Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

K to 12 LAPG MOTHER TONGUE -BASED GRADE 3 Reviewer

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 5 Anzeige

K to 12 LAPG MOTHER TONGUE -BASED GRADE 3 Reviewer

Herunterladen, um offline zu lesen

Sample Reviewer for LAPG MTB-MLE Grade 3 Grammar. I hope it'll help u a lot.

NOTE:
This is NOT an official product of DepEd or any school. This nonetheless may help you review for examinations.

Sample Reviewer for LAPG MTB-MLE Grade 3 Grammar. I hope it'll help u a lot.

NOTE:
This is NOT an official product of DepEd or any school. This nonetheless may help you review for examinations.

Anzeige
Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Anzeige

Ähnlich wie K to 12 LAPG MOTHER TONGUE -BASED GRADE 3 Reviewer (20)

Weitere von LiGhT ArOhL (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

K to 12 LAPG MOTHER TONGUE -BASED GRADE 3 Reviewer

  1. 1. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net MTB- MLE 3 REVIEWER- LAPG I. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod, at sagutin ang mga kasunod na tanong. 1. Alin ang nagsasaad kung kailan at saan nangyari ang kwento? A. Malawak na bahagi ng bukid B. Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon C. Isang Sabado,taniman ng palay at mabatong daan D. mabatong daan 2. Alin sa mga sumusunod ang hindi tumutukoy sa pangngalan na makikita sa maikling talata? A. Tatay at Marlon C. malawak B. Daan D. bukid 3. Alin ang naging suliranin sa bahaging ito ng kwento? A. Nakalimutan ni Miguel ang kanyang tubigan sa loob ng silid aralan B. Nakiusap siya sa drayber ng bus C. Kinuha niya ang tubigan at uminom D. Hindi binanggit sa kwento 4. Ano ang tawag sa bahagi ng kwento na nagpapakita ng pag- aalala ng tauhan? a. Solusyon b. tauhan c.balangkas d. suliranin 5. Anong pangungusap ang nagsasaad ng kalutasan sa inihayag na suliranin sa kwento? A. “ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares ng tsinelas sa aking bag”. B. “ Naku! Ang tsinelas ko. C. “ Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakakahalina sila. D. “ Ito ang panungkit, gamitin natin. Isang Sabado, magkasamang binaybay nina tatay at Marlon ang taniman ng palay at mababatong daan bago nila narating ang malawak na bahagi ng bukid. Masaya sa pangyayaring iyon si Marlon. Nakalimutan ni Miguel ang kanyang tubig sa silid- aralan. Nakiusap siya sa drayber ng bus na hintayin siya sandali upang kunin ang tubigan at makainom. Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo. “Gustong- gusto ko ang lugar na ito, “ ang sabi ni Jenny. “ Kahanga- hanga nag mga puno. Halika na sa paborito kong puno,” ang sabi ni Joyce. “ Hitik sa bunga! Gusto kong makakuha ng ilan pero hindi ko kayang abutin.” “ Ito ang panungkit, gamitin natin, “ sabi ni Jenny. “ Isa,dalawa, hayan nakakuha na tayo ng dalawang mangga,” sabi naman ni Joyce. “ Tingnan mo ang mga bibe sa sapa, nakakahalina sila, “ ang sabi ni Jenny. Lumapit siya ngunit nahulog ang kanyang isang tsinelas at naanod ito. “ Naku! Ang tsinelas ko!” sigaw ni Jenny. “ Hayaan mo na Jenny, mayroon akong isang pares ng tsinelas sa aking bag,” ang sabi ni Joyce.
