SlideShare ist ein Scribd-Unternehmen logo
1 von 3
Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 1
PAMAHALAANG SUMERYO
Sa paniniwala ng mga Sumeryo, ang pamahalaang
sibil o estado ay pag-aari ng mga bathala. Ang mga
bathalang ito ay kinakailangang magkaroon ng mga temple
atlupain na pinamumunuan ng mga pari na tanging tagasilbi
sa kanila.
 Mataas ang pagtingin ng mga tao sa mga pari at ang
pinakapinuno sa kanila, ang ENSI, ay may tungkuling
pangalagaan ang kapayapaan ng Sumerya.
Ang pamahalaan ng mga Sumeryo ay pamahalaang
teokratiko. Simpleng demikrasya ang sinusunod. Ang
karaniwang gawain at ipinauubaya sa isang lupon ng mga
nakatatanda, at ang isa rito ay maaaring mapili bilang
pansamantalang hari kung may krisis sa hinaharap.
 Ang kababaihan, kabataan, at mga alipin ay hindi kasali
sa pagpapatakbo ng pamahalaan, ngunit sa kabilang
kaisipan, lahat ng mga tao at hayop, pati na mga bagay na
walang buhay, mga kababalaghan sa kalikasan, atkahit na
mga katotohanang mahirap unawain ay kabahagi ng
estado at may buhay at katauhan.
Ang estadong-siyudad sa kalaunan ay
pinamumunuan ng isang nilalang na nagtagumpay laban sa
kaaway, tagumpay na ipinagkaloob ng mga bathala. Ang
nagtagumpay na ito ay tinaguriang hari o lugal at ang bahala
ng lupaing kanyang pagsasakop.
AKKADIA
Sa kalaunan, ang mga Sumeryo ay nalupig ng mga
Akkadiano sa hilaga.
 Ayon sa mga sabi-sabi, si Sargon ay anak ng isang
babaeng mula sa mababang uri athindi kilala angkanyang
ama. Gayunman, siya ay pinagpala ng diwatang si Ishtar
at naging hari ng halos limapu’t anim na taon. Sa kanyang
pamumuno, nakilala ang kapanyarihan ng Akkad na
lumawak hanggang sa Syria at Cyprus. Kinilala siyang
bathala pagkamatay niya.
BABILONYA
 Ang pamahalaang Sumerya ay nilupig ng mga Amorito,
isang bansang Semita, na nagtayo ng kabesera sa Babilon.
 Hammurabi – ikaanim na hari ng dinastiyang Babilonya,
kinilalang mambabatas, ang namuno sa Sumerya at
Akkad – na naging Babilonya na nang mahigit
apatnapung taon.
Kabihasnang Babilonya
 Kumalat ang kaalaman sa agham, sining, atpaniniwala ng
Babilonya sa malaking bahagi ng unang mundo.
 Ang kanilang kaisipan at sining, lalo na ang pagsulat ng
cuneiform ay nakarating sa Syria, at ang wikang
Babilonya hanggang Asya at Europa.
 Natutuhan ng mga Etruskano sa Babilonya ang paggamit
ng arko at dibinasyon, isang paraan ng panghuhula sa
hinaharap sa pamamagitan ng pagbasa sa mga pangitain,
at ipinasa naman ang mga ito sa mga Romano.
 Hiniram ng mga Griyego ang kanilang sistema sa
timbang, kalendaryo, at astronomiya.
 Tumanggap ang mga Hudyo ng mga sangkap
panrelihiyon. Galing din sa Babilonya ang paghahati ng
araw sa dalampu’t apat na oras at ang labindalawang
senyal na zodiac.
Lipunan ng Babilonya
 May tatlong antas pamlipunan sa Babilonya. Sa itaas ms
antas ay naron ang hari, mga opisyal na sibil, mga
sundalo, mga pari, mga may-lupa, at mayayamang
negosyante.
 Sumunod na antas – mga alipin, mga taong nadakip sa
digmaan o naging alipin dahil sa hindi nakabayad ng
utang.
 Bagama’t maaari silang ipagbili, may mga karapatan din
ang mga alipin. Maaari silang magkaroon ng pag-aari at
maaarinilang bilhin ang kanilang kalayaan. Maaarisilang
mag-asawa ng babaing malaya at ang magiging anak nila
ay kinikilalang malaya rin.
 Ang batayan ng lipunan ay ang pamilya at mahalaga sa
lipunang ito ang posisyon ng kababaihan. Sila ay
kinikilalang malayang mamamayan-maaaring magkaroon
ng ari-arian, mag-asawa nang legal, at makipagdeborsyo.
Arkitektura
 Ang mga tahanan ng karaniwang mamamayan ay
nakatayo sa makikitid na kalye. Bagama’t sa labas ay
mukhang pangkaraniwan lamang ang anyo ng mga bahay
at pare-parehong gawa sa stucco,maganda at maginhawa
naman ito sa loob. May bukas na payo sa gitna, at
kadalasan dalawang palapag ang taas.
 Ang mga silid-tulugan ay nasa itaas na palapag
samantalang ang sala ay nasa ibaba, pati ang kapilya na
may nitsong libingan.
 Ang bubungan ay patag na nakapatong sa barakilang
galing sa punong cedar.
 Maringal ang mga palasyo at templo. Ang mga artistikong
Babilones ay marunong gumamit ng haligi, arko at vault.
 Ang malalaking gusali ay kadalasang nakapatong sa
malalaking plataporma o lupang teresa upang hindi
masira sa maumidong lupa.
Relihiyon
 Patakaran o alituntunin sa pagsamba, mga uri ng
salamangka upang itaboy ang masasamang espiritu, at
mga dasal sa mga bathala upang sila ay di magalit o kaya
ay magbigay ng pabor sa nagdarasal.
 Bawat pangyayari sa buhay ay kinakailangang bigyang
