02 naisasagawa ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pagaayos ng sarili
Mga Paraan ng
Paglilinis ng Sarili
• Naisasagawa ang wastong pamamaraan ng
paglilinis at pagaayos ng sarili.
• Linisin ang kagamitan bago itago o itabi.
Prepared by:
PAUL C. GONZALES
Teacher I
ESCES - Midsayap West
District
Bakit kailangan maligo araw-araw?
Anu-ano ang mga kagamitan para sa paliligo?
Anu-anong hakbang ang dapat sundin sa
paliligo?
Bakit kailangan sepilyuhin ang mgangipin?
Ano ang mga katangian ng malinis na ngipin?
Papano natin mapangalagaan ang ating
buhok, at mga kuko sa ating mga kamay at
mga paa?
Mga Dapat Gawin sa Paliligo
Basain ang iyong katawan. Simulan sa tiyan,
pagkatapos sa hita, alak-alakan, kili-kili, at sa
ibang bahagi ng katawan. Huling basain ang
buhok.
Maglagay ng sapat na shampoo sa iyong palad.
Ikuskos ito sa buhok upang bumula. Gamitin ang
dulong mga daliri sa pagmamasahe.
Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang basing
bimpo sa paghihilod ng katawan. Linisin ang tainga
at ang likod nito, ang leeg, batok, kili-kili, siko,
tuhod, ang mgapagitan ng daliri sa kamay at paa.
Banlawan nang mabuti ang buhok at buong
katawan.
Punasan nang mabuti an gbuhok at katawan upang
matuyo ang mga ito.
Pulbusan ang buong katawan upang makaramdam
ng ginhawa.
Tamang Pagsisipilyo ng Ngipin
Kumuha ng isang basong tubig. Hugasan ang sepilyo at
lagyan ng "toothpaste".
Isepilyo ito sa ngipin hanggang sa bumula ang
"toothpaste". Sepilyuhin nang pataas at pababa ang mga
ngipin sa harap. Sepilyuhin ding mabuti ang pagitan ng
mga ngipin at ang mga sulok ng gilagid.
Sepilyuhin ang mga ngipin sa itaas nang pababang haplos
at ang mga ngipin sa ibaba nang paitaas na haplos.
Magmumog. Ipagpatuloy ang pagsesepilyo ng
mgangipin.
Magmumog muli hanggang sa maalis nang mabuti
ang "toothpaste" sa bibig.
Linisin at hugasan ang sepilyo bago ito itago. Ilagay
sa sariling lalagyan ang sepilyo nang hindi ito
marumihan at hindi madapuan ng langaw at ipis.
Ang"toothpaste" ay dapat tipirin.
Maglagay lamang sa sepilyo ng katamtam ang dami
upang hindi ito masayang.
Pag-aalaga ng Buhok, Kamay, Kuko at Paa.
Suklayin at ayusin sa paraang nababagay sa iyo.
Ito'y kailangan lagging maayos upang maging
malusog, makintab at magandang tingnan.
Syampuhin ito nang dalawa o tatlong ulit sa loob
ng isang linggo. Sa ganitong paraan, hindi
mawawala ang natural na langis na
nagpapakintab sa buhok.
Suklayin ang buhok bago matulog, mapanatili
itong malinis at makintab.
Kailangang gupitin minsan sa isang lingo ang mga
kuko at sundin ang hugis ng daliri.
Putulin ng diretso ang mga kuko sa paa upang
hindi tumubo nang pailalim ang mga ito at maging
"ingrown toenails".
Linisin ang mga paa. Kung may di-kanais-nais na
amoy at ito'y pawisan, ibabad sa maligamgam na
tubig na may kaunting asin sa loob ng 15 minuto.
Ang paliligo ay nakaaalis ng dumi sa
katawan. Nakapagdudulot itong
maginhawang pakiramdam.
Ugaliing maligo at maglinis ng katawan.
Sepilyuhin ang mga ngipin matapos
kumain upang maging malinis, maganda,
malusog at maputi ang mga ngipin.