Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×

K to 12 Grade 3 LAPG FILIPINO Reviewer

Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Wird geladen in …3
×

Hier ansehen

1 von 3 Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (20)

Andere mochten auch (20)

Anzeige

Ähnlich wie K to 12 Grade 3 LAPG FILIPINO Reviewer (20)

Weitere von LiGhT ArOhL (20)

Anzeige

Aktuellste (20)

K to 12 Grade 3 LAPG FILIPINO Reviewer

  1. 1. ------------------------------------------------------------------------------------------ Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net LAPG FILIPINO 3 PAKIKINIG Para sa bilang 1-6 BAKIT UMIIYAK SI KIKO? Namamaga ang kaliwang pisngi ni Kiko. “Masakit ang ngipin ko, Nanay “humihikbing wika ni Kiko. “Tulungan ninyo ako.” Ipinabuka ng Nanay ang bibig ni Kiko. May butas ang isang bagang. Puno ng butil ng kanin ang butas, wika niya, “Hindi ka marahil nag sisipilyo ng ngipin. Kailangang sipilyuhin mo ang iyong ngipin pagkakain. Sinabi ko rin sa iyong iwasan ang labis na pagkain ng kendi. Nakasisira ng ngipin ang kendi. Sumama ka sa akin sa dentista ngayon para ipagamot yan.” ------------------------------------------------------------------ Para sa bilang 7-12 PAGHAHANDA SA PIKNIK Biglang nagising ang apat na taong gulang na si Pepe sa ingay na galing sa kusina. Lumabas siya upang alamin kong ano ang pinagmulan ng ingay. Naroon sina Nora at Serafin na tumutulong sa Nanay sa paghahanda ng kanilang baon para sa piknik sa paaralan. Pinuno ni Nora ng tubig ang pitsel na plastik. Isinilid ni Serafin sa basket ang mga sandwich. Binalot ni Nanay sa dahong saging ang kanin. Inilagay niya ang adobong manok sa isang plastik na baonan. “Kapag malaki ka na ,”sabi ni Serafin kay Pepe, “isasama ka namin sa aming piknik sa paaralan.” I. Pakikinig (1-12) Panuto: Makinig nang mabuti sa kuwento at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. 1. Bakit umiiyak si Kiko? a. Sumasakit ang kanyang ngipin b. Nawala ang kanyang lapis. c. Pinalo siya ng nanay. d. Nadapa siya. 2. Sino ang humihingi ng tulong? a. Kiko c. Nanay b. Dentista d. Tatay 3. Ano ang nakita ng nanay sa loob ng bibig ni Kiko? a. Gintong ngipin b. Ngiping may butas c. Maraming kendi d. Walang ngipin 4. Ano ang nasa loob ng butas? a. Bulak c. gamot b. Kendi d. kanin 5. Gaano kalimit dapat sipilyuhin ang ngipin? a. minsan sa isang araw b. matapos kumain c. minsan sa isang lingo d. minsan sa isang buwan 6. Ano ang dapat iwasan ni Kiko? a. karne c. prutas b. tinapay d. kendi 7. Ilang taon na si Pepe? a. Apat c. tatlo b. Lima d.dalawa 8. Ano ang dahilan ng pagkagising ni Pepe? a. Putok ng baril b. Ingay ng kotse c. Ingay mula sa kasina d. Tahol ng aso 9. Sino-sino ang sasama sa piknik? a. Ang nanay at si Nora b. Si Pepe at si Nora c. Si na Nora at Serafin d. Si Pepe at si nanay 10. Sino ang naglagay ng tubig sa pitsel? a. Nora c. Serafin b. Nanay d.Pepe 11. Saan nilagay ang adobong manok? a. Tasa c. baonan b. Plato d. baso 12. Sino ang naghanda ng mga sandwich? a. Nora c. Serafin b. Nanay d.Pepe II. Pagbasa (13-30) Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Piliin lamang ang titik ng tamang sagot. Para sa bilang 13-17 “Pinatatawad na kita. Kahit nasaktan ako sa ginagawa mo sa akin, hindi na ako galit sa iyo. Subalit sa susunod pang mga pangyayari sa buhay mo ay huwag ka nang padadala sa simbuyo ng iyong damdamin,” ang pangaral ni Raymond sa kababatang si Ted. “ Salamat! Mula ngayon ay hindi na ako makikinig sa basta sumbong lang, mag – iisip muna ako,” pagsisisi ni Ted. 13. Sa pamamagitan ng pananalita ni Raymond sa talata, matutukoy na siya ang ______tauhan dito. a. Pangunahing tauhan b. ekstrang tauhan c. pangalawang tauhan d. iba pang tauhan 14. Alin sa sumusunod ang angkop na pamagat ng talata? a. Mga Sumbong na Walang Batayan b. Si Raymond, Ang Maawain c. Huwag Magpadalos – dalos! d. Iwasan ang pananakit. 15. Alin sa sumusunod na maiikling salita ang hindi nakapaloob sa salitang “kababata”?
