Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
ii
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
	 Isinasaad ng...
iii
PAUNANG SALITA
	 Kumusta?
	 Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng
Mag-aaral (KM) na ito. Magiging ...
iv
Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo at
Gawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ng
mga konsepto,...
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige

Hier ansehen

1 von 223 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Ähnlich wie K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4) (20)

Anzeige

Weitere von LiGhT ArOhL (20)

Aktuellste (20)

Anzeige

K TO 12 GRADE 4 LEARNER’S MATERIAL IN FILIPINO (Q1-Q4)

  1. 1. ii Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail. com ang mga may-akda at tagapaglathala. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc. Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. Jabines Mga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. Villanueva Mga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. Villena Tagatala: Ireen Subebe
  2. 2. iii PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin.
  3. 3. iv Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo at Gawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ng mga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula sa talakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaring gawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman ay gagawin mo nang nag-iisa. Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin. Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawat aralin. Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawa sa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pagsulat. Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng: Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mga salitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit. Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryo ng mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata na mapipili. Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mga gabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnay ng isang chapter book na natapos mong basahin.
  4. 4. v Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na pamamaraan. Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  5. 5. vi TALAAN NG NILALAMAN Yunit I – Masayang Tahanan, Ating Pahalagahan Aralin 1 – Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid..............................................2 • Paggamit ng Pangngalang Pantangi at Pangngalang Pambalana Aralin 2 – Sama-samang Pamilya............................................11 • Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay Aralin 3 – Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan....................................................................17 • Paggamit ng Panghalip • Pagsulat ng Balita Aralin 4 – Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan................29 • Paggamit ng Panghalip sa Teksto • Paggawa ng Balangkas Aralin 5 – Mabuting Pagkakaibigan..........................................37 • Bahagi ng Kuwento • Paggamit ng Panghalip Pananong *Bokabularyong Pang-akademiko.................................................43
  6. 6. 1 Yunit I Masayang Tahanan, Ating Pahalagahan Tahanan… bukal ng pagmamahalan, inspirasyon ng bawat mamamayan tungo sa isang mapayapang pamayanan.
  7. 7. 2 Tuklasin Mo A. Basahin ang mga salita na mapakikinggan mo habang binabasa ng iyong guro ang kuwento natin sa linggong ito. Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakihanap ang kahulu- gan ng mga salitang ito. Ngayon, kayang-kaya mo nang unawain ang kuwentong babasahin ng iyong guro. Humanda na sa pakikinig! Paano mo maipakikita ang paggalang at pangangalaga sa iyong sarili? Ano ang mga pangngalang pantangi? Pambalana? Kailan ito ginagamit? Paano ito isinusulat? 1 Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid ARALIN hawla kandelabra parachute baul
  8. 8. 3 B. Bago natin basahin ang kuwento ni Jose atin munang alamin ang kahulugan ng ilang salitang ginamit dito. Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng mga salitang-ugat nito. 1. Magtatanghalian ang buong mag-anak sa isang kainan na malapit sa kanilang bahay. 2. Bago umuwi, dumaan muna si Roy sa isang tindahan upang bumili ng kakailanganin sa kaniyang takdang- aralin. 3. Ang batang magalang ay kinagigiliwan ng lahat. Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang lubos mong maunawaan ang kuwento ni Jose. Basahin Mo Bakit kaya tinawag na batang magalang si Jose? Paano niya ipinakita ang pangangalaga hindi lamang sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid niya? Alamin sa kuwento. Si Jose, Ang Batang Magalang ni Arjohn V. Gime Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose sa kaniyang ina. “Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.” “Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan?” tanong ni Jose.
  9. 9. 4 “Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugon ni Nanay Lorna kay Jose. “Sige po ‘Nay!” tugon ni Jose. Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni Mang Melchor. “Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungad ng masiglang bata sa may-ari ng tindahan. “Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?” tanong ng tindero sa bata. “Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisong paminta, isang bote ng mantika, suka, at toyo.” “Magkano po lahat?” tanong ni Jose. “Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampung piso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahat ay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero. “Salamat po, Mang Melchor.” “Walang anuman, Jose!” Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong naman niya si Aling Helen na kanilang kapitbahay. “Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayo rito sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayo napagod.” “Naku oo nga e, may kulang pala ako sa aking lulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?”
  10. 10. 5 “Opo, kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa paaralan at hindi na makatutulog sa tanghali. Sige po mauna na ako.” “Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,” ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang sirang tricycle, sabay kaway. “Uy, Ben. Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige ka, ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis mo ang mga mangyayari sa unang araw ng pasukan natin,” ang paalala ni Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay. At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso. Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang Melchor. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang?
  11. 11. 6 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Subukin nating sagutan ang ilang tanong na ito tungkol sa kuwento ni Jose. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno? Ako at ang Aklat “Ang sagot ay makikita sa aklat o kaya’y iisipin muna bago hanapin.” Sino ang pupunta ng tindahan? (1 puntos) Ano-ano ang ipinabibili ni Nanay Lorna sa kaniya? (1 puntos) Kaninong tindahan siya bumili? (1 puntos) Ano-anong pahayag ang ginamit ng bata na nagpapakita ng pagiging magalang? (3 puntos) Ako at ang May-akda Ang sagot ay nasa awtor at iyo o kaya’y nasa isipan mo. Ilarawan ang isang batang magalang. (4 puntos) Kung ikaw si Jose, gagayahin mo rin ba ang mga sinabi niya sa kaniyang Nanay Lorna at Mang Melchor? Bakit? (5 puntos) Ilang puntos ang nakuha mo? Kung mataas, binabati kita! Kung mababa naman, subukin mong basahin muli ang kuwento ni Jose. May mga pangngalan ka bang nabasa sa kuwento natin? Ano-ano ito?
  12. 12. 7 B. Matapos mong mapag-aralan ang pangngalan, subuking buuin ang crossword puzzle. Tingnan natin kung talagang naunawaan mo kung paano isinusulat ang mga pangngalan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. PAHALANG PABABA 3 araw ng kapanganakan ng isang tao 1 kilalang boksingero at Kinatawan sa Kongreso 5 Summer Capital ng Pilipinas 2 gumagabay sa mga bata sa paaralan upang matuto 6 pananggalang ng mga paa sa init o lamig 4 Pambansang Bayani ng Pilipinas 7 Pambansang Wika ng Pilipinas 5 uri ng anyong lupa na nagbubuga nang mainit at kumukulong putik 8 sanggunian na ginagamit upang makakuha ng impormasyon 9 hayop na sinasabing matalik na kaibigan ng tao
  13. 13. 8 Gawin Mo A. Nagkaroon ng paligsahan sa paaralan nina Lino. Sino kaya ang nanalo? Ano kaya ang natanggap niya bilang premyo? Alamin natin sa usapang mababasa. Kompletuhin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na pangngalan sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon. Lino : Panalo si 1 ______ sa timpalak ng 2 ________. Nestor : Oo, binigyan nga siya ng isang malaking 3 ________. Lino : Tama si 4 ________. Mahusay nga siyang ________. Nestor : Kaya nga gusto kong maging tulad niya. Isaisip Mo A. Bumuo ng isang disenyo sa pattern na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat kung ano ang mga salitang tinutukoy ng pangngalan. Kulayan ang mga sinulatang bahagi upang maipakita ang ginawang disenyo. Gawin ito sa isang malinis na papel. bigkasan G. Santos ina mag-aaral Marco tropeyo
  14. 14. 9 B. Gumuhit ng isang Venn diagram sa iyong kuwaderno. Gamitin ito upang maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pangngalang pambalana at pangngalang pantangi. C. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento? Isulat sa anyong tanong ang mga ito. Isapuso Mo Ginagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot, iguhit sa iyong kuwaderno ang  at  naman kung HINDI. 1. Gumagamit ako araw-araw ng magagalang na pananalita. 2. Iginagalang ko ang lahat ng nilalang ng Maykapal. 3. Lagi kong sinusunod ang utos ng aking mga magulang at mga nakatatanda. 4. Nagdarabog ako kapag inuutusan. 5. Hindi ko pinapansin ang ibang tao kapag may ginagawa ako. Pangngalang Pambalana Pangngalang Pantangi
  15. 15. 10 Isulat Mo Matapos nating mapag-aralan ang mga elemento ng kuwento at paano sumulat ng isang maikling kuwento, subukin nating punan ang Hagdan ng Kuwento na nasa ibaba. Sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na may lima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mo ng pagiging magalang sa pamamagitan ng pangangalaga sa sarili at sa ibang tao. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Hagdan ng Kuwento Simula Gitna Wakas
  16. 16. 11 Tuklasin Mo A. Bago natin pakinggan ang tulang babasahin ng iyong guro, alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon. Aling pangkat ng mga salita sa malaking kahon ang maiuugnay mo sa mga nasa maliit na kahon? Isulat ang sagot sa kuwaderno. alagaan kalungkutan matatag sandigan tagumpay Mini-Diksiyonaryo ________ arugain, kalingain ________ pundasyon, batayan ________ pighati, panglaw ________ panalo, wagi ________ malakas, matibay Humanda na at makinig sa babasahin ng guro. Bakit mahalaga ang sama-samang pamilya sa kulturang Pilipino? Paano ginamit ang pangngalan sa mga tekstong ating mababasa at mapakikinggan sa araling ito? Ano ang paksa ng mga babasahing inihanda sa araling ito? 2 Sama-samang Pamilya ARALIN
  17. 17. 12 B. Babasahin natin ang tulang “Pamilyang Pilipino.” Basahin ang mga pangungusap. Sagutin ng OO o HINDI ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng bawat isa. 1. Kapag ang pamilya ay nagbubuklod, ito ba ay nagkakaisa? 2. Kapag ang pamilya ay magkakaagapay, ito ba ay magkasama sa hirap at ginhawa? 3. Kapag dakila ba ang pagmamahal, ito ba ay may hangganan? 4. Kapag ang isang pamilya ay may kamalayan, may posibilidad bang alam nila ang katotohanan sa paligid? 5. Kapag ang isang pamilya ay nag-aatubili, ito ba ay may pag-aalangan sa buhay? Basahin Mo Ano-ano ang katangian ng bawat kasapi ng isang pamilyang Pilipino? Ganito rin ba ang pamilyang iyong kinabibilangan? Pamilyang Pilipino ni Arjohn V. Gime PAMILYANG PILIPINO, tunay na huwaran Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa Magkaagapay sa hirap at ginhawa Laging magkasama, sa lungkot o ligaya. Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhayKaniyang payo at aral, gabay sa buhay.
  18. 18. 13 AMAng haligi, di nagsasawang umintindi Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili Gahol niyang panahon, pagal na katawan, Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran. Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan Karangalan para sa magulang, laging inaasam Pagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan Sandatang kaalaman, dala para sa bayan. Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Katulad ba ng pamilya sa tula ang sa iyong sarili? Ilarawan ang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagsulat ng isang talata tungkol sa kanila. Gamiting gabay ang organizer upang mas madali mong maisulat ang iyong talata. Matapos mong punan ang mga kahon, subuking pagdugtung-dugtungin ang mga ideya mo upang makabuo ng mga pangungusap at makasulat ng isang talata. Paksang pangungusap Ano ang gusto mong sabihin tungkol sa iyong pamilya?