kahulugan at baka sakaling may ipahihiwatig ang mga
bathala.
 Ito ay malalaman sa pamamagitan ng dibinasyon, gaya ng
pagbasa sa atay ng hayop na handog sa bathala. Ang mga
panaginip, at pati ang mga kilos ng mga ibon at hayop ay
kailangan ding ipaliwanag.
 Naniniwala rin sila na maaaring malaman ang
kinabukasan sa pag-aaral ng mga araw, bituin, at ang
limang planetang alam noong panahong iyon.
 Sa kanila nanggaling ang pag-aaral ng astrolohiya.
Marami ring mga sulatin tungkol sa matematika at
medisina, gayundin ang mga mapa at plano ng siyudad na
nakatatak sa mga luwad na tableta.
Ang Kodigo ni Hammurabi
 Ito ay naglalaman ng 282 batas na nakatatak sa isang itim
na tipak na bato (diorite) na walong piye ang taas.
 Natagpuan ito sa Sosa (ngayon ay Khuzestan, Iran) ng
isang arkeologong Pranses,siJacques De Morgan, noong
1901. Ito ngayon ay nasa museo ng Louvre sa Paris.
Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 2
 Halos lahat ng patakaran sa buhay ay nasa kodigong sibil
at criminal ni Hammurabi, kasama ang mga palakad
tungkol sa ari-ariang personal, lupain, negosyo, kalakal,
pagsasaka, pamana, at pag-aampon.
 May kautusan din tungkol sa halaga ng paggawa at ng
mga hayop, bilihin, mga kontra at paupa.
 Ang mga karapatan ng kababaihan, kabataan, at mga
alipin ay pinapangalagaan dito.
 May parusa kung may pagkakasala sa ari-arian o sa tao n
gang kabigatan ng parusa ay nakabatay sa tatlong uring
panlipunan.
 Ang isang taong mahirap na nagkasala sa isang taong mas
mataasang katayuan sa lipunan ay tumatanggap ng lalong
mabigat na parusa, ngunit hindi ito nangyayari sa
kabaligtaran.
 Ang pangunahing prinsipyo ng kodigo ay ang tinatawag
na lex taliones – “mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Kaya
kung ang isang tao ay nakapinsala ng mata ng kapwa niya,
ang mata niya ang dapat pinsalain bilang kabayaran.
MGA HETEO
Pamahalaan
 Ang kaharian ng mga Heteo ay isang kompederasyon na
kinabibilangan ng Cappadocia na siyang sentro ng estado,
kasama ng mga kaanib na sakop at estado sa Asya Menor
at karatig nito.
 Ang hari ang punong opisyal ng pamahalaan, noong una
pinipili ng isang sanggunian ng matatanda na galing sa
kanilang pamilya.
 Nang kalaunan at lumaki na ang impluwensiya ng
kaharian, naging malupit ang hari kagaya ng kanayang
kapanahong mga hari sa Silangan.
 Ang hari ay kinikilalang banal. Sagisag niya ang araw na
may pakpak na galing sa Ehipto.
 Bukod sa reyna, mayroon din siyang harem o pangkat ng
iba pang asawa.
 Nakaalalay sa hari ang mga maharlika at mga pari na
malamang ay mga Heteo.
 Mataasangtingin sa mga sundalo, atsumusunod sa kanila
ang artesano at sa pinakamababang antas ay ang mga
magbubukid na mistulang alipin o busabos.
Ekonomiya
 Nakasalalay sa pagpapastol ng mga kawan ng mga hayop.
 Mahalaga rin sa kanila ang pagtatanim.
 Sila ay tanyag di sa pagmimina, lalo nan g bakal na
ginagamit sa paggawa ng mga sandata.
 Ang kanilang kalakal ay nakararating sa malalayong
lugar, sa timog patungong Tarsus at sa kanluran
patungong Bosporus.
 Gumagamit sila ng kabayo hindi lamang sa paghakot ng
kanilang produkto, ginagamit din iyon para sa larangang
pang military at sa larong karera ng karwahe.
Kultura
 Hiniram ng mga Heteo ang cuneiform na galing sa
Babilonya.
 Ang kanilang kodigong batas ay di tulad ng s Babilonya,
ay hindi gaanong malupit. Sa halip na parusahan ng
kamatayan ang maysala, ito ay pinagmumulta na lamang.
 Marami silang bathala sa kanilang relihiyon na galing sa
kanilang pagiging lagalag.
 Sinasamba nila ang dakilang Inang Diwata ng Fertilidad
na taal sa Asya Menor at ang mga diwata ng araw at
buwan.
 Ang kanilang mga temple at palasyo ay hindi kasing-
rangya ng sa Tebes at Babilonya.
 Sa kanilang lilok, makikita na ang mga Heteo ay mga
taong mataas ang noo at hugis tuka ang ilong.
 Gumagamit sila ng sandatang bakal, kabayo at karwahe.
 Ang kanilang kabesera ay napaliligiran ng malaki at
matibay na moog.
 Pagkaraan ng 1200 B.K., lumubog ang pamayanan ng
mga Heteo, pati na rin ang ibang mga kaharian noong
panahong iyon.
 Sumuko sila sa kapangyarihan ng Ehipto, Asiria, Caldea,
at Persiya. Ito ay nagbigay daan sa paglitaw ng maliliit na
estado sa Syria at Palestina.
ASSYRIAN
 Ang Assyria ay lupaing maburo sa itaas ng Ilog Tigris na
patungong Babilonya.
 Ang katamtamang klima nito ay nagpapalakas ng
katawan.
Mga sinakop ng Assyrian:
-Babilonya, Judah, Israel, at pati ang Ehipto
 Masasabing ang ganitong tagumpay ay mga Asirio ay
