SlideShare a Scribd company logo
1 of 12
1
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VI-WESTERN VISAYAS
Schools Division of Iloilo
CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL
MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10
(Mga Kontemporaryong Isyu)
January 29, 2018
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Ang mga mag-aaral; ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
a. Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal Declaration of
Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas.
D. TIYAK NA LAYUNIN
1. Natatalakay ang kasaysayan ng karapatang pantao.
2. Naipaliliwanag ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal Declaration of
Human Rights.
3. Natutukoy ang mga karapatang pantao ayon sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ng
Pilipinas
II. NILALAMAN
A. Paksa:
Universal Declaration of Human Rights at Bill of Rights.
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa gabay ng guro: 352-360
2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral: pp. 369-380
B. Iba pang Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Powerpoint Presentation
2
IV. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A.Panimulang Gawain
1. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa ating
panalangin.
2. Balik- aral
Mag balik-aral muna tayo, sa nakalipas
na aralin ay tinalakay natin ang tungkol
sa konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan.
Tanong: Ano ang ibig sabihin ng
pagkamamamayan?
Tanong: Sa anong artikulo ng 1987
saligang batas n gating bansa makikita
ang pagkamamamayan o citizenship?
Tanong: Ano ang dalawang uri ng
mamamayan?
Very Good!
B.Paglinang na Gawain
1.Pagganyak
Bago natin tuloyang simulan ang ating
bagong aralin, panoorin muna ninyo ng
tahimik ang maikling video.
Gabay na Tanong:
a. Tungkol saan ang
maikling video?
b. Anu-ano ang mga
karapatang pantao na
ipinakita sa video?
c. Magbigay pa ng ibang
karapatang pantao, o
mga karapatan nyo
bilang mag-aaral.
2.Paglalahad
Ang ating bagong aralin ay tungkol sa
kasaysayan ng karapatang pantao,
Universal Declaration of Human Rights
at Billo of Rights.
3.Pagtalakay
Maraming pagkakataon na nababasa sa
mga pahayagan, naririnig sa radyo,
napanonood sa telebisyon, at napag-
uusapan ang paksa tungkol sa
karapatang pantao. Kung bibigyan ka ng
pagkakataong magtanong sa mga taong
iyong masasalubong kung ano ang ibig
sabihin ng karapatang pantao, iba’t
ibang sagot ang iyong makukuha. Ito ay
dahil sa iba’t ibang karanasang
humubog sa kanila batay sa
kinaaanibang relihiyon, uri ng kultura at
lipunang kanilang kinabibilangan.
Tatayo ang mga mag- aaral at mananalangin.
Ang pagkamamamayan ay ugnayan ng isang
indibidwal at estado.
Artikulo IV.
Likas o katutubo at Naturalisadong
mamamayan.
(Manonood)
Mga Karapatang Pantao
Karapatang mabuhay, at karapatang magsalita.
3
Tanong:
Para sa inyo ano ang ibig sabihin ng
karapatang pantao?
Ang konsepto ng karapatang pantao ay
nagmula pa noong sinaunang panahon
hanggang sa mabuo ang Universal
Declaration of Human Rights ng United
Nations noong 1948.
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng
Persia at kaniyang mga tauhan ang
lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang
mga alipin at ipinahayag na maaari
silang pumili ng sariling relihiyon.
Idineklara rin ang pagkakapantay-pantay
ng lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder
na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.”
Tinagurian ito bilang “world’s first
charter of human rights.”
Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa
karapatang pantao ang iba pang
