6. ◈ Sa pagkatapos ng ika-19 siglo,
maraming pagbabago ang naganap
sa Pilipinas. Higit na naging
mapagmalabis ang pamumuno ng
mga Espanyol sa Pilipinas. Ang mga
pang-aabusong naranasan ng mga
Pilipino sa ilalim ng mga mananakop
ang nagtulak sa kanila upang
manindigan sa kanilang mga
karapatan at ipalaban ang kanilang
kalayaan.
◈
8. ◈ Sa pagsapit ng ika-18 siglo ay
nabuo sa Europe ang
konsepto ng “nasyon”.
◈ Ito ay isang konseptong bunga
ng French Revolution at isang
reaksiyon sa kanilang
karanasan sa kolonyalismo.
9. Ang nasyon ay tumutukoy sa
pagpapangkat ng mga tao
batay sa kanilang lahi,
etnisidad, relihiyon, kultura,
pagpapahalaga, at ipa pang
pisikal at di pisikal na salik.
10. Mula rito nabuo ang konseptong
nasyonalismo: ang marubdob na
pagmamahal sa bayan o
bansang sinilangan.
14. Noong 1834, binuksan ng pamahalaan ang
daungan ng Maynila para sa pandaigdigang
kalakalan. Isinunod na binuksan ang mga
daungan ng Maynila para sa pandaigdigang
kalakalan. Isinunod na binuksan ang mga
daungan ng Iloilo, Pangasinan, at
Zamboanga noong 1855; Cebu noong 1860;
Tacloban at Legazpi noong 1873; at Sual
noong 1882.
15. Nagtayo ng mga bahay-kalakal sa
Pilipinas ang mga dayuhang tulad ng
English, German, at French. Bunga ng
pananatili ng mga dayuhang
mangangalakal sa Pilipinas ay ang pag-
aasawa nila ng mga Pilipino. Sa ugnayang
ito nagsimulang mabuo ang lahing
mestizo o isang taong may mga magulang
na magkaiba ang lahi.
19. Sa ilalim ng mga Espanyol, ang sistema ng
edukasyon na kanilang itinatag sa Pilipinas
ay nakasentro sa rehiyon, at sa primaryang
pag-aaral ng mga insulares o mga
Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
Kasabay nito ay ang patuloy na pagtuturo
ng mga ina ng bokasyonal na kakayahan sa
kanilang mga anak sa loob ng kanilang
tahanan.
20.
21. Bilang bahagi ng programa ng
pamahalaang Espanyol na ireporma ang
sistema ng edukasyon sa kolonya ay
ipinatupad nila ang Educational Decree of
1863. Ayon sa kautusan, ang pagtatayo ng
tig-isang primaryang paaralan para sa mga
lalaki at babae sa bawat bayan na
direktang pangangasiwaan ng
pamahalaang municipal.
23. Dumating sa Pilipinas ang liberal
na pamunuan mula sa Spain na
nagpabago sa sistema ng
pamamahala sa kolonya.
Nagsimula ito matapos sumiklab
ang isang himagsikan sa Spain
noong Setyembre 19, 1868.
24.
25. Bunga ng himagsikan ay ang paglipat ng
pamamahala ng gobyerno mula sa mga
konserbatibo patungo sa mga liberal. Ang
pagbabagong ito ay umaabot sa mga kolonya
ng Spain kabilang na ang Pilipinas kung saan
ipinadala ang bagong gobernador-heneral----si
Carlos Maria de la Torre.
26.
27. Ang liberal na mga kaisipang dala ng bagong
pinuno ay tinangkilik ng mga Pilipino. Naging
dahilan ito upang manumbalik ang pagtitiwala ng
mga tao sa pamahalaan. Naging bukas din ang
tanggapan ni de la Torre sa mga hinaing ng mga
mamamayan mula sa kanilang mga karanasan sa
nakaraang pamunuan. Sa unang pagkakaroon
matapos ang higit 300 taon, muling nakaranas ng
kalayaan at nanumbalik ang ilang karapatan ng
mga Pilipino.
28. Subalit, daglian lamang ang liberal na
pamumuno sa Pilipinas. Agad itong
matapos sa pagtatalaga kay Rafael de
Izquierdo bilang bagong gobernador-
heneral ng kolonya. Kaiba kay de la
Torre, si Izquierdo ang itinuturing na
pinakamalupit na namuno sa
Pilipinas. Dahil sa magkataliwas na
pamunuang ito, higit na hinangad ng
mga Pilipino ang reporma at kalayaan.
