4. 1. Paglunsad ng mga Eksplorasyon
2. Kasunduan sa Tordesillas
3. Pagtuklas ni Magellan sa Pilipinas
4. Felipinas – Pilipinas
5. Labanan sa Mactan
6. Kolonisasyon sa Cebu, Panay at Maynila
7. Ang Pamumuhay sa Ilalim ng mga Kastila
8.Pag-usbong ng Nasyonalismo
5. Ito ang ekspidisyong ipinadala ng
mga kristiyanong bansa sa Europa,
sa Gitnang Silangan, ang “krusada”
upang agawing muli sa mga Muslim
ang “banal na lupain”. Kahit hindi
nagtagumpay ang krusada sa
layuning nito, nakita ng mga
mandirigmang europeo ang mga
kayamanan at produkto ng Silangan.
6. Nagkaroon ng bagong panlasa at
interes ang mga Europeo sa
pamumuhay at mga karangyaan ng
mga nakadigmang taga-Silangan.
Nauso ang paggamit ng mga
rekadong gaya ng cinnamon,
paminta, luya at iba pa. Isang
malaking negosyo ito kung
matutunton ang pinanggalingan ng
mga rekadong ito.
7. Gayunpaman, monopolyo ng
mga taga-Venice ang pag-angkat at
pamamahagi sa Europa ng mga
bagay mula sa Silangan. Nang
bumagsak noong 1453 ang
Constantinople sa mga Turkong
Muslim, tanging mga mangangalakal
na taga-Venice lamang ang
pinahintulutang makadaan sa Dagat
Madeterano.
8. Ito ay dahil ang mga taga-
Venice ay pumanig sa mga Muslim
sa pakikidigma nito sa mga
Griyego. Ang paghahangad na
wasakin ang monopolyo ng mga
taga-Venice sa kalakalang
Silangan-Kanluran ang nagtulak sa
mga ibang Europeo na humanap
ng ibang daanan patungong
silangan.
9. Ang mga salaysay ni Marco Polo
tungkol sa mga paglalakbay niya sa
China at ang karangyaan ng bansang
ito ay nagging isa ring pang-akit.
Sa panahong ding ito umunlad
ang agham at karunungan at sa mga
bagong imbensyon ay kasama ang
mga kagamitang sa nabigasyon gaya
ng kompas, mapa at iba pang
instrumentong pang giya
10. . Nagbigay ito ng lakas ng loob sa
mga nabigador upang puntahan ang
mga lugar na hindi pa naaabot ng mga
taga kanluran.
11. Dahil sa pag-uunahan o
pagpapaligsahan ng Portugal at
Espanya sa panunuklas o
eksplorasyon, napairal ng isang
dekreto ang papa ng Roma,
Alexander VI na nagtatakda at
nagsisilbing gabay sa pagtuklas
ng dalawang bansa.
12. Noong Mayo 3, 1493, binigyan ng
papa ng karapatang ang Espanya na
manuklas sa bagong daigdig at ang
Portugal sa Africa. Binago ito noong
Mayo 4, 1493.
13. Gumuhit ng isang imahenaryong
linya na nagmula sa hilagang polo
patungong timog polo, 100 liga sa
kanluran ng Azores at Cabo.
Ang mga lupaing matutuklasan sa
silangan ng linya ay sa Portugal at
lahat ng mga lupaing nasa kanluran
ay sa Espanya
14.
15. Dahil sa pagtutol ng Portugal sa
mga dekreto ng papa, pinagtibay ang
kasunduan ng Tordesillas noong
Hunyo 7, 1494.
16. Ninais ni Magellan, isang
Portuges, na maglalayag upang
hanapin ang Spice Island.
Lumapit siya sa hari ng Espanya.
Binigyan siya nito ng limang
barkon at 264 na manlalayag.
17.
18. Naglayag sila papuntang kanluran
kahit ang Spice Island ay nasa
silangan. Sa halip na makarating sa
nasabing pulo, napunta sila sa
pulong malapit sa Samar.
19. Dumaong sila sa pulo ng Homonhon
noong ika 16 ng Marso, 1521. Sa
baybayin ng Limasawa, ipinagdiwang
nila ang unang misang Katoliko noong
Marso 31, 1521. Naglayag sila patungong
Cebu at nakipagkaibigan kas Rajah
Humabon, hari ng Cebu.
