilihan kapag mataas na ang presyo nito. Nagdudulot naman ito
ng pansamantalang kakulangan sa pamilihan.
Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon
sa Pagbabago ng salik na
nakakaapekto sa Suplay
Katulad ng Demand, ang suplay ay maaari ring
magbago kahit walang pagbabago sa presyo nito. Ano
ang dapat gawin ng mga prodyuser kapag may
pagbabago sa mga naturang salik?
Ang karagdagang gastos sa produksiyon ay maaaring
humantong sa pagtaas ng presyo ng produkto. Ang
mataas na presyo ay hindi makahihikayat ng pamimili.
Dapat bigyang pansin ng mga prodyuser ang
episyenteng produksiyon upang hindi madagdagan
ang gastos sa pagbuo ng produkto.
Pagtuunan ng masusing pag-aaral bago sumuong sa
isang negosyo. Ang paghingi ng payo sa mga eksperto
sa negosyo ay makatutulong upang higit na
magtagumpay sa papasuking larangan.
Magkaroon ng matalinong pagpaplano sa inaasahang
natural na kalamidad. Ang maagang paghahanda ay
makatutulong nang malaki upang maapektuhan ang
produksiyon at negosyo.
Higit sa lahat, huwag lamang isipin ang sariling
kapakanan. Isipin din ang kapakanan ng mga
konsyumer, lalo na yaong mga hindi kayang abutin
ang mataas na presyo ng mga produkto. Ang
pagsasamantala ay lalo lamang magpapalala sa
kalagayan ng mga taong walang kakayahang
magbayad ng malaking halaga.
Gawain 11: ANO ANG DESISYON MO?
Suriin ang mga sitwasyon sa bawat bilang. Isulat at ipaliwanag
sa patlang sa ibaba ang iyong desisyon.
Mayroon kang sari-sari store at marami kang
nakatabing de lata na nabili mo lamang nang mura.
Makalipas ang ilang araw, tumaas ang presyo nito.
Ano ang gagawin mo?
Tumataas ang gastos sa produksiyon dulot ng
pagtaas ng halaga ng mga materyales.Hindi ka
makapagtaas ng presyo sapagkat baka marami ang
hindi na bumili sa iyo. Ano ang dapat mong gawin?
Maraming balakid na kakaharapin ang iyong
negosyo. Ilan ditto ang banta ng kalamidad at krisis
sa kabuhayan at sa ekonomiya. Paano mo
mapapatatag ang iyong negosyo.