  19. 19. 14 Gawin Mo A. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap batay sa napakinggang tula na may pamagat na “Halaga ng Pamilya”. Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali. 1. Pundasyon ng lipunan ang ating pamilya. 2. Ang bawat isang kasapi ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan. 3. Ang pagkakaniya-kaniya ay makatutulong sa pag-abot ng tagumpay ng bawat isa 4. Nagiging suwail tayo dahil na rin sa pag-aalaga ng ating mga magulang. 5. Matatag na ugnayan ng pamilya ang kailangan upang makamit ang tagumpay ng bawat kasapi nito. B. Sino-sino at ano-ano ang dapat mong bigyan ng pagpapahalaga? Isulat ang ngalan ng mga ito ayon sa hinihingi ng talahanayan. Gawin ito sa sariling sagutang papel. Pambalana Pantangi Isaisip Mo A. Gumawa ng ganitong coupon ticket sa iyong kuwaderno. Isulat sa loob nito kung gaano kahalaga sa iyo ang pamilya. Halaga ng Pamilya
  20. 20. 15 B. Lagyan ng marka ang iyong kakayahan sa pakikinig at sa pagsasagawa ng mga natapos na gawain sa araling ito. Gawin ang Iskala ng Kakayahang ito sa isang malinis na papel. Lagyan ng iyong pangalan at ihanda upang ipakita sa iyong mga kaklase. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 C. Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin? Isulat ang mga ito sa iyong kuwaderno gamit ang organizer na nasa ibaba. Tingnan Mo Ako! Matapos ang aralin, naramdaman ko na … Kaya… Natutuhan ko na… Kaya… Dahil dito
  21. 21. 16 Isapuso Mo A. Gumupit ng isang papel na hugis-puso. Sa loob nito, isulat ang ngalan ng isang kapamilya na gusto mong pasalamatan. Kulayan ito. Ibigay sa taong isinulat mo. B. Ibigay ang hinihinging impormasyon. Isulat Mo Sumulat ng isang tugma tungkol sa kahalagahan ng pamilya. Pamagat : ______________ May-Akda : ______________ Habang binabasa ang tulang “Pamilyang Pilipino,” naisip ko na ______________ Marka : ______________ Dahilan : ______________
  22. 22. 17 Tuklasin Mo A. May balitang babasahin ang iyong guro. Upang lubos mo itong maunawaan, pag-usapan muna natin ang kahulugan ng salitang nasa gitna ng bilohaba. Sa bandang itaas nito, gumuhit ng mga larawan na kaugnay ng salitang nililinang. Sa bandang ibaba naman ay ang mga larawan na kasalungat ng nililinang. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ngayong alam mo na ang kahulugan ng mga salitang huwarang pamilya, handang-handa ka na sa pakikinig ng balitang babasahin ng guro. huwarang pamilya Oo Hindi Paano mo maipakikita ang pagiging magalang sa bawat kasapi ng iyong pamilya? Kailan ginagamit ang panghalip? Ano-ano ang panghalip na ginamit sa araling ito? Paano isinusulat ang isang balita? 3 Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan ARALIN
  23. 23. 18 B. Maibibigay ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagtukoy ng salitang kasingkahulugan o kasalungat nito. Gawin natin ito sa sumusunod na mga salitang nagmumula sa babasahing teksto. Isulat ang sagot sa sariling kuwaderno. Salita Kasingkahulugan Kasalungat alintuntunin benepisyaryo maitaguyod nagdarahop Tandaan ang kahulugan ng mga salitang binigyang kahulugan habang binabasa ang susunod na teksto. Basahin Mo Bukod sa pamilya ni Manuelito, sino pa kaya ang nagawaran ng pagkilala bilang huwarang pamilya? Alamin natin sa pamamagitan ng pagbasa ng isa pang balitang ito. Pamilya Cuevas ng Navotas Pinarangalan bilang Huwarang Pamilya ng 4Ps ni Lucy F. Broño LUNSOD NG QUEZON, Set. 23 (PIA) -- Pinarangalan ang pamilya Cuevas ng Barangay San Roque, Lungsod ng Navotas sa isinagawang selebrasyon ng Family Week kahapon sa SM Mall of Asia. Sa 12 nominadong pamilya mula sa iba’t ibang lokal na pamahalaan sa National Capital Region (NCR), ang pamilya ni Herminio at Norma Cuevas ang tinanghal na Huwarang Pamilya ng Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps). Nahirang na Huwarang Pamilya ang pamilyang Cuevas dahil sa pagiging mabuting magulang, sa magandang pagsunod sa mga alituntunin ng programa, sa magandang serbisyo sa komunidad, at sa magandang pagpapalaki ng mga anak.
  24. 24. 19 Ang pamilya ay naging benipisyaryo ng programa mula noong Disyembre 2008 at tumatanggap ng cash grant na nagkakahalaga ng Php1,100 para sa mga pangangailangan sa edukasyon at kalusugan. Sinabi ni DSWD Regional Director Alicia Bonoan na napiling Huwaran ang pamilya Cuevas dahil kahit kakarampot ang kita ng mag-asawa, naibuhos nila ang kanilang kakayanan at abilidad upang masuportahan ang pamilya kasabay ng pagiging aktibo sa mga gawaing komunidad at pagtupad ng mga alituntunin ng programa. Samantala, sinabi ni Abubakar Sansaluna ng National Commission for Muslim Filipinos na isa sa board of judges ng Huwarang Pamilya, na isang “epitome of a model family” ang Cuevas sapagkat kahit lubha silang naghihirap, naitanim nila ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang mga anak.” Ang pagtatakda ng Huwarang Pamilya mula sa mga benipisyaryo ng 4Ps ay isang paraan upang maitaguyod ang programa, ang pagkakaisa ng pamilya na malampasan ang mga unos sa buhay, at maging ehemplo sa iba pang mga benipisyaryo. Sa welcome speech ni Pasay City Mayor Antonino Calixto hinimok niya ang mga benipisyaryo na maging inspirasyon sa ibang pamilya sa kabila ng maraming pagsubok at ilagay ang Maykapal sa gitna ng kanilang buhay. Ang buong araw na selebrasyon ay isinagawa ng Regional Inter-Agency Committee on Filipino Family ng National Capital Region (RIAC-Filipino Family ng NCR) na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga non-government organizations (NGOs) upang maitaguyod ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat pamilya at ang kontribusyon ng programang 4Ps sa pag-angat sa buhay ng mga lubhang nagdarahop.
  25. 25. 20 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Pag-aralan ang mapa na ito. Subuking magbigay ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksiyon. Halimbawa:
  26. 26. 21 B. Ito naman ang gamitin mo sa pagbibigay ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksyon. C. Matapos nating talakayin kung paano makasulat ng isang balita, kaya mo na ngayong makasulat ng sariling balita. Gamitin ang mga impormasyon na nasa talaan upang makasulat sa iyong kuwaderno. Huwarang Pamilyang Pilipino Manuelito Villanueva - ama ng 5 anak - isang mangingisda Asawa ni Manuelito - boluntaryong guro sa Tulay ng Kabataan Foundation Nakatira sa Barangay Tanza, Lungsod ng Navotas Benepisyo ng Pamilya: Php1,400.00 kada buwan para sa edukasyon at kabuhayan ng pamilya Araw ng Pagpaparangal: Oktubre 1, kasalukuyang taon Navotas City Hall Ground Sigurado ka na ba sa isinulat mo? Hintayin ang hudyat ng guro upang maibahagi mo ito sa klase. May mga panghalip panao ka bang ginamit? Ano-ano ito?
  27. 27. 22 D. Ang mga larawan ay nagpapakita ng pangyayari sa binasang balita. Gamitin ang mga ito upang maisalaysay muli ang binasang balita gamit ang sariling mga salita.
  28. 28. 23 E. Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong panghalip panao sa bawat patlang. Kumuha ng kapareha at basahin nang malakas ang usapan. Bing : Magandang umaga sa1 ______ Denice. Denice : Magandang umaga rin 2 ______ Bing. Bing : Nakapunta ka na ba sa Encantadia? Denice : Hindi pa. 3 ______, nakapunta ka na ba? Bing : Oo, nakapunta na4 ______. Kasama ko ang aking mga magulang, sina Kuya Henry at Nene. 5 ______ pa nga ang nagyaya sa akin pagpunta roon. Bing : Kasama rin ba ang lola at lolo mo? Denice : Hindi 6 ______ nakasama dahil nagbakasyon sila sa Quezon. Bing : Naku sayang naman. Kailan ulit 7 ______ pupunta roon? Denice : Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapag pupunta ulit 8 ______. Bing : Sana makasama ako sa pagpunta 9 ______ . Denice : O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa. Natitiyak kong papayag at matutuwa10 ______. Gawin Mo A. Basahin kung paano ka magiging gintong hiyas ng iyong magulang. Matapos mo itong basahin, ibigay ang hinihiling ng talaan. Ang Gintong Hiyas ng Magulang Isang araw, ang magkapitbahay na sina Cita at Luisa ay nag-uusap tungkol sa pinakamahalagang bagay sa kanilang buhay. Para kay Cita, ang kaniyang kabuhayan, ginto, at alahas ang pinakamahalaga. Para naman kay Luisa, ang kaniyang tatlong anak ang natatangi niyang hiyas.
  29. 29. 24 Tulad ni Aling Luisa, kahit sino pang magulang ay tiyak na sasabihing ang kanilang anak ang natatangi nilang hiyas at pag-asa sa kinabukasan. Bilang anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa iyo ng iyong mga magulang? Hindi sapat na batiin at bigyan sila ng regalo tuwing sasapit ang Araw ng mga Ina o Ama. Kailangang ang anak ay maging masunurin sa mga magulang at magtapos sa pag-aaral upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Kung ito ay maisasagawa ng mga anak, ano kayang damdamin ang mangingibabaw sa kanilang tahanan? Ang pagmamahal sa magulang ay isang bagay na madalas nating ipagwalang-bahala. Kabaligtaran naman ang ginagawa ng ating mga magulang na walang sawang nagmamahal sa atin. Kung ginagabi tayo sa pag-uwi, di ba’t sila ang kauna-unahang sumasalubong sa atin? Kung tayo ma’y napagagalitan, ito’y bunga na rin ng pagmamahal nila sa atin. Ano kaya ang mangyayari kung sakaling tayo’y pabayaan ng ating magulang sa bawat maibigan natin? Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa, mahalin natin at igalang ang ating mga magulang. Wala silang maaaring kapalit pa sa daigdig na ito. Hinango sa Filipino 4, Sagisag ng Lahi, pp. 48 – 49 Angelita A. Sta. Ana Abiva Publishing House, Inc.
  30. 30. 25 Ngayon, kompletuhin ang talaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng hinihingi nito mula sa tekstong binasa. Gawin ito sa kuwaderno. Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan Isaisip Mo A. Punan ang Bintana ng Pag-unawa. Sa loob ng bawat kahon, gumuhit ng isang bagay na magpapaalala sa iyo kung ano ang hinihingi ng bawat bintana. Bintana ng Pag-unawa Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan B. Kompletuhin ito sa iyong kuwaderno. Nais kong maging mahusay na tagapagbalita, kaya dapat tandaan ko ang sumusunod: 1. _________________________________ 2. _________________________________ 3. _________________________________ 4. _________________________________ 5. _________________________________
  31. 31. 26 C. Basahin ang mga pangungusap. Sipiin sa iyong kuwaderno ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita. 1. Isulat ang buod ng balitang isusulat. 2. Itala ang mga pangyayari. 3. Ilagay sa hulihang talata ang pinakatampok ng balita. 4. Isulat ang balita ayon sa tunay na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nito. 5. Magbigay ng opinyon tungkol sa isinusulat. 6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon. 7. Ilahad ang mga pangyayari nang walang kinikilingan. 8. Maging tumpak. 9. Banggitin ang pinagmulan ng impormasyon. Isapuso Mo A. Tukuyin kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang 1 kung madalas, 2 kung minsan at 3 kung hindi. Gaano mo ito kadalas gawin? Sinusunod ko ang utos ng aking magulang. Iginagalang ko ang karapatan ng mga kapamilya ko. Iginagalang ko ang kanilang pagkakaiba-iba. Pinahahalagahan ko ang kakayahan at galing ng aming kapamilya Bumabati ako kapag may dumarating. Nagpapaalam ako kapag umaalis. Ipinaalam ko kung saan ako pupunta. Nagmamano / humahalik sa pisngi o kamay ng nakatatanda.