20. Noong ika 14 ng Abril, isa pang
misa ang ginanap at ito ay sinundan
ng pagbibinyag kay Rajah Humabon,
ang asawa nito at 800 na katutubo.
Sila ang kaunaunahang Kristiyanong
Pilipino.
21. Taong 1543 dumating si Villalobos
sa pulo ng Leyte. Siya ang
nagpangalan sa ating bansa ng
Felipinas bilang parangal sa haring
Espanya, si Haring Felipe II.
22. Dumating naman si Miguel Lopez
de Legazpi noong 1565. Siya ang
unang nagtayo ng unang pamayanan
Kastila sa Cebu. Nagsimulang
kumalat ang iba pang pamayanang
Kastila sa Visaya at Luzon.
23. Nais mamahala ni Magellan sa
buong kapuluan kaya’t humingi
siya ng buwis kay Lapu-lapu,
pinuno ng Mactan. Hindi pumayag si
Lapulapu kaya’t nagsimula ang pag-
aaway niya at ni Magellan.
24. Noong Abril 27, 1521 ang labanan
ay nag-umpisa sa pagsunog ng may
30 bahay ng katutubo na lalong
ikinagalit ng mga ito. Tinamaan ng
isang palasong may lason si Magellan
na ikinalugmok nito.
25. Pinagtulung-tulungan ng mga
mandirigma ni Lapu-lapu si Magellan.
May sumibat at tumaga sa kanya
hanggang siya ay mamatay. Dali-
daling tumakas ang iba pang Kastila.
26. Kasamang namatay ni Magellan
ang walo pang Kastila at apat na
katutubo. Ang labanan sa Mactan ay
an unang matagumpay
napagtataboy sa dayuhang
mananakop.
27. Dumaong ang elspedisyon nina
Legaspi sa pulong kung tawagin
ay Sugbu, ngayon ay Cebu, noong
Abril 27, 1565. Hindi sila
tinanggap ng mga katutubo noong
una kaya kinanyon ng mga
Kastila ang mga katutubo.
28.
29. Mula sa Cebu ay pumunta si
Legaspi sa Panay. Inakala niyang higit
na ligtas ang Panay sa pananalakay ng
mga Portuges. Higit ding sagana ang
lugar na ito sa pagkain. Mula rito ay
inutusan niya si Martin De Goite na
maghanap ng iba pang lugar.
30.
31. Natagpuan ni De Goiti ang
Maynila. Tinanggap naman siya ni
Rajah Sulayman, ang puno ng
katutubo sa isang pamayanan sa
Maynila ngunit hindi nagtagal ang
pagiging magkaibigan nila. Naghinala
si Sulayman sa tunay na motibo ng
mga Kastila kaya nagkaroon din ng
mga paglaban
32. Sinunog ni De Goiti sa tulong ng
mga Bisaya ang pamayanan sa
Maynila. Noong 1571, si Legaspi ay
lumipat sa Maynila. Tiniyak muna ni
Legaspi na ligtas ang gagawin nilang
pagdaong dahil sa nangyari kila De
Goiti at Sulayman.
33.
34. Sumunod din ang pagpapadala ni
Legaspi ng mga ekspedisyon upang
ipagpatuloy ang pananakop sa iba
pang pulo gaya ng Ilokos,
Pangasinan, Mindoro at iba pa. Siya
ang naging unang Gobernador
Heneral ng kapuluan.
35.
36.
37. Ang Kabuhayan
a) Agrikultura- napilitan ang mga
katutubo na magtanim nang labis
upang makabayad sila ng tributo
38. b) Industriya- tinuruan ang mga tao
na mag-imprenta ng mga aklat,
pagkakarpintero, pag- ukit, paggawa
ng kandila, alak at asukal.
39. c) Pagbabangko - itinatag ang
kaunaunahang bangkong Pilipino na
pag-aari ni Francisco Rodriguez.
Itinatag naman ang kaunaunahang
bangko ng pamahalaang Insular, ang
Banko Español- Filipino.
40. d) Komunikasyon at Transportasyon-
nagkaroon ng telegrapo noong 1873
at telepono noong 1890. Ang
kaunaunahang pahayagan ay ang Del
Superior. Ang iba pang pahayagan ay
La Esperanza, La Estrella, at Dyaryo
De Manila.