bunga ng kanilang pagkakaisa bilang isang bansa, ng
kanilang masiglang masiglang karakter bilang
mandirigma, at kahusayan ng kanilang mga opisyal at
sunud-sunod na mabubuting hari.
Kabihasnang Assyria
 Ang Assyria ay isang bansa ay hindi katipunan ng ilang
tribu o estadong-siyudad.
 Karamihan sa mga Asirio ay magbubukid sa mga lupain
na pag-aari ng mga maharlika.
 May panggitnang uri sa kanila na kinabibilangan ng mga
artesano. Ito ay ang mga bangkero, negosyante,
manunulat, karpintero, manghahabi at Platero na may
kani-kanilang tirahan sa siyudad.
 Karaniwang ipinamamana ng ama ang kanayang
kasanayan sa anak na lalaki o sa isang manggagawa
nagsasanay.
 Ang pangunahig gawain sa Assyria ay pandirigma, at
sinusundan ito ng pagsasaka o agrikultura.
 Kadalasan na ang mga alipin ay mga bihag mula sa
digmaan ngunit sila ay maaaring magkaroon ng ari-arian.
 Ang wikang opisyal sa Assyria ay Assyrian, ngunit ang
kadalasang ginagamit ay wikang Arameo.
 Ang mga lupang sakop ay hinahati sa mga distrito o
lalawigan at kinakailangan silang magbayad ng buwis sa
pamahalaang sentral.
 Ang kabihasnang Assyria ay ay kinuha sa Sumerya at
Babilonya. Malaki ang utang nito sa Babilonya lalo na sa
larangan ng relihiyon. Pareho ang kanilang bathala
maliban sa kanilang bathalagn pambansa na si Ashur,
isang bathalang manidirigma na nakalarwang may pakpak
na pabilog.
 Ang mga Asirio ay mapamahiing mga tao na
naniniwalang sila ay palaging inaapi ng masasamang
puwersa. Kaya ang relihiyon nila ay nakasalalay sa takot
sa tao at masamang espiritu na kinakailangang kalabanin.
 Kailangan nilang gumamit ng anting-anting at tulong ng
mga pari. Importante sa kanila ang ipaliwanag ang
Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 3
kahulugan ng paglalaho ng buwan o ng araw kaya sila ay
interesado sa pag-aaral ng astrolohiya.
CALDEA
 Noong 612 B.K., sinalakay at sinira ng mga Caldeo,
Mediano, at Sitiyano ang Nineveh. Ang Caldea at Medea
ang humalili sa imperyo ng Assyria.
 Hari ng Caldeo – Nebuchadnezzar
 Sinalakay at winasak ni Nebuchadnezzar ang Jerusalem
(dahil sa isang malaking rebelyon doon) at tinangay niya
ang mga Hudyo. Ito ang tintawag na Babylonian
Captivity.
 Upang hindi malungkot ang reynang taga-Medea ni
Nebuchadnezzar, nagpatayo siya ng isang malaking
ziggurat at tinamnan ang mga baiting na lupa nito ng mga
punongkahoy at palumpong upang magmukhang mga
bundok. Ito ang kinikilalang Hanging Gradens of
Babylon na tinaguriang isa sa “pitong kababalaghan ng
sinaunang mundo”. Karamihan sa mga gusaling ito ay
gawa sa pader na ladrilyo na pinapalamutian ng
makukulay na tisa na naglalarawan ng leon, griffin, at iba
pang hayop.
Sining ng mga Caldea
 Ang mga Persiyano ay sanay sa payak na pamumuhay, di
tulad ng kinagawiang karangyaan sa ibang bahagi ng
Asya.
 Sila ay matitipunong lahing tagabundok.
 Ayon kay Herodotus, isang historyador na Griyego, ang
kabataang Persiyano ay tinuturuan ng tatlong bagay
lamang: mangabayo, mamana, at magsalita ng
katotohanan.
 Sa araling pangsining, marami silang hiniram sa Assyria,
Babilonya, Ehipto, at pati na rin sa mga Griyego.
 Galing sa Babilonya ang terasa o bai-baitang na lupa para
sa kanilang arkitektura.
 Ang mga haliging matataas at magaganda ay galing sa
Gresya. Gumamit din sila ng makukulay at makikintab na
tisa para sa mga palasyo.
Relihiyon
 Ang mga Persiyano ay sumasamba sa maraming bathala
at sa lakas ng kalikasan.
 Mayrron din silang grupo ng propesyunal na mga pari na
tinatawag na mago. Sila at matatalino o paham. Bilang
mga pari sila ang pumapayapa sa mga bathala at
nagtataboy ng masasamang espiritu.
 Zoroaster – isang dakilang guro sa Medea, na ngaral at
nagtatag ng isang relihiyon, ang Zoroastriyanismo, na
sumasamba sa isang bathala lamang, si Ahura Mazda, na
siyang lumikha ng langit, lupa, at sangkatauhan.
 Si Ahura Mazda – ay isang pantas at banal na bathala at
itinatangi niya ang katotohanan, kabutihan, at
katapangan.
 Dahil bathala ang liwanag, lagi niyang kalaban ang lakas
ng dilim at kasamaan na pinamumunuan ni Ahriman.
 Ang mga naniniwala kay Ahura Mazda ayon sa turo ni
Zoroaster ay makatatanggap ng masayang buhay na
walang hanggan samantalang ang masasama ay
mahuhulog sa bangin ng mga demonyo.
 Si Ahura Mazda ay sinasamba sa itaas ng burol sa
pamamagitan ng apoy, dasal at paghahandog ng alay na
mga inumin. Ang kalipunan ng mga banal na himno at
dasal ng relihiyon na galing mismo kay Zoroaster ay
tinatawag na Avesta.