  32. 32. 27 B. Buuin ang pangungusap. Mahalagang maging mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran, kaya mula ngayon, pagsusumikapan kong _____________. C. Ano ang dapat mong gawin upang maging gintong hiyas ng iyong magulang? Iguhit ang sagot mo sa isang malinis na papel. Isulat Mo Basahin ang mga pangungusap. Iayos ang mga ito upang makabuo ng isang balita. Pumili lamang ng isa upang isulat sa isang malinis na papel. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa isinulat. Balita 1 1 Bulkang Pinatubo, Gagawing Pook Panturista 2 Ipinanukala ang pagtatayo ng mga cable car pantawid sa tuktok ng bulkan. 3 Sinasabi ni dating Kalihim Mina Gabor ng Kagawaran ng Turismo na ipatutupad ang Php 1.5 milyong proyekto upang gawing isang pangunahing destinasyon ng mga turista ang Bulkang Pinatubo. 4 Ayon kay dating Kalihim Gabor, magtatayo ang DOT ng mga viewing deck na may teleskopyo sa paligid nito at gagawa ng tatlong daan patungo sa bulkan upang makaakyat at makapaligo ang mga turista sa bunganga nito.
  33. 33. 28 Balita 2 1 Mt. Arayat, Maaaring Sumabog? 2 Nasa Pampanga ang Bundok Arayat. Sinasabing maaaring ito’y pumutok. 3 Sinabi ni Kalihim Padolino na malaki ang kapinsalaang idudulot ng pagputok ng Mt. Arayat dahil nakatayo ito sa pagitan ng Pampanga at Nueva Ecija, mga lalawigang umaasa nang malaki sa agrikultura. 4 Ibinilang kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) sa watchlist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Mt. Arayat sa Pampanga upang maiwasan ang malaking sakuna sakaling biglaan itong pumutok.
  34. 34. 29 Sumasang-ayon ka ba na ang paaralan ang pangalawang tahanan? Ano ang mga panghalip na ginamit sa mga teksto? Paano ito ginamit? Paano gumawa ng isang balangkas? 4 Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan ARALIN Tuklasin Mo A. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya ay si Tomas Cabili. Ano-ano ang alam mo tungkol sa kaniya? Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. Huwag kang matakot kung wala o kaunti lamang ang nalalaman mo tungkol sa kaniya. Sa babasahin sa iyo ng guro mas makikilala mo pa ang Pilipinong ito.
  35. 35. 30 B. Pahapyaw na basahin ang tekstong nasa susunod na pahina. Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan? Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakigawa ang Dictionary Dig upang matukoy ang kahulugan nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Salita : ______________ Uri ng salita Pormal na kahulugan Kasingkahulugan Kasalungat Larawan nito Gamitin sa pangungusap Maliwanag na ba ang mga salitang nakalista? Kung oo, basahin na ang teksto.
  36. 36. 31 Basahin Mo Ano ang nangyari sa klase ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan? Magtanim Upang Mabuhay Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang sinabi ng guro. “Mga mag-aaral, kayo ay tuturuan kong maghanda ng tamang taniman ng gulay. Tuturuan ko rin kayo ng wastong pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay, halaman, at punongkahoy. Kailangan natin ang magtanim upang mabuhay.” Dinala ng guro sa halamanan ng paaralan ang mga bata. Dito niya itinuro ang wastong pagbubungkal ng lupa at ang paghahanda ng taniman. Binigyan din niya ng kani-kaniyang lugar na bubung- kalin ang bawat mag-aaral. Maayos na nagsigawa ang mga mag- aaral. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabagsakan ng asarol ang paa ni Efren. Nagdugo ang paa nito. Agad namang dinala nina Dodo at Bino si Efren sa klinika ng paaralan. Ginamot siya ng nars at pinayuhang umuwi at magpahinga. Hindi nakapasok nang ilang araw si Efren sapagkat namaga ang kaniyang paa. Nang magaling na ang kaniyang sugat ay saka pa lamang siya nakapasok sa paaralan. Ang halamanan ang una niyang tinungo upang makita ito. Anong laking pagkamangha niya nang makitang yari na ang kaniyang plot. Sanggunian: Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-Pagbasa Angelita L. Sta Ana, pp. 24-25.
  37. 37. 32 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Matapos makagawa ng balangkas tungkol sa binasang teksto, ngayon naman subuking mong gumawa nito batay sa mababasang teksto. Gamiting gabay ang padron sa susunod na pahina. Hindi Sagabal Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga nagsipagtapos at kanilang mga magulang nang umakyat si Maryann sa entablado upang tanggapin ang kaniyang diploma at medalya. Nagtapos bilang cum laude si Maryann Rosuman sa Pamantasan ng Northern Philippines. Pinalakpakan siya hindi lamang dahil sa kaniyang katalinuhan kundi dahil sa kakaiba siya sa lahat. Tatlong talampakan at limang daling lamang si Maryann. Isinil- ang siyang walang mga paa, 20 taon na ang nakalilipas. Katutu- bo siya ng Barangay Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur. Nagta- pos siya sa kursong accounting. Hindi naging balakid ang kapansanan niya sa kaniyang pag-aaral. Naging valedictorian siya noon sa elementarya at sekundarya. Kahit hirap sa pagtindig at pagpunta sa klase, napagaan yaon ng pagiging matulungin ng kaniyang mga kamag-aaral. Hango sa: Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication.
  38. 38. 33 Pamagat: ____________________ I. ________________________ a. ______________________ b. ______________________ c. ______________________ II. ________________________ a. ______________________ b. ______________________ c. ______________________ Gawin Mo A. Basahin ito at gumawa ng sariling balangkas na walang huwaran. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Franz Liszt Itinuturing na “Pinakadakilang Piyanista sa Lahat ng Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak siya noong Oktubre 22, 1811 sa Lungsod ng Raiding, Hungary. Isa siyang huwarang anak at mabuting bata. Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima. Tinuturuan siya ng kaniyang tatay na si Adam Liszt sa pagtugtog ng piyano. Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo, nagsimula na siya gumawa ng mga komposisyon na may kinalaman sa simbahan. Nang makita at marinig ito ng mga taong- simbahan, binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng isang konsiyerto.
  39. 39. 34 Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang palabas. Ibinuhos lahat ni Franz ang galing niya sa pagtugtog ng piyano gamit ang kaniyang mga komposisyon.Ang madla ay humanga, naiyak, at nagalak sa namalas nilang kahusayan ni Franz. Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya na magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo. Namalas ng karamihan ang kaniyang angking talento. Nahirang siya bilang isa sa mga pinakadakilang piyanista at kompositor. Pumanaw siya noong Hulyo 31, 1886. Hango sa: Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication. B. Naririto ang usapan ng makakaibigan. Punan ang mga patlang ng wastong panghalip na pamatlig. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Christian : Halina kayo 1 ______. Tingnan natin ang mga larawan na nakapaskil sa bulletin board. Carlo : Tungkol saan ang mga larawang 2 ______. Christian : Mga larawan 3 ____ ng nakaraang pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon. Henry : Sino-sino ba ang nasa larawan? Joan : Mga mag-aaral na lumahok sa paligsahan. Ang gagaling naman nila. Sunshine : Tama ka Joan. Tingnan mo 4 ____ isang larawan. Siya ay mag-aaral mula sa ikaanim na baitang. Siya ay si Jobert. Ang husay niyang umawit. Gelord : 5 _____ din sa pagdiriwang ang piling mga magulang. Tingnan ninyo sila. Ang sasaya nila di ba?
  40. 40. 35 Christian : Pagmasdan ninyo ang larawang 6 _____. Makikita ninyo sa entablado ang mga hurado. 7 ________ din ang punong-guro. Sunshine : 8 _________ sa bandang likuran ng punong-guro ang ilang mga guro. Ang sasaya rin nila. Henry : 9 ______ talaga ang pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon sa ating paaralan. Carlo : Sana sa susunod na taon makasali na tayo sa mga paligsahan. Sunshine : Sana nga. Henry : Tayo na at hinihintay na tayo ng ating guro na kanina pa naghihintay 10 _______ sa silid-aklatan. Isaisip Mo A. Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang balangkas? Isulat ang sagot sa organizer na ito. Pagsulat ng Balangkas
  41. 41. 36 B. Ang panghalip na pamatlig ay ___________. Ito ay may tatlong panauhan na: a. ________ na ginagamit kung _________, b. ________ na ginagamit kung ________, at c. ________ na ginagamit kung ________. Isapuso Mo A. Kompletuhin ang komitment na ito. Ang paaralan ang aking pangalawang tahanan kaya mula ngayon __________________. B. Sampung taon mula ngayon, ano ang puwede mong iregalo sa iyong paaralan? Iguhit ang sagot mo rito. Gawin ito sa isang malinis na papel. Isulat Mo Kompletuhin ang pangungusap sa iyong Reader’s Response Journal. Nakikita ko ang aking sarili kay ____________ dahil ____________.
  42. 42. 37 Tuklasin Mo Nakakita ka na ba ng hipon? Biya? Ang mga ito ang bida sa kuwentong babasahin ngayon ng iyong guro. Subukin nating bigyang katangian ang mga ito dahil sa kuwento hindi sila kinakain. Gamitin natin ang mga larawang ito. Ngayon, humanda na upang mas malaman kung paano naging mabuting magkaibigan sina Hipon at Biya. Paano ka magkakaroon ng maraming kaibigan? Paano mo pinangangalagaan ang pagsasamahan ninyo? Ano ang panghalip pananong? Ano-ano ang bahagi ng kuwento? 5 Mabuting Pagkakaibigan ARALIN
  43. 43. 38 Basahin Mo Nakakita ka na ba ng batang inatake ng hika? Paano nito napagbago ang ating bida sa kuwento? Parami nang Parami ni Ma. Hazel J. Derla Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyang nakaupo sa lilim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan. Sapat na sa kaniya ang manood sa mga batang masayang naglalaro sa malawak na palaruan. Isang araw, sa kaniyang panonood, isang mag-aaral ang napaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamang tumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral, “Ano’ng nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo?” Inaatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayo si Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral. Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mula noon, naging matalik na silang magkaibigan. Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang may kausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi parami pa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan. Naging katulad kaya sila ng magkaibigang Hipon at Biya sa una nating kuwento?
  44. 44. 39 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Matapos mapakinggan ang kuwentong binasa ng guro, ibigay ang hinihinging bahagi ng kuwento sa talaan. Pamagat: Simula Gitna Kasukdulan B. Natatandaan mo ba ang kuwento nina Hipon at Biya? Iguhit sa bawat kahon ang nagiging damdamin nila sa kuwento. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Damdamin ni Hipon Simula Gitna Huli Damdamin ni Biya Simula Gitna Huli
  45. 45. 40 C. Gamitin pa ang dalawang kuwento sa araling ito, kompletuhin ang tsart sa ibaba. Sa ikalawang hanay, isulat ang pangyayaring hinihingi ng unang hanay. Sa ikatlong hanay naman, isulat ang isang tanong tungkol sa binanggit na pangyayari. Bilugan ang panghalip na pananong na ginamit. Gawin ito sa kuwaderno. Bahagi Pangyayari Tanong tungkol sa pangyayari Una Kasukdulan Katapusan D. Natapos mo na ba ang iyong sulatin? Gamitin ang rubrics na ito upang maisaayos muli ang sulatin bago mo ipasa sa iyong guro. Naibigay nang buong linaw ang hangarin sa pagsulat 5 pt Nagamit nang tama ang mga salita 3 pt Nagamit nang wasto ang mga bantas 4 pt May kalinisan at kaayusan sa pagkakasulat 3 pt Kabuuan 15 pt
  46. 46. 41 E. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento ng magkaibigang Hipon at Biya? Isalaysay muli ito. Gamitin ang rubrics na ito upang maging gabay. Pamantayan Puntos Pangyayari Nagsimula sa panimulang gawain oras at lugar na pinangyarihan 1 1 Tauhan Pangalan at pangunahing ginampanan Pagkilala sa iba pang mga tauhan 1 1 Suliranin Nalalaman ang pangunahing suliranin 1 Aksyon Nababalikan ang mga pangyayari sa kuwento 1 Bunga/ Kinalabasan Pagkilala paano nalutas ang suliranin Naibibigay ang katapusan ng kuwento 1 1 Pagkasunod- sunod Naisalaysay nang tama walang maipakita na tama ang pagkasunod-sunod 2 Kabuuan ______________ Gawin Mo A. Matapos mong mapakinggang ang kuwentong binasa ng iyong guro, sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong Reader’s Response Journal. 1. Sino ang sumulat ng kuwentong napakinggan? Nabasa? 2. Ano ang suliranin sa kuwento? 3. Pumili ng isang pangunahing tauhan sa kuwento, ilista ang tatlong katangian niya. 4. Anong bahagi ang pinakagusto mo sa kuwentong napakinggan? Nabasa? 5. Ano ang markang ibibigay mo sa kuwentong ito? 6. Iguhit at kulayan ang bilang ng bituin na ibibigay mo.
