3. Ang ating mga ninuno ay lubos na
maparaan. Iba’t ibang paraan ang
kanilang ginawa upang makakain sa
araw-araw.
Sa kalikasan sila umaasa kung kaya’t
labis ang kanilang paggalang,
pagmamahal, pasasalamat sa mga
likas na yaman ng bansa.
4. Masipag at malikhain ang
ating mga ninuno. Sa
katunayan, nagawa ng
mga Ifugao ang payaw o
ang hagdan-hagdang
palayan sa Banaue.
Ang kabuhayan ng mga
Pilipino ay nakasalig sa
pagsasaka.
5. Sa mga naninirahan sa
may dalampasigan o sa
gilid ng mga ilog,
pangingisda ang kanilang
ikinabubuhay.
Dito sila kumukuha ng
pagkain sa mga
katubigang nakapaligid
sa kanila.
6. May iba’t ibang paraan ng
pangingisda ang mga
sinaunag Pilipino.
Gumamit sila ng pana,
sibat, pamansing, at
lambat.
Gumagawa sila ng mga
kural o kulungan ng mga
isda.
7. Ang mga naninirahan
naman sa karagatan
ay nakasisisid ng mga
perlas, kabibe at
korales na maaring
ipagpalit sa mga
bagay na kanilang
kailangan.
8. Ang karagatan ng
Sulu ay kilala sa
buong daigdig
dahil sa dami ng
likas na perlas na
doo’y
matatagpuan.
10. Sa pagdaan ng panahon,
natuto ang mga Pilipino na
linangin ang mga bagay
bagay upang maging
bagong gamit para sa
bagong pangngailangan.
11. Paggawa ng gamit
pansakahan, palayok,
tapayan, alak, sandata,
lahas, sasakyang
pandagat, at paghahabi
ng tela.
12. Isang mahalagang gawaing
pangkabuhayan ang
pakikipagkalakan.
Ito ay Ginagawa sa
pamamagitan ng
pagpaplitan ng paninda
(barter). Lulan ng kanilang
Bangka at iba pang uri ng
sasakyang pantubig,
nakipag-ugnayan at
nakipagkalakalan sa isa’t sa
ang mga barangay.
13. Mabubuting katangian ng mga Pilipino sa
pakikipagkalakalan:
1. Mahusay makitungo sa mga
panauhin.
2. Tapat silang makipag-usap.
3. Marunong silang tumupad sa
pangako, may isang salita.
4. Mapagkakatiwalaan kaya’t nawiling
mangalakal dito ang mga dayuhan.
19. Paraan ng Pagmamay-ari ng Lupa noon:
Itinuturing na pag-aari ng isang tao
ang lupa kung siya ang nagpaunlad at
luminang nito. Sa ganitong kalagayan,
maaari nitong ipamana sa kanyang
mga kaanak.
20. Paraan ng Pagmamay-ari ng Lupa noon:
Ang gubat, ilog, at iba pang
pinagkukunan ng makakain ang hindi
maaaring ariin dahil ito ay para sa
lahat.
21. Nang magkaroon ng barangay,
nakaroon na ng Sistema ng
pagmamay- ari ng lupa. Ang
lupaing sakop ng barangay ay
pag-aari ng barangay.
22. Ang datu ang may pinakamalaki
at pinakamagandang bahagi ng
lupa. Siya ang naghahati ng mga
lupang sasakahin ng bawat
pamilya. Ang aanihin ay
maaaring gamiting personal o sa
probadong pangangailangan.
23. Kapalit ng lupang sinasaka,
kailangang magbayad ng buwis
ang mga tao. Ang buwis na ito
ang magsisilbing pondo ng
barangay para sa kanilang mga
pagdiriwang at paghahanda sa
pakikidigma.