1. KONTRATA SA PAG-UPA NG BAHAY
AKO, ERMIELANDO L. SUBOL, may sapat na gulang, at naninirahan sa Brgy. Calingatan,
Mataasnakahoy, Batangas, ay pinauupahan kina ________________________________________, may
sapat na gulang, tubong ____________________________________, ang isang parte ng bahay na
pagmamay-ari naming magkakapatid na matatagpuan sa Poblacion V. Templo Ave., Mataasnakahoy,
Batangas;
1. Ang pag-upa ay tatagal ng _______ na buwan at magsisimula sa ika-______ ng _________________
20___ at magtatapos sa ika-______ ng _________________ 20___;
2. Ang buwanang upa sa nasabing bahay ay P_________.00 na babayaran tuwing katapusan ng buwan at
dadalhin sa bahay ng may-ari o nag-papaupa;
3. Ipinagbabawal sa nasabing nangungupa na magpatira o isalin ang karapatan sa pag-upa sa nasabing
bahay sa sinuman ng walang pahintulot ng may-ari ng nasabing bahay;
4. Ang nangungupa ay may tungkulin na panatilihin ang katahimikan, kalinisan, at kaayusan ng nasabing
bahay at kapaligiran;
5. Ang nasabing inuupahan o bahay ay gagamitin lamang ng nangungupa sa tirahan;
6. Ang lahat ng mga ipagagawa ng nangungupa sa nasabing bahay o inuupahan ay dapat na ipaalam sa may
ari o sa nagpapaupa;
7. Ang gastos sa tubig, kuryente at telepono sa nasabing bahay ay babayaran ng mga taong nangungupa sa
nasabing bahay;
8. Ang sakaling paglipat sa ibang tirahan ay nararapat na ipaalam ng nangungupa sa nagpapaupa
tatlumpong (30) araw in advance;
9. Ang nasabing upahan ay may deposit na _______ buwan P___________.00 at ibibigay sa nagpapaupa o
sa may-ari bago sila tumira sa nasabing bahay. Ang nasabing deposit ay kukuhanin lamang ng
nangungupa kapag sila ay aalis na sa nasabing inuupahang bahay at walang pagkakautang sa ilaw at
tubig na nagamit.
10. Ang hindi pagtupad sa alinman sa nabanggit na KASUNDUAN ay nangangahulugan ng PAGKANSELA NG
KONTRATANG ito at sila ay aalis sa nasabing bahay sa loob ng tatlong araw matapos ang paglabag.
SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, kami ay lumagda ngayong ika-______ ng
__________________ 20____ sa __________________________________________________.
ERMIELANDO L. SUBOL _____________________________
Nagpapaupa Nangungupa
___________________________
SUBSCRIBED and SWORN TO before me this ____________ day of ______________________ at
______________________________________________.