K TO 12 GRADE 1 LEARNING MATERIAL IN PHYSICAL EDUCATION (Q1-Q2)
iii
TALAAN NG MGA NILALAMAN
(QUARTERS 1 & 2)
PHYSICAL EDUCATION
YUNIT 1: Kamalayan sa Ating Katawan
Modyul 1: Ang Katawan .................................................................. 1
Gawain 1: Kilos ng Katawan ....................................................... 7
Gawain 2: Mga Bahagi ng katawan ......................................... 8
Gawain 3: Hugis ng Katawan ..................................................... 9
Gawain 4: Katawang Tulay ........................................................ 10
Gawain 5: Pagbalanse ng Katawan ......................................... 11
Gawain 6: Pagbabalik Kaalaman ............................................. 13
Modyul 2: Awiting May Kilos ............................................................ 14
Gawain 7: Paggaya sa mga Kilos o Galaw .............................. 16
Gawain 8: Karera ng Hayop ....................................................... 17
Gawain 9: Pagbabalik Kaalaman .............................................. 18
Modyul 3: Tiwala sa Sarili .................................................................... 19
Gawain 10: Pagkilala sa mga Direksiyon .................................... 20
Gawain 11: Awiting may Kilos ...................................................... 21
Gawain 12: Payak na Sayaw ....................................................... 22
Gawain 13: Pagbabalik Kaalaman ............................................. 22
iii
Yunit 2: Pag-alam sa Espasyong Gagalawan
Modyul 4: Pag-alam sa Pansarili at Panlahat ng Espasyo .............. 23
Gawain 14: Pakiusap, Walang Bungguan .................................. 26
Gawain 15: Mapa ng Kayamanan .............................................. 27
Gawain 16: Pagbabalik Kaalaman .............................................. 29
Modyul 5: Nakalulugod na mga Payak na Laro .................................. 30
Gawain 17: Hilahan ng mga Bahagi ng Katawan ..................... 31
Gawain 18: Karera sa Pagtakbo .................................................. 32
Gawain 19: Hamon sa Pagsayaw ................................................ 33
Gawain 20: Pagbabalik Kaalaman ............................................. 33
1
Yunit 1: Kamalayan sa Ating
Katawan
Modyul 1: Ang Katawan
Alam mo ba na kahanga-hanga ang ating
katawan?
Binubuo ito ng ulo, leeg, katawan, dalawang braso,
at dalawang hita.
2
Kaya mong tumayo nang tuwid,
maglakad,
gamitin ang mga braso sa pagdadala
at pagbubuhat,
3
pagtutulak, at paghila,
at mga kamay sa paghawak at paghagis ng mga
bagay.
Makapagbibigay ka ba ng mga kilos na nagagawa
ng iba’t ibang bahagi ng iyong katawan?
Huwag mag-alala kung hindi mo pa kaya ngayon.
Pagkatapos ng modyul na ito, tiyak na magiging
masaya ka dahil magagawa mo na ang
sumusunod:
Makikilala at mailalarawan ang iyong ulo,
balikat, leeg, likod, dibdib, beywang, braso,
siko, galang-galangan, kamay, daliri, tuhod,
bukong-bukong, paa, at talampakan.
Makalilikha ng mga hugis gamit ang kilos di-
lokomotor.
Makababalanse gamit ang isa hanggang
limang bahagi ng katawan.
Maililipat ang bigat ng katawan.
4
Handa ka na bang magsimula?
Tingnan ang larawan at pagdugtungin ng linya ang
bahagi ng katawan at ang pangalan nito.
ulo
galang-galangan
kamay
daliri
katawan
braso
Arms
leeg
Torso
k
dibdib
beywang
Torso
so
balikat
balakang
paa
tuhod
hita
5
Sa pagpapalakas ng katawan, hinati sa apat na
bahagi ang ehersisyo.
Simulan sa ulo, igalaw and leeg,
Kasunod ay ang katawan, igalaw ang dibdib pababa sa
beywang,
Sa itaas na bahagi, igalaw ang kanan at kaliwang
kamay at braso,
Sa ibabang bahagi, igalaw ang kanan at kaliwang
hita.