  47. 47. 42 B. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga tanong sa isip mo bago, habang at pagkatapos mapakinggan ang kuwento nina Hipon at Biya. Bilugan ang mga panghalip pananong na ginamit. C. Sumulat ng limang salita mula sa napakinggang kuwento nina Hipon at Biya. Sa tapat nito, isulat ang kasalungat na kahulugan nito. Gawin ito sa iyong Pasaporte ng mga Salita. D. Natatandaan mo ba ang pyramid ng kuwento na ginamit natin sa talakayan sa klase, gamitin ito upang makasulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyo at sa iyong kaibigan. Paano mo ihahalintulad ang kuwento ninyo sa kuwento nina Lorena? Subuking gamitin ang mga salitang inilista sa naunang gawain. Isaisip Mo Punan ang tsart na ito. Ano ang panghalip pananong? Ano-ano ang halimbawa nito? Kailan ito ginagamit? Isapuso Mo Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa isang kaibigan. Isulat Mo Sumulat ng isang liham para sa may-akda ng kuwento nina Hipon at Biya. Sabihin ang lahat ng natutuhan mo mula sa kuwentong kaniyang isinulat.
  48. 48. 43 Subukin nating balikan ang mga salitang napakinggan at nabasa mo sa yunit na ito. Basahin ang bawat isa at alalahanin ang kahulugan nito. Kung mayroon kang hindi maunawaan, gamitin ang mga estratehiya na natutuhan mo upang matukoy ang kahulugan ng mga ito. sa wala tanong ng ay tayo na bawat walo ang iyo ama at lahat anuman kaniya lamang bagay mga naman baitang siya natin bibilhin bata paa bigla si paaralan bigyan pamilya tindero dahil isa ano din ni bayan dinala Jose iba gabay magulang kung binigyan araw marami buhay anak naging gamit ay parami ginto kanila tugon gulang nang agad gulay niya barangay guro po bilang habang hindi dala halamanan may hiyas hirap aral kasama huwaran atin kay ibinigay ito kaya ikaapat lagi kayo ilan nanay ko ipinagdiwang
  49. 49. 44 noon makita kahit pagdiriwang natatangi kailangan pagmamahal nila komposisyon para paggalang lima sila panahon mabuhay upang sinabi maganda magkaroon wasto gahol magtanim atubili binigay mantika ayos bubungkalin matatag ako bumubuhay miyembro alaga bunga mo alahas bungad nagtapos alin galing nakapasok alok ganito namalas angkin gawin nars asarol gayundin nito asignatura ginagabi pinakadakila aso ginamot pinakamahalaga bahagi ginhawa piyanista bahala gumawa piyano balakid gymnasium pumunta bansa habol puno batiin hadlang rin bayad halaga salamat bayubay halaman pagkakataon daigdig haligi pagtugtog dakila hamon paminta dalawampu hanapbuhay pangangailangan dali hika Pilipino damdamin hinahanap sapat dinaluhan hinga simbahan diploma hulyo suka Disyembre humanga tanghali dito humigit
  50. 50. 45 taniman dumalo igalang tatlo dumating ilalim tindahan edukasyon inatake toyo elementary iniabot tunay emeritus ipinabili tuturuan entablado ipinanganak isinilang kurso maibigan itinuro laki maisasagawa itinuturing lang makabago kaalaman layunin makatugon kabaligtaran libo malawak kabuhayan ligaya malungkutin kahusayan limampu mangga kakaiba lingkod mangingibabaw kakailanganin loob mangyayari kaklase lugar manok kalaro luha manood kamalayan lulutuin mapagkandili kama lungkot marinig kapaligiran lungsod masakit kapalit lupa masayahin kapansanan maaari masaya karangalan maaasahan masigabo kasama maayos masigla katalinuhan mabuti masipag katawan madalas masunurin katutubo madla masuklian kausap magalang matalik kilalanin magaling matulungin kinabukasan maghanda mayor kinalaman maging mayroon klase magkaagapay medalya klinika magkaibigan mula kompositor magkano mulat
  51. 51. 46 konsehal magkapitbahay mundo konsiyerto magkasama musika kuha magpahinga nabagsakan kumulang magtanghal nagalak kundi mahalin nagbubuklod nagbuhat napagaan pinakamalapit nagdugo napaupo pinalakpakan naging nasabi pinangunahan nagkakaisa natatangi pinarangalan naglalaro natin pinayuhan nagmamahal ng piso nagpamalas ngiti piyanista nagsagawa ni piyano nagsigawa nila puhunan nagsimula nina pumanaw nagsipagtapos nito pumasok nagtapos niya pumunta nagtatakbo noon puno nahilig obispo punongkahoy nahirang Oktubre regalo nais oo rin naiyak opo sa nakaagapay oras sabay nakaalalay paa sabik nakalipas paano sagabal nakangiti paaralan sagot nakapasok pabayaan saka nagtatakbo pagbalik sakali nahilig pagbubungkal salamat nahirang pagbuo sampu nakaupo pagdiriwang sandata namaga paggalang sapagkat namalas paghahanda pagkakataon naman pagiging pagkamangha
  52. 52. 47 nanay pinabibili pagkilala nang pinagkalooban paglingkuran nangangailangan pinakadakila pagmamahal nangyari pinakamahalaga pagmamahalan pagmamalasakit sasapit lugar pagpapahalaga sawa luha pagsisikap school lulutuin pagtatanim sekundarya lungkot pagtindig si lungsod pagtugtog sige lupa pala sila maaari palabas silang magkaibigan palad silid magkano palakpakan simbahan magkapitbahay palaruan simula magkasama palayo sinabi magpahinga pamantasan sinadya magtanghal pambihira sino mahalin pamilya siya maibigan paminta sugat maisagawa panahon suka makabago panauhin sumapit makatugon pangangailangan sumasalubong malawak pangkabuhayan tabi malungkutin panonood tagpi mangga pantahanan tahanan mangingibabaw papel takot mangyayari para talaga masusuklian parami talampakan matalik pari talento matulungin paslit layunin Mayor pasukan libo mayroon patibayin ligaya nagbuhat payo limampu nagdugo
  53. 53. 48 sasabihin nina nais manok oras napaiyak manood lingkod nakaagapay mapagkandili loob sasabihin marinig Lucena sasapat masakit nagsipagtapos sawa masayahin maaasahan tanggapin masaya maayos tao masigabo mabuti tinungo masigla madalas tinuruan masisipag madla tiyaga masunurin magalang tiyak nakaalalay magaling tulad nakalipas maghanda tumayo nakangiti maging tumulo namaga magpapogi tumutulong nangangailangan plot tungkol nangyari puhunan tuwina napagaan pumanaw umakyat napagalitan pumasok umintindi napaupo punongkahoy umuwi nasa regalo unahan nasabi paglingkuran yari nga pagmamahal ngiti pagmamalasakit ngunit pagpapahalaga
  54. 54. ii Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail. com ang mga may-akda at tagapaglathala. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc. Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. Jabines Mga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. Villanueva Mga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. Villena Tagatala: Ireen Subebe
  55. 55. iii PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin.
  56. 56. iv Pagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo at Gawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ng mga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula sa talakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaring gawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman ay gagawin mo nang nag-iisa. Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin. Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawat aralin. Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawa sa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng pagsulat. Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng: Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mga salitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit. Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryo ng mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata na mapipili. Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mga gabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnay ng isang chapter book na natapos mong basahin.
  57. 57. v Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na pamamaraan. Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA
  58. 58. vi TALAAN NG NILALAMAN Yunit II – Nagkakaisang Mamamayan, Maunlad na Pamayanan Aralin 6 – Lugar sa Pamayanan, Halina’t Pasyalan................50 • Paggamit ng Pang-uri Aralin 7 – Katuwang sa Pamayanan........................................57 • Paggamit ng Pandiwa at Pang-uri sa Teksto • Pagkakaiba ng Recount sa Balita • Kaugnayan ng Paksang Pangungusap sa Talatang Susulatin Aralin 8 – Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag-unlad..............69 • Kahalagahan ng Kalikasan sa Pag-unlad ng Kabuhayan ng Mamamayan • Paggamit ng Pandiwa sa Teksto Aralin 9 – Pagpapaunlad ng Pamayanan................................78 • Paggamit ng Pariralang Pang-abay • Balangkas ng Kuwento Aralin 10 –Hangad na Likas-Kayang Pag-unlad.......................84 • Paggamit ng Pang-abay • Kaugnayan ng Sanhi at Bunga • Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Isang Liham * Kalendaryo ng Pagbabasa..........................................................92 * Bokabularyong Pang-akademiko................................................93
  59. 59. 49 Nagkakaisang Mamamayan, Maunlad na Pamayanan Iisang damdamin Nagkakaisang mamamayan Susi ng isang maunlad at mapayapang pamayanan. Yunit II
  60. 60. 50 Tuklasin Mo A. May lakad ang mag-ama kaya maaga silang gumising. Ano kaya ang ibig sabihin ng may lakad? Gawin ito upang maipakita ang pagkakaunawa mo rito. Ngayon, handa ka nang makinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro. Isulat ang kahulugan mula sa diksiyonaryo. Magbigay ng dalawang halimbawa nito. Magbigay ng tatlong salitang kasingkahulugan nito. Gamitin ito sa pangungusap. may lakad Ano-ano ang lugar sa inyo na maaaring pasyalan? Anong mga salita ang gagamitin upang makapaglarawan? Paano ka makasusulat ng isang liham paanyaya para sa isang kaibigan? 6 Lugar sa Pamayanan, Halina’t Pasyalan ARALIN
  61. 61. 51 B. Bago natin basahin ang kuwento tungkol sa isang pagdiriwang sa pamayanan, alamin muna natin ang kahulugan ng mga salita na ginamit sa kuwento. Iguhit ang kahulugan ng mga ito sa isang malinis na papel. Salita Guhit Ko baton majorette musiko prusisyon Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang mas madali mong maunawaan ang kuwento natin. Basahin Mo Kung mamasyal kayo ng iyong nanay o tatay, yayayain mo ba sila sa lugar na mababanggit sa kuwento? Bakit? Pista sa Barangay “Heto na ang musiko. Bababa na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro. “Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang mga bata.
  62. 62. 52 Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihang sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang umikot-ikot ang mga majorette at ang kanilang baton habang tumutugtog ang banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobong manok, mechadong karne ng baka, paksiw na pata at marami pang iba. May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon. Ang problema ay may kakaibang nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malata ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang handa ay magtitiis na lang sila sa mga de-lata o di kaya’y sa ginataang gabi. Ganiyan ang mga Pilipino noon. Subalit ngayo’y unti-unting nang nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot na lamang ng kanilang makakaya.
  63. 63. 53 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Balikan natin ang mga pangyayari sa napakinggang kuwento tungkol sa lakad ng mag-ama. Lakbayin natin ang lugar na kanilang pinuntahan sa pamamagitan ng pagsagot ng mga tanong na nasa mapa. Kung may nais kang puntahang isang lugar sa mapa, paano ka magpapaalam sa nakatatanda sa iyo? Saan ang lakad ng mag-ama? Saan-saan sila nakarating? Ano-ano ang gagawin nila? Sino ang una nilang nakita? Sino-sino pa ang kanilang nakita?
