Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

Ang Paghahangad ng Espanya sa Kayamanan mula sa Silangan

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Nächste SlideShare
Ap
Ap
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 8 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie Ang Paghahangad ng Espanya sa Kayamanan mula sa Silangan (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

Anzeige

Ang Paghahangad ng Espanya sa Kayamanan mula sa Silangan

  1. 1. ANG PAGHAHANAPNG SPICES Spices – ginagamit nila bilang pamapalasa sa kanilang mga pagkain at upang mapreserba ang mga karne. Ginagamit din nila ito para sa kanilang mga pabango, kosmetiks, at medisina. Malaking demand ng spices sa mga Europeo: paminta, cinnamon, at nutmeg. Tanong: 1. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices? 2. Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang ekplorasyon? PINANGUNAHANNG PORTUGALANG PAGGAGALUGAD Portugal – ang kauna-unahang bansang Europeo na ngkaroon ng interes sa paggagalugad sa Karagatan ng Atlantic upang makahanap ng mga spices at ginto. Prinsipe Henry – anak ni Haring Juan ng Portugal, ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga paglalayag sa pamamgitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat, tagagawa ng mapa, matematisyan at astrologo na mag- aaral ng siyensiya ng nabigasyon sa bansa. Siyaangnagingpatronng mgamanlalakbaykayaikinabit sa kaniyang pangalan ang katawagang Ang Nabigador. Bansang narating:Azores,Isla ng Madeira, at sa mga Isa ng Cape Verde. 1420-1528 – nakapaglayag ang mga mandaragat na Portugeshanggangsa Kanlurangbahagi ng Africaupang hanapin ang rutang Katubigan patungo sa Asya. Agosto 1488 – natagapuan ni Bartholomeu Dias ang pinakatimog na bahagi ng Africa na naging kilala sa katawagang Cape of Good Hope.  Ang paglalakbay ni Dias ay nagpakilala sa maaaring makarating sa pamamagitan ng pag-ikot sa Africa. 1497 – 4 na sasakyang pandagat ang naglakbay na pinamunuan ni Vasco da Gama mula Portugal hanggang sa India.  ItoaynakaratingsaCape of GoodHope,tumigilsailang mga trade post sa Africa upang makipagkalakalan at nakarating matapos ang 10 buwan sa Calicut, India.  Dito natagpuanni Da Gama ang mga Hinduat Muslim na nakikipagkalakalan ng mahuhusay na seda, porselana at panlasa. Mga Tanong: 1. Bakitang Portugal ang nangunasa paghahanapng spices at ginto? 2. Sino-sinoangmgaPortuguese nanaglayagat ano- ano ang lugar na kanilang narating? ANG PAGHAHANGAD NG ESPANYA SA KAYAMANAN MULA SA SILANGAN  Ang pagpapakasal nina Haring Ferdinand V ng Aragonat Reyna IsabellaI ng Castille noong1469 ay naging daan upang ang Espanya ay maghangad din ng mga kayamanan sa Silangan. Christopher Columbus – isang Italyanong manlalayag, unang namuno sa ekspedisyon pa Silangan. Siya ay tinulungan ni Reyna Isabella na ilunsad ang kanyang unang ekspedisyon na adhikaing makarating sa India na ang gagamiting daan ay pakanluran ng Atlantiko. Karanasan sa paglalakbay: 1. Walang kasiguraduhan na mararating nila ang Silangan 2. Pagod at gutom sa kanilang paglalakbay 3. Haba ngpanahonnakanilanginilagisakatubigan Ngunit naabot niya ang isla ng Bahamas na sa kanyang pag-aakala ay ang India dahil ang kulay ng mga taong naninirahanaygayangmga taga-Indiakayatinawagniya ang mga tao dito na Indians. Tatlong buwan pa ang inabot nila sa paglalakbay hanggangmaabotnilaang Hispaniola (sakasalukuyanay ang mga bansa ng Haiti at Dominican Republic) at ang Cuba. Pagbalik ni Columbus sa Espanya ay ipinagbunyi siya sa resulta ng kaniyang ekspedisyon at binigyan ng titulong Admiral of the Ocean Sea, Viceroy at Gobernador ng mga islang kaniyang natagpuan sa Indies.