sinaunang kabihasnan tulad ng India,
Greece, at Rome.
Ang mga itinatag na relihiyon at
pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaism, Hinduism, Kristiyanismo,
Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay
nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad
ng tao at tungkulin nito sa kaniyang
kapwa.
Noong 1215, sapilitang lumagda si John
I, Hari ng England, sa Magna Carta,
isang dokumentong naglalahad ng ilang
karapatan ng mga taga-England. Ilan sa
mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-
arian ng sinuman nang walang
pagpapasiya ng hukuman. Sa
dokumentong ito, nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa.
Noong 1628 sa England, ipinasa ang
Petition of Right na naglalaman ng mga
karapatan tulad nang hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot ng
Parliament, pagbawal sa pagkulong
nang walang sapat na dahilan, at hindi
pagdeklara ng batas militar sa panahon
ng kapayapaan.
Noong 1787, inaprubahan ng United
States Congress ang Saligang-batas ng
Ito ang karapatan ng mga tao sa isang bansa.
4
kanilang bansa. Sa dokumentong ito,
nakapaloob ang Bill of Rights na
ipinatupad noong Disyembre 15, 1791.
Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga
karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang
taong nanirahan sa bansa.
Noong 1789, nagtagumpay ang French
Revolution na wakasan ang ganap na
kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
Sumunod ang paglagda ng Declaration
of the Rights of Man and of the Citizen
na naglalaman ng mga karapatan ng
mamamayan.
Gawain 1
Human Rights Declared
Magsaliksik tungkol sa mahahalagang
probisyon ng sumusunod na
dokumentong naglalahad ng mga
karapatang pantao. Isulat ang mga
probisyong nakapaloob sa bawat
dokumento sa pangalawang kolum.
 Silindro ni Cyrus
Cyrus- nagpatupad ng mga batas sa
karapatang pantao sa wikang Akkadian
na nakaukit sa hinulmang luwad na
hugis cylinder
- Kauna-unahang hari ng Persia na
nagplaya sa alipin ng Babylonia noong
539 BCE.
Dokumento
Mga Nakapaloob
na
Karapatang
Pantao
1.Cyru’s Cylinder
(Silindro ni Cyrus)
2. Magna Carta
3. Petition of Right
(Ang Petisyon ng
Karapatan)
4. Declaration of
US Independence
(Ang Deklarasyon ng
Kalayaan ng Estados
Unidos 1776)
5. Declaration of
the Rights of Man
and of the Citizen
(Deklarasyon ng
mga Karapatan ng
Tao at ng mga
Mamamayan 1789)
6. The First
Geneva
Convention (Ang
Unang Convention sa
Geneva 1864)
5
“ANG LAHAT NG TAO AY MAY
KARAPATANG PUMIL NG RELIHIYON AT
MARAPAT ITURING NA KAPANTAY NG
IBANG LAHI”
Cyrus Cylinder- pinakamatandang talang
pangkasaysayan at kauna-unahang
kalipunan ng mga batas sa karapatang
pantao.
 Magna Carta (1215)
Magna Carta o“GreatCharter”– nilagdaan
ng Hari ng Inglatera noong 1215,
nakapaloob rito ang karapatan ng
simbahan na maging Malaya mula sa
pakikialam ng pamahalaan, karapatan sa
lahat ng mamamayan na magmayariat
magmana ng ari-arian at mabigyan ng
proteksiyon laban sa mapaniil
napagbubuwis.
Karapatan ng mga balo (widow) na
magmay-ari at makapili na hindi na
muling mag-asawa.
Makatwirang proseso(dueprocess) sapagdinig
ng kasoatpagkapantaypantay samatang
batas.
 Ang Petisyon ng Karapatan
Sa pangunguna ni Edward Coke,
ipinadala ng English Parliament kay
Haring Charles I ng England ang
Petisyon ng Karapatan noong 1628.
Apat na Prinsipyo
a. Walang pagbubuwis nang walang
pahintulot ng Parliamento.
b. Walang sinuman ang maaring
ibilanggo nang walang paghahain
ng akusasyonatpagdinig sakaso.
c. Walang sundalo ang maaring
kanlungin o patuluying
pansamantala sa tirahan ng
ordinaryong sibilyan o
mamamayan.
d. Ang batas military ay maaaring
ipatupad sa panahon ng
kapayapaan.