Weitere ähnliche Inhalte

Was ist angesagt?

Babylonia at assyria
Babylonia at assyriaBabylonia at assyria
Babylonia at assyriaRuel Palcuto
 
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)ria de los santos
 
Kabihasnang mesopotamia
Kabihasnang mesopotamiaKabihasnang mesopotamia
Kabihasnang mesopotamiaJeric Presas
 
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
AP III - Ang mga Kabihasnan sa AmerikaAP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
AP III - Ang mga Kabihasnan sa AmerikaDanz Magdaraog
 
kabihasnang hittite at assyrian
kabihasnang hittite at assyriankabihasnang hittite at assyrian
kabihasnang hittite at assyrianJennifer Garbo
 
Araling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shangAraling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shangJenny Vinluan
 
Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnan
Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnanKontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnan
Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnanJousee
 
Athens at ang Pag-unlad Nito
Athens at ang Pag-unlad NitoAthens at ang Pag-unlad Nito
Athens at ang Pag-unlad Nitoanettebasco
 
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Zin Raney Bacus
 
A.P. Athens
A.P.   AthensA.P.   Athens
A.P. Athensdranel
 
kabihasnang Babylonian sa Mesopotamia
kabihasnang Babylonian sa Mesopotamiakabihasnang Babylonian sa Mesopotamia
kabihasnang Babylonian sa Mesopotamiakelvin kent giron
 
Panahon ng Metal
Panahon ng MetalPanahon ng Metal
Panahon ng MetalKaila Lim
 
Ang kabihasnang maya
Ang kabihasnang mayaAng kabihasnang maya
Ang kabihasnang mayatitserRex
 
ANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREW
ANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREWANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREW
ANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREWRitchell Aissa Caldea
 

Was ist angesagt? (20)

Babylonia at assyria
Babylonia at assyriaBabylonia at assyria
Babylonia at assyria
 
Kabihasnang Sumer
Kabihasnang SumerKabihasnang Sumer
Kabihasnang Sumer
 
Panahon ng Neolitiko
Panahon ng NeolitikoPanahon ng Neolitiko
Panahon ng Neolitiko
 
Sumerian
SumerianSumerian
Sumerian
 
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
Kabihasnang Greek (Panahong Hellenic)
 
Indus
IndusIndus
Indus
 
Kabihasnang mesopotamia
Kabihasnang mesopotamiaKabihasnang mesopotamia
Kabihasnang mesopotamia
 
Kabihasnang aztec
Kabihasnang aztecKabihasnang aztec
Kabihasnang aztec
 
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
AP III - Ang mga Kabihasnan sa AmerikaAP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
AP III - Ang mga Kabihasnan sa Amerika
 
kabihasnang hittite at assyrian
kabihasnang hittite at assyriankabihasnang hittite at assyrian
kabihasnang hittite at assyrian
 
Araling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shangAraling Panglipunan: Kabihasnang shang
Araling Panglipunan: Kabihasnang shang
 
Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnan
Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnanKontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnan
Kontribusyon ng tsina sa sinaunang kabihasnan
 
Athens at ang Pag-unlad Nito
Athens at ang Pag-unlad NitoAthens at ang Pag-unlad Nito
Athens at ang Pag-unlad Nito
 
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
Ang Mga Unang Imperyo (Akkadian, Babylonian, Assyrian, Chaldean)
 
Sumerian at babylonian
Sumerian at babylonianSumerian at babylonian
Sumerian at babylonian
 
A.P. Athens
A.P.   AthensA.P.   Athens
A.P. Athens
 
kabihasnang Babylonian sa Mesopotamia
kabihasnang Babylonian sa Mesopotamiakabihasnang Babylonian sa Mesopotamia
kabihasnang Babylonian sa Mesopotamia
 
Panahon ng Metal
Panahon ng MetalPanahon ng Metal
Panahon ng Metal
 
Ang kabihasnang maya
Ang kabihasnang mayaAng kabihasnang maya
Ang kabihasnang maya
 
ANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREW
ANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREWANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREW
ANG CHALDEAN, PHOENICIAN, PERSIAN AT HEBREW
 

Ähnlich wie Ang Pamahalaang Sumeryo

LEARNING ACTIVITY SHEET 1.docx
LEARNING  ACTIVITY SHEET 1.docxLEARNING  ACTIVITY SHEET 1.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET 1.docxJackeline Abinales
 
Kabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitzKabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitzNitz Antiniolos
 
QUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptx
QUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptxQUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptx
QUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptxGlendaBautista5
 
Aralin 6 Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan
Aralin 6  Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng KabihasnanAralin 6  Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan
Aralin 6 Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng KabihasnanSMAP_ Hope
 
Ang kabihasnang Griyego.pptx
Ang kabihasnang Griyego.pptxAng kabihasnang Griyego.pptx
Ang kabihasnang Griyego.pptxMaricelDoblon2
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyajhe Bunso
 
Araling panlipunan outline
Araling panlipunan outlineAraling panlipunan outline
Araling panlipunan outlineYña Tejol
 
Aralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na EuropaAralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na EuropaSMAP_G8Orderliness
 
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...M.J. Labrador
 
Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02
Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02
Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02nakakabobo
 
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATES
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATESANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATES
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATESRitchell Aissa Caldea
 
Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asya
Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asyaMahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asya
Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asyaNiña Jaycel Pinera
 
Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01
Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01
Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01Neri Diaz
 
Kabihasnan ng Mesopotamia I
Kabihasnan ng Mesopotamia IKabihasnan ng Mesopotamia I
Kabihasnan ng Mesopotamia IBiesh Basanta
 

Ähnlich wie Ang Pamahalaang Sumeryo (20)

Kabihasnang mesopotamia
Kabihasnang mesopotamiaKabihasnang mesopotamia
Kabihasnang mesopotamia
 
LEARNING ACTIVITY SHEET 1.docx
LEARNING  ACTIVITY SHEET 1.docxLEARNING  ACTIVITY SHEET 1.docx
LEARNING ACTIVITY SHEET 1.docx
 
Kabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitzKabihasnang Mesopotamia- nitz
Kabihasnang Mesopotamia- nitz
 
