3. Dapya ng maaliwalas na hangin,pabugso – bugsong
agos ng napakalinaw na tubig sa talon, kalas ng mga hayop
sa mala paraisong gubat, na sinabayan ng iba‟t – ibang huni
ng kalikasang kaysarap lasapin ang lumantad sa ulirat ni
Minerva. Namulat siya ng datnan ang sarili sa lugar kung
saan bago sa kanyang paningin. “ ang ganda! Ang ganda ng
paligid! “halos hindi makapaniwalang wika ni Minerva
habang nilalasap ang napakasarap na hangin na may
dalang bango ng iba‟t – ibang uri ng mga bulaklak na
nakapaligid dito. “kung nasan man ako, alam kong biyaya ito
sa akin! Alam kong magiging Masaya ko dito!
Nararamdaman ko, na para sa akin ang paraisong ito!
Patawang sambit ni Minerva. Habang naglalakad sa
kabuuan ng paligid, may narinig na boses si Minerva.. boses
ng isang babae, napakagaan pakinggan na animo‟y isang
anghel na tinig. “Minerva….Minerva….halika….” salitang
binigkas ng tinig. “s – sino ka? P -p –aano mo nalaman ang
pangalan ko?” sagot naman ni Minerva sa boses na narinig.
“halika dito, humakbang ka ng dalawampu‟t limang beses
galling
sa
kinatatayuan
mo
ngayon
patungong
kanan, pagdating mo, agad mong makikita ang malaking
batong mala ginto. Lumapit ka at doon, doon mo ako
makikita” ang panghihikayat na sambit ng boses.
4. Agad na humakbang si Minerva tungo sa direksyong sinabi
ng boses, habang naglalakad ay magkahalong emosyon ang
kanyang nararamdaman, animo’y tambol kung tumunog ang
kabog
ng
kanyang
dibdib.
“isa, dalawa, tatlo,apat,…………….labin – siyam” isang
hakbang nalang ng napatigil si Minerva. “ iisang hakbang
nalang, Minerva, itutuloy mo ‘ba ‘to? Hindi, uo,hindi, ou” paulit
– ulit na sambit ni Minerva sa kanyang sarili ngunit sa huli’y
napagpasyahan niyang ituloy ang hakbang at ng siya ay
dumating sa lugar ng tinig, agad siyang namangha sa kanyang
nakita. Isang napakalaking gintong bato, hugis puso na may
makikinang na diamante sa gilid nito. Napakaliwanag ng
bato,nakakalula tingnan. “ang ganda! “ tanging salitang
nasambit ni Minerva na nakatulala ang kanyang mga mata. Ng
ilang saglit ay may naaninag siyang mukha.. sa una ay
napakalabo nito, ng lumaon ay dahan – dahan itong
lumilinaw.. isang babae, isang napakagandang babae ang nasa
loob ng batong nasa kanyang harapan. “ang ganda – ganda
niya, mukhang anghel.. nakalugay ang kanyang aalon – alon
na buhok, napakaamo ng kanyang mukha” palihim sa sambit
ni Minerva sa sarili.
5. .
“Minerva…tawagin mo nalang ako sa pangalang Rossetta,isa
akong diwata at ikaw ay nandirito sa kaharian kung saaan
mahihiling mo anu man ang iyong gusto”ngunit tatandaan, tatlong
kahilingan lamang. Wika ng diwata. “t –t –talaga- a?? s –s –sigurado
ka? Pautal – utal na tanong ni Minerva. “uo, maari kang humiling sa
akin ngayon” ang sagot naman ng diwata. Tamang – tama! Marami
akong nais hilingin! Kung ganito ang magiging buhay ko, mas
gugustuhin ko pang manatili dittong mag - isa, walang ka proble problema..saya!Ayos „to! Uumpisahan ko na! gusto kong magkaroon
ng napakagandang damit, sapatos at android phone!” ang sunod –
sunod na hiling ni Minerva! Laking gulat niya ng tumambad sa kanya
ang limang uri ng damit, mukha itong mga mamahalin, isang android
na celllphone at napakagarang sapatos. “wow! Totoo nga! Updated
ka rin pala sa android phone!” masayang sambit ni Minerva. “Meron
pa, gusto ko ng maraming pagkain, iba‟t – ibang uri ng masasarap
na pagkain” at agad naman itong tinugon ng diwata. “gusto kong
magkaroon ng napakalaki at napakagandang palasyo, ditto sa lugar
na ito”niya. “Minerva, pangatlong hiling mo na ito sigurado ka bang
ito ang huli mong hiling? Tanong ng diwata. “uo naman! Pangarap
kong magkaroon ng napakagandang bahay!. Agad na tinugon ng
diwata. “ngayon, tumingin ka sa iyong kaliwa” sambit ng diwata. At
ng siya ay bumaling sa kaliwang banda kung saan siya ay
nakatayo, laking gulat ni Minerva ng Makita ang isang
napakagandang palasyo na kulay bughaw. “wow! Ang ganda –
ganda!” namamanghang sambit ni Minerva. “maaari mo ng pasukin
ang iyong bahay.”may makahulugang ngiting sabi ng diwata.