 Ang Deklarasyon ng
Kalayaan ng Estados Unidos
(1776)
I s in u la t it o n i T h o m a s
J e f f e r s o n .
Nakapaloob rito ang kalayaan ng 13
6
kolonya mula sa British Empire.
Pagbibigay karapatansaindibidwal at
karapatansarebolusyon
 Ang Saligang Batas ng
Estados Unidos (1789)
Nangangalaga sa kalayaan sa
pamamahayag, relihiyon, pagpulong, at
petisyon.
Pagbabawal sa hindi makatwirang
paghalughog at pagdakip, malupit na
kaparusahan, pamimilit sa
pagkakasangkot ng sarili.
 D E K L A R A S Y O N N G
M G A K A R A P A T A N NG TAO
AT NGMAMAMAYAN, 1789
Lahat ng mamamayan ay pinagkalooban
ng karapatan at kalayaan sa ari-arian,
seguridad at pagtutol sa paniniil.
 Ang unang kombensyon sa
Geneva, (1864)
Noong 1864, isinagawa ang
pagpupulong ng labing-anim na
Europeong bansa at ilang estado ng
United States sa Geneva, Switzerland.
Kinilala ito bilang The First Geneva
Convention na may layuning isaalang-
alang ang pag-alaga sa mga nasugatan
at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.
Analisis
Tanong:
Bakit mahalaga ang mga binanggit na
dokumento sa pag-unlad ng
konsepto ng karapatang pantao?
UNIVERSAL DECLARATION OF
HUMAN RIGHTS
Noong 1948, itinatag ng United Nations
ang Human Rights Commission sa
pangunguna ni Eleanor Roosevelt,
asawa ng yumaong Pangulong Franklin
Roosevelt ng United States. Sa
pamamagitan ng naturang komisyon,
nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag na Universal
Declaration of Human Rights.
Malugod na tinanggap ng UN General
Assembly ang UDHR noong Disyembre
7
10, 1948 at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all
Mankind.” Sa kauna-unahang
pagkakataon, pinagsama-sama at
binalangkas ang lahat ng karapatang
pantao ng indibiduwal sa isang
dokumento. Ito ang naging pangunahing
batayan ng mga demokratikong bansa
sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang-
batas.
Umabot nang halos dalawang taon bago
nakumpleto ang mga artikulong
nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at
Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas
na karapatan ng lahat ng tao tulad ng
pagkakapantay-pantay at pagiging
malaya. Binubuo naman ng mga
karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo
3 hanggang 21. Nakadetalye sa Artikulo
22 hanggang 27 ang mga karapatang
ekonomiko, sosyal, at kultural.
Tumutukoy naman ang tatlong huling
artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa
tungkulin ng tao na itaguyod ang mga
karapatan ng ibang tao.
(Ipapakita ang ilan sa mga nilalaman ng
UDHR)
Naging sandigan ng maraming bansa
ang nilalaman ng UDHR upang
panatilihin ang kapayapaan at itaguyod
ang dignidad at karapatan ng bawat tao.
Naging inspirasyon din ang deklarasyong
ito sa maraming opisyal ng pamahalaan
at mga mambabatas upang magkaroon
ng mas mabuting pamumuhay ang tao.
BILL OF RIGHTS
Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill
of Rights ng Konstitusyon ng ating
bansa ay listahan ng mga pinagsama-
samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang
karapatan ng mga indibiduwal na
nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18
(1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014),
may tatlong uri ng mga karapatan ng
bawat mamamayan sa isang
demokratikong bansa.
Uri ng mga Karapatang Pantao
1. Natural
-Mga karapatang taglay ng
bawat tao kahit hindi ipagkaloob
ng Estado.
-Karapatang mabuhay, maging
8
malaya, at magkaroon ng ari-
arian.
2. Constitutional Rights
- Mga karapatang ipinagkaloob at
pinanga-ngalagaan ng Estado.
a. Karapatang Politikal-
Kapangyarihan ng mamamayan
na makilahok, tuwiran man o
hindi, sa pagtatag at
pangangasiwa ng pamahalaan.
b. Karapatang Sibil – mga