  2. 2. 1506 – bago mamamatay si Columbus tatlong ekspedisyon pa ang kanyang pinamunuan at narating niya ang mga isla sa Caribbean at sa South America ngunitdi pa rinsiyatagumpaysa paghahanapngbagong ruta patungo sa Silangan. 1507 – isang Italyanong nabigador, si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si Columbus ay nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay isinunodsapangalan niyana nakilalaitobilang America at naitala sa mapa ng Europe kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Tanong: 1. Bakithinangadng Spainangyaman ngSilangan? Paghahati ng Mundo 1493 – gumuhit ng line of demarcation – ito ay isang di nakikitang linya mula sa gitna ng Atlantiko tungo sa Hilagang Pola hanggang sa Timugang Pola. Ipinaliliwanag nito na ang lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa Kanlurang bahagi ng linya ay para sa Spain at sa Silangang bahagi ng linya ay para naman sa Portugal. 1494 – Kasunduansa Tordesillas – nagpetisyonangmga Portuguese nabaguhinangline of demarcationnaitoay ilayopakanluransasadahilannabaka maslumawakang paggagaligad ng Espanya. Ipinakikita dito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusanng Portugal at Spainang bahagi ng mundi na di pa narrating ng mga taga-Europe. Tanong: 1. Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain? FERDINAND MAGELLAN 1480 – isinilang si Magellan sa Sabrosa, Portugal. Rui de Magalhaes – ama ni Ferdinand Alda de Mesquita – ina ni Ferdinand Tanong: 1. Ano ang mahahalagang bunga ng paglalayag ni Magellan? 2. Paano narating ni Magellan ang Pilipinas? ANG MGA DUTCH (OLANDES) 17th century – napalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya.  Inagaw nilaangMoluccas mulasaPortugal at nagtatag ng bagong sistemang plantsyon kung saan ang mga lupain ay pinatamnan ng mga tanim na mabili sa pimilihan.  Ang naging epekto nito ay sapilitang paggawa na naging patakaran din ng mga Espanyol sa Pilipinas. Henry Hudson – nangunasa paglalayagngmga Dutch, napasok niya ang New York Bay noong 1609 at pinangalanan itong New Netherlands.  Sa kanya ipinangalan ang Ilog Hudson sa Manhattan, USA  NagkaroondinngkolonyaangDutchsa NorthAmerica 1624 – isang trade outposto himpilangpangkalakalan ang itinatag sa rehiyon na pinangalanang New Amsterdam. Ito ngayon ay kilala bilang New York.  Kung ihahambing sa pananakop ng mga Dutch sa America, mas nagtagal ang kanilang kapangyarihansa Asyadahil sa pagkatatag ng Dutch East IndiaCompany noong 1602.
  3. 3. Tanong: 1. PaanopinalitanngmgaDutchangmgaPortuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya? Kahalagahan ng mga Paglalayag at Pagtuklas ng mga Lupain 1. Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa baybay dagat ng Atlantic mula sa Spain, Portugal, France, Flanders, Netherlands, at England. 2. Higit na dumagsa ang mga kalakal at spices na nagmulasa Asia.Sa NorthAmerica,kape,ginto,at pilak; sa South America, asukal at molasses at sa Kanlurang Indies, indigo. 3. Napalaganap ang salaping ginto at pilak na galing Mexico, Peru at Chile. Ito ang nagpasimula ng pagtatatag ng mga bangko. Tanong: 1. Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain? Epekto ng Unang Yugto ng Kolonisasyon 1. Ang mga eksplorasyonnapinangunahanngmga Espanyol at Portuguese ang nagbigay-daan sa malawakangpagkakatuklassamgalupainghindi pa nagagalugad at mga lupaing hindi pa nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan.Itorinang nagpalakasngugnayan ng Silangan at Kanluran. 2. Napukawang interessabagong pamamaraanat teknolohiyasaheograpiyaatpaglalayagangmga eksplorasyon. 3. Sumigla ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan dahil sa kolonisasyon. Activity 1: Talahanayan ng Manlalayag Panuto: Batay sa binasa mong teksto punan ang talahanayannghinihingingmgaimpormasyontungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon. MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON PERSONALIDAD BANSANG PINAGMULAN TAON LUGAR NA NARATING/ KONTRIBUSYON HAL. Vasco da Gama Portugal 1498 India Tanong: 1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar ang kanilang narating? 2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain? 3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggagalugad sa daigdig? 4. Paano nakatulongangmga manlalayagna itosa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papaya k aba? Bakit? Tanong: 1. Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyonat imperyalismo? Patunayan. 2. Ano-anong bansa ang nanguna sa Unang Yugto ng Kolonisasyon?Ano-anongbansaangkanilang nasakop? 3. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin? 4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayang nasakop ng mga Kanluranin? 5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga makapangyarihang bansa? Bakit? 6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyon bansa, ano ang iyong gagawin?