  64. 64. 54 B. May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang kanilang bigkas. Marami nito sa binasang kuwento. Ano-ano nga ito? Magkatulad ba ang mga ito ng kahulugan? Ngayon, tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Buhay na ang itinanim kong maliit na puno ng Akasya. Laging puno ng tubig ang mga tapayan sa bakuran upang gamitin sa kanilang taniman. Dahil sa matiyagang pagtatanim naging maayos ang buhay nina Kadyo. 2. Ang malaking paso sa kaniyang kamay ay dahil sa hindi niya pag-iingat habang nagluluto. Sa sobrang sakit nito, nasagi niya ang magandang paso ng halaman malapit sa kanilang bintana. 3. Maluwang ang taniman ng tubo ng pamilyang Santos. Maliit ang tubo ng pera na inilagak nila sa bangko. Ang mga anak nila’y nakaupo sa mahabang bangko habang naghihintay sila ng tawag ng kahera ng bangko. 4. Pito ang pulis na nakabantay malapit sa paaralan. May kaniya-kaniya silang pito na nakasabit sa uniporme. Gawin Mo A. Alin sa mga lugar na napuntahan ng mag-ama ang naibigan mo? Ipakita ito sa pamamagitan ng isang post card na iyong gagawin. Kunin ang iyong kagamitan sa Art at umpisahan na ito.
  65. 65. 55 B. Gamit ang pang-uri, ilarawan ang isang lugar na nais mong marating. Humanap ng kapareha. Ipaguhit sa kaniya ang lugar na nasa isip sa pamamagitan ng mga paglalarawang ibibigay. C. Naririto pa ang ilang pares ng mga salita na magkatulad ng baybay ngunit magkaiba ng bigkas. Gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap. Salungguhitan ang panghalip na ginamit. 1. aso-aSo 2. kita-kiTa 3. paso-paSo 4. saWa-sawa 5. buKAs- bukas Isaisip Mo A. Saan-saan ginagamit ang pang-uri? Isulat ang sagot sa maliliit na ulap. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ginagamit natin ang pang-uri sa....
  66. 66. 56 B. Ano-ano ang natatandaan mo sa pagsulat ng isang liham? Gawin ito sa iyong kuwaderno. Natutuhan Hindi masyadong malinaw Opinyon Isapuso Mo Ipagmalaki ang sariling pamayanan sa pamamagitan ng isang poster. Gawin ito sa isang malinis na papel. Isulat Mo Sumulat ng isang liham. Anyayahan ang isang kaibigan na mamasyal sa inyong lugar. Salungguhitan ang mga pang-uring ginamit at ikahon ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ng bigkas.
  67. 67. 57 Tuklasin Mo A. Nagkasakit ng dengue ang batang bida sa kuwentong iyong mapapakinggan. Ano ang alam mo sa sakit na ito? Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito sa kuwaderno. Ano ang dengue? Ano ang mga sintomas nito? Ano ang sanhi nito? Paano ito malulunasan? Bago Bumasa Pagkatapos Bumasa Huwag kang mag-alala kung wala kang gaanong naisulat sa iyong talaan, makinig nang mabuti sa iyong guro upang mas makilala mo pa ang sakit na dengue. Katuwang sa Pamayanan Katuwang ka ba sa pagpapaunlad ng iyong pamayanan? ano ang pang-uri? Ano ang pandiwa? Paano isinusulat ang isang balita? Ang recount? Paano sila nagkaiba? Ano ang kaugnayan ng paksang pangungusap sa talatang iyong susulatin ARALIN 7
  68. 68. 58 Basahin Mo A. Naririto ang ilang pahina ng diary ni Melba. Tulad ni Isabel, nagkasakit din siya ng dengue. Basahin natin ang kaniyang mga pinagdaanan. Setyembre 2, 2014 Dear Diary, Masakit pa rin ang aking ulo at mabigat ang aking pakiramdam. Kinuha ni Nanay ang aking temperatura, akala ko sasabog na ang aming thermometer kasi 40 digri ito. Pinunasan agad ako ni Nanay ng malamig na tubig at saka nilagyan ng basang tuwalya sa aking noo matapos akong bihisan ng isang manipis na damit. Sana, bukas ok na ako. Dalawang araw na akong liban sa klase. Melba Setyembre 3, 2014 Dear Diary, Paggising ko kaninang umaga, wala na akong lagnat. Ang galing talagang doktor ng aking Nanay. Pero hindi pa rin niya ako pinapasok sa paaralan. Baka raw mabinat ako kaya maghapon na naman ako sa bahay. Melba Setyembre 1, 2014 Dear Diary, Hindi ako nakapasok ngayon. Paggising ko, masakit na ang aking ulo. Masakit din ang aking lalamunan at mga kasukasuan. Pagdating ng hapon, hindi pa rin umaayos ang aking pakiramdam, magpahinga lang daw ako at baka tatrangkasuhin ako. Nakaramdam ako ng pagkahilo at para akong nasusuka. Sabi ng nanay, Melba
  69. 69. 59 Ganito rin ba ang nangyari sa iyo nang magkasakit ka? Ano-ano ang pandiwang ginamit sa binasang diary? Setyembre 5, 2014 Dear Diary, Ilang araw kaya ako titigil dito sa ospital? Kahapon pa ako rito. Matapos akong kuhanan ng dugo para sa platelet count, sabi ng doktor sobra raw baba ito. Dapat daw ay nasa pagitan ito ng 150,000 – 200,000. Pero ang sa akin 70,000 lamang, kaya heto ako ngayon naka-dextrose, sinasalinan pa ng dugo. Kailan kaya ako lalabas dito? Melba Setyembre 6, 2014 Dear Diary, Naubos din ang dugo sa mga bag na binili ni Nanay. Binisita ako ng aking doktor kanina. Kaunti na lang daw pahinga at uminom lamang ako ng maraming tubig. Baka sa susunod na araw lalabas na ako sa ospital. Melba Setyembre 4, 2014 Dear Diary, Pagkatapos kong kumain ng aking almusal, sabi ni Nanay maligo na raw ako upang gumaan ang aking pakiramdam. Iyon nga ang aking ginawa. Nagulat ako sa aking nakita! Ang dami kong tuldok-tuldok na pula sa balat. Ipinakita ko ito kay Nanay at dali-dali naman niya akong binihisan at dinala sa doktor. Melba
  70. 70. 60 B. Paano ba maiiwasan o mababawasan ang kaso ng dengue sa ating pamayanan? Sino-sino ang magiging katuwang natin sa pagsugpo nito? Alamin natin sa pamamagitan ng pagbasa ng isang balita tungkol dito. 4 o’clock Habit, 4S ng DOH, Epektibo Kontra Dengue Online Balita, Hunyo 30, 2014 ni Mary Ann Santiago Ang paalala ay gamot sa taong nakalilimot. Ito ang kasabihang sinusunod ng Kagawaran ng Kalusugan (DoH) pagdating sa laban kontra sa nakamamatay na dengue, na marami na ring buhay ang kinitil sa bansa, partikular na sa mga paslit. Batay sa huling ulat ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ngayong taon ay umabot na sa 23,867 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa. Nasa 99 sa mga ito ang nasawi. Tiniyak ng DOH na bagamat nababawasan ang naitatalang kaso ng dengue sa nakalipas na mga buwan ay patuloy ang maigting na kampanya ng kagawaran laban sa dengue, na itinuturing na “all-year-round threat” na sakit dahil kung dati ay tuwing tag-ulan lang namiminsala, ngayon ay marami pa rin itong binibiktima kahit tag-init. Partikular namang mahigpit ang pagbabantay ng DOH laban sa dengue ngayong tag-ulan, dahil papalapit na ang peak season ng sakit sa Agosto at Setyembre. Ayon kay DOH spokesman Dr. Lyndon Lee-Suy, na siya ring program manager ng DOH-Dengue Prevention and Control Program, mas mababa ang naitala nilang kaso ng dengue sa unang limang buwan ng 2014 sa 50.98 porsiyento kumpara sa kaparehong panahon noong 2013, na umabot sa 48,686 ang na-dengue.
  71. 71. 61 Sa ngayon, aniya, ilan sa mga programang kanilang ipinatutupad na nakatulong para mabawasan ang mga kaso ng dengue ay ang vector control activities, tulad ng 4 o’clock habit sa mga komunidad at pagsunod sa 4S laban sa dengue. Kaugnay nito, sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na epektibo laban sa dengue ang 4 o’clock habit gamit ang “stop, look, and listen” approach. Paliwanag ni Ona, ang stop ay nangangahulugan na iwan muna ang ibang bagay at gawing prioridad ang pagpuksa sa mga pinamamahayan ng lamok. Pagsapit, aniya, ng 4:00 ng hapon—ang oras ng pagkain ng lamok—ang mga itinalagang grupo ay dapat na maghanap (look) ng breeding sites ng mga dengue-carrying mosquito at magpatupad ng sistematikong “search and destroy activities” laban sa mga ito. “‘Listen’ entails heeding the instructions from local authorities, community leaders or work supervisors for a synchronous implementation of the 4 o’clock habit,” paliwanag pa ng Kalihim. Dagdag pa niya, maaari namang gawin ang naturang sistema nang araw-araw o lingguhan, depende sa pondo at kapasidad ng komunidad. Ipinaliwanag rin ni Ona ang 4S, na nangangahulugan ng Search and destroy mosquito breeding places, Self-protection measures, Seek early consultation for fevers lasting more than two days, at Say yes to fogging when there is an impending outbreak. Bahagi rin, aniya, ng 4 o’clock habit ang tukuyin ang mga high-risk area sa lokalidad, pagbubuo ng mga grupo para sa critical response activities laban sa lamok at pag-likha ng sistema ng komunikasyon para sa mas mahusay na koordinasyon. May mga pang-uri bang ginamit sa balitang ito? Ano-ano ito? Ano ang inilarawan ng bawat isa? Ano ang paksa ng bawat talata sa balitang ito? Sang-ayon ka ba sa mga nabasa mo rito?
  72. 72. 62 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Basahin at pag-usapan ang mga talata. Sabihin ang paksa ng bawat isa. 1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang mga gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdang-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin. Hango mula sa Multilevel Materials 8-A. BEE-UNDP, 1997. 2. Mahirap ang magulang ni Andres. Hindi siya nakapag-aral. Maaga siyang naulila. Siya ang nagpalaki sa kaniyang mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto siyang bumasa at sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kaniyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan. Hango mula sa Multilevel Materials 8-A. BEE-UNDP, 1997.
  73. 73. 63 B. Paano ba isinusulat ang isang talatang nagbibigay-ulat? Basahin mo muli ang balita na nasa pahina 60-61 upang masagot ang mga tanong na ito. Isulat ang sagot sa kuwaderno. C. Ngayon, subuking makasulat ng isang balita kasama ang iyong pangkat. Sundin ang mga hakbang na nakasulat upang maging madali ang gawaing ito. 1. Pag-usapan sa pangkat ang ginagawang hakbang ng pamayanang kinabibilangan lamang sa pagsugpo o pag-iwas sa sakit na dengue. 2. Maglista ng mga tanong na nais ninyong masagot tungkol sa napiling paksa. 3. Pag-usapan ang mga sagot dito. 1. Saan hinango ang balita? 2. Ano ang pamagat nito? 3. Sino ang sumulat nito? 4. Ano-ano na ang alam mo sa paksang ito ng binasang balita? 5. Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit? Paano? 6. Nasagot ba ng binasa mong balita ang lahat ng tanong sa bilang 2? 7. Sa mga sagot mo sa bilang 2, alin dito ang pinakamahalaga? Ipaliwanag ang sagot. 8. Ano ang epekto ng balitang ito sa iyo? Lokal ba o internasyonal na balita ito? 5 5
  74. 74. 64 4. Isulat sa unang talata ang mga pangungusap na sumasagot sa tanong na ano, saan, sino, kailan, bakit, at paano. 5. Sa ikalawang talata, ipaliwanag nang detalyado ang mga sagot sa mga tanong na sinagot sa unang talata. Kung maaari, maglagay rito ng isang pahayag ng isang saksi na nakapaloob sa panipi. 6. Lagumin ang balitang isinulat. Maaaring ilakip dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyong ulo ng balita. Maaari ring ilagay rito ang mga gagawin sa hinaharap, ang halaga ng proyekto, gaano ito katagal gagawin, at iba pang detalye. 7. Basahing muli ang natapos na balita upang maisaayos ang mga nakitang pagkakamali. D. Sa pamamagitan ng pagguhit, ilarawan si Lolit Lamok na nakilala mo sa kuwentong napakinggan mula sa iyong guro. E. Makilala mo kaya ang pandiwa sa iba’t ibang anyo nito? Subukin natin. Basahin ang mga talata sa Pagyamanin Natin, Gawain Ninyo A, pahina 62. Sipiin at pangkatin ang mga pandiwang ginamit dito. Gawin ito sa isang malinis na papel.