  2. 2. ------------------------------------------------------------------------------------------ Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net a. baba c. kaba b. aba d. awa 16. “ Kahit sinaktan mo ako ay pinatatawad na kita.” Alin sa pangungusap na ito ang tumutukoy sa sanhi o dahilan? a. sinaktan c. kahit b. pinatatawad d. ako 17. “ Salamat at pinatawad mo ako,” ito ang ______ na pahayag ni Ted. Alin sa sumusunod ang angkop na salitang dapat ipuno sa patlang? a. damang – dama c. maramdamin b. ramdam na ramdam d. madamdamin Para sa bilang 18-24 Ang mag_asawang Juan at Linda ay nagmamahalan. Nakatira sila sa bayan ng Nalbuan. Nang magdalang tao si Linda ay naisip ni Juan na manguha ng maliliit at malalaking kawayan upang gawing papag. Dito niya nais manganak si Linda. Malapit na kasing magsilang si Linda. May kapangyarihan si Juan. Nakasasakay siya sa hangin. Nauutusan din niya ang kidlat. Sa tulong ng mga ito ay madali niyang nakuha ang mga kawayan na kailangan sa paggawa ng papag. Mahal na mahal ni Juan si Linda kaya’t gusto niyang maging maginhawa ang panganganak nito. Gayundin si Linda, mahal na mahal niya si Juan kaya’t ibig niya itong mabigyan ng anak. 18. Batay sa kwento, bakit nanguha ng mga kawayan si Juan? a. manganganak si Linda b. gagawin niya itong papag c. wala siyang magamit d. gusto lang niyang maghanap 19. Ang kwentong binasa ay nagtataglay ng mga pangyayaring kathang-isip lamang. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng di katotohan? a. Sumakay sa hangin si Juan. b. Gagawa ng papag si Juan. c. Manganganak si Linda. d.Mag-asawa sina Juan at Linda. 20. Saan matatagpuan ang posisyon ng paksang pangungusap sa kwento? a. unahan c. gitna b. wakas d. hulihan 21. Alin sa sumusunod na pahayag ang walang kaugnayan sa kwentong binasa? a. Nakatira sa bayan ng Nalbuan ang mag- asawang Juan at Linda b. Nautusan ni Juan ang kidlat c. Gagawa ng papag si Juan. d. Hilot ang magpapaanak kay Linda. 22. Alin sa sumusunod ang mga salitang ginamit sa kwento ang magkasalungat? a. mag-asawa – nagmamahalan b.maliliit – malalaki c. kapangyarihan – kathang-isip d. Juan – Linda 23. Alin sa sumusunod na mga pangyayari ang magbibigay ng walang katumbas na kaligayahan kay Juan batay sa kwento? a. kapag nagawa niya ang papag b. kapag nanganak na si Linda c. kapag nakuha niya ang lahat ng kawayan na gagamitin niya d. kapag nagdalantao si Linda 24. Ang mga salitang magsilang at manganak na hango sa kwento ay tinatawag na mga ________. a. salitang magkasalungat b. salitang magkasingkahulugan c. salitang magkasingtunog d. salitang magkahawig Para sa bilang 25-27 1.Bakit umiiyak ang isang sanggol? 2. Maaaring siya ay nagugutom, basa ang lampin, kinagat na langgam o kinakabagan. 3.Maaaring ibig niya magpakarga. 4. Ang pag-iyak ng sanggol ay pagpapahayag ng isang bagay na hindi niya masabi. 25. Ang talata ay tungkol sa_________________ a. mga dahilan ng pag-iyak ng sanggol b. kilos ng sanggol c. iba’t ibang gusto ng sanggol d. pag-aalaga sa sanggol 26.Ang paksang pangungusap sa talata ay___________ a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 2 b. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4 27. Aling pangungusap ang nagsasabi sa maraming detalye? a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 2 b. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4 Para sa bilang 28-30 Mahina ang paningin ng mga paniki. May natatangi silang pag-aangkop. Kapag lumilipad, hindi sila nababangga sa puno. Naririnig nila ang alingawngaw ng pagaspas ng kanilang pakpak kapag malapit sila sa puno. Lumalayo o umiiwas na sila. 28. Ang talata ay tungkol sa ___________ a. mahinang paningin ng mga paniki b. pagaspas ng mga pakpak ng mga paniki c. pag-iwas ng mga paniki sa puno d. paraan ng pag-aangkop ng mga paniki 29.Alin ang paksang pangungusap ng talata? a. Pangungusap 1 c. Pangungusap 2 b. Pangungusap 3 d. Pangungusap 4 30. Paano nalalaman ng mga paniki na malapit sila sa puno? a. May pagaspas ang kanilang pakpak b. Nakaririnig sila ng alingawngaw
  3. 3. ------------------------------------------------------------------------------------------ Ⓒ 2015 LiGhT | All Rights Reserved. | For Personal Use Only. www.slideshare.net c. Nararamdaman nila ang galaw ng mga dahon d. Mataas ang kanilang pakiramdam III. Wika (31-45) 31. “Mahusay tumanggap na mga panauhin ang mga Pilipino”. Aling salita sa pangungusap ang tumutukoy sa pang-abay na pamaraan? a. Mahusay c. tumanggap b. panauhin d. mga Pilipino 32.” Sa ilalim ng puno, naghain si Nanay ng masarap na pagkain”. Alin sa pangungusap na ito ang salitang tumutukoy sa pang-abay na panlunan ? a. naghain c. sa ilalim ng puno b. ng pagkain d. Si Nanay 33. “Noong Linggo ay pista sa aming bayan.”Ang mga salitang Noong Linggo sa pangangusap ay tumtukoy sa pag-abay na ________________. a. Pamaraan c. Pasukdol b. Panlunan d. Pamanahon (Para sa bilang 34-36) Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit. 34. Masungit ang panahon kanina bago kami umalis. a. maliwanag c. masama b. malamig d. mainit 35.Maliksing kumilos si Mang Tomas kahit na siya ay matanda na. a. makupad c mabagal b. mabilis d. marahan 36. Galing sa Amerika ang aking sapatos na bigay ni Aling Tinay. a. ginamit c. dinala b. nagmula d. iniwan (Para sa bilang 37-38) Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit. 37. Matarik ang bundok na aming inakyat. a. mababa c. mabato b. malapad d. madulas 38.Nagdilim ang langit ng kami na ay pauwi. a. bumuka c.nagliwanag b. nawala d.umitim 39. Kung aayusin ang mga sumusunod na salita nang pa alphabeto , alin ang dapat na mauna? a.Timba c.Tuka b.Tela d.Trono 40. Aling salita ang dapat na mahuli kung aayusin ang mga sumusunod na mga salita? a. santo c. sampalok b. suha d. sinta Pag aralan ang isang bahagi ng talaan ng nilalaman. Gamitin ito sa pagsagot sa bilang 41-45 Ang Mga Tahanan ng Pinoy Kabanata Pahina 1 Yungib: Mga Unang Tahanan ………... 1 2 Tanggaling Tahanan …………………….. 12 3 Mga Tahanang Puno ………………………. 25 4 Mga Tahanang Bangka …………………… 43 5 Malapalasyong mga Tahanan …………….. 59 41. Ano ang pamagat ng aklat kong saan kinuha ang talaan ng nilalaman? a. Ang mga Tahanan ng Pinoy b. Mga Tahanang Puno c. Mga Tahanang Bangka d. Malapalasyong Tahanan 42. Saang kabanata mababasa ang mga kagamitang nakita sa Yungib: Tabon ng Palawan? a. kabanata 4 c. kabanata 2 b. kabanata 1 d. kabanata 3 43. Ang paglalarawan sa Malacanang ay nasa _____. a. Yungib: Mga Unang Tahanan b. Mga Tahanang Puno c. Mga Tahanang Bangka d. Malapalasyong Mga Tahanan 44. Aling salita ang binuo ng panlapi? a. nagmamadali c. bag b. naman d. kahit 45. Aling salita ang walang panlapi? a. katulong c. namumupo b. edad d. humanga

×