karapatan na titiyak sa mga
pribadong indibidwal na maging
kasiya-siya ang kanilang
pamumuhay sa paraang nais
nang hindi lumalabag sa batas.
c. Karapatang Sosyo-ekonomik –
mga karapatan na sisiguro sa
katiwasayan ng buhay at pang-
ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal.
d. Karapatan ng akusado – mga
karapatan na magbibigay-
proteksyon sa indibidwal na
inakusahan sa anomang krimen.
3. Statutory
- Mga karapatang kaloob ng
binuong
batas at maaaring alisin sa
pamamagitan ng panibagong
batas.
- Karapatang makatanggap ng
minimum wage.
ANG KONSTITUSYON NG
REPUBLIKA NG PILIPINAS 1987,
ARTIKULO III.
SEK. 1. Hindi dapat alisan ng buhay,
kalayaan, o ariarian ang sino mang tao
nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni
pagkaitan ang sino mang tao ng pantay
na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-
bayan na magkaroon ng kapanatagan sa
kanilang sarili, pamamahay, papeles, at
mga bagay-bagay laban sa hindi
makatwirang paghahaluglog at
pagsamsam sa ano mang layunin ay
hindi dapat labagin, at hindi dapat
maglagda ng warrant sa paghalughog o
warrant sa pagdakip maliban kung may
malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos
masitasat ang mayhabla at ang mga
testigong maihaharap niya sa ilalim ng
panunumpa o patotoo, at tiyaking
tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at
ang mga taong darakpin o mga bagay
na sasamsamin.
9
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang
pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal n
autos ng hukuman, o kapag hinihingi
ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng
bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano
mang layunin sa alin mang hakbangin sa
paglilitis ang ano mang ebidensya na
nakuha nang labag dito sa sinusundang
seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng
batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng
pamahayagan, o sa karapatan ng mga
taong-bayan na mapayapang
magkatipon at magpetisyon sa
pamahalaan upang ilahad ang kanilang
mga karaingan.
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng
batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o
nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit
nito. Dapat ipahintulot magpakailanman
ang malayang pagsasagamit at
pagtatamasa ng pagpapahayag ng
relihiyon at pagsamba nang walang
pagtatangi o pamimili. Hindi dapat
kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon
sa pagsasagamit ng mga karapatang
sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang
kalayaan sa paninirahan at ang
pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga
katakdaang itinatadhana ng batas
maliban sa legal n autos ng hukuman. Ni
hindi dapat bawahan ang karapatan sa
paglalakbay maliban kung para sa
kapakanan ng kapanatagan ng bansa,
kaligtasang pambayan, o kalusugang
pambayan ayon sa maaaring itadhana
ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan
ng mga taong-bayan na mapagpabatiran
hinggil sa mga bagay-bagay na may
kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa
mga opisyal na record, at sa mga
dokumento at papeles tugkol sa mga
opisyal na Gawain, transaksyon, o
pasya, gayon din sa mga datos sa
pananaliksik ng pamahalaan na
pinagbabatayan ng patakaran sa
pagpapaunlad ay dapat ibigay sa
mamamayan sa ilalim ng mga
katakdaang maaaring itadhana ng batas.
SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin
sa pagkakasalang criminal ang sino
mang tao nang hindi sa kaparaanan ng
batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal,
10
ang nasasakdal ay dapat ituring na
walang sala hangga’t hindi
napapatunayan ang naiiba, at dapat
