2. I. A. Greetings
B. Ang Dakilang Utos ni Jesus
C. Mga Tanong
1. Ano ang dakilang utos?
2. Paano maisasagawa ang dakilang utos?
3. Ano ang tinitiyak ni Jesus na maisasagawa natin ang Kanyang dakilang utos?
D.Teksto
Mateo 28:19-20 Kaya Humayo Kayo at gawin ninyong ALAGAD Ko ang lahat ng
bansa. BAUTISMUHAN ninyo sila sa ngalan ng AMA, at ng ANAK, at ng ESPIRITU
SANTO at TURUANG sumunod sa lahat ng ipinagutos ko sa inyo. Tandaan ninyo,
ako’y LAGING KASAMA ninyo hanggang sa katapusan ng sanlibutan.
E. Tayo’y manalangin
3. II. A. Background
sa simula, bago manaog si Jesus dito sa lupa, nasa
kanya ang pamamahal sa langit at sa lupa. Ngunit Siya
ay nasa mismong likas ng pagiging Dios. Kusa niyang
hinubad ang lahat ng ito. At kinuha ang kalikasan ng
isang alipin nang Siya’y magkatawang tao (Filipos 2:6-
7)
Sa ibang salita, habang narito Siya sa lupa ay
pansamantala Niyang binitiwan ang kanyang
kapamahalaan. Ngunit kinuha Niya uli ito pagktapos ng
kanyang muling pagkabuhay.
4. Paglalahad:
Kaya naman ngayong umaga iisa-isahin nating sagutin
ang mga tanong sa itaas.
III.PAGTALAKAY
1. Ano ang Dakilang Utos?
2. A. HUMAYO kayo
3. GAWING ALAGAD Ko ang lahat ng bansa
4. BAUTISMUHAN Ninyo sila
5. TURUANG SUMUNOD Sa lahat ng ipinag-utos ko.
5. 2.Paano maisasagawa ang dakilang utos na ito?
a. Humayo, Lumakad, Mangaral o ipangaral ang
Mabuting Balita ng Kaligtasan. Dapat maging malinaw
muna ang kaligtasan sa kanila bago sila maging alagad.
Dapat maliwanag sa kanila ang relasyon nila sa Dios,
Ama – Anak. Dapat mataman nilang alamn na ang H.S.
ay naninirahan na sa kanila. Dapat lubos nilang
nababatid na sila ay pag-aari na ng Dios. (Efeso 1:13-
14)
6. Kayo may naging bayan ng Dios nang kayo’y manalig
sa Kanya matapos ninyong marinig ang salita ng
katotohanan. Ang mabuting Balita na nagdudulot ng
kaligtasan. Kaya’t ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu
Santo na ipinangako ng Dios bilang tatak ng
pagkahirang sa inyo. Ang espiritu ang katibayan ng Dios
sa ating mga hinirang.
7. Tanong? Saan hahayo?
Gawa 1:8b, at kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem
sa buong Judea, at Samaria at hanggang sa dulo ng daigdig.
2. Gawing ALAGAD KO
Tinanggap na may pananampalataya ang Panginoong
Jesus. Isa na siyang alagad. Mamamayan na siya ng langit.
Nagawa na ang pangunahing pandiwa- Gawing alagad. Pero
para lalong tumibay at lumalim sa pagiging alagad,
kailangang…..
8. 3. BAUTISMUHAN sila sa pangalan ng Tatlong person –
AMA, ANAK at ESPIRITU SANTO. Noong una na
napakaaktibo ng Banal na Espiritu, binabautismuhan
kaagad ang sumampalataya sa Panginoong Jesus.
Nang tumagal dahil sa karanasan ng mga lingkod ng
iglesya, nagkaroon muna ng ilang mga aralin bago
ilubog sa tubig. Noong panahon namin, 12 baptismal
lessons then you have to pass the final interview before
the actual baptism occurs. Now you have to finish 8
lessons.
9. 4. Turuang sumunod sa lahat ng ipinag-utos ng
Panginoong Jesus. Ano ang pangunahing gawain ng
isang alagad. Ang pagsunod. Sinabi ni Jesus sa
kanyang mga tagasunod, Gawin ninyo silang mga
alagad. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos
ko sa inyo. Ang alagad na hindi marunong sumunod ay
hindi talagang alagad.