6
Natatandaan mo ba ang awiting ”Paa,Tuhod?”
Lalapatan natin ng kilos ang awiting ito.
Panimulang Posisyon: Pagdikitin ang mga Paa.
Awitin at gawin ang bilang 1-4 ng tatlong beses.
1.Paa Ituro sa harapan ang kanang
paa.(gawin din ito sa
kaliwang paa)
2.Tuhod Pagdikitin ang
kanan at kaliwang
tuhod at ibaluktot.
3.Balikat Paikutin ang mga balikat.
4.Ulo Paikutin ang ulo.
5.Magpalakpakan
tayo.
Ipalakpak ang dalawang
kamay.
7
Ano ang masasabi mo sa gawain?
Nais mo bang lumikha ng sarili mong kilos para sa
awit?
Awiting muli ang kanta at lumikha ng kilos.
Nasiyahan ka ba?
Gawain 1- Kilos ng Katawan
Panuto: Iguhit ang kilos o ilarawan ang kilos na
nalikha mo para sa awit.
1. Paa
2. Tuhod
3. Balikat
4. Ulo
(ULITIN ANG 1-4 NG TATLONG BESES)
5. Magpalakpakan tayo.
8
Gawain 2 - Mga Bahagi ng Katawan
Panuto: Iguhit o idikit ang larawan ng iyong
katawan sa loob ng kahon.
Isulat ang pangalan ng bawat bahagi.
9
Gawain 3 - Hugis ng Katawan
Panuto: Gamitin ang mga bahagi ng katawan
upang makabuo ng hugis. Ipakita ito.
1. Siko
2. Beywang
3. Ulo
4. Paa
5. Daliri
10
Gawain 4 - Katawang Tulay
Panuto: Tuklasin ang iba’t ibang paraan kung
paanong ang katawan ay magagamit na tulay sa
tulong ng paggawa ng mga hugis gamit ang iyong
katawan.
1. Maigsing tulay 3. Malapad na tulay
2. Makitid na tulay 4.Mahabang tulay
Ilan sa mga tulay na ito ang nagawa mo?
Bigyan ng grado ang sarili sa pamamagitan ng
paglagay ng () sa kahon.
Pagpapayamang Gawain:
Maaring gawin ang tulad ng nasa itaas nang:
1. May kapareha
2. Pangkatan
Nagawa
nang tama
ang 5-6 na
tulay sa loob
ng 5 minuto
Nagawa
nang tama
ang 4 na
tulay sa loob
ng 5 minuto
Nagawa
nang tama
ang 3-2
tulay sa
loob ng 5
minuto
Nagawa
nang tama
ang 1 tulay
sa loob ng
5 minuto
11
Gawain 5 – Pagbalanse ng Katawan
Panuto: Subukan ang sumusunod na kasanayan sa
pagbalanse.
Dalawang braso, isang hita
isang braso, dalawang
hita.
Pagtayo sa isang paa na
nakataas ang dalawang
braso at pantay ang
balikat.
12
Mula sa patayong posisyon, itaas nang bahagya
ang isang paa sa unahan,tagiliran, at likuran.
Pagdikitin ang mga paa at igalaw ang katawan,
pakanan, pakaliwa, papunta sa unahan at likuran.
13
Gawain 6 - Pagbabalik-Kaalaman
Panuto: Pag-ugnayin ang bahagi ng katawan sa
kilos na kayang gawin nito. Maaaring mag-ulit ng
sagot.
1. Braso
2. Hita
3. Ulo
4. Balikat
5. Katawan
6. Kamay
7. Paa
14
Modyul 2: Awiting May Kilos
Alamin ang awit at lumikha ng kilos batay sa sinasabi
ng awit.
Unang awit Kilos
Malalim,malawak,
Malalim,malawak.
May bangka sa isang
dagat.
Mataas,mababaw
Mataas,mababaw,
May Bangka sa isang
dagat
Malalim,malawak,
Mataas,mababaw,
May mga bangka sa
isang dagat.
15
Pangatlong Awit: Balikan ang paboritong awiting
panlaro o maaaring lumikha ng sariling awiting may
kilos.