magtamasa ng karapatang magmatwid
sa pamamagitan ng sarili at ng abogado,
mapatalastasan ng uri at dahilan ng
sakdal laban sa kanya, magkaroon ng
mabilis, walang kinikilingan, at hayagang
paglilitis, makaharap ang mga testigo at
magkaroon ng sapilitang kaparaanan
upang matiyak ang pagharap ng mga
testigo at paglitaw ng ebidensya para sa
kanyang kapakanan. Gayon man,
matapos mabasa ang sakdal, maaaring
ituloy ang paglilitis kahit wala ang
nasasakdal sa pasubaling marapat na
napatalastasan siya at di makatwiran
ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang
pribilehiyo ng writ of habeas corpus
maliban kung may pananalakay o
paghihimagsik, kapag kinakailangan ng
kaligtasang pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat
ng mga tao ng karapatan sa madaliang
paglutas ng kanilang mga usapin sa
lahat ng mga kalupunang
panghukuman, malapanghukuman, o
pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang
tao na tumestigo laban sa kanyang sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang
sino mang tao dahil lamang sa kanyang
paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang
anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban
kung ang kaparusahang pataw ng hatol
ng pagkakasala.
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang
malabis na multa, ni ilapat ang malupit,
imbi o di-makataong parusa, o ang
parusang kamatayan.
Gawain 2
Hahatiin ko kayo sa limang pangkat.
Unawain ang sumusunod na panuntunan
sa pagsasagawa ng human diorama.
May mga ibat-ibang scenario akong
ipapabunot sa inyo, batay sa inyong
nabunot gumawa ng isang larawan na
nagpapakita nito (estatwa). Ang lider ng
bawat pangkat ang siyang
magpapaliwanag ng inyong ginawa.
o Kung ika’y dinarakip
o Kung ang iyong bahay ay
hinahalughog
o Kung ikaw ay nililitis
o Kung ikaw ay pipili ng sussunod
(Isasagawa ang Human Diorama)
11
na opisyal ng pamahalaan
o Kung ikaw ay nakakulong
Pamprosesong mga Tanong
1. Ano ang mga karapatang pantao na
binigyang-diin sa mga ipinakitang
diorama?
2. Paano napangalagaan ang
kapakanan ng mga mamamayan batay
sa mga ipinakitang situwasiyon sa
diorama?
3. Kung taglay ng mamamayan ang
kanilang mga karapatan batay sa UDHR
at Konstitusyon ng Pilipinas, ano ang
nararapat nilang gawin upang higit na
mapakinabangan ito?
C.Pangwakas na Gawain
1.Paglalahat
Bilang paglalahat, ano ang iyong
nabuong konklusyon tungkol sa pag-
unlad ng karapatang pantao sa iba’t
ibang panahon?
2.Paglalapat
Tanong: Bilang isang mag-aaral bakit
mahalaga ang pagkakaroon ng batas
para sa mga karapatan ng bawat
indibidwal/karapatang pantao?
3.Pagpapahalaga
Tanong: Paano mo pahahalagahan ang
iyong mga karapatan bilang isang
mamamayan n gating bansa?
V. PAGTATAYA (Formative)
I.
Panuto: Bigyan ng mga hakbangin o solusyon ang ibat-ibang scenario na nagpapakita ng
paglabag sa karapatang pantao (2pts).
1. OFW sa Kuwait na minamaltrato ng amo.
2. Hinahalughog ang loob ng bahay kahit walang search warrant.
3. Taong pinagbibintangan na wala namang sapat na ebidensya.
4. Mga mahihirap na may sakit, hindi binibigyan ng sapat na medikal atensyon sa ospital.
5. Magulang na binubugaw ang sariling anak kapalit ng malaking halaga.
II.
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kasaysayan ng karapatang pantao mula 539 BCE
hanggang 1789 (10pts).
12
VI. TALA (REMARKS)
VII. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking cooperating
teacher?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
kong guro?
Prepared by: JORILYN P. LEGAYADA
Grade 10- Student Teacher
Checked by: _JOYCE DUREZA_
Cooperating Teacher
Noted by: MARIANNE G. BASTIERO__
Head, Social Studies Department