  2. 2. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net 6. Bumisita sina Jenny at Joyce sa bukid ng kanilang lolo. Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit? A. Dumalaw B. umalis C. dumaan D. lumisan 7. Ano ang ibig sabihin ng pariralang hitik sa bunga? A. Bilang lamang ang mga bunga C. Maraming bunga B. Walang bunga D. Isa lang ang bunga 8. “ Mayroon akong isang pares ng tsinelas sa aking bag.” Alin ang pang-uring tumutukoy sa tsinelas? A. Isang pares C. sa aking bag B. Mayroon D. akong 9. Alin sa alagay mo ang wastong pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa ibaba? I. Pagkatapos, pupunta siya sa kusina upang tulungan ang nanay sa paghuhugas ng mga kasangkapan. II. Kapag natapos na siya sa kanyang mga gawaing bahay, katabi niya ang kanyang nanay sa panonood ng paborito nilang palabas sa telebisyon III. Pagkatapos, kukuhanin niya ang kanyang mga kwaderno at gagawa na siya ng takdang aralin. IV. Sa huli, hahalik siya sa kanyang nanay at matutulog na. V. Pagdating ni Gina sa kanilang bahay, tutuloy agad sya sa kusina upang kumain ng meryenda. A. I, II, II, IV, V C. V, III, I, II, IV B. II,I,V,IV, III D. V, II, III, IV, II II. Piliin ang kahulugan ng bawat salitang maylapi. 10. Katapangan A. hindi matapang B. pagiging matapang C. walang tapang 11. Katuparan A. natamo ang nais B. hindi natamo ang nais C. hindi natupad ang nais 12. Kahirapan A. mayaman B. mahirap C. pagiging mahirap 13. Pagkayamot A. hindi naiinip B. pagpapakita ng inip C. naaliw 14. Kalungkutan A. hindi nalulungkot B. walang nadaramang lungkot C. nakakaramdam ng lungkot 15. Nagniningning tulad ng araw ang kanyang mga mata nang makita niya si Yza. Alin ang simile sa pangungusap? A. nagniningning tulad ng araw C. kanyang mga mata B. nang makita si Yza D. ang kanyang 16. Ang hanging amihan ay tulad ng malambot na tela sa aking balat. Saan inihambng ang hanging amihan? A. sa malambot na tela C. sa balat B. sa hangin D. wala Isang araw, sa aking paggising, Aking nasilayan, pagsikat ng araw Ngiting kaytamis ang sa aki’y bumati Tila isang dalagang mayumi
  3. 3. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net 17. Ano ang ibig sabihin ng nasilayan? A. Nakita B. naramdam C. nahawakan D. naamoy 18. “ Ngiting kay tamis ang sa aki’y bumati”. Alin ang pandiwa sa pangungusap? A. Ngiti B. bumati C. akin D. tamis 19. Ang salitang mayumi ay isang __________. A. Pang- uri B. pandiwa C. pangngalan D. panlapi III. Bilugan ang pangunahing diwa ng bawat saknong. 20. A. Inaalagaan ng tagapagsalita ang kalabaw B. Nagtatrabaho nang mabuti ang tagapagsalita sa kanyang hardin 21. A. Magandang pagmasdan ang mga tanim B. May mga bituin sa halamanan C. Higante ang mga halaman 22. A. Nagdudulot ng kalungkutan ang aking hardin B. Nagbibigay saya nag aking hardin C. Ang lahat ng bagay ay kinukuha ng aking hardin. 23. Ang karagatan ay galit na toro kapag may bagyo. Alin ang metapora sa pangungusap? A. galit na toro c. karagatan B. bagyo d. ang 24. Ano ang ibig sabihin ng pangungusap sa itaas? A. Maalon ang karagatan kapag may bagyo B. Nagiging toro ang dagat kapag may bagyo C. Nagiging hayop ang bagyo sa dagat Agad akong tumayo sa likod- bahay tumuloy At doon ang trabaho’y agad na itinuloy Tulad ng isang kalabaw na walang kapaguran At hindi isang pagong na may kakuparan. Aking mga tanim ay agad nagsilaki Kawangis ng isang higanteng kaylaki Kay gandang tingnan halamang luntian Bituin sa paningin na kaysarap pagmasdan Kung ikaw may nalulungkot Pakiramdam ang lahat sa iyo’y hinakot Magpunta ka lamang sa aking hardin Tiyak ang kalungkutay papawiin