A.p
A.pA.p
A.p
 
QUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptx
QUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptxQUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptx
QUARTER 1 WEEK 8 GPBAUTISTA HEOGRAPIYA NG SINAUNANG DAIGDIG.pptx
 
Ap Lessons
Ap LessonsAp Lessons
Ap Lessons
 
Aralin 6 Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan
Aralin 6  Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng KabihasnanAralin 6  Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan
Aralin 6 Kahulugan,Konsepto, at Katangian ng Kabihasnan
 
Ang kabihasnang Griyego.pptx
Ang kabihasnang Griyego.pptxAng kabihasnang Griyego.pptx
Ang kabihasnang Griyego.pptx
 
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asyaMga sinaunang kabihasnan sa asya
Mga sinaunang kabihasnan sa asya
 
Araling panlipunan outline
Araling panlipunan outlineAraling panlipunan outline
Araling panlipunan outline
 
Persiano
PersianoPersiano
Persiano
 
Aralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na EuropaAralin 4: Ang Klasikal na Europa
Aralin 4: Ang Klasikal na Europa
 
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
AP Report (IX-Palladium) New Kingdom, Unit 2, Egypt, 18-20 Dynasty circa 1550...
 
Ap report
Ap reportAp report
Ap report
 
Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02
Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02
Babyloniaatassyria 100717223916-phpapp02
 
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATES
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATESANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATES
ANG SINAUNANG KABIHASNAN SA LAMBAK NG TIGRIS-EUPHRATES
 
Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asya
Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asyaMahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asya
Mahahalagang pangyayari sa sinaunang panahon sa kanlurang asya
 
Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01
Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01
Ang mesopotamia 130730222629-phpapp01
 
SINAUNANG_APRIKA.pptx
SINAUNANG_APRIKA.pptxSINAUNANG_APRIKA.pptx
SINAUNANG_APRIKA.pptx
 
Kabihasnan ng Mesopotamia I
Kabihasnan ng Mesopotamia IKabihasnan ng Mesopotamia I
Kabihasnan ng Mesopotamia I
 

Mehr von Mavict De Leon

Mehr von Mavict De Leon (20)

We Are Important Story
We Are Important StoryWe Are Important Story
We Are Important Story
 
Toot the Engine Story
Toot the Engine StoryToot the Engine Story
Toot the Engine Story
 
Tom's Parrot Story
Tom's Parrot StoryTom's Parrot Story
Tom's Parrot Story
 
Thin Tim Story
Thin Tim StoryThin Tim Story
Thin Tim Story
 
The Thunderstorm Story
The Thunderstorm StoryThe Thunderstorm Story
The Thunderstorm Story
 
The Snail Story
The Snail StoryThe Snail Story
The Snail Story
 
The New Bicycle Story
The New Bicycle StoryThe New Bicycle Story
The New Bicycle Story
 
The Dog and the Bone Story
The Dog and the Bone StoryThe Dog and the Bone Story
The Dog and the Bone Story
 
Sheila's Shoes Story
Sheila's Shoes StorySheila's Shoes Story
Sheila's Shoes Story
 
Roy's Toys Story
Roy's Toys StoryRoy's Toys Story
Roy's Toys Story
 
Rima and Diya Story
Rima and Diya StoryRima and Diya Story
Rima and Diya Story
 
A Cold Bear Story
A Cold Bear StoryA Cold Bear Story
A Cold Bear Story
 
The Three Fish Story
The Three Fish StoryThe Three Fish Story
The Three Fish Story
 
Making Cookies Story
Making Cookies StoryMaking Cookies Story
Making Cookies Story
 
Kitten's Choice Story
Kitten's Choice StoryKitten's Choice Story
Kitten's Choice Story
 
Jen's Shop Story
Jen's Shop StoryJen's Shop Story
Jen's Shop Story
 
Homework or Video Games Story
Homework or Video Games StoryHomework or Video Games Story
Homework or Video Games Story
 
Apples Story
Apples StoryApples Story
Apples Story
 
All About Bears
All About BearsAll About Bears
All About Bears
 
A Puzzle A Day Story
A Puzzle A Day StoryA Puzzle A Day Story
A Puzzle A Day Story
 

Kürzlich hochgeladen

KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxRoseAnneOcampo1
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxEumariePudadera1
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvcharlyn050618
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxBlessGely
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxglainAE
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxlericacbrocano
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxJeneferSaloritos
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASJamaerahArtemiz
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaChristineJaneWaquizM
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxJohnMarkAlarconPunta
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxEduardoReyBatuigas2
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralinbryandomingo8
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfYollySamontezaCargad
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxNicaGobalizaEsquilon
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9IvyGraceSuarezCalipe
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoRheaRoseCapuz
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilajohnrohannebasale
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangerekimdavidmerana03
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...VielMarvinPBerbano
 

Kürzlich hochgeladen (20)

KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptxKABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
KABANATA 1 NG FLORANTE AT LAURAAAAA.pptx
 
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptxPPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
PPT FINAL DEMO in araling panlipunan grade 8.pptx
 
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvvAP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
AP-10-Q4-WEEK-1-2.pptxvvvvvvhhhhhhhhhhbvvv
 
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptxELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
ELLNA REVIEWER filipino ikatlong baitang.pptx
 
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptxfilipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
filipino 10 - el filibusterismo kabanata 5.pptx
 
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptxQUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
QUARTER 4 FILIPINO 8 FLORANTE AT LAURA GAWAIN 1-4.pptx
 
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptxaralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
aralin4- Sektor ng Industriya april 17.pptx
 
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINASSektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
Sektor ng Industriya-Ekonomiks 9-PILIPINAS
 
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawaAralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
Aralin pangatnig kahulugan at mga halimbawa
 
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptxPanunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
Panunuring-Pampanitikan Sa Filipino.pptx
 