More Related Content

What's hot

Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  PagkamamamayanAralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayanedmond84
 
Isyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunanIsyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunancruzleah
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxJohnAryelDelaPaz
 
Aralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Aralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at LipunanAralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Aralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunanedmond84
 
Kasaysayan ng Karapatang Pantao sa Daigdig
Kasaysayan ng Karapatang Pantao sa DaigdigKasaysayan ng Karapatang Pantao sa Daigdig
Kasaysayan ng Karapatang Pantao sa DaigdigSam'zky Palma
 
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...RonelynnSalpid
 
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTDISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTedmond84
 
Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)
Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)
Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)faithdenys
 
Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa KababaihanDiskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa KababaihanCleeYu
 
Konsepto ng gender at sex
Konsepto ng gender at sexKonsepto ng gender at sex
Konsepto ng gender at sexAileen Enriquez
 
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)joril23
 
Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)Harvey Lacdao
 
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)melchor dullao
 
AP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- Migrasyon
AP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- MigrasyonAP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- Migrasyon
AP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- MigrasyonChristian Dalupang
 
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao edmond84
 
Pag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa Pilipinas
Pag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa PilipinasPag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa Pilipinas
Pag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa Pilipinasindaysisilya
 

What's hot (20)

Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  PagkamamamayanAralin 1 Mga Isyu at Hamon sa  Pagkamamamayan
Aralin 1 Mga Isyu at Hamon sa Pagkamamamayan
 
Isyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunanIsyung personal at isyung panlipunan
Isyung personal at isyung panlipunan
 
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptxAKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
AKTIBONG PAGKAMAMAMAYAN PPT.pptx
 
Aralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Aralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at LipunanAralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
Aralin 3 Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan
 
Politikal na Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptxPolitikal na Pakikilahok.pptx
Politikal na Pakikilahok.pptx
 
Paglahok sa civil society
Paglahok sa civil societyPaglahok sa civil society
Paglahok sa civil society
 
Kasaysayan ng Karapatang Pantao sa Daigdig
Kasaysayan ng Karapatang Pantao sa DaigdigKasaysayan ng Karapatang Pantao sa Daigdig
Kasaysayan ng Karapatang Pantao sa Daigdig
 
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...Epekto ng aktibong  pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
Epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa kabu...
 
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBTDISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
DISKRIMINASYON SA MGA LALAKI, BABAE AT LGBT
 
Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)
Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)
Tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon (1)
 
Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa KababaihanDiskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
Diskriminasyon at Karahasan sa Kababaihan
 
Konsepto ng gender at sex
Konsepto ng gender at sexKonsepto ng gender at sex
Konsepto ng gender at sex
 
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
PAGKAMAMANAYAN (LIGAL AT LUMAWAK NA PANANAW)
 
Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)Saligang batas ng pilipinas(1987)
Saligang batas ng pilipinas(1987)
 
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
Konsepto at katuturan ng pagkamamamayan (citizenship)
 
AP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- Migrasyon
AP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- MigrasyonAP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- Migrasyon
AP 10 KONTEMPORARYONG ISYU- Migrasyon
 
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
Aralin 2 Mga Karapatang Pantao
 
Konsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at SexKonsepto ng Gender at Sex
Konsepto ng Gender at Sex
 
Module 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiyaModule 14 pornograpiya
Module 14 pornograpiya
 
Pag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa Pilipinas
Pag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa PilipinasPag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa Pilipinas
Pag aaral sa kasarian sa ibat-ibang lipunan: Gender Roles sa Pilipinas
 

Similar to KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS

Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptxAralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptxMaryJoyTolentino8
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhcharlyn050618
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.pptMejicano Quinsay,Jr.
 
