Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

ARALING PANLIPUNAN 1 Q4 WEEK 1 .pptx

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 34 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Aktuellste (20)

Anzeige

ARALING PANLIPUNAN 1 Q4 WEEK 1 .pptx

  1. 1. Pagpapaliwanag ng Konsepto ng Distansiya at Direksiyon at ang Gamit nito sa Pagtukoy ng Lokasyon Quarter 4 Week 1 Teacher Mae
  2. 2. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang maipaliliwanag ang konsepto ng distansya, direksiyon at ang gamit nito sa pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar. LAYUNIN
  3. 3. SUBUKIN Panuto: Pusuan ` ang larawan kung ito ay nagpapakita ng angkop na lokasyon ng tinutukoy na bagay sa pariralang naglalarawan. Lagyan ng ang larawan kung hindi.
  4. 4. aklat sa kanang bahagi ng kahon
  5. 5. plorera sa kanang bahagi ng mesa
  6. 6. ibon na lumilipad sa itaas ng puno
  7. 7. bola sa likuran ng damo
  8. 8. Konsepto ng Distansiya at Direksiyon at ang Gamit nito sa Pagtukoy ng Lokasyon
  9. 9. SUBUKIN Ano ang distansiya? Ang distansiya ay tumutukoy sa lapit o layo sa pagitan ng dalawang bagay.
  10. 10. Ano ang distansiya? Ano ang napansin mo sa mga tali na hawak ng dalawang bata? Aling tali ang hawak ng batang mas malayo? Aling tali ang hawak ng batang mas malapit?
  11. 11. Malapit ang mga bagay sa isa’t isa kung ang mga ito ay magkatabi, magkadikit, o ilang hakbang lang ang pagitan. Malayo naman ang mga bagay sa isa’t isa kung maraming hakbang ang pagitan nito.
  12. 12. Ang lokasyon ay tumutukoy sa tiyak na kinalalagyan ng isang bagay o lugar. Ano ang lokasyon?
  13. 13. Mahalaga na malaman ang lokasyon ng mga lugar at bagay upang mas mabilis itong puntahan at hanapin. May mga salitang ginagamit sa pagtukoy ng lokasyon ng mga bagay o lugar gaya ng kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harapan, at likuran
  14. 14. Tuklasin Panuto: Basahin ang kuwento, bigyang pansin ang distansiya at direksiyon sa pagtukoy ng mga lokasyon.
  15. 15. Sa Bakuran ni Lola Melba Sabado ng umaga, maagang bumangon si Jay para pumunta sa bahay ng kaniyang lola. Inihanda niya agad ang mga dadalhin gaya ng kaniyang jacket, bota, at sombrero dahil ihahatid na siya ng kaniyang tatay na patungo naman sa kanilang bukid para magtanim ng palay. Hindi kalayuan ang bahay ni lola Melba sa kanila, kaya’t para malibang sa paglalakad malimit bilangin ni Jay ang mga hakbang niya mula sa kanilang bahay patungo sa bahay ng kaniyang lola. Nang maihatid si Jay sa kaniyang lola ay nagmamadali na rin umalis ang kaniyang tatay.
  16. 16. Espesyal ang araw na ito para kay Jay sapagkat namunga na ang mga tanim na gulay at prutas ni lola. “Araw na ng pag-aani!” Tuwangtuwa si Jay sa dami ng mga halaman at prutas sa bakuran ni lola. Sa gawing kanan ng bahay ay matatagpuan ang naglalakihang mga bunga ng upo, papaya, at kalabasa. Kapansin- pansin at napakasarap pagmasdan ng mga puno ng langka, chico, saging, at bayabas sa bandang kaliwa ng bakuran.
  17. 17. Sa likuran naman ay magkakatabing nakatanim ang malulusog na kamatis, talong, sili, at mustasa. Habang namimitas ng mga prutas at gulay ay siya namang pagsimoy ng sariwa at malinis na hangin. “Sadyang napakasarap magani ng sariling-tanim na gulay at prutas”, wika ni lola Melba habang masayang inilalagay sa bilao ang mga napitas nilang mga bunga.
  18. 18. Napakainam pagmasdan ng kapaligiran mula sa bakuran ni lola kung saan tanaw ang matataas na kabundukan at taglay nitong likas na yaman. Sa pagkaaliw ay napatingala si Jay sa itaas.”Wow, nakamamangha!”, sambit niya, nakita niya ang mga ibong lumilipad, malayang ikinukumpas ang kanilang mga pakpak, tila humahanga ring gaya niya sa mayamang bakuran ng kaniyang lola Melba.