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptxAng sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
Ang sektor ng industriya araling panlipunan 10(1).pptx
 
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-AralinDULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
DULANG PANTELEBISYON.pptx Grade 7-Aralin
 
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdfFiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
FiL 2......BUOD-KONKLUSYON-AT-REKOMENDASYON.pdf
 
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptxMga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
Mga-kagamitan-sa-gawaing-kahoy-metal-kawayan-at-pang-elektrisidad-pptx.pptx
 
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
Module 1_ Pambansang Kaunlaran-Aral-Pan 9
 
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang FilipinoPAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
PAGSASALIN wika sa Asignaturang Filipino
 
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nilaTauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
Tauhan sa Noli me Tangere at ang mga ganap o ginagampanan nila
 
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangereKABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
KABANATA 4. Erehe at pilibustero noli me tangere
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
1st-comga-salik-na-nakakaapekto-sa-pagpili-ng-kurso-o-track-220911025716-8af5...
 

Ang Pamahalaang Sumeryo

  • 1. Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 1 PAMAHALAANG SUMERYO Sa paniniwala ng mga Sumeryo, ang pamahalaang sibil o estado ay pag-aari ng mga bathala. Ang mga bathalang ito ay kinakailangang magkaroon ng mga temple atlupain na pinamumunuan ng mga pari na tanging tagasilbi sa kanila.  Mataas ang pagtingin ng mga tao sa mga pari at ang pinakapinuno sa kanila, ang ENSI, ay may tungkuling pangalagaan ang kapayapaan ng Sumerya. Ang pamahalaan ng mga Sumeryo ay pamahalaang teokratiko. Simpleng demikrasya ang sinusunod. Ang karaniwang gawain at ipinauubaya sa isang lupon ng mga nakatatanda, at ang isa rito ay maaaring mapili bilang pansamantalang hari kung may krisis sa hinaharap.  Ang kababaihan, kabataan, at mga alipin ay hindi kasali sa pagpapatakbo ng pamahalaan, ngunit sa kabilang kaisipan, lahat ng mga tao at hayop, pati na mga bagay na walang buhay, mga kababalaghan sa kalikasan, atkahit na mga katotohanang mahirap unawain ay kabahagi ng estado at may buhay at katauhan. Ang estadong-siyudad sa kalaunan ay pinamumunuan ng isang nilalang na nagtagumpay laban sa kaaway, tagumpay na ipinagkaloob ng mga bathala. Ang nagtagumpay na ito ay tinaguriang hari o lugal at ang bahala ng lupaing kanyang pagsasakop. AKKADIA Sa kalaunan, ang mga Sumeryo ay nalupig ng mga Akkadiano sa hilaga.  Ayon sa mga sabi-sabi, si Sargon ay anak ng isang babaeng mula sa mababang uri athindi kilala angkanyang ama. Gayunman, siya ay pinagpala ng diwatang si Ishtar at naging hari ng halos limapu’t anim na taon. Sa kanyang pamumuno, nakilala ang kapanyarihan ng Akkad na lumawak hanggang sa Syria at Cyprus. Kinilala siyang bathala pagkamatay niya. BABILONYA  Ang pamahalaang Sumerya ay nilupig ng mga Amorito, isang bansang Semita, na nagtayo ng kabesera sa Babilon.  Hammurabi – ikaanim na hari ng dinastiyang Babilonya, kinilalang mambabatas, ang namuno sa Sumerya at Akkad – na naging Babilonya na nang mahigit apatnapung taon. Kabihasnang Babilonya  Kumalat ang kaalaman sa agham, sining, atpaniniwala ng Babilonya sa malaking bahagi ng unang mundo.  Ang kanilang kaisipan at sining, lalo na ang pagsulat ng cuneiform ay nakarating sa Syria, at ang wikang Babilonya hanggang Asya at Europa.  Natutuhan ng mga Etruskano sa Babilonya ang paggamit ng arko at dibinasyon, isang paraan ng panghuhula sa hinaharap sa pamamagitan ng pagbasa sa mga pangitain, at ipinasa naman ang mga ito sa mga Romano.  Hiniram ng mga Griyego ang kanilang sistema sa timbang, kalendaryo, at astronomiya.  Tumanggap ang mga Hudyo ng mga sangkap panrelihiyon. Galing din sa Babilonya ang paghahati ng araw sa dalampu’t apat na oras at ang labindalawang senyal na zodiac. Lipunan ng Babilonya  May tatlong antas pamlipunan sa Babilonya. Sa itaas ms antas ay naron ang hari, mga opisyal na sibil, mga sundalo, mga pari, mga may-lupa, at mayayamang negosyante.  Sumunod na antas – mga alipin, mga taong nadakip sa digmaan o naging alipin dahil sa hindi nakabayad ng utang.  Bagama’t maaari silang ipagbili, may mga karapatan din ang mga alipin. Maaari silang magkaroon ng pag-aari at maaarinilang bilhin ang kanilang kalayaan. Maaarisilang mag-asawa ng babaing malaya at ang magiging anak nila ay kinikilalang malaya rin.  Ang batayan ng lipunan ay ang pamilya at mahalaga sa lipunang ito ang posisyon ng kababaihan. Sila ay kinikilalang malayang mamamayan-maaaring magkaroon ng ari-arian, mag-asawa nang legal, at makipagdeborsyo. Arkitektura  Ang mga tahanan ng karaniwang mamamayan ay nakatayo sa makikitid na kalye. Bagama’t sa labas ay mukhang pangkaraniwan lamang ang anyo ng mga bahay at pare-parehong gawa sa stucco,maganda at maginhawa naman ito sa loob. May bukas na payo sa gitna, at kadalasan dalawang palapag ang taas.  