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptxAP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptxbenjiebaximen
 
AP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptx
AP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptxAP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptx
AP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptxCaselynCanaman1
 
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdfkarapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdfEdjhonmarDelosAngele
 
KARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptx
KARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptxKARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptx
KARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptxKENNETHCUA
 
DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptx
DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptxDECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptx
DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptxRagieMaeJardelizaZab
 
Group-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptxGroup-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptxrehfzehlsemaj
 
Pamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang KommonweltPamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang KommonweltArnel Rivera
 
ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf
ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdfARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf
ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdfChristianVentura18
 
Pamahalaangkommonwelt
Pamahalaangkommonwelt Pamahalaangkommonwelt
Pamahalaangkommonwelt jetsetter22
 

Similar to KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS (20)

Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptxAralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
 
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhhAP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
AP-10-Q4-W3-4.pptxbbbbbhhhhhhbbbhbbbhhhhhh
 
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.pptA. P 10 Q4  - Mga Karapatang Pantao.ppt
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
 
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptxAP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
AP_PRESENTATION (Karapatang Pantao).pptx
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
 
AP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptx
AP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptxAP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptx
AP_G10_KARAPATANGPANTAOoooooooooo (1).pptx
 
HUMAN RIGHTS.pptx
HUMAN RIGHTS.pptxHUMAN RIGHTS.pptx
HUMAN RIGHTS.pptx
 
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptxAP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
AP10PPTWEEK3-4 (1).pptx
 
AP10PPTWEEK3-4.pptx
AP10PPTWEEK3-4.pptxAP10PPTWEEK3-4.pptx
AP10PPTWEEK3-4.pptx
 
Mga karapatang pantao
Mga karapatang pantaoMga karapatang pantao
Mga karapatang pantao
 
KARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptxKARAPATANG PANTAO.pptx
KARAPATANG PANTAO.pptx
 
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdfkarapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
karapatangpantao-230416143446-63b2d041.pdf
 
KARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptx
KARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptxKARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptx
KARAPATANG-PANTAOGROUP2REPORT.pptx
 
DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptx
DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptxDECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptx
DECLARATION OF THE RIGHTS OF MAN AND OF THE CITIZEN.pptx
 
Group-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptxGroup-4-and-6-Presentation.pptx
Group-4-and-6-Presentation.pptx
 
Pamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang KommonweltPamahalaang Kommonwelt
Pamahalaang Kommonwelt
 
ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf
ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdfARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf
ARALIN_5___PANITIKAN_HINGGIL_SA_KARAPATANG_PANTAO.pptx.pdf
 
AP6-IM-Modyul 10.pptx
AP6-IM-Modyul 10.pptxAP6-IM-Modyul 10.pptx
AP6-IM-Modyul 10.pptx
 
Mga karapatang pantao
Mga karapatang pantaoMga karapatang pantao
Mga karapatang pantao
 
Pamahalaangkommonwelt
Pamahalaangkommonwelt Pamahalaangkommonwelt
Pamahalaangkommonwelt
 

Recently uploaded

Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxMartin M Flynn
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...LlemorSoledSeyer1
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxPaulineHipolito
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxRochAsuncion
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterssuser181c5c
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxdiannesofocado8
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxCarljeemilJomuad
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...SundieGraceBataan
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxArielTupaz
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxMarcChristianNicolas
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5TeacherTinCabanayan
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxarleenrodelas1
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointRuvyAnnClaus
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxjessysilvaLynsy
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxJieMartinez1
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...FairyLouMejia1
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptxAlyszaAbecillaPinion
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxMimmeMCompra
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiMiaBumagat1
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdfreboy_arroyo
 

Recently uploaded (20)

Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptxSaint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
Saint Catherine ng Siena, Mystic ng middle ages, doktor ng simbahan.pptx
 
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
Hahatiin ang klase sa anim pangkat at ang bawat pangkat ay isasayos ang mga m...
 