  4. 4. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net IV. Basahin ang talata sa loob ng kahon at sagutin ang mga tanong sa ibaba. 25. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong masabi tungkol sa ugali ni Myko? A. makasarili C. mapagtiwala B. palakaibigan D. matigas ang ulo 26. Ano ang naramdaman ni Myka sa ugali ng kanyang kakambal? A. natakot C. nagalit B. nalungkot D. humingi ng paumanhin 27. Aling pangungusap ang nagsasaad na makasariling bata si Myko? A. Hindi mo pwedeng gamitin ang aking laruan B. Mayroon kang sariling manika C. Hindi ko gagamitin ang iyong bisikleta D. Maari bang mahiram ang iyong bola? 28. Alin ang tambalang pangungusap? A. Nakiusap si Myka kay Myko na pahiramin siya ng bola B. Nakatanggap ng regalo sina Myka at Myko mula sa kanilang tito Bobby. C. Nang hindi pahiramin ni Myko ng laruan si Myka, umalis siyang maluha luha. D. Nagpasalamat ang kambal sa kanilang tito Bobby at ikinatuwa nila ang regalo. 29. Bumili ng tatlong kilong karne si Akiko upang gawing hamon. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A. Karneng manamis- namis ang luto B. Paghingi ng tawad C. Pag-aanyaya ng away D. Pagkaing gawa sa isda V. Piliin ang wastong aspeto ng pandiwa upang mabuo ang pangungusap. Pansinin ang mga salitang pamanahon na ginamit. 30. Bukas ay _____________________ kami sa Divisoria upang mamili ng mga gamit na kailangan ni nanay sa bagong bukas niyang tindahan. A. pupunta B. pumunta C. pumupunta 31. Araw- araw ay _____________________ si Kokoy sa paaralan kaya tuwang tuwa ang kanyang guro sa hindi niya pagliban. A. papasok B. pumapasok C. pumasok 32. _______________ na si Tatay sa ibang bansa sa susunod na buwan. A. babalik b. bumabalik c. bumalik Kambal sina Myko at Myka. Nakatanggap sila ng regalo galing sa kanilang tito Bobby. Iginiit ni Myko na sa kanya ang bisikleta. Kahit basketball ang kanyang pinaglalaruan, ayaw niyang pagamit ang bisikleta sa kanyang kakambal na si Myka. “ Hindi ko gagamitn ang iyong bisikleta, maaari bang pahiramin mo ako ng iyong bola?, “ pakiusap ni Myka. “ Ayoko, bola ko ito. Mayroon ka namang manika,” galit na tugon ni Myko sa kakambal. Tinawag silang dalawa ng kanilang nanay.
  5. 5. --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------- Ⓒ 20145 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net 33. ________________ ng buhok pagkatapos maligo. A. magsuklay B. magsusuklay C. susuklay 34. _______________________ na siya sa susunod na taon. A. nag- aral B. nag- aaral C. mag- aaral Basahin ang teksto. Piliin ang titik ng iyong hinuha sa maaring mangyari. 35. Si Bel ay mahusay na manlalaro ng tennis kaysa sa kanyang pinsan na si Jr. Maaari nating sabihin na___________. A. Ayaw ni Bel na maglaro ng tennis B. Mas mataas ang iskor ni Jr C. Higit na mataas ang iskor ni Bel D. Ayaw ni Jr na maglaro ng tennis 36. Si Aster ay mas mahusay na mag- aaral kaysa sa kanyang kapatid na si Lino. Maaari nating sabihin na_______. A. Hindi nag-aaral si Aster B. Mas mataas ang marka ni Aster C. Higit na mataas ang marka ni Lino D. Gustong- gusto ni Aster mag-aral 37. Ang bagong mag- aaral na babae sa paaralan ay hindi nakikipag-usap kaninuman sa buong maghapon. Nang tinawag siya ng kanyang guro, yumuko lamang siya at tumingin sa upuan. Ang bagong mag- aaral ay maaaring _________. A. Mahiyain c. masungit B. Mabait d. masayahin 38. Sinabihan si Jake ng kanyang ina na magdala ng payong pagpasok sa paaralan. Gayun pa man, inisip ni Jake na hindi naman ito kailangan. Ano sa palagay mo ang lagay ng panahon? A. Umuulan c. nagyeyelo B. Maaaring umulan d. mainit ang sikat ng araw 39. Aling pangungusap ang may salitang ang ibig sabihin ay “ walang pakialam”? A. Si Tin ay isang batang pabaya dahil lagi niyang nakakalimutan ang pagsara ng gripo. B. Nagulat si Shy nang makita ang kaibigang si Ric na halos mapaiyak at bigo. C. Hindi palaging ligtas na kasalamuha ang mga matsing. 40. Natutuwa si Ashley sa piling ng kanyang masayahing mga kaibigan. Bakit kaya masaya siya kapag magkasama sila? Masayahin ay_____ A. Ang kanilang samahan ay nakakatuwa B. Sila ay magaganda at kaakit- akit C. Sila ay maunawain

×