Ang mga silid-tulugan ay nasa itaas na palapag samantalang ang sala ay nasa ibaba, pati ang kapilya na may nitsong libingan.  Ang bubungan ay patag na nakapatong sa barakilang galing sa punong cedar.  Maringal ang mga palasyo at templo. Ang mga artistikong Babilones ay marunong gumamit ng haligi, arko at vault.  Ang malalaking gusali ay kadalasang nakapatong sa malalaking plataporma o lupang teresa upang hindi masira sa maumidong lupa. Relihiyon  Patakaran o alituntunin sa pagsamba, mga uri ng salamangka upang itaboy ang masasamang espiritu, at mga dasal sa mga bathala upang sila ay di magalit o kaya ay magbigay ng pabor sa nagdarasal.  Bawat pangyayari sa buhay ay kinakailangang bigyang kahulugan at baka sakaling may ipahihiwatig ang mga bathala.  Ito ay malalaman sa pamamagitan ng dibinasyon, gaya ng pagbasa sa atay ng hayop na handog sa bathala. Ang mga panaginip, at pati ang mga kilos ng mga ibon at hayop ay kailangan ding ipaliwanag.  Naniniwala rin sila na maaaring malaman ang kinabukasan sa pag-aaral ng mga araw, bituin, at ang limang planetang alam noong panahong iyon.  Sa kanila nanggaling ang pag-aaral ng astrolohiya. Marami ring mga sulatin tungkol sa matematika at medisina, gayundin ang mga mapa at plano ng siyudad na nakatatak sa mga luwad na tableta. Ang Kodigo ni Hammurabi  Ito ay naglalaman ng 282 batas na nakatatak sa isang itim na tipak na bato (diorite) na walong piye ang taas.  Natagpuan ito sa Sosa (ngayon ay Khuzestan, Iran) ng isang arkeologong Pranses,siJacques De Morgan, noong 1901. Ito ngayon ay nasa museo ng Louvre sa Paris.
  • 2. Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 2  Halos lahat ng patakaran sa buhay ay nasa kodigong sibil at criminal ni Hammurabi, kasama ang mga palakad tungkol sa ari-ariang personal, lupain, negosyo, kalakal, pagsasaka, pamana, at pag-aampon.  May kautusan din tungkol sa halaga ng paggawa at ng mga hayop, bilihin, mga kontra at paupa.  Ang mga karapatan ng kababaihan, kabataan, at mga alipin ay pinapangalagaan dito.  May parusa kung may pagkakasala sa ari-arian o sa tao n gang kabigatan ng parusa ay nakabatay sa tatlong uring panlipunan.  Ang isang taong mahirap na nagkasala sa isang taong mas mataasang katayuan sa lipunan ay tumatanggap ng lalong mabigat na parusa, ngunit hindi ito nangyayari sa kabaligtaran.  Ang pangunahing prinsipyo ng kodigo ay ang tinatawag na lex taliones – “mata sa mata, ngipin sa ngipin”. Kaya kung ang isang tao ay nakapinsala ng mata ng kapwa niya, ang mata niya ang dapat pinsalain bilang kabayaran. MGA HETEO Pamahalaan  Ang kaharian ng mga Heteo ay isang kompederasyon na kinabibilangan ng Cappadocia na siyang sentro ng estado, kasama ng mga kaanib na sakop at estado sa Asya Menor at karatig nito.  Ang hari ang punong opisyal ng pamahalaan, noong una pinipili ng isang sanggunian ng matatanda na galing sa kanilang pamilya.  Nang kalaunan at lumaki na ang impluwensiya ng kaharian, naging malupit ang hari kagaya ng kanayang kapanahong mga hari sa Silangan.  Ang hari ay kinikilalang banal. Sagisag niya ang araw na may pakpak na galing sa Ehipto.  Bukod sa reyna, mayroon din siyang harem o pangkat ng iba pang asawa.  Nakaalalay sa hari ang mga maharlika at mga pari na malamang ay mga Heteo.  Mataasangtingin sa mga sundalo, atsumusunod sa kanila ang artesano at sa pinakamababang antas ay ang mga magbubukid na mistulang alipin o busabos. Ekonomiya  Nakasalalay sa pagpapastol ng mga kawan ng mga hayop.  Mahalaga rin sa kanila ang pagtatanim.  Sila ay tanyag di sa pagmimina, lalo nan g bakal na ginagamit sa paggawa ng mga sandata.  Ang kanilang kalakal ay nakararating sa malalayong lugar, sa timog patungong Tarsus at sa kanluran patungong Bosporus.  Gumagamit sila ng kabayo hindi lamang sa paghakot ng kanilang produkto, ginagamit din iyon para sa larangang pang military at sa larong karera ng karwahe. Kultura  Hiniram ng mga Heteo ang cuneiform na galing sa Babilonya.  Ang kanilang kodigong batas ay di tulad ng s Babilonya, ay hindi gaanong malupit. Sa halip na parusahan ng kamatayan ang maysala, ito ay pinagmumulta na lamang.  Marami silang bathala sa kanilang relihiyon na galing sa kanilang pagiging lagalag.  Sinasamba nila ang dakilang Inang Diwata ng Fertilidad na taal sa Asya Menor at ang mga diwata ng araw at buwan.  Ang kanilang mga temple at palasyo ay hindi kasing- rangya ng sa Tebes at Babilonya.  Sa kanilang lilok, makikita na ang mga Heteo ay mga taong mataas ang noo at hugis tuka ang ilong.  Gumagamit sila ng sandatang bakal, kabayo at karwahe.  Ang kanilang kabesera ay napaliligiran ng malaki at matibay na moog.  Pagkaraan ng 1200 B.K., lumubog ang pamayanan ng mga Heteo, pati na rin ang ibang mga kaharian noong panahong iyon.  