10. Ang Dakilang Utos na ito ay hindi lamang sa labing-
isang alagad ibinigay kundi sa lahat ng tagasunod ni
Jesus sa lahat ng panahon. Sinabi ni Jesus sa unang
labing-isang alagad na turuan ang lahat ng magagawa
nilang alagad na sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo
at mangyari pa kabilang rin dito ang Dakilang Utos.
Bawat Cristiano ay dapat sumunod sa utos ni Jesus na
humayo sa lahat ng bansa at gumawa ng mga alagad.
11. Marami pang hindi Cristiano ngayon sa buong daigdig
sapagkat maraming Cristiano ang hindi sumusunod sa
huling utos na ito ng ating Panginoon.
Ngayon tayo, ang Iglesya ay hinirang upang ipagpatuloy
ang gawain ni Jesu-Cristo, dito sa sanlibutan upang
maging ilaw na magpapakita sa mga tao sa tamang
daan patungong langit at sa buhay na walang hanggan.
12. Nakikita natin kung gayon na ang pinakamahalagang
layunin ng Iglesya ay ang abutin ang mga tao tulad din
ng liwanag na “iniaabot” ang kadiliman upang magbigay
liwanag. Ngunit nakakalungkot na karamihan sa mga
iglesya kapag sila’y matatag na ay abalang-abala na
tungkol sa kanilang mga gawain. Sila’y nagiging isang
asosasyon o pribadong samahan. Ang iniisip lamang ng
mga kasapi ay ang biyayang maari nilang tanggapin
mula sa iglesya at hindi na nila iniisip ang mga biyaya
na…..
13. Dapat nilang maibigay sa iba sa pamamagitan ng
iglesya. Hindi intension para sa iglesya na maging
kanlungan lamang ito para sa mga Cristiano. Ang
pangunahing layunin ng Iglesya ay upang maghanda at
magpadala ng mga saksi- ibig sabihin mga sugo, mga
tagabunga, mga magtuturo at magsasanay sa mga
alagad, mga misyonero.
Ang iglesya ni Jesus-Cristo ay isang saksi at
misyonerong Iglesya
14. 3. Ano ang tinitiyak ni Jesus na maisasagawa natin ang
kanyang dakilang utos?
Sa huling bahagi ng talatang 20 ng Mateo 28 ay sinabi niya
“Tandaan ninyo, akoy laging kasama ninyo hanggang sa
katapusan ng sanlibutan”
Matinding pangako. Ang Dios ay di tulad ng tao na
pumapaltos sa kanyang pangako. Pag sinabi Niya yon ang
mangyayari. Sinabi Niya sa Juan 14:18-20, Hindi ko kayo
iiwang nangungulila, paririto ako sa inyo. Sapagkat akoy
buhay mabubuhay rin kayo. Sa araw na iyon, makikiala
ninyong akoy nasa Ama at kayo’y nasa akin at ako’y nasa
inyo.
15. Si Jesus ay hindi lang natin kasama. Siya ay nasa atin.
Naninirahan sa atin ang kanyang Espiritu Santo (Juan
14:17). Ang Espiritu Santo niya ang nagbibigay sa atin ng
kapangyarihan para maging alagad ni Jesus at maging
saksi Niya Gawa 1:8 Ngunit bibigyan kayo ng
KAPANGYARIHAN pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo at
kayo’y magiging mga saksi ko sa Jerusalem sa buong
Judea at Samaria at hanggang sa dulo ng daigdig.
Kung nasa atin si Jesus nasa atin din ang kanyang
kapamahalaan. Mga minamahal sa pamamagitan ni Cristo,
nasa atin ang lahat ng kapamahalaan sa buong
sansinukob.
16. IV.HAMON
HUWAG MATAKOT NA HUMAYO AT GUMAWA NG
MGA ALAGAD NI JESUS DAHIL SA ATING PAGHAYO
KASAMA NATING HUMAHAYO SI CRISTO. HINDI TAYO
NAG-IISA KAILANMAN.
“Narito ako’y sumasainyong palagi hanggang sa katapusan
ng sanlibutan.
Ang kaluwalhatian ay sa DIYOS AMA, DIYOS ANAK at
DIYOS ESPIRITU SANTO.