  4. 4. Gawain: Mabuti O Masama ? Matapos ang pagtatalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito na naunawaan mo ang mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolumn na iyong sagot. EPEKTONG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO NAKABU TI NAKASAM A DAHILA N 1.Paglakas ng ugnayan ng Silangan at Kanluran. 2.Paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa Silangan. 3.Pagbabago ng ecosystem ng daigdig bunga ng pagpapalitan ng hayop, halaman at sakit. 4.Paglinang ng mga Kanluranin sa likasna yaman ng mga bansang nasakop. 5.Interes sa mga bagong pamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag. Tanong: 1. Ano-ano ang mabuting epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-ano ang masamang epekto? 2. Sinoang higitna nakinabang sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: Ang mga Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit? 3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit? ANG IMPERYONG KOLONYAL NG MGA BRITISH  Ang imperyong British ang kinikilalang pinakamalaking imperyong naitatag sa kasaysayan ng daigdig.  Tulad ng mga Olandes, ang mga British ay nagtalaga rin ng kompanya na siyang mangangalaga sa himpilang pangkalakalan sa Asya sa pamamagitan ng British East India Company. Layunin: 1. Sa simula ang gusto lamang nila ay makipagkalakalan, ngunit nauwi ito sa pagtatayo ng imperyo.  Nang bumagsak ang Imperyong Munghal, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng British at Prances sa pamumuno ni Sir Robert Clive.  350 years naging kolonya ng Britain ang India  Nakapgtatag na ng himpilang pangkalakalan ang mga British sa mga lungsod ng Madras India, Bombay India, at Calcutta India, Laos, Vietnam, Cambodia at Indonesia. ANG IMPERYONG KOLONYAL NG MGA PRANSES 1664 – noong dumayo ang mga French sa Asya  Tulad ng Netherlands at Britanya ang pamamahala sa komersiyo ay itinalaga ng mga Pranses sa isang komersiyo. French East India Company sa Pondicherry, India (1674) – ang kauna-unahang himpilang pangkalakan ng mga Pranses Francois Dupleix – ang tagapangasiwa ng Freanch East India Company Hunyo 23, 1757 – nagsimula ang labanan ng dalawang hukbo sa pagitan nina Sir Robert Clive (Briton) at Francois Dupleix (Pranses) ito ang Labanan sa Plassey.  Natalo ang mga Pranses, bunga ng pagkakapanalo ng mga Briton pinaghawakan nila ang kapangyarihan sa India.