Sumuko sila sa kapangyarihan ng Ehipto, Asiria, Caldea, at Persiya. Ito ay nagbigay daan sa paglitaw ng maliliit na estado sa Syria at Palestina. ASSYRIAN  Ang Assyria ay lupaing maburo sa itaas ng Ilog Tigris na patungong Babilonya.  Ang katamtamang klima nito ay nagpapalakas ng katawan. Mga sinakop ng Assyrian: -Babilonya, Judah, Israel, at pati ang Ehipto  Masasabing ang ganitong tagumpay ay mga Asirio ay bunga ng kanilang pagkakaisa bilang isang bansa, ng kanilang masiglang masiglang karakter bilang mandirigma, at kahusayan ng kanilang mga opisyal at sunud-sunod na mabubuting hari. Kabihasnang Assyria  Ang Assyria ay isang bansa ay hindi katipunan ng ilang tribu o estadong-siyudad.  Karamihan sa mga Asirio ay magbubukid sa mga lupain na pag-aari ng mga maharlika.  May panggitnang uri sa kanila na kinabibilangan ng mga artesano. Ito ay ang mga bangkero, negosyante, manunulat, karpintero, manghahabi at Platero na may kani-kanilang tirahan sa siyudad.  Karaniwang ipinamamana ng ama ang kanayang kasanayan sa anak na lalaki o sa isang manggagawa nagsasanay.  Ang pangunahig gawain sa Assyria ay pandirigma, at sinusundan ito ng pagsasaka o agrikultura.  Kadalasan na ang mga alipin ay mga bihag mula sa digmaan ngunit sila ay maaaring magkaroon ng ari-arian.  Ang wikang opisyal sa Assyria ay Assyrian, ngunit ang kadalasang ginagamit ay wikang Arameo.  Ang mga lupang sakop ay hinahati sa mga distrito o lalawigan at kinakailangan silang magbayad ng buwis sa pamahalaang sentral.  Ang kabihasnang Assyria ay ay kinuha sa Sumerya at Babilonya. Malaki ang utang nito sa Babilonya lalo na sa larangan ng relihiyon. Pareho ang kanilang bathala maliban sa kanilang bathalagn pambansa na si Ashur, isang bathalang manidirigma na nakalarwang may pakpak na pabilog.  Ang mga Asirio ay mapamahiing mga tao na naniniwalang sila ay palaging inaapi ng masasamang puwersa. Kaya ang relihiyon nila ay nakasalalay sa takot sa tao at masamang espiritu na kinakailangang kalabanin.  Kailangan nilang gumamit ng anting-anting at tulong ng mga pari. Importante sa kanila ang ipaliwanag ang
  • 3. Araling Panlipunan 8 – Pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnan saAsya 3 kahulugan ng paglalaho ng buwan o ng araw kaya sila ay interesado sa pag-aaral ng astrolohiya. CALDEA  Noong 612 B.K., sinalakay at sinira ng mga Caldeo, Mediano, at Sitiyano ang Nineveh. Ang Caldea at Medea ang humalili sa imperyo ng Assyria.  Hari ng Caldeo – Nebuchadnezzar  Sinalakay at winasak ni Nebuchadnezzar ang Jerusalem (dahil sa isang malaking rebelyon doon) at tinangay niya ang mga Hudyo. Ito ang tintawag na Babylonian Captivity.  Upang hindi malungkot ang reynang taga-Medea ni Nebuchadnezzar, nagpatayo siya ng isang malaking ziggurat at tinamnan ang mga baiting na lupa nito ng mga punongkahoy at palumpong upang magmukhang mga bundok. Ito ang kinikilalang Hanging Gradens of Babylon na tinaguriang isa sa “pitong kababalaghan ng sinaunang mundo”. Karamihan sa mga gusaling ito ay gawa sa pader na ladrilyo na pinapalamutian ng makukulay na tisa na naglalarawan ng leon, griffin, at iba pang hayop. Sining ng mga Caldea  Ang mga Persiyano ay sanay sa payak na pamumuhay, di tulad ng kinagawiang karangyaan sa ibang bahagi ng Asya.  Sila ay matitipunong lahing tagabundok.  Ayon kay Herodotus, isang historyador na Griyego, ang kabataang Persiyano ay tinuturuan ng tatlong bagay lamang: mangabayo, mamana, at magsalita ng katotohanan.  Sa araling pangsining, marami silang hiniram sa Assyria, Babilonya, Ehipto, at pati na rin sa mga Griyego.  Galing sa Babilonya ang terasa o bai-baitang na lupa para sa kanilang arkitektura.  Ang mga haliging matataas at magaganda ay galing sa Gresya. Gumamit din sila ng makukulay at makikintab na tisa para sa mga palasyo. Relihiyon  Ang mga Persiyano ay sumasamba sa maraming bathala at sa lakas ng kalikasan.  Mayrron din silang grupo ng propesyunal na mga pari na tinatawag na mago. Sila at matatalino o paham. Bilang mga pari sila ang pumapayapa sa mga bathala at nagtataboy ng masasamang espiritu.  Zoroaster – isang dakilang guro sa Medea, na ngaral at nagtatag ng isang relihiyon, ang Zoroastriyanismo, na sumasamba sa isang bathala lamang, si Ahura Mazda, na siyang lumikha ng langit, lupa, at sangkatauhan.  Si Ahura Mazda – ay isang pantas at banal na bathala at itinatangi niya ang katotohanan, kabutihan, at katapangan.  Dahil bathala ang liwanag, lagi niyang kalaban ang lakas ng dilim at kasamaan na pinamumunuan ni Ahriman.  Ang mga naniniwala kay Ahura Mazda ayon sa turo ni Zoroaster ay makatatanggap ng masayang buhay na walang hanggan samantalang ang masasama ay mahuhulog sa bangin ng mga demonyo.  Si Ahura Mazda ay sinasamba sa itaas ng burol sa pamamagitan ng apoy, dasal at paghahandog ng alay na mga inumin. Ang kalipunan ng mga banal na himno at dasal ng relihiyon na galing mismo kay Zoroaster ay tinatawag na Avesta.