3. KAHULUGAN AT URI NG
KARAPATANG PANTAO
AYON SA UNITED NATIONS SA
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN
RIGHTS (UDHR), ANG RIGHTS O
KARAPATAN AY MAHALAGANG SALIK
NA BUMUBUO SA BUHAY PANLIPUNAN
NG BAWAT INDIBIDWAL.
4. Ano ba ang
Karapatang Pantao?
Ito ay mga adhikain, mithiin, pangarap
ng bawat tao na kailangang makamit
upang mabuhay ng may Dignidad.
5. NATURAL RIGHTS
(LIKAS NA
KARAPATAN)
BAHAGI NG PAGIGING LIKAS
NG SANGKATAUHAN
Halimbawa:
- Karapatang Mabuhay
- Karapatang maging Malaya
- Karapatang magkaroon ng
ari-arian.
7. TATLONG KATEGORYA
NG LEGAL RIGHTS
1. CIVIL RIGHTS
- Tumutukoy sa mga karapatang nagbibigay ng
pagkakataon sa mamamayan ng estado na
magkaroon ng maayos na buhay sa lipunang
kinabibilangan.
Halimbawa:
- Karapatang mabuhay
- Maging Malaya
- Pagkakapantay-pantay
8. 2. POLITICAL
RIGHTS
- Tumutukoy sa Karapatan ng mamamayang
makilahok at maging bahagi ng mga
prosesong pampolitika.
Halimbawa:
- Karapatang bumoto
- Karapatang mahalal
- Karapatang maging pampublikong opisyal
- Karapatang pumuna sa pamahalaan
9. 3. ECONOMIC
RIGHTS
- Karapatang nagbibigay ng pang-
ekonomiyang seguridad sa mamamayan.
Halimbawa:
- Karapatang maghanapbuhay
- Karapatang mabigyan ng tama at makatarungang sahod
- Karapatang magpahinga
- Karapatang magkaroon ng seguridad at kaligtasan sa trab
13. Ang karapatang pantao ay
tinataglay ng isang indibidwal mula
sa batayan ng kanyang pagiging tao
anuman ang kanyang katayuan,
kalagayan, at kinabibilangang sektor
sa lipunan. Tinataglay ito ng isang
indibidwal hanggang sa kanyang
kamatayan.
15. Mahalaga ang karapatang pantao
dahil ito ang susi upang makamit ng
isang indibidwal ang kabutihang
moral, pisikal, espirituwal, at
panlipunan. Maituturing na isang
pangangailangan ang karapatang
pantao dahil tinitiyak nito ang
paggalang at pagpapahalaga sa tao.
17. Ang pagturing sa kapwa nang
may dignidad anuman ang kanyang
katayuan, kalagayan, at
kinabibilangang sektor sa lipunan ay
nangangahulugan ng pagiging
makatao at pagtataguyod at pagkilala
sa dignidad ng kapuwa bilang tao na
nagtataglay ng karapatang pantao.
19. Ang karapatang pantao ay
proteksiyon ng isang indibidwal at
dapat niya itong matamasa kahit
na ano pa ang kaniyang lahi,
nasyonalidad, kasarian, relihiyon,
at paniniwalang political, hindi
maaaring ipagkait ng isang
puwersa o awtoridad.
21. Ang karapatang pantao ay hindi
lamang para sa iilan. Ang karapatan ay
tinatamasa ng lahat ng tao ano man ang
kanyang lahi, wika, kasarian, at katayuan
sa lipunan.
23. Bagama’t sinasabi na ang karapatan ng tao ay
hindi maaaring ipagkait sa kaniya, mayroon naman
itong mga limitasyon upang maging maayos ang
ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Kung magiging
tuwiran o tatanggalan ng limitasyon ang karapatang
pantao, hindi matatamo ang kabutihang panlahat
dahil bawat isa ay nais na ipilit ang kaniyang
karapatan. Maaari lamang mawala ang ano mang
karapatan sa ilang ispesipikong pagkakataon
alinsunod sa kaparaanan ng batas (due process of
law).
25. Ang katangian, pananaw, at gamit
ng karapatang pantao ay nagbabago at
sumasabay sa panahon. Ang patuloy na
pakikipag-ugnayan ng mga mamamayan
sa ibang bansa ay nagdudulot ng mga
pagbabago na nakaaapekto rin sa mga
karapatang tinatamasa ng isang
mamamayan.
27. Itinatakda ang karapatang
pantao upang maiwasan ang
anumang pang-aabuso ng estado sa
kapangyarihan lalong- lalo na sa
usapin ng pagtataguyod ng
Karapatan at Kalayaan ng
mamamayan.
28. MAGTALA NG LIMANG (5) KARAPATAN BILANG ISANG TAO AT
BILANG MAMAMAYAN NG PILIPINAS. IGUHIT SA LOOB NG BILOG ANG
NAKANGTING MUKHA ( ) KUNG ANG KARAPATANG ITO AY
NATAMASA MO NA AT MALUNGKOT NA MUKHA ( ) KUNG ANG
KARAPATANG ITO AY IPINAGKAKAIT SA IYO O HINDI MO PA
NATATAMASA.
ANG AKING MGA KARAPATAN
1. _____________________ 3. _____________________
2. _____________________ 4. _____________________
5. _____________________
PAGKATAPOS AT SAGUTING ANG TANONG NA ITO .
1. ALIN SA MGA KARAPATANG ITO ANG NAIS PA NINYONG
MAPALAWAK UPANG MAKAPAGBIGAY SA INYO NG KAUNLARANG
PANSARILI? IPALIWANAG ANG INYONG SAGOT.
29. ISULAT SA GITNANG BAHAGI ANG KAHULUGAN NG KARAPATANG PANTAO; ISULAT SA BAHAGING
BILOG ANG KATANGIAN NG KARAPATANG PANTAO; AT MAGSULAT SA SPEECH BALOON NG IYONG
SARILING PAGLALARAWAN SA BAWAT KATANGIAN.
Kahulugan ng karapatang
Pantao
MGA
KATANGIAN NG
KARAPATANG
PANTAO
30. Ang pagbibigay ng respeto at
paggalang sa karapatan ng bawat
tao ay isang simpleng aral na dapat
nating matutunan at isabuhay sa
araw-araw nating buhay.
31. TAKDANG ARALIN
Gumupit ng larawan ng bahay, paaralan,
pook-sambahan, city/municipal hall, at
komunidad. Tukuyin ang mga karapatan ng
tao batay sa mga nabanggit na institusyon.
32. CREDITS: This presentation template was created by
Slidesgo, including icons by Flaticon, infographics &
images by Freepik
WORD FOR THE DAY
"pagpapahalaga"
(value). Ang pagpapahalaga ay
isang mahalagang konsepto sa pag-
unawa at pagpapahalaga sa karapatang
pantao. Ito ay nangangailangan ng
pagkilala sa halaga at dignidad ng
bawat tao, kahit sa kanilang
pagkakaiba-iba.