Ikalawang awit Kilos
Bip,bip, maliit na dyip
Tumatakbo sa daan
Hinto,tingin,makinig ka
Hinto,tingin,makinig ka
Bip,bip,maliit na dyip
Tumatakbo sa daan
16
Gawain 7 - Paggaya sa Mga Kilos o Galaw
Panuto: Tingnan ang larawan at gayahin ang galaw
nito.
Paano mo naisagawa ang mga kilos? Bilugan ang
iyong grado.
Pinakamagaling Magaling
Di gaanong magaling Di magaling
17
Gawain 8 - Karera ng Hayop
Panuto:
1.Magpalabunutan ang bawat pangkat kung anong
hayop ang isasakilos.
2.Ang bawat kasapi ng pangkat ay gagayahin ang
kilos ng hayop mula sa panimulang guhit pa ikot
sa poste.
3.Pagbalik ng naunang manlalaro ay susunod
naman ang ikalawa hanggang matapos ang lahat
ng kasapi ng pangkat.
4.Ang unang matatapos ang mananalo.
Pangkat 1 Pangkat 2
Halimbawa : pilay na aso alimango
Panimulang Guhit
pakurba
tuwid
sigsag
pakanan
pakaliwa
Katapusan ng Guhit
Iguhit ang iyong damdamin matapos ang laro.
18
Gawain 9 - Pagbabalik Kaalaman
Panuto: Ipakita kung paano gumagalaw ang
sumusunod
1. Tren
2. Ahas
3. Raket
4. Kamay ng orasan
5. Escalator
6. Elevator
7. Kangaroo
8. See-saw
19
Modyul 3: Tiwala sa Sarili
Ano ang nais ipahiwatig ng larawan sa itaas?
Makapagbibigay ka ba ng gawaing nagawa mo
na?
Mahilig ka bang maglaro?
Alam mo ba na ang paglalaro at pakikilahok sa
mga gawaing pisikal ay mabuti sa iyong kalusugan?
Halika! Magsuot ng damit panlaro.
Handa ka na ba?
20
Gawain 10 - Pagkilala sa Mga Direksiyon
Panuto: Tingnan ang orasan. Pag-aralan ang bilang
at ang katumbas nitong direksiyon.
Hamon 1: Isipin na ikaw ay nakatayo sa gitna ng
orasan at nakaharap sa Hilaga(12:00).
Sa hudyat ng guro, gawin ang sumusunod:
Humarap sa silangan na kinaroroonan ng
palengke .Humarap muli sa hilaga.
Humarap sa kaliwa sa kinaroroonan ng
palaruan. Humarap muli sa hilaga.
Umikot sa kanan paharap sa iyong bahay.
Ipagpatuloy ang pag-ikot sa kanan hanggang
mapaharap sa hilaga sa kinaroroonan ng iyong
paaralan.
HILAGA
KANLURAN
TIMOG
SILANGAN
12
9
6
3
21
Gawain 11 - Awiting May Kilos
Panuto: Pag-aralan ang awit . Hahatiin kayo ng
guro sa 3-4 na pangkat.
Hamon 2: Sampung Batang Pilipino
Tono: (Ten Little Indian Boys)
Ituturo ng guro ang awit at kilos nito.
Isa ,dalawa,tatlong Pilipino
Apat, lima anim na Pilipino
Pito, walo, siyam na Pilipino
Sampung batang Pilipino.
Sila’y lumundag, bangka ay tumaob
Sila’y lumundag, bangka ay tumaob
Sila’y lumundag, bangka ay tumaob
Sampung batang Pilipino
Tinawid ang ilog at nagtayo ng kubo
Tinawid ang ilog at nagtayo ng kubo
Tinawid ang ilog at nagtayo ng kubo
Sampung batang Pilipino
Sumayaw sila at sumigaw ng MABUHAY
Sumayaw sila at sumigaw ng MABUHAY
Sumayaw sila at sumigaw ng MABUHAY
Sampung batang Pilipino
22
Gawain 12 - Payak na Sayaw
Panuto: Ituturo ng guro ang sayaw. Pag-aralan ang
mga salitang gagamitin sa sayaw.