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptxESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
ESP9-Q4-M13-QUIZ 1-Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng Track o Kurso.pptx
 
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptxBUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
BUDDHISMO_PHIL-IRI-POST-TEST-GRADE-10_123305.pptx
 
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarterPresentation4.pptx filipino 9 4th quarter
Presentation4.pptx filipino 9 4th quarter
 
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptxQ4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
Q4-W3-MAPEH-5.pptx_20240430_091306_0000.pptx
 
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptxTODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
TODOS LOS SANTOS (Noli Me Tangere Kabanata 12).pptx
 
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
gr9-modyul11kasipaganpagpupunyagipagtitipidatwastongpamamahala-190303122831 (...
 
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptxgr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
gr10talambuhay-ni-dr-jose-rizal-pptx.pptx
 
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptxARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
ARALING PANLIPUNAN Mga anyong tubig.pptx
 
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
AP 9 Ekonomiks Ikaapat na Markahan Modyul 5
 
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptxAraling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
Araling Panlipunan 6-Q4-Week 4-D1 (1).pptx
 
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpointLesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
Lesson In Edukasyon Sa Pagpapakatao powerpoint
 
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptxLAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
LAKBAY-SANAYSAY-FILIPINO SA PILING LARANGAN.pptx
 
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptxPANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
PANG-URI- PPT-ELIGUE COT2 FILIPINO .pptx
 
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
paggamit ng pangungusap sa ibat iabng sitwasyonCOT-Q3-FIL6-2022 - Copy.pptx f...
 
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptxARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang  8.pptx
ARALING PANLIPUNAN Ika-walong baitang 8.pptx
 
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptxFILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
FILIPINO 10 REPORT (El Filibusterismo).pptx
 
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomiPAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
PAMBANSANG KAUNLARAN.pptx week 5 ekonomi
 
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit     .pdfLayunin sa pagsulat ng mga awit     .pdf
Layunin sa pagsulat ng mga awit .pdf
 

KASAYSAYAN NG KARAPATANG PANTAO, UDHR, at BILL OF RIGHTS

  • 1. 1 Republic of the Philippines DEPARTMENT OF EDUCATION Region VI-WESTERN VISAYAS Schools Division of Iloilo CABATUAN NATIONAL COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL MASUSING BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10 (Mga Kontemporaryong Isyu) January 29, 2018 I. LAYUNIN A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa. B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mga mag-aaral; ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan. C. KASANAYAN SA PAGKATUTO a. Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal Declaration of Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. D. TIYAK NA LAYUNIN 1. Natatalakay ang kasaysayan ng karapatang pantao. 2. Naipaliliwanag ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal Declaration of Human Rights. 3. Natutukoy ang mga karapatang pantao ayon sa Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas II. NILALAMAN A. Paksa: Universal Declaration of Human Rights at Bill of Rights. III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO A. Sanggunian 1. Mga pahina sa gabay ng guro: 352-360 2. Mga pahina sa kagamitang pang mag-aaral: pp. 369-380 B. Iba pang Kagamitan: Laptop, Telebisyon, Powerpoint Presentation
  • 2. 2 IV. PAMAMARAAN Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A.Panimulang Gawain 1. Panalangin Tumayo ang lahat para sa ating panalangin. 2. Balik- aral Mag balik-aral muna tayo, sa nakalipas na aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa konsepto at katuturan ng pagkamamamayan. Tanong: Ano ang ibig sabihin ng pagkamamamayan? Tanong: Sa anong artikulo ng 1987 saligang batas n gating bansa makikita ang pagkamamamayan o citizenship? Tanong: Ano ang dalawang uri ng mamamayan? Very Good! B.Paglinang na Gawain 1.Pagganyak Bago natin tuloyang simulan ang ating bagong aralin, panoorin muna ninyo ng tahimik ang maikling video. Gabay na Tanong: a. Tungkol saan ang maikling video? b. Anu-ano ang mga karapatang pantao na ipinakita sa video? c. Magbigay pa ng ibang karapatang pantao, o mga karapatan nyo bilang mag-aaral. 2.Paglalahad Ang ating bagong aralin ay tungkol sa kasaysayan ng karapatang pantao, Universal Declaration of Human Rights at Billo of Rights. 3.