6. Pagkapasok ni Minerva sa loob ay agad na tumambad sa kanya ang
napakalawak na looban ng bahay. Punong – puno ng malagintong
muebles ang makikita, ang bango – bango ng paligid. Sa isang sulok ay
may nakahandang pagkaing masasarap! Inikot ni Minerva ang sulok ng
bahay. Dahil sa laki nito ay napagod at nagpasyang kumain ng pagkain si
Minerva. Iba – ibang putahe ang nakahanda at animo’y napakasarap
kainin ng mga ito. Una niyang isinubo ay ang fried chicken, sinabayn ng
kanin at uminom ng napakalamig na juice sa h”apag. Ng sandal ay……
“kokak!kokak!ahhhh!!!! b-bakit?” gulat na gulat na sigaw ni Minerva.
“Bakit ako nagging palaka? Bakit ganito? Hindi maari ito! Diwata!
Rosetta! Bakit ako nagkaganito??!!”. Tila walang may nakakarinig sa
kanya. Agad siyang napatigil. “ hindi ito maari, kung pagkain ang dahilan
ng pagbabago ng aking anyo, pagkain din ang makakabalik sa aking
tunay na kaanyuan. Agad na tumalon papuntang mesa si Minerva at ulit
na tumikim ng pagkain ng sa pagkakataong iyon, spaghetti naman ang
kanyang
tinikman, ng……….”sssssssssssss……ssssssssssssss…ahhhhhhhhhhh!!!!!!!
!!!!!!!haaaaaaaaaaaasssssss!!!!! bakit ganito? Bakit ganito????????
Diwata! Magpakita ka saken, ibalik moko sa dati! Manloloko ka! Galit at
pasigaw na tinig ni Minerva. “hahahahahahahaha! Ganyan ang napapala
ng mga makasariling tao, tingnan mo ang sarili mo Minerva, binigyan ka
lang ng pagkakataong humiling, mas pinili mo ng manatili ditto, hindi
mo inisip ang iyong pamilya, ni hindi mo sila sinali sa iyong mga
kahilingan, hindi mo man lang inisip na dapat ay makabalik ka sa iyong
pinanggalingan, hindi mo ba naaalala ang iyong sinabi bago ka
humiling? Tanong ng diwata.
7. At agad na bumalik sa isipan ni Minerva ang kanyang mga
sinabing.. “Tamang – tama! Marami akong nais hilingin! Kung
ganito ang magiging buhay ko, mas gugustuhin ko pang manatili
dittong mag - isa, walang ka proble - problema..saya!Ayos ‘to!
Uumpisahan ko na! gusto kong magkaroon ng napakagandang
damit, sapatos at android phone!”. “h-h-indi….. hndi maari!”
pasigaw na sbi ni Minerva.. “paalam……” pamamaalam ng
diwata. “susubukan ko, kailangan kong makaalis ditto! Agad na
gumapang si Minerva papuntang mesa at paulit – uli siyang
tumikim ng pagkain at paulit – ulit ding nag – iiba ang kanyang
anyo..hanggang sa nagging isa siyang langgam.” Ang liit – liit
ko, pagod na pagod na ‘ko ayoko na! tatalon ako mula sa mesang
ito, magpapakamatay ako! Eto na! tatalon na’ko! Eto na….
aaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!! Sssandali, pag – iisipan ko
muna… “ yatlon ako, wala ng silbi ang buhay ko, n=bahala, eto
na!
tatalon
na!
ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!bogshhhhh
hhhhhhhh!!!
8. Minervaaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
batang ‘to, gumising ka nga at maglalaba pa
tayo! Napakalakas na tinig ng ina ni Minerva
habang
siya
ay
niyuyugyug.
“huh?
Nnnaaayyy???? Buhay pa ako?? Sambit ni
Minerva. “hindi patay ka na anak, patay ka na!
ano “akalain mo, panaginip lang pala, maraming
salamt naman at panaginip lang ang lahat. bang
nangyayari sa’yo ha? Kanina pa kita tinatawag
nandito ka lang pala’t natutulog, hala sige na at
marami pa tayong labahin. Agad na natahimik si
Minerva at napa- hinga ng malalim. Dagling
siyang
tumayo
ng
nakangiti
sabay
sabing“salamat at panaginip lang lahat”.