Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.
Mga Anyong Lupa sa Pilipinas
1. Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas...
4. Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag
na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipin...
8. Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat.
Baybayin ng Maynila
9. Bulubundukin - matataas at matatarik na bu...
Mga Anyong Tubig sa Pilipinas
1. Karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig alat na bumubuo ng 71% ng ibabaw
ng mundo.
Pa...
5. Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa at pangkaraniwang tubig
tabang. Hindi umaagos ang tubig na nagmumula...
9. Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa
mataas na lugar o bundok.
Maria Cristina Fall...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×

Mga anyong lupa at tubig sa pilipinas

222.442 Aufrufe

Veröffentlicht am

Mga Iba't Ibang anyong Tubig at lupa na matatagpuan sa Pilipinas

Veröffentlicht in: Bildung

Mga anyong lupa at tubig sa pilipinas

  1. 1. Mga Anyong Lupa sa Pilipinas 1. Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkan ng Pinatubo. Bulkan ng Mayon 2. Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Kapatagan 3. Bundok - isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol. Bundok Banahaw
  2. 2. 4. Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. Chocolate Hills 5. Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Lambak ng Cagayan 6. Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito. Talampas ng Lungsod ng Baguio 7. Tangway - isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig. Tangway ng Bataan
  3. 3. 8. Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat. Baybayin ng Maynila 9. Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. Bulubundukin ng Cordillera 10. Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig. Pulo ng Sulu
  4. 4. Mga Anyong Tubig sa Pilipinas 1. Karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig alat na bumubuo ng 71% ng ibabaw ng mundo. Pacific Ocean 2. Dagat - malaking anyong tubig alat at karugtong ng karagatan. South China Sea 3. Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig, nagmula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol. Agno River 4. Golpo - bahagi ang golpo ng dagat o karagatan at karaniwang napapalibutan ng lupa sa tatlong .Karaniwan itong nasa bukana ng dagat. Lingayen Gulf
  5. 5. 5. Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa at pangkaraniwang tubig tabang. Hindi umaagos ang tubig na nagmumula sa anyong tubig na ito. Caliraya Lake 6. Look - isang malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan. Manila Bay 7. Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Spring 8. Kipot - Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. Biliran Strait
  6. 6. 9. Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na lugar o bundok. Maria Cristina Falls 10. Batis - Ilug-ilugan o saluysoy. Patuloy na umaagos. Brook 11. Sapa - Maliit na anyong tubig na may agos. Kadalasang natutuyo pag tag-init. Stream

×