  75. 75. 65 Gawin Mo A. Basahin ang mga talata. Isulat sa iyong kuwaderno ang paksang pangungusap ng bawat isa. 1. Ang platypus o duckbill ay isang hayop na may kakatwang anyo. Palapad ang katawan nito na nababalot ng maiikli at pinong balahibong kulay kape. Tila sagwan ang buntot nitong maikli, malapad at nababalutan ng magaspang na buhok. Maiikli ang apat nitong mga paa na may magkadidikit na mga daliri. Wala itong leeg. May maliit itong mata at tenga na naisasara kapag nasa ilalim ng tubig. Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s Publishing Corporation 2. Katutubong awitin ng mga Ilokano ang Dal-lot. Binubuo ito ng walong taludtod sa isang saknong. Kung susuriin, halos walang anumang kahulugang isinasaad ang Dal-lot. Inaawit ito ng isang lalaki sa isang babae na tumutugon naman nang patula. Nagtatapos ito sa kanilang sabay na pag-awit. Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s Publishing Corporation 3. Ang langaw ay maituturing na pinakamapanganib na hayop sa buong daigdig. Ang dalawa nitong pakpak at anim na mabalahibong paa ay nakapagdadala ng mikrobyo na nagdudulot ng maraming sakit. Kumakain ito ng kahit na anong bagay na nabubulok. Daan-daan kung mangitlog ito sa mga basura at dumi. At sa oras ng kaniyang paglipad at pagdapo kung saan- saan, tiyak ang dala niyang sakit sa mga tao. Hango sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng St. Mary’s Publishing Corporation
  76. 76. 66 B. Gamitin ang tsart sa pagbabahagi ng mga ginawa, ginagawa at gagawin mo pa lamang upang maging isang tunay na katuwang ng pamayanang kinabibilangan. Sa ilalim ng bawat isa, isulat naman ang sanhi at bunga ng mga kilos na isinulat. Kahapon Ngayon Bukas Kilos Sanhi Bunga C. Gawin natin ang Kalendaryo ng Pagtulong. 1. Kumuha ng isang malinis na papel. 2. Gumawa ng isang buwang kalendaryo. 3. Sa kaliwang itaas na bahagi, isulat ang buwan ng natapos na kalendaryo. 4. Isulat sa bawat araw ang mga gagawin mo upang makatulong sa kapuwa at sa kapaligiran mo. 5. Lagyan ng  kung ang isinulat ay nagawa at  naman kung hindi.
  77. 77. 67 Isaisip Mo A. Paano mo ngayon bibigyang kahulugan ang pang-uri? Gamitin ang bilog sa ibaba upang maibigay ang mga natutuhan mo. Gawin ito sa kuwaderno. B. Gumawa ng isang islogan na nagsasabi ng iyong natutuhan tungkol sa pandiwa. Gawin ito sa isang malinis na papel. C. Ano-ano ang natatandaan mo tungkol sa salitang nasa palad? Sumulat sa bawat daliri ng mga bagay na natutuhan mo tungkol dito. Bakatin ang sarili mong kamay sa kuwaderno at gawin ang hinihiling. Dati ko nang alam… Natutuhan ko ngayon… Ang paksang pangungusap ay…
  78. 78. 68 Isapuso Mo Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng isang tulong na iyong natanggap. Ipakita rin dito ang dahilan at ang naidulot sa iyo ng tulong na natanggap mula sa iba. Gawin ito sa isang malinis na papel. Isulat Mo Gamitin ang planner sa pagsulat ng talata tungkol sa sariling karanasan. RECOUNT PLANNER Saan? Kailan? Sino? Mga Pangyayari Ayon sa Wastong Pagkakasunod-sunod Mga Pang-ugnay na Salita una pangalawa sumunod kaya ngayon kinabukasan panghuli Pang-ugnay na Salita Ano ang nangyari? Ano ang reaksiyon o damdamin? Katapusan
  79. 79. 69 Tuklasin Mo A. Kilalanin muna natin ang mga salitang ginamit sa kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Tukuyin kung aling mga larawan ang dapat magkasama upang mabuo ang mga puzzle. Isulat sa kuwaderno ang letrang dapat magkasama. chainsaw A gulok C 8 Biyaya ng Kalikasan Tungo sa Pag-unlad ARALIN Paano nakatutulong ang ating kalikasan sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mamamayan? Paano ginamit ang mga pandiwa sa araling ito? B D chainsaw
  80. 80. 70 Nakatugma bang lahat ang mga larawan at salitang pinagsama mo? Tandaan mo ang kahulugan ng mga salitang ito upang maunawaan ang kuwentong babasahin ng iyong guro. maskulado D palakol F E G
  81. 81. 71 B. Isa sa mga paraan upang matukoy ang kahulugan ng mga bagong salita ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga salitang kasingkahulugan nito. Subukin nating gawin ito sa sumusunod na salitang ginamit sa tekstong iyong babasahin. Gumuhit sa kuwaderno ng dalawang puno na katulad nito. Isulat sa bawat puno ang salitang bibigyang kahulugan. Isulat naman sa mga dahon ang mga salitang kasingkahulugan nito. Maaari kang humingi ng tulong sa iyong mga kaklase upang mapuno mo ang mga dahon. Naririto ang mga salitang gagamitin mo. - hinaing - kumikinang Ngayon, kayang-kaya mo nang basahin ang teksto sa susunod na pahina.
  82. 82. 72 Basahin Mo Kahalagahan ng Kalikasan Ang Pilipinas ay isa sa pinakamayamang bansa sa Asya, hindi mayaman sa salapi pero maunlad sa likas na kayamanan. Gaya ng kasabihan, “hindi lamang ginto ang kumikinang,” hindi lamang ginto ang maituturing na kayamanan. Maging ang kayamanan sa ating paligid ay maituturing na kayamanan-tulad ng kalikasan. Subalit, napahahalagahan nga ba nang tama ang ating kalikasan? Di ba’t lahat tayo’y nilikha ng Maykapal? Nilikha na may kaniya-kaniyang tungkulin. Tayong mga tao ay nilikha upang pahalagahan at pagyamanin ang Kaniyang mga likha. Gaano ba kahalaga ang kalikasan? Para sa akin, sadyang napakahalaga ng kalikasan, dahil dito tayo kumukuha ng ating hinahain sa ating hapag-kainan tulad ng isda na nakukuha sa ating katubigan, mga prutas, gulay at bungang kahoy na makukuha sa halamanan. Dito rin tayo kumukuha ng mga kasangkapan sa paggawa ng bahay. Pero, nakalulungkot isipin na unti-unting nasisira ang ating kapaligiran. Unti-unting nawawala ang ganda ng mga itinuturing na kayamanan. Ang karagatan na dati’y kulay asul ngayon ay naging itim. Papaano na nga ba ang mga kabataan sa hinaharap? Wala nang malalanguyang malinis na tubig, at wala na ring punong aakyatan, dahil sa walang habas na pagputol, ngunit hindi naman napapalitan; wala na rin tayong malalanghap na malinis na hangin sa hinaharap dahil wala na ang mga punong sumasala sa hangin. Kapag tuluyang nawala ang mga puno, mawawalan ng balanse ang ecosystem. Ito ay magdudulot ng matinding init sa mundo. Kapag dumating naman ang panahon ng tag-ulan o bagyo, madaling matatangay ng tubig ang lupa, dahil wala ng kumakapit dito. Maaari itong magbunga ng pagkamatay ng mga taong nakatira malapit sa mga dalisdis o paanan ng bundok.
  83. 83. 73 Sa ating kapaligiran din kumukuha ng mga trabaho ang mga tao, gaya ng pangingisda at pagsasaka. Sana nga ay matigil na ang mga illegal na ginagawa ng mga tao sa ating kalikasan, dahil tayo rin ang maapektuhan nito sa huli---lahat tayo ay madadamay. Kaya halina sama-sama nating pangalagaan at pahalagahan ang ating likas na yaman sa pamamagitan ng pagtatanim muli ng mga puno sa ating paligid. Pairalin natin ang sariling disiplinang huwag tapunan ng basura ang ating mga katubigan pagkat malaki ang maitutulong nito sa kabuhayan! http://nathan-tantizm.blogspot.com/2009/07/kahalagahan-ng- kalikasan.html Tungkol saan ang binasa mong teksto? Paano inilarawan ang kayamanan ng bansa? May mga pandiwa ka bang nabasa? Ano-ano ang mga ito?
  84. 84. 74 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Basahin ang talata at gawin ang mga nakasulat na panuto. Ang Punong Niyog Sa lahat ng punong kahoy, ang niyog ang may pinakamaraming pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito ay mahalaga. Mahusay na panggatong ang katawan nito. Ang mga dahon ay nagagawang basket, walis, at mga kagamitang pambubong. Ang bunga ang pinakama- halagang bahagi nito. Ang balat ng bunga ay nagagawang iskoba, bunot, at mga kutson. Ang bao ang nagagawang mga alkansiya, butones, plorera, at laruan. Mula naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng langis at makagawa ng kendi at gamot. Nanggagaling din sa laman nito ang mga sangkap na magagamit para sa pabango, sabon, sorbetes, ulam, at cake. 1. Ang mga bagay sa baba ay galing sa punong niyog. Isulat ang mga ito nang paalpabeto. Sa tapat ng bawat isa, isulat ang bahagi ng puno na pinagkukunan nito. a. walis b. butones c. panggatong d. kendi e. kagamitang pambubong 2. Gamit ang pinagpunit-punit na mga papel, gumawa ng isang punong niyog. 3. Gumuhit ng isang paraan kung paano mo mapangangalagaan ang punong niyog.
  85. 85. 75 B. Basahin ang mga talata. Sa isang malinis na papel, gayahin ang organizer na ito. Sa octagon, isulat ang lugar o bagay na tinalakay sa talatang pinili. Sa mga bilohaba naman, sumulat ng mga pang-uring maaaring gamitin sa tinukoy na pangngalan. 1. Napakalawak ng ating mga dagat at napakaraming ilog na mapagkukunan ng panustos na pagkain. Dahil sa industriyalisasyon, dumami ang mga pagawaan at mga pabrikang nagtatapon ng mga dumi at mga kemikal na nagpaparumi sa ating mga ilog at dagat, at nagsisilbing lason sa mga isda at iba pang nangabubuhay sa tubig. Bakit dumudumi ang ating kapaligiran? 2. Maraming likas na kayamanan ang Pilipinas. Malalawak ang mga lupang pang-agrikultura na maaaring pagtaniman ng palay, mais, tubo, tabako, at iba pang produkto. Madadawag ang mga kagubatang pinanggagalingan ng mga troso at mababangis na mga ibon at hayop. Ang mga karagatan nito ay namumutiktik sa isda at iba pang lamang- dagat. Sa mga bundok matatagpuan ang mga kayamanang mineral tulad ng ginto, pilak, karbon, chromite at iba pa. Bakit sinasabing mayaman ang Pilipinas?
