2. Dagli
• Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing
na maikling maikling kwento.Bagamat walang katiyakan
ang pinagmulan nito saPilipinas,sinasabing lumaganap ito
sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
• Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing
dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing
kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling
kwento. Kabilang sa mga kilalang manunulat ng dagli sina
Iñigo Ed.Regalado ,Jose Corazon de Jesus, Rosauro
Almario(Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco
Laksamana, at Lope K. Santos.
3. Pinagmulan
• Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino,sinabi ni Teodoro
Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na
pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang
1930. Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang
dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.Naging
tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at
tinawag na Instantaneas
• . Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga
manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga
Kastila dahil hindi pa malinaw noon kunganong uri ang
itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang
himig.
4. Katangian at Anyo
• Ayon kay Aristotle Atienza,malaking bilang ng mga dagli na
nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “Ang Dagling
Tagalog: 1903 - 1936” ang tumatalakay
• sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan.Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa
isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito
upang ipahayag ang kanilang mga damdaming makabayan at
kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.Sa
obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli
mula sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa
maging nakakahong kwento sa mga tabloid o tampok na
kwento (feature story) sa mga kolum, pangunahing balita
(headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, “natransform na
ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng
ibang lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-
life, day-in-the-life, at iba pa—at lehitimasyon (pagpasok ng
ganitong uri ng kwento sa media).”
5. Ang Dagli sa Kasalukuyan
• Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash
fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon
sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang
magkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man
nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong
noong 1990s. Maaari itong nagmula sa anyong pasingaw
at diga ng mga magbabarkada kung kaya't masasabing
marami sa mga probinsya at malalayong lugar nagkaroon
ng ganitong paraan ng kwentuhan.
6. • Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kwentong
Paspasan” na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon.
Taong 2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di
Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at
Pamatay)” ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si
William Rodriguez, tinatalakay ang “samu’t saring
pangyayari sa lipunan sa paraang madaling unawain dahil
simple lang ang paggamit ng wika.” Inilathala naman
nitong Mayo 2012 ang koleksyon ng mga dagli ni Jack
Alvarez na may pamagat na "Ang Autobiografia ng Ibang
Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez
ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig
mula sa maliit at partikular na karanasan… Isang
makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng bansa."
7. • Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa
tulang tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa
Ingles.
• Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R.
Barros:
• "Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki,
babae, at reporter ay may malaking ipinagkakaiba.
• "Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa
kabila.
• "Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas
sa bibig.
• "At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay
lumalabas sa pahayagan." (Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
8. Halimbawa ng dagli:
• … May ibang babae si Papa.
Maglalabing-anim na taong gulang pa lang ako nang
mabuo sa isip ko ang hinalang iyon. May iba siyang
kinatatagpo. May kahati kami sa pagmamahal niya at ang
nakakatakot pa, anumang oras ay maaari niya kaming
iwanan.
Isa siyang pintor. Mga nakahubad na katawan ang madalas
niyang ipinta. Mahusay siya at napatunayan ko iyon dahil
ang ilan sa kaniyang mga obra ay nakapaskil sa aming
bahay. Sa butas na dingding na ang ilan ay natatakpan ng
kaniyang mga likha.
9. • Madalas, ginagabi na siyang umuwi at kung minsan pa’y
isang beses na lang sa isang linggo kung makita namin
siya.
• Nakakatampo. Naiinis ako sa kaniya pero wala akong
magawa. Hindi ko rin alam kung bakit ni minsan ay hindi
man lang nagpakita ng pagtutol si Mama sa mga
pinaggagagawa ni Papa. Para siyang bulag na bagamat
lantaran na siyang niloloko at sinasaktan ni Papa ay hindi
man lang siya kakikitaan ng anumang hinanakit.
• Nagpatuloy lang sa ganung bisyo si papa hanngang sa
dumating na sa pagkataong hindi na talaga siya umuwi.
Nagpapadala na lang siya ng pera at kung minsan pa’y
hindi na sapat.
10. • Isang araw, nagulat na lang ako nang makita ko si Papa sa
tapat ng durungawan. Namamayat na tila ba kagagaling lang
sa pagkakasakit. May kasama siyang lalaki na sa tingin ko’y
mas bata ng ilang taon sa kaniya. Kala ko’y isang araw lang
siya mamamalagi sa bahay pero hindi ko inaasahan na hindi
na pala siya muli pang aalis. Nakangiti niya iyong sinabi sa
amin ni Papa ngunit wala man lang pagtugon ang aking ina.
Kahit magkakasama kaming tatlo ay tila ba isang mahabang
tagtuyot ang relasyon namin bilang pamilya. Sa nangyayari
nga sa amin ay hindi ko na alam kung maaari pa kaming
tawaging isang pamilya.
• Linggo-linggo ay dinadalaw siya ng lalaking naghatid sa
kaniya. Malayong kamaagnak daw namin siya sabi ni Papa
sakin.
11. • Makalipas ang ilang buwan, mas namayat pa si Papa. Hindi ko
alam kung ano ang sakit niya pero natatakot ako. Nanghihina
na siya. Para siyang nauupos na kandila. Isang punong tila
unti-unting nauubusan ng dahon. Naaawa ako sa kaniya sa
tuwing iniinda niya ang sakit. Ang sabi niya, pneumonia lang
ang sakit niya pero bakit ganoon na halos kainin na ang buong
katawan niya?
• Hindi ko makakalimutan ang pagkakataong iyon nang
magpaalam siya sa amin. Parang kalahati ng buhay at
pagkatao ko ay nawala. Ngunit ang huling mga salitang narinig
ko sa kaniya ay nagdulot sa akin ng kalituhan.
• Inihabilin niya sa amin ni Mama na sa mga huling araw niya sa
mundo ay bihisan namin siya. Yung damit pambabae na
magmimistulang kamukha niya ang idolo niyang si Imelda
marcos. Nais niya, na sa mga huling araw niya sa mundo ay
maging pinakamagandang lalaking may pusong babae sa
buong mundo. Gusto niyang lumaya at lumigaya. Kahit sa
kahuli-hulihang pagkakataon.
12. • Nakakahiya. Isang malaking kahihiyan. Pero wala akong
magawa kundi ang sundin siya. Ayokong suwayin ang huli
niyang hiling. Gusto kong patunayan na minsan akong naging
mabuting anak sa kaniya. Na mahal ko siya kahit ano man
siya.
• Marami ang nagulat. Marami ang nanghusga. Pero baliwala na
ang mga mapanlibak nilang salita dahil wala na ang Papa ko.
• Naiiyak ako. Nalilito. Gusto kong magwala. Gusto kong
maglaho. Kaya pala… kaya pala kasinlamig ng Disyembre ang
pakikitungo ni Mama kay papa. Bakit nga ba ni minsan ay hindi
ko naisip iyon?
• Nakatitig lang ako sa salamin. Ang mga mata ko’y tila bukal na
hindi na maubusan ng luha. Maraming bagay ang pumapasok
sa isip ko. Naguguluhan. Malabo. Pero isang bagay lang ang
bagay na sigurado ako.
• …Iwawagayway ko ang bandera ng Papa ko
• Mula sa panulat ni Michael De Belen Olivar Saudan