  19. 19. Sagutin ang mga tanong: 1. Ayon sa binasang kuwento, ano-ano ang mga gulay na magkakatabing nakatanim sa likuran ng bahay ni lola? ________________________________________________ ________________________________________________ 2. Ano ang ginagawa ni Jay para malibang siya sa may kalayuang paglalakad mula sa bahay nila patungo sa bahay ng kaniyang lola? ________________________________________________ ________________________________________________ 3. Ano-anong gulay ang makikita sa gawing kanan ng bahay ni lola? ________________________________________________ ________________________________________________
  20. 20. 4. Ano naman ang mga inani nilang prutas sa gawing kaliwa ng bahay? ________________________________________________ ________________________________________________ 5. Saan makikita ang lumilipad na mga ibon? ________________________________________________ ________________________________________________
  21. 21. tandaa n Distansiya ang tawag sa lapit o layo sa pagitan ng mga bagay. Malapit ang mga bagay sa isa’t isa kung ang mga ito ay magkatabi, magkadikit, o ilang hakbang lang ang pagitan. Malayo naman ang mga bagay sa isa’t isa kung maraming hakbang ang pagitan nito.
  22. 22. tandaan Ang lokasyon ay tumutukoy sa tiyak na kinalalagyan ng isang bagay o lugar. Mahalaga na malaman ang lokasyon ng mga lugar at bagay upang mas mabilis itong puntahan at hanapin. May mga salitang ginagamit sa pagtukoy ng lokasyon ng mga bagay o lugar gaya ng kaliwa, kanan, itaas, ibaba, harapan, at likuran
  23. 23. pagyamanin Gawain 1 Panuto: Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Piliin at bilugan ang titik ng wastong lokasyon at direksiyon ng mga bagay na tinutukoy sa bawat tanong.
  24. 24. pagyamanin 1. Kung ang bahay ay matatagpuan sa gitna, saan naman makikita ang kabundukan? A. kanan B. kaliwa C. likuran D. harapan
  25. 25. pagyamanin 2. Mula sa kubo, saang direksiyon naroon ang taniman ng mga upo at kalabasa? A. kanan B. kaliwa C. harapan D. likuran
  26. 26. pagyamanin 3. Anong puno ang malapit sa kubo? A. kalamansi B. mangga C. saging D. sampalok
  27. 27. pagyamanin 4. Mula sa bahay kubo, saan makikita ang mga puno ng mangga, bayabas, at saging? A. harap B. kaliwa C. kanan D. likuran
  28. 28. pagyamanin 5. Mula sa bahay, sa anong distansiya makikita ang dalawang ibon? A. pantay B. malayo C. malapit D. mababa
  29. 29. Panuto: Pumili ng isang lugar sa inyong tahanan gaya ng sala, kusina, silid- tulugan at tumayo sa gitnang bahagi nito. Iguhit sa kahon ang bagay na makikita sa kaliwa, kanan, harap, at likuran mo. Gawain sa pagkatuto bilang 1
  30. 30. Gawain sa pagkatuto bilang 2 Panuto: Tingnan ang lokasyon ng mga bagay na nasa larawan sa ibaba. Gawin ang sumusunod na panuto kaugnay rito.
  31. 31. 1. Kung ang mesa ang nasa gitna, kulayan ng pula ang bagay na nasa kaliwa nito. 2. Kulayan naman ng dilaw ang bagay na pinakamalapit sa kahon. 3. Kulayan ng asul ang bagay na nasa kanang bahagi ng mesa. 4. Kulayan ng berde ang parihabang pintuan na pinakamalayo sa mesa. 5. Pumili ng paborito mong kulay, kulayan mo nito ang dalawang bagay na nasa ibabaw ng mesa.
  32. 32. Karagdagang Gawain Panuto: Tingnan ang mga bagay na nakikita mo sa paligid ng inyong bahay. Iguhit ang mga ito sa kahon sa ibaba. Basahin at sundin ang sumusunod na tanong at gabay. 1. Ano angbagay nanakita mo sabandang kaliwa? Iguhit mo sa kahon na nasa kaliwa ng bahay. 2. Ano ang bagay nakita mo sa bandang kanan mo? Iguhit mo sa kahon na nasa kanan ng bahay. 3. Ano ang bagay na nakita mo sa iyong harapan? Iguhit ito sa kahon na nasa harapan ng bahay. 4. Ano ang bagay nakita mo sa likurang bahagi mo? Iguhit ito sa kahon na nasa likuran ng bahay.

×