Unahan at likuran
Saludo
Pagpalakpak ng kamay at ng sa kapareha
I-swing ang kapareha
Pag-ikot pakanan at pakaliwa
Gawain 13 – Pagbabalik- Kaalaman
Panuto:Ibigay ang nawawalang letra upang mabuo
ang tamang salita.
1. Ang araw ay sumisikat sa S ___ L A N G A N.
2. Lumulubog ang araw sa K A N ___ U R A N.
3. Matatagpuan ang Baguio sa H __L A G A .
4. Ang Bulkang Mayon ay nasa T I M __G.
5. P __ I K O T ang galaw ng mga kamay ng
orasan.
23
Yunit 2: Pag-alam sa Espasyong
Gagalawan
Modyul 4: Pag-alam sa Pansarili at
Panlahat na Espasyo
Masdan ang mga larawan at gayahin.
Yumuko sa harapan, iunat ang mga binti,
paikutin ang beywang, ipaling sa kanan at kaliwa,
Sway swing
i-swing,
24
at paikutin pakanan at pakaliwa
Ang mga kilos na iyong ginawa ay mga kilos di
lokomotor. Ito ay kilos na isinasagawa nang hindi
umaalis sa lugar o espasyo.Maaari mo itong gawin
sa kahit anong bahagi ng katawan mo habang
nakatayo,nakaupo, ,nakaluhod, o nakahiga.
Tingnan ang larawan sa ibaba at sabihin kung ano
ang ginagawa nila.
Ilan ang naglalakad? ___
Ilan ang tumatakbo? ___
Ilan ang lumulundag? ___
25
Ang mga nabanggit na kilos ay ilan lamang sa kilos-
lokomotor.Ang kilos-lokomotor ay maaaring gawin
sa panlahat na espasyo o kahit saang pook na
maaari mong galawan.
Ang mga kilos lokomotor ay paglakad, pagtakbo,
paglundag, pagpapadulas,pag-igpaw, paglukso at
pagkandirit.
Handa ka na bang tuklasin ang pansarili at panlahat
espasyo gamit ang iba’t ibang gawain sa modyul na
ito?
Matapos isagawa ang mga gawaing ito,ikaw ay:
Makakikilos kasama ang mas malaking
pangkat nang hindi kayo
nagkakabanggaan o bumabagsak habang
nagsasagawa ng ibang kilos lokomotor
Maglakbay sa tuwid, paliko, mataas, at
mababang lebel
Maisagawa ang kilos lokomotor gaya ng
paglakad, pagtakbo, paglukso, paglundag,
at pag-igpaw
Makalikha ng kilos habang umaawit.
Masiyahan sa mga karaniwang na laro.
26
Gawain 14 - Pakiusap, Walang Bungguan
Panuto: Gawin ang sumusunod na gawain nang
hindi kayo nagkakabungguan ng iyong kamag-aral.
Unang hamon: Lumakad, tumakbo, lumundag,
umigpaw nang mabagal, katamtaman, at mabilis
sa alinmang direksiyon.
Pangalawang hamon: Maglakad sa tuwid, paliko,
pakurba at pasigsag na daan na may mataas at
mababang lebel.
Paano mo susukatin ang iyong kakayahan matapos
isagawa ang mga gawain?
Bilugan ang salitang angkop sa iyong ginawa.
Pinakamagaling Magaling
Di gaanong magaling Di magaling
27
Gawain 15 - Mapa ng Kayamanan
Nakakita ka na ba ng mapa?
Ano ang impormasyon na makikita ito?
Magagamit ba ito sa paghahanap ng isang
natatagong kayamanan.
Panuto : Pakinggang mabuti ang panuto ng guro.
1 Bumuo ng pangkat na may 4-5 kasapi.
2 Pumili ng lider.
3 Kunin ng lider ang mapa sa guro.
4 Pumila ang mga kasapi ng pangkat sa likuran
ng lider.
5 Gayahin ng mga kasapi ang lahatng kilos ng
lider
6 Sa hudyat, gagamitin ng lider ang mapa
upang makita ang nakatagong kayamanan.