  86. 86. 76 C. Matapos ang pagtatanim ninyo ng punla ng mga punong ipinadala ng guro, alamin natin kung ano-anong punongkahoy ang naitanim ng inyong pangkat. Ipakita ito sa pamamagitan ng ibinigay na balangkas. Pangalan ng Puno Ilan ang naitanim? Pananda: Gawin Mo A. Sumulat tayo ng isang talatang naglalarawan ng kagandahan ng biyaya ng ating kalikasan. Pumili ng isang panimulang pangungusap para sa isusulat mong talata. 1. Ako ay kakaibang bulaklak. 2. Ako ay ligaw na damo. 3. Maraming kakaibang bulaklak sa paligid. 4. Malamig ang tubig sa sapa. B. Batay sa natapos na talata, gumawa ng isang tanong na nagsisimula sa bakit at paano. Humanap ng dalawang kaklase, ipabasa ang naisulat mong talata at pasagutan ang mga inihanda mong tanong. = isang puno
  87. 87. 77 Isaisip Mo Matapos nating pag-aralan kung paano ginagamit ang panghalip, pandiwa at ang pagsulat ng talata, ano-ano ang natutuhan mong dapat at hindi dapat sa paggamit ng mga ito? Gawin ito sa kuwaderno gamit ang ibinigay na format. 1 Dapat Hindi Dapat Paggamit ng pang-uri Paggamit ng pandiwa Pagsulat ng talata Isapuso Mo Kompletuhin. Upang mapahalagahan ang biyayang bigay ng kalikasan, simula ngayon, pagsusumikapan kong _________________. Isulat Mo Sumulat ng isang maikling liham na humihikayat sa ibang kabataan upang pangalagaan ang kalikasan. Bigyang diin ang mga biyayang bigay nito na magagamit natin upang maging maunlad ang ating buhay.
  88. 88. 78 Tuklasin Mo A. Kilalanin ang salitang nasa kahon. Ibigay ang hinihiling ng bawat bintana upang maunawaan nang wasto ang bawat salitang mapakikinggan sa kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Kahulugan Larawan Salita kunot ng noo Pangungusap Kahulugan Larawan Salita naglulupasay Pangungusap Handa ka nang makinig sa kuwento ng iyong guro! Ano ang maitutulong mo upang mapaunlad ang pamayanang kinabibilangan? Ano ang pariralang pang-abay? Ano ang dapat tandaaan sa pagsulat ng isang talata? panuto? 9 Pagpapaunlad ng Pamayanan ARALIN
  89. 89. 79 B. Naririto naman ang pares ng mga salita na mababasa mo sa tekstong nasa Basahin Mo. Tingnan natin kung ano ang nalalaman mo na sa mga salitang ito. Isulat sa bilohaba ang pagkakatulad ng mga salitang nasa itaas na mga kahon. Isulat naman sa mga kahon na nasa ilalim ng bilohaba ang pagkakaiba ng mga salitang nililinang. Huwag kang masyadong mag-alala kung kaunti lamang ang naisulat mo. Higit na makikilala mo pa sila sa pamamagitan ng pagbasa ng susunod na teksto at sa mga talakayang gagawin ninyo sa klase. Muslim Kristiyano Pagkakatulad Pagkakaiba
  90. 90. 80 Basahin Mo Bakit pinapurihan ang mga Muslim at Kristiyano? Muslim at Kristiyano, Pinapurihan   MIDSAYAP, North Cotabato, Okt.  9 (PIA)--Pinapurihan kamakalawa ng pamunuan ng unang distrito ng North Cotabato ang ginawang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga Muslim at Kristiyano sa gitna ng kaguluhan.   Matatandaang  matapos ang  kaguluhan sa  pagitan ng sundalo at  tropa ng Bangsamoro Islamic Freedom  Fighters (BIFF) noong  nakalipas  na  buwan  at matapos ang negosasyon,  limang  Muslim ang  boluntaryong naghatid  ng siyam na mga  guro  pabalik  sa  Barangay Malingao.  Ang  nasabing  mga guro ay  dinala  ng mga  rebeldeng  BIFF habang  lumalayo sa  tropa  ng pamahalaan.  Ayon kay House Committee on Peace, Reconciliation and Unity Vice Chairperson at North Cotabato First District Rep. Jesus Sacdalan, patunay lamang ito na hindi naging hadlang ang pagkakaiba ng kultura upang magkaisa at magtulungan. Aniya, “Ang naganap na pagkakaisa ay magsisilbing modelo ng pagututulungan hindi lamang sa Distrito Uno ngunit maging sa buong bansa”. -Shahana Joy E. Duerme http://newa.pia.gov.ph/index.php?article=2301381288328#sthash.xDbtgLHu.dpuf
  91. 91. 81 Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Natatandaan mo ba ang mga pangyayari sa “Hardinerong Tipaklong?” Sino-sino ang tauhan dito? Ano ang damdaming ipinakita nila sa napakinggang kuwento? Pangalan ng Tauhan _______________________ Ano ang ginawa niya? Una Gitnang Bahagi Katapusan Ano ang damdamin niya? B. Balikan natin ang napakinggang kuwento at binasang teksto. Pumili ng isang tauhan mula sa mga ito at ilarawan ang kanilang ikinilos. Obserbahan din ang isang kaklase at ilarawan ang kaniyang ikinilos. Bilugan ang ginamit na pang-abay sa mga pangungusap na isusulat. Hardinerong Tipaklong Muslim at Kristiyano, Pinapurihan Ang Aking Kaklase
  92. 92. 82 Gawin Mo Paano ba inihahanda ang isang plot bago ito taniman? Isulat ang mga panutong dapat sundin. Bilugan ang mga pang-abay na ginamit. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
  93. 93. 83 Isaisip Mo Isulat sa kahon ang sagot sa mga tanong na nakasulat sa bawat bilog. Gawin ito sa kuwaderno. Isapuso Mo Gumawa ng tseklist kung ano-ano ang magagawa mo upang makatulong sa pagpapaunlad ng pamayanan. Salungguhitan ang pang-abay na ginamit. Gawin ito sa kuwaderno. Isulat Mo Basahing muli ang ginawa sa Pagyamanin Natin Gawin Ninyo B. Pumili ng isang pangkat ng mga paglalarawang ginawa. Isulat muli ito sa anyong patalata. Kailan ginagamit ang panghalip na pang-abay 1. Kailan ginagamit ang panghalip na pang-abay? 3. Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata? 4.Panuto? 2. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng isang panuto?
  94. 94. 84 Tuklasin Mo A. Ang mga salitang initiman sa bawat pangungusap ay mapakikinggan sa kuwentong babasahin ng guro. Ibigay ang kasalungat ng bawat isa upang matukoy ang kahulugan nito. 1. Maalaga si Bryan sa kaniyang mga halaman kaya may magandang sibol ang mga ito. 2. Mataas ang lagnat ni Roselle kaya mainit ang kaniyang pakiramdam. 3. Magagara at mamahalin ang mga laruang pasalubong ng ninang ni Kamille buhat sa ibang bansa. 4. Payabungin natin ang mga puno sa hardin sa pamamagitan ng pag-aalaga nito. 5. Ang kinatatakutan nating kalamidad ay maiiwasan kung iingatan natin ang ating kapaligiran. 6. Dahil sa patuloy na pagpuputol ng mga puno sa bundok, ang lupa rito ay nauka. Naibigay mo ba ang lahat ng kasalungat? Tingnan natin kung tama ang iyong mga sagot sa pamamagitan ng pakikinig sa kuwentong babasahin ng iyong guro. 10 ARALIN Hangad na Likas-Kayang Pag-unlad Ano ang likas-kayang pag-unlad? Kailan ginagamit ang pang-abay? Ano ang kaugnayan ng sanhi at bunga? Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang liham?
  95. 95. 85 B. Ang mga salitang may guhit sa bawat pangungusap ay ginamit sa tekstong iyong babasahin. Ibigay ang kahulugan ng mga ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga salitang kasalungat nito.Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo. 2. Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay. 3. Walang humpay ang pag-iyak ng bata. Ngayon, handa ka nang magbasa sa kuwento ni Elay. Tandaan mo ang kahulugan ng mga salitang ating nilinang upang higit na maunawaan ang kuwentong inihanda para sa iyo.
  96. 96. 86 Basahin Mo Bakit kaya nagising ang ating bida? Saan siya nagising? Nagising sa Katotohanan ni Fragilyn B. Rafael May kakaibang kinahihiligan si Elay. Tuwing Sabado at Linggo, kung wala silang lakad na mag- anak, wala siyang ginagawa kundi ang gumuhit nang gumuhit. Nais niyang maging mahusay sa pagguhit at maging magaling at sikat na tagaguhit balang araw. Ngunit mahilig din siyang mag-aksaya ng mga papel na kaniyang ginagamit. Kapag may mali sa kaniyang ginagawa, punit dito, punit doon. Tapon dito, tapon doon. Isang araw, naubusan na siya ng kaniyang gagamitin kaya nagmamadaling lumapit sa kaniyang Tatay. “Tay, wala na po akong sketch pad. Baka puwede tayong pumunta sa tindahan para bumili.” “Elay, ano na namang ipinabibili mo sa Tatay mo?” ang sabat ng kaniyang Ina. “Ikaw naman, para papel lamang ang ipinabibili ng anak mo,” ang sagot ni Tatay. “Naku, Nathan, kung alam mo lamang ang ginagawa niyang anak mo sa kaniyang mga papel. Aba! Talo pa ang may pabrika. Punit dito, punit doon. Tapon dito, tapon doon. Matuto naman sanang magtipid.” Natulog siya nang masama ang loob sa kaniyang mga magulang.
  97. 97. 87 Maya-maya, nagsimula nang pumatak ang malakas na ulan sa kanilang bubong. Tumagal pa at lalo pa itong lumakas. “Hakutin natin ang mga gamit paitaas. Lumalakas pa rin ang ulan at mukhang magtatagal pa bago tumila. At baka lalong tumaas ang tubig.” Pagtigil ng ulan, nakita ni Elay ang maladagat na kapaligiran. Naglutang ang mga basura, malalaking troso at kung ano-ano pa. “Wala kasing humpay ang pagpuputol ng mga puno lalo na sa kabundukan. Kaya, hayan tuloy nawawalan ng kakapitan ang lupa at patuloy itong nauuka. Kailan kaya sila titigil?” ang tanging nasambit ng nag-aalalang Ina. “Tama nga si Teacher. Tama rin sina Nanay at Tatay.” Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Ano-ano ang pangyayari sa napakinggan at binasang teksto? Ibigay ang mga sanhi at bunga ng isang pangyayaring pipiliin mula sa dalawang teksto. Gumawa ng dalawang fishbone para sa napakinggan at binasang teksto. Gawin ito sa isang malinis na papel. Pamagat ng Kuwento: _______________________ Pangyayari Sanhi Bunga
  98. 98. 88 B. Ano ang isang pangyayaring nasaksihan mo sa inyong pamayanan na may kinalaman sa kakayahan ng bawat tao sa pagpapaunlad ng pamayanan? Ano ang sanhi ng pangyayaring ito? Ano ang naging bunga nito? Kumuha ng tatlong pangkulay at gamitin ito bilang pansulat. Sumulat ng isang talata na may tatlong pangungusap tungkol dito. Gamitin ang mga pangkulay upang maipakita ang pangyayari, sanhi, at bunga. C. Isulat ang pang-abay na ginamit sa bawat pangungusap. Sa tapat nito, isulat ang maaaring maging bunga ng bawat pangyayari. Gawin ito sa isang malinis na papel. Pariralang Pang-abay Bunga Tulong-tulong na naglinis ang mga tao bago magpiyesta. Umusad nang dahan- dahan ang mga sasakyan. Ang mga magsasaka ay nagtatanim sa mga bukiring may patubig. Ang mga mangingisda ay maingat na nanghuhuli ng isda sa dagat na malapit sa Estancia. Maingat na pinagplanuhan ng mamamayan ang gagawin sa mga mahuhuling gumagamit ng dinamita sa pangingisda.