  5. 5.  Pinalawak naman ng Pranses ang kanilang kapangyarihan pasilangan at sinakop ang bahagi ng Vietnam ng Indochina. PAGBUBUKAS NG JAPANSA KANLURANIN Shogunato Tokugawa – napasailalim niya ang buong kapuluan ng Japan sa sistemang piyudalismo. Ang mga lupain ay hinati hati ng shogun sa mga aristokratang may-ari ng lupain na pinaglilingkuran ng mga magbubukid, sa ilalim ng proteksiyon ng kanilang daimyo at samurai. 19th century sinubukang kumbinsihin ng mga Kanlurain ang mga Hapones na magbukas ng kanilang mga hinpilang pangkalakalan sa pandaigdigang kalakalan. Subalit tulad ng Tsina, ilang ulit ding tinanggihan ng Japan ang bagay na ito. 1853 – 4 na bapor ang duamong sa baybayin ng Edo, Tokyo sa pamumuno ni Commodore Matthew Perry Dala ang isang mensahe, ginulat ni Perry ang mga Hapones na noon lamang nakakita ng ganoong kalaking bapor, na may kargang kanyon at riple. Nagmula sa pangulo ng Estados Unidos ang sulat, mula kay Pang. Millard Fillmore. Walang nagawa ang shogun kundi tanggapin ito, sila ay nangambang kayang lipunin ang kanilang matatapang na samurai ng mga sandatang dala ng barko. LAYUNIN NG MGA AMERIKANO SA PAGBUBUKAS NG JAPAN PAGHARAP SA IMPERYALISMO  20th century nagsimulang makilala ang Estados Unidos bilang panibagong puwersang military at pampolitika sa daigdig. Dala ng makabagong teknolohiya at pag-unlad ng kanilang ekonomiya, hinangad ng mga Amerikano na mapabilang sa mga tanyag na imperyong Kanluranin. 2 pangunahing kaisipan na nakaimpluwensiya sa pamamayagpag ng Estados Unidos: Manifest Destiny – isang kaisipang laganap sa nakararaming Amerikano na sila ay itinadhanang magpalawak ng kapangyarihan at impluwensiya sa iba’t ibang panig ng mundo. Frontier Thesis – tumutukoy sa paniniwala na ang paglulunsad ng demokrasyang Amerikano ay naaayon sa paglawak ng teritoryo ng Estados Unidos. Sa pamamagitan ng patuloy na pagsulong ng hangganan ng teritoryo ng Estados Unidos, mapapalaganap ng mga Amerikano ang kanilang kultura at demokrasya sa iba’t ibang lupaing mapapasailalim sa kanilang kapangyarihan. “It was man’s burden to conquer and Christianize the land” ayon sa mga Amerikano. KASUNDUAN SA KANAGAWA 1854 – nilagdaan ang kasunduan sa Kanagawa Nilalaman: 1. Nabuksan ang 2 himpilang pangkalakalan ng Japan para sa mga bapor ng mga Amerikano. 2. Pagtatayo ng Estados Unidos ng embahada sa Japan. 3. Lumaki ang bilang ng mga produktong iniangkat papasok ng Japan dulotng pinababa at pirmihang taripa na nakapataw dito. 4. Pumasok sa bansa ang marami atmurang produkto na tulad ng tela at mga handicraft, na nagpalugi sa mga tulad nitong produktong Hapones. Ang mga dayuhan ay namili rin ng maraming ginto sa bansa bunga ng malaking kamurahan nito, kumpara sa mga bansang Kanluranin, ang mabilis na paglabas ng ginto, kasabay nang pagpasok ng mga produktong dayuhan ay labis na nagpahirap sa mga Hapones. WESTERNISASYON AT MODERNISASYON SA ILALIM NG PANAHONG MEIJI Sa panahong ito naging popular sa mga Hapones ang sawikaing: “ipagbunyi ang emperador” at “paalisin ang mga barbaro” Buo ang kanilang paniniwalang malaking pinsala lamang ang idudulot ng mga Kanluraning bansa sa kanila. MODERNISASYON – tumutukoy sa transpormasyon ng tradisyonal na sistemang lipunang piyudal sa higit na maunlad at makabagong lipunan.
