Ano ang gusto mo
sa isang tao?
Gusto ko mabait,
mapagmahal, at
maunawain.
E, ano naman
ang ayaw mo?
Siyempre,
ayaw ko ng
salbahe,
makasarili, at
palaaway.
Ang mga pang- uri ay mga salitang naglalarawan ng isang bagay,
tao, lugar, o pangyayari.
Pang- uring panlarawan ay tumutukoy sa kulay, hugis, katangian
o pisikal na kaanyuan.
Halimbawa:
Ang rosas ay
kulay pula.
Bilog ang bola ni Jose.
Maganda at matapang si Elsa.
Ilan sa mga salitang naglalarawan o pang- uri:
Puti mataas malinis sira
Payat maganda tuyo butas
Bilog mabuti singkit pahaba
Ilarawan ang mga sumusunod na larawan gamit ang angkop na pang-
uri.
Si Inay ay larawan ng isang babaeng Pilipina. Siya ay
may mahaba at maitim na buhok. Bilog ang kaniyang
maningning na mga mata bagama’t hindi katangusan ang
kaniyang ilong. Siya ay may mapupula at maninipis na
labi. May pantay at puting- puting mga ngipin. Bagama’t
medyo maliit siya, balingkinitan ang kaniyang katawan.
Kulay morena ang kutis niya. Larawan siya ng isang
tunay na Pilipina.
Siya ay may mahaba at maitim na buhok.
Bilog ang kaniyang maningning na mga mata
bagama’t hindi katangusan ang kaniyang ilong.
Siya ay may mapupula at maninipis na labi.
May pantay at puting- puting mga ngipin.
Bagama’t medyo maliit siya, balingkinitan ang
kaniyang katawan.
Kulay morena ang kutis niya.
Gumawa ng talata na may
paksang: “Ang Aking Idolo”.
Gumamit ng mga pang- uring
panlarawan.
Subukan mo!
Takdang- aralin:
Punan ng angkop na pang- uring naglalarawan ang bawat
tugma. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1.Tutubi, tutubi, huwag magpahuli
Sa batang ______________________.
2. Ang sabi ng maya sa puno ng akasya,
Maraming kaibigan ang batang _________________.
3. Ako’y si Palaka,
Anak ni Kondeng _________________.
Sa batang _____________
Ako’y natutuwa.
4. Ako’y si Bubuyog,
Anak ni Kondeng ________________;
Ang batang __________________
Aking iniirog.
5. Putak, putak
Batang ____________________;
Matapang ka’t
Nasa pugad.
Hinweis der Redaktion
Mailalarawan mo ba ang tao, bagay, tanawin, o pangyayaring gusto o ayaw mo?
Ano ang ipinahahayag ng mga salitang ito? Ginagamit natin ang mga salitang ito sa pagbibigay ng mga katangian ng tao, bagay, lugar, o pangyayari. Ang mga salitang ito ito ay tinatawag na pang- uri o mga salitang naglalarawan.
Basahin ang paglalarawan sa natatanging tao. Sabihin ang ginamit na mga salitang naglalarawan.