Unang kard
Kunin ang kayamanan na sinusundan ang daan sa mapa. Gayahin ang galaw ng
eroplano
28
Nakita ba ninyo ang kayamanan?
Paano ninyo naisagawa ang paghahanap gamit
ang mapa?
Pinakamagaling
Magaling
Di gaanong magaling
Di magaling
Pangalawang kard
Magsimula rito
Katapusanng linya
5 beses maghula hoop lumakad sa
ilalim ng
mababang tulay
Lumundag sa ibabaw magpadulas
Ng patpat
29
Gawain 16 - Pagbabalik – Kaalaman
Panuto: Bilugan ang letra ng wastong sagot.
1. Pagdaan o pag-ikot(rotunda)
A.tuwid B. paliko C. sigsag.
2. Pagtawid sa tulay
A.tuwid B. paliko C. sigsag
3. Pag-iwas sa mga sagabal
A. tuwid B. paliko C .sigsag
Bilang ng tamang sagot : ___3 ___2 ___ 1
30
Modyul 5: Nakalulugod Na Mga
Payak Na Laro
Kayo ba ay mahilig maglarong mag-isa o
makipaglaro sa isang kaibigan o sa isang pangkat
ng mga kaibigan?
Ang paglalaro ay nakatutulong upang maging
malakas ang iyong katawan.
Lagyan ng (/) ang larong nasubukan mo na.
________________ _________________
_______________ _________________
________________ __________________
Ilang laro ang nasubukan mo na? _____________
Isulat ang larong naiibigan mo._________________,
________________,________________, ______________
)
31
Gawain 17 - Hilahan ng Mga Bahagi ng
Katawan
Panuto: Ang bawat manlalaro ay maaaring hilahin o
tagain gamit ang kamay. Pakinggan ang guro.
Sasabihin niya ang bahaging hihilahin o tatagain.
Kung ikaw o ang bahagi ng katawan mo ang
nataga, maghintay na ikaw ay tagain ng iyong
kakampi.
Maaaring tagain o hilahin ang…..
1. Kanan at kaliwang kamay
2. Kanan at kaliwang siko
3. Kanan at kaliwang tuhod
4. Kanan at kaliwang
Balakang
32
Gawain 18 - Karera sa Pagtakbo
Panuto: Makinig nang mabuti sa panuto ng guro.
Unang Hamon : Isahang Karera
Pumili ng kamag-aral para sa unahan sa pagtakbo.
Itatakda ng guro ang distansiya.
Mula sa 3 hamon , ilang beses ka nanalo?____
Ikalawang Hamon: Pangkatang Karera
Bumuo ng pangkat na may 5 kasapi . Tumayo nang
magkakalapit sa isa’t isa . Sa hudyat, tatakbo ang
unang manlalaro at iikot sa bilog. Babalikan ang
ikalawang manlalaro at iikot muli. Gagawin ito
hanggang sa ikalimang manlalaro.
Ang unang matatapos ang panalo.
33
Gawain 19 - Hamon sa Pagsayaw
Panuto: Magpapatugtog ang guro ng musika na
isasayaw mo. Galingan mo ang pagsayaw. Malay
mo, baka ikaw ang manalo.
Gawain 20 - Pagbabalik – Kaalaman
Panuto: Balikan ang mga larong alam mo. Sagutan
ang sumusunod. Bilugan ang letrang iyong sagot.
Maaaring mahigit sa isa ang sagot.
1. Ano ang gagawin mo upang di ka maging taya?
a. Tumakbo nang mabilis.
b. Mabilis na ibahin ng direksiyon
2. Anong bahagi ng katawan ang maaaring
hawakan para mataya?
a. kamay c. siko
b. tuhod d. balakang
3. Ano ang kailangan para manalo sa isang karera?
a. bilis b. direksiyon
4. Ano ang ginawa ng inyong pangkat para
magwagi sa isang laro?
a. Kooperasyon b. pagkakaisa
5. Ano ang nadama mo matapos manalo sa laro?
a. Masaya b. pagod
6. Ano ang nadama mo noong natalo kayo?
a. masaya b. malungkot