  6. 6. Sinisimulan ng Hapones nag awing modelo ang kanilang pagbabagong anyo ang mga Kanluranin sa ilalim ng pinanaligan na sawikain. 1869 – itinatag ni Emperador Mutsuhito ang panibagong pamahalaan at pinili ang pangalang Meiji sa kanyang pamamahala. Meiji – ibig sabihin ay “naliwanagang pamamahala” (enlightened rule) Sa kanyang pagsisimula, ipinadala ni Mutsuhito ang ilang iskolar na Hapones sa mga bansang Kanluranin upang pag-aralan ang mga gawing Kanluraning inaakala nilang maaaring maibagay sa kulturang Hapones. Mga nagawa ni Mutsuhito: 1. Iniayon ni Mutsuhito ang konstitusyon ng Japan sa Germany. 2. Pinalakas din niya ang sandatahang lakas ng Japan gamit ang sandatahang lakas ng Germany bilang modelo. 3. Ang hukbong pandagat ay ipinares niya sa British. 4. Iniayon niya ang sistema ng edukasyon ng Japan katulad ng sistemang edukasyong pampubliko ng mga Amerikano. 5. Pinag-aral niya ang mga gurong Hapones sa ibang bansa. 6. Sinuportahan niya ang pagsunod sa industriyalisasyong Kanluranin. 7. Ipinagada niya ang daang bakal sa bansa noong 1875 na nagdurugtong sa himpilang pangkalakalan ng Yokohama sa Edo. PAG-USBONG NG IMPERYALISMONG HAPONES 1890 – ang Japan ay marami nang bapor pandigma at mayroon ng 500,000 na nagsasanay at armadong mga kawal. Ang bansa ay kinilala na bilang pinakamalakas na bansa sa Asya. Tulad ng mga bansang Europeo, nakita rin ang Japan ang kahalagahan ng imperyalismo sa pagpapaunlad ng ekonomiya at bilang pangangalaga sa seguridad ng bansa. “Ang Asya ay para lamang sa mga Asyano” – ito ang naging simula ng awayang Hapones-Amerikano. DIGMAANG SINO-HAPONES 1885 – ang Japan at Tsina ay lumagda ng isang kasunduang nagsasaad na alinman sa kanila ay hindi magpapadala ng hukbo sa Korea. Nang magkaroon ng rebelyon sa Korea laban sa mga Koguryo, ang Korea ay humingi ng tulong sa Tsina, na kaagad namang nagpadala ng hukbo sa bansa. Hunyo 1884 – sinira ng Tsina ang kasunduan na ito. Ang aksiyong ito ng Tsina ay tinutulan ng Japanat kaagad din itong nagpadala ng hukbo sa Korea upang harapin ang hukbong Tsino. Sa loob lamang ng ilang buwan, tinalo ng hukbong Hapones ang hukbong Tsino at sinimulang sakupin ng Hapones ang Manchuria. Kasunduan sa Shimonoseki – ito ang nagwakas sa digmaang Hapones at Tsino. Natamo ng Japan ang Taiwan at mga pulo ng Pescadores bilang kauna-unahan nitong kolonya. Ginulat ng Japan ang mga Europeo dahil nag-akala ang mga ito na ang Tsina ang mananalo digmaang Tsino- Hapones. Dahil dito nagbago ang balance of power. BALANCE OF POWER – tumutukoy sa pagkakaroon ng balance sa pagitan ng dalawa o higit pang mga bansa o puwersa upang di makapangibabaw o makimpluwensiya ang isa sa nakararami. DIGMAANG RUSSO – HAPONES Ang Russia at Japan ay nakilala bilang pangunahing kapangyarihan at magkaaway na bansa sa Silangang Asya. Ang di pagkakasundo ng dalawang bansa ay dulot ng magkatulad nilang interes sa Manchuria at Korea. Ang Japan at Russia ay nagdigmaan laban sa Manchuria. MANCHURIA – ito ay isang rehiyon sa hilaga ng Korea na nasa ilalim ng pamamahala ng Tsina. Nang kinailangan ng umalis ng mga dayuhang Tsina pagtapos ng REbelyong Boxer, ang Russia ay nanatili at nagtagal pa sa Manchuria. Ang pangyayaring ito ay hindi naibigan ng Japan dahilan sa layunin niyang gawing saklaw ng impluwensiya ang lupain. 1901 – ipinag-utos ng Japan sa Russo na alisin ang hukbo nito sa Manchuria, ngunit hindi ito pinansin ng Russia.
