Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Corona virus in tagalog

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
COVID-19 Infographics
COVID-19 Infographics
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 7 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Anzeige

Corona virus in tagalog

  1. 1. Coronavirus Ang Corona viruses (CoV) ay isang malaking uri ng viruses na nag sasanhi ng sakit mula sa pagkakaroon ng simpleng sipon hanggang umaabot sa malubhang mga karamdaman tulad ng Severe Acute Respiratory Sydrome (SARS-CoV) noog taong 2002 at Middle East Respiratory Sysndrome (MERS-CoV) 2015. Ang Novel Coronavirus (nCov) 2019 ay isang klase ng virus na wala pa noong naitalang kaso na umepekto sa katawan ng tao. Ang Coronaviruses ay Zoonotic. Ibig sabihin, ito ay maaaring malipat mula sa hayop at sa tao. Ayon sa masusing imbestigasyon, ang SARS-CoV ay nagmula sa civet cats na nailipat o naihawa sa tao at ang MERS-CoV naman ay nagmula sa dromedary camels na naihawa sa tao. Ang ilan pa sa nakilalang coronaviruses na mula sa mga hayop ay hindi pa nakakahawa sa katawan ng tao. Karaniwang mga sintomas ng impeksyon ay lagnat, ubo at nahihirapan sa paghinga. Sa malalang kaso ng impeksyon, maaari itong mauwi sa pulmonya (pneumonia), Severe Acute Respiratory Syndrome, sakit sa bato (kidney failure) o pagkamatay. Upang maiwasan ang paglaganap ng impeksyon, ugaliin ang madalas na paghuhugas ng kamay, pagtakip ng ilong at bibig kapag nababahing o umuubo, mabuting pagluluto ng karne at itlog at pag iwas sa pakikisalamuha sa sinumang may hinihinalang sintomas tulad ng pag ubo at pagbahing.
  2. 2. Ano ang mga sintomas na dapat kong tandaan? Kasama sa mga sintomas ng ganitong impeksyon ay pagkakaroon ng lagnat, ubo at hirap sa paghinga. Ang sakit na ito ay nagdudulot ng mga sugat sa baga at pulmonya. Ngunit sa ibang mababang kaso ito ay naghahawig lamang sa trangkaso o matinding sipon dahilan upang hindi agad ito matukoy. Ang pasyente ay maaari ding magpakita ng iba pang mga sintomas tulad ng sakit sa tiyan o pagdudumi. Sinasabi na ang mga sintomas ay maaaring magpakita dalawang araw o hanggang ikalabing apat (14) na araw pagkatapos ng pagkakalantad sa virus. Ang mga sintomas ay maaaring lumabas 2-14 na araw pagkatapos ng pagkakalantad sa virus: Lagnat UboHirap na Paghinga Mga Sintomas
  3. 3. Sa ngayon ay wala pang natutuklasan na bakunang panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ang pinakamainam na paraan upang mapigilan ito ay pag iwas sa virus. Subalit, bilang paalala, inirerekomenda ng CDC ang araw-araw na gawain upang maiwasan ang paglaganap ng respiratory diseases katulad ng: • Iwasan ang malapitang pakikisalamuha sa maysakit. • Iwasang hawakan ang iyong mata,ilong at bibig. • Gumamit ng tisyu kapag binabahing o inuubo, at itapon ito sa tamang basurahan. • Linisin ang mga lugar o bagay na madalas hawakan gamit ang cleaning spray. • Maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig na tumatagal ng 20 segundo, lalo na pagkatapos gumamit ng banyo, pagkatapos kumain, at pagkatapos umubo o bumahing. • Kung walang sabon at tubig na magagamit, mainam gumamit ng alcohol-based sanitizer na may alcohol na 60% pataas. Palaging maghugas ng mga kamay kung ito ay talagang marumi. Upang Maiwasan/Mapigilan
  4. 4. Wala pang particular na gamot na mairerekomenda para sa COVID-19. Ang mga pasyente na may COVID-19 ay dapat makatanggap ng suporta at pag alaga upang maibsan ang mga sintomas. Sa mga malalang kaso, kailangang bigyan ng lubos pansin ang mga vital organs ng katawan. Sa mga tao na may hinihinalang sila ay mayroon o nalantad sa COVID-19 ay marapat lamang na magtungo sa kanilang healthcare provider sa lalong madaling panahon. Medikasyon
  5. 5. • Nakamamatay ang coronavirus ngunit ito ay makakayanan kung may malakas na pangangatawan Mahalagang Paalala • Wastong pagkain at ehersisyo ay mahalaga. • Uminom ng maiinit na inumin katulad ng anise at tsaa. • Uminom ng Bitamina C araw-araw. Iwasan ang malalamig na inumin.
  6. 6. Kung may napansing alinmang sintomas Maaaring ipagbigay alam sa HR and Logistics Department sa pinakamalapit na site/location

×