  99. 99. 89 D. Natapos mo na ba ang liham mo? Gamitin ang pamantayang ito upang mabigyang puna at maiwasto mo bago ito ipasa sa guro. Pamantayan Di-gaanong Mahusay Mahusay- husay Mahusay Napaka- husay Nilalaman Naibigay ang layon ng pagsulat Maayos ang pagkakasunod- sunod ng kaisipan Istilo Magalang ang tono sa pagsulat Anyo Sumunod sa pormat na pinagagawa pasok ang unang talata; malinis ang pagkakasulat Hakbang sa Pagsulat Ginamit ang wastong gamit ng bantas Wastong gramatika at pagbabaybay ng mga salita
  100. 100. 90 Gawin Mo A. Ano ang natatandaan mo sa napakinggang kuwento? Isalaysay ito gamit ang sariling pangungusap. Gawing gabay ang rubrics na ito upang maging maayos ang pagsasanay mo. Pamantayan sa Pagmamarka Pamantayan Napakahusay (3) Katamtamang Husay ( 2) May Kakulangan (1) Nilalaman Naipaliliwanag nang husto ang paksa Naipaliwanag nang sapat ang paksa Malaki ang kulang sa pagpapaliwa- nag sa paksa Organisasyon Malinaw ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari May kaunting kulang sa pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari Nawala ang pagkaka sunod-sunod ng mga pangyayari Tinig at bigkas Malakas at malinaw ang pagsasalita na madaling maunawaan ang sinasabi at may wastong bigkas sa lahat ng pagkakataon May katamtamang linaw at lakas sa pagsasalita at may ilang salita na mali ang bigkas sa ilang pagkakataon Mahina ang tinig at maraming maling bigkas sa mga salita sa ilang pagkakataon Kilos Nagamit na ng husto ang kilos at ekspresyon ng mukha sa pagpapalinaw ng mensahe Nagamit na ng bahagya ang kilos at ekspresyon ng mukha sa pagpapalinaw ng mensahe Hindi o halos hindi nagamit ang kilos
  101. 101. 91 Isaisip Mo A. Punan ang bawat kahon ng detalye na nagpapakita ng natutuhan mo sa 1. pang-abay 2. sanhi at bunga B. Gumawa ng isang kahon na katulad nito sa kuwaderno at isulat ang lahat ng natutuhan mo sa pagsulat ng isang liham. Kaya ko.... Isapuso Mo Kompletuhin. Ngayong linggong ito, natutuhan ko na ______________, kaya naman isasapuso ko ang pagiging ________________ upang magawa ko na ______________________________. Isulat Mo Sumulat ng isang liham sa pinuno ng inyong pamayanan. Sabihin ang hangarin mo kaugnay ng mga natutuhan mo sa aralin ngayong linggong ito.
  102. 102. 92 Gawin sa bawat araw ang sinasabi ng kalendaryong ito. Isulat sa kuwaderno ang sagot sa bawat pagsasanay. KALENDARYO NG PAGBABASA Buwan: ___________________ Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwe- bes Biyernes Sabado Pumili ng isang aklat na babasa- hin (fiction) Isulat ang pamagat; may-akda; taga-guhit; publisher at petsa ng pagka- kalimbag nito. Isulat ang bilang ng pahina ng kuwentong babasahin; ang petsa ng pag- umpisa ng pagbasa ng kuwento. Basa- hin ang aklat. Ipagpatuloy ang pagbabasa ng aklat. Magtala ng limang salitang hindi mo mauna- waan sa binabasa. Hanapin ang kahulu- gan nito sa diksyunaryo. Humingi ng tulong sa nakatatanda. Gamitin sa sariling pa- ngungusap ang mga salitang binigyang kahulugan. Ipagpa- tuloy ang pagbasa ng aklat Ipagpa- tuloy ang pagbasa ng aklat. Ipagpa- tuloy ang pagbasa ng aklat. Ipagpa- tuloy ang pagbasa ng aklat. Sagutin: Nawiwili ka ba sa pagbabasa ng kuwen- tong napili? Bakit/Bakit hindi? Sagutin: Anong baha- gi ang pina- ka-naibigan sa kuwento? Isulat ang problema ng ku- wentong binabasa. Isulat ang mahahala- gang pang- yayari ng kuwentong binasa. Isulat ang kasukdu- lan ng kuwento. Paano binigyan ng solusyon ang suliranin sa kuwen- to, ito rin ba ang gagawin mo? Kung oo, bakit? Kung hindi naman, ano ang gagawin mo? Sagutin: May nais ka bang baguhin sa kuwen- to? Kung mayroon, alin ito at isulat din kung bakit mo ito nais baguhin. Isulat ang mga salitang hindi nau- unawaan sa kuwento. Sagutin: May bahagi ba sa kuwento na nakabaha- la sa iyo o nakapagdu- lot sa iyo ng kalituhan?
  103. 103. 93 Sagutin: May nais ka bang maging kaibigan sa mga tauhan sa kuwento? Sino? Pangatwiranan ang iyong sagot. Sagutin: Kung bibig- yan mo ng rating ang kuwentong binasa, ano ito? Bigyang- katwiran ang sagot. Sagutin: Ano ang naramda- man mo matapos mabasa ang kuwento? Ipaliwanag ang sagot. Sagutin: May pang- yayari ba sa kuwento na katulad sa iyong sariling karanasan? Alin ito? Paano ito naging ka- halintulad ng sa iyo. Sagutin: May nabanggit ba sa ku- wento na makabu- luhan sa iyo? Alin ito? Sumulat sa guro ng nais mong ibahagi matapos mong mabasa ang ku- wento. Ihanda ang journal upang maipasa sa guro. Subukin nating balikan ang mga salitang nabasa mo sa yunit na ito. Basahin ang bawat isa at alalahanin ang kahulugan nito. Kung may hindi ka maunawaan, gamitin ang mga estratehiya na natutuhan mo upang matukoy ang kahulugan ng mga ito. aakyatan bahagi buo alala bahay butones aba baka buwan abot bakit cake adobo balahibo daan agrikultura balang dagat akin balanse dagdag ako balat dahil aksaya banda dahon alam bansa daigdig alkansiya bao dalawa anak barangay dali anim basket daliri aniya basura dalisdis ano bata dapat anuman batay dati anyo baton dengue
  104. 104. 94 apat binibiktima depende araw binubuo din asul binungkal dinala Asya boluntaryo distrito ate bubong dito Ati-atihan buhay doon atin buhok duckbill awit bumaba dumami ayon bumasa dumating bababa bumili dumi babae bundok dumudumi bagamat bunga epektibo bagay bunot gaano bagyo buntot gabi gagamitin huli kagamitan gamit humpay kagawaran gamot huwag kagubatan ganda iba kaguluhan ganiyan ibon kahalagahan gawin ikaw kahanga-hanga gaya ikot kahit gilid ilalim kahoy ginagamit ilan kahulugan ginagawa illegal kailan ginataan ilog kainan ginawa ina kakaiba ginto inaawit kakapitan gitna industriyalisasyon kakatwa grupo init kalaro gulay inyo kalihim gumuhit ipinabibili kalikasan guro ipinagdiriwang kamakalawa habang ipinaghahanda kampanya habas ipinaliwanag kanila hadlang ipinatutupad kaniya hagdan isa kapag hakutin isda kapaligiran
  105. 105. 95 halamanan isinasaad kapareho halos isipin kapasidad handa iskoba kapatid hanggang itaas kape hangin itim kapistahan hapag itinalaga karagatan hapon itinuturing karbon hayaan ito karne hayop iwan kasabihan heto kaalaman kasangkapan hinahain kabataan kaso hinaharap kabuhayan katawan hindi kabundukan katotohanan katubigan lata magtatagal katutubo leeg magtipid kaugnay likas magtiis kay likha magtulungan kaya lima magulang kayamanan linggo mahalaga kemikal lingguhan mahigpit kendi lokalidad mahilig kinabukasan loob mahirap kinahihiligan look mahusay kinitil lumakas maigting komunidad lumalayo maiikli komunikasyon lumapit mais kontra lupa maitutulong Kristiyano maaari maituturing kulay maaga majorette kultura maapektuhan makagawa kumakain mababa makakaya kumikinang mababangis makakuha kumpara mabalahibo makitid kumukuha mabawasan makita kundi madamay makopa kung madadawag makukuha kutson madali maladagat
  106. 106. 96 laban magagamit malakas lahat magaling malaki lakad magaspang malalanghap lalaki magbunga malalanguyan lalo magdidisiplina malalawak laman magdudulot malampasan lamang maghanap malapad lamok maging malapit lang magkaisa malata langis magkadikit mali laruan magpatupad maliit lason magsisilbi malinis manager nabubulok nakuha mangitlog nagagawa naminsala manok naganap namumutiktik mapagkukunan nagbabago nanay marami nagbubuhat nganga masama nagdudulot nangabubuhay mata naghatid nangangahulugan matapos naging napakahalaga matatagpuan nagising napakalawak matatanda nagkagulo napakarami matatandaan naglutang napahahalagahan matatangay nagmamadali napapalitan matigil nagpalaki napaunlad matindi nagpaparumi nararamdaman matuto nagsimula nasabi maunlad nagsisilbi nasambit mawawalan nagtapos nasawi may nagtatapon nasira mayaman nagtatapos natin maya-maya nais natira mechado naisasara natulog mesa naitala naturang mga nakabasa natuto mikrobyo nakalulungkot naubusan mineral nakalikha naulila
  107. 107. 97 modelo nakalilimot nauuk-uk mukha nakalipas nawawala mula nakamamatay negosasyon muli nakapag-aral ngayon muna nakapagdadala ngunit mundo nakasulat nila musiko nakatira nilikha Muslim nakatulong nito nababalot nakihanay niya nababalutan nakita niyog nababawasan naku noon oras palay porsiyento outbreak palayan problema paalala paligid produkto paanan paliwanag programa paaralan pamahalaan prusisyon pabalik pambubong prutas pabango pamunuan pumatak pabrika panahon pumunta pagawaan pangalagaan punit pagbabantay panggatong puno pagbubuo pangingisda puwede pagdapo panustos rebelde pagdating papalapit sabat paggawa papel sabon pagguhit para sadya pagitan partikular sagwan pagkain paslit saknong pagkakaiba pata salapi pagkakaisa patula saliw pagkamatay patuloy sangkap pagkatapos patunay sarili paglipad pilak sigaw pagpuksa pinaggamitan sigla pagpuputol pinagyaman sikat pagsapit pinakamahalaga sinusunod pagsasaka pinakamapanganib sistema
  108. 108. 98 pagsisikap pinakamarami subalit pagsunod pinakamayaman sumasala pagtatanim pinamamahayan sumasayaw pagtigil pinaggalingan sumulat pagtutulungan pinapurihan sundalo pagyamanin pino susuriin pahalagahan pista tabako pakpak platypus tagaguhit paksiw plorera talo palapad pondo taludtod tanawin tropa tuwing tangi troso umabot taniman tubig umiilaw tapon tubo umikot tapunan tugtog una tila tukuyin unti-unti tinataniman tuluyan upang tindahan tumaas wala tiniyak tumagal walis tinuruan umila yaman titigil tumutugon tiyak tumutugtog trabaho tungkulin
  109. 109. D EPED C O PY ii Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na Baitang Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang- ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulang pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may- akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaad lamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindi nakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mga tagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa filcols@gmail. com ang mga may-akda at tagapaglathala. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim : Br Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc. Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072 E-mail Address : imcsetd@yahoo.com Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Punong Tagapangasiwa: Angelika D. Jabines Mga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. Jabines Mga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. Villanueva Mga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. Villena Tagatala: Ireen Subebe All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
  110. 110. D EPED C O PY iii PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin. All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

×