  7. 7. Kaagad na nilusob ng Japan ang hukbong Russian sa Port Arthur at pinalubog ang ilang bapor ng mga Russian na tuluyang ikinatalo ng mga ito. 1905 – nagwakas ang digmaan sa pamamagitan ng KASUNDUAN SA PORTSMOUTH (sa isang bapor sa Portsmouth, New Hampshire sa Estados Unidos). Naganap sa tulong ni Theodore Roosevelt. Sa pamamagitan ng kasunduang ito, ang lahat ng teritoryong nasakop ng Japan ay ipinagkaloob na muli sa Japan at sapilitan ding pinaatras ang Russia mula sa Manchuria at Korea. ANG PAGSAKOP NG JAPAN SA KOREA 1910 – isinanib ng Japan sa kanyang teritoryo ang Korea bilang isang protectorate. PROTECTORATE – tumutukoy sa isang bansang nasa ilaim ng pamamahala at proteksiyon ng isang malakas na bansa. Naging marahas ang Japan sa pananakop nito sa Korea. 1. Sapilitan nitong ipinasara ang lahat ng mga babasahing Korean 2. Pinasimulan ang pamamalakad ng mga paaralang Koreano. 3. Ipinagpilitan ding ipaturo ang wika at kasaysayang Hapones sa mga Koreano kapalit ng wika at kasaysayang Koreano. 4. Sinamsam ang lahat ng lupain ng mga magbubukid na Koreano at ipinamahagi ito sa mga Hapones na pirmihan ng naninirahan sa bansa. 5. Nagtayo ng negosyong Hapones ngunit ipinagbawal ang pakikipagnegosyo ng mga Koreano sa mga Hapones. Bagama’tgalit, ang mga Koreanoay hindi nagsagawa ng anumang marahas na pag-aalsa laban sa mga Hapones. Ngunit ang pananakop na ito ang nagpasimula ng paglinang ng nasyonalismong Koreano. DIGMAANG ESPANYOL AT AMERIKANO Enero 1898 – ipinadala ng Estados Unidos ang barkong pandigmang USS Maine sa daungan ng Havana, Cuba upang pangalagaan ang mga mamamayang Amerikano at mga interes ng Amerika sa nasabing bansa. Kasalukuyan noong ipinaglalaban ng mga taga Cuba ang kanilang kasarinlan mula sa Espanya. Pebrero 15, 1898 – nagkaroon ng pagsabog sa USS Maine na naging sanhi ng paglubog nito at pagkamatay ng mahigit 200 tripulante at marino.  Dahil dito ay napilitan ang Estados Unidos na sumali sa digmaan sa Cuba at pumanig sa mga rebolusyonaryong Cubano.  Nagdeklara ng digmaan laban sa Espanya at nagpadala ng puwersang pandigma upang kunin ang ilan sa mga kolonya ng Espanya, kabilang na ang Pilipinas. Admiral George Dewey – nakipag-ugnayan ang puwersang pandigma ng Estados Unidos sa mga rebolusyonaryong Pilipino na noon ay nakahimpil sa Hong Kong bunga ng kasunduang pangkapayapaan na kanilang nilagdaan sa Biak- na-Bato.
  8. 8. Hen. Emilio Aguinaldo – nakipagpulong sa ilang kinatawan ng Estados Unidos hinggil sa planong pagsalakay sa mga Espanyol sa Pilipinas.  Sa pagpupulong na ito, napagkasunduan ng dalawang panig na makipagtulungan upang talunin ang mga Espanyol.  Ayon akay Aguinaldo, nangako rin ng kasarinlan ng Pilipinas, kapalit ng kooperasyon ng mga rebolusyonaryo. May 1, 1898 – dumating sa Maynila ang puwersa ng mga Amerikano. Muling nabuhay ang Himagsikan at muling lumaban ang rebolusyonaryo sa mga Espanyol. Naging matagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pagpapalaya sa mga probinsiya sa Katagalugan. Ang iba pang bahagi ng kapuluan ay nag-alsa rin laban sa pamahalaang kolonyal. Hunyo 1898 – napaligiran na ng puwersang rebolusyonaryo ang Maynila at hiningi ni Aguinaldo ang pagsuko ng mga Espanyol.

×