33. Nakatulong din sa tuluyang paggising
sa diwang nasyonalistiko ang
pagbubukas ng Suez Canal noong
Nobyembre 17, 1896. Ang Suez Canal
ang naghihiwalay sa Egypt at Israel at
nag-uugnay sa Red Sea at
Mediterranean Sea. Ang pagbubukas
nito ang nagpadali sa paglalakbay mula
sa Europe patungo sa Pilipinas.
34. Pinagyaman nito ang pandaigdigang
kalakalan at pinabilis ang pagpaso ng
mga liberal na ideya mula sa mga
kanlurang bansa. Dumagsa rin ang mga
European na nagtungo sa Pilipinas dala
ang mga liberal na kaisipan mula sa kani-
kanilang mga bansa tulad ng
pagkakapantay-pantay, kalayaan, at
pagkakapatiran-mga kaisipang nabuo
mula sa French Revolution.
36. Dulot ng pagbubukas ng Pilipinas
sa pandaigdigang kalakalan,
maraming Pilipinong magsasaka
at mangangalakal ang umunlad
ang pamumuhay. Sila ang bumuo
sa gitnang uri o uring illustrado.
39. Ang kaparian noon ay nahahati sa dalawang
uri: mga paring regular at mga paring secular.
Ang mga paring regular ay mga paring
Espanyol na kasapi ng mga ordeng relihiyoso
tulad ng Jesuit, Dominican, Augustinian,
Recollect, at Franciscan. Ang mga paring
secular naman ay mga paring Pilipino na
hindi pinahintulutang mapabilang sa
anomang ordeng relihiyoso at nasa ilalim ng
pangangasiwa ng Arsobispo.
40.
41. Sa pagtantong ng ika-19 na siglo,
hinangad ng mga Pilipino ang
sekularisasyon. Ang
sekularisasyon ay ang pagsasalin
ng pangangasiwa sa mga parokya
mula sa mga prayleng Espanyol
patungo sa mga paring Pilipino.
44. Noong Nobyembre 28, 1871,
winakasan ni Gobernador-Heneral
Rafael de Izquierdo ang pribiheyo
na hindi pagbabayad ng buwis na
dating natatanggap ng mga
sundalong nakatalaga sa arsenal
sa Cavite.
45. Samakatuwid, inasahan ang nagsabing
nga sundalo na magbayad ng kaukulang
halaga ng buwis at magsagawa ng polo y
servicio o sapilitang paggawa. Nang
matanggap ng sundalo ang kanilang
suweldo ay nabtid nilang ibinawas mula
dito ang kanilang buwis, gayun din ang
falla o katumbas na halagang binabayaran
upang mailibre mula sa polo.
https://www.youtube.com/watch?v=CzcLJC
X92zc
46. Dulot nito, sumiklab ang isang pag-
aalsa noong Enero 1872 na
nilahukan ng may 200 sundalo at
manggagawa sa pamumuno ni
Fernando La Madrid. Kaagad
naming sugpo ang pag-aalsa ng
puwersang ipinadala ng mga
Espanyol mula Maynila.
47. Marami ang nasawi, kabilang na
si La Madrid. Sinasabing ang
Cavite Mutiny ang siyang simula
ng nasyonalismo ng mga Pilipino
na naging mitsa ng Himagsikang
Pilipino ng 1896.
49. Sa pagtatapos ng Cavite Mutiny, dinakip
ng mga sundalong Espanyol ang mga
pinahihinalaang namumuno sa nasabing
pag-aalsa. Kabilang sa mga dinampot
ay ang mga paring secular na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at
Jacinto Zamora, kasama sina Agustin
Mendoza, Mariano Sevilla, Pedro
Dandan, Torribio del Pilar, Miguel Laza,
Jose Guevarra, at ipa pa.
50. Gamit ang mga bayarang saksi at
abogado, nilitis at hinatulan ng
parusang kamatayan sina Gomez,
Burgos, at Zamora. Sila ay ginarote
noong Pebro 17, 1872 sa Bagumbayan.
Dahil itinuring sila bilang mga kalaban
ng estado, ang kanilang mga labi ay
inilibing nang walang pananda sa isang
pangkaraniwang puntod sa Paco
Cemetery.
51. Ang pagbitay sa tinaguriang tatlong
paring martir ang higit na
nagpaigting at gumising sa
damdaming makabansa ng mga
Pilipino.
https://www.youtube.com/watch?v=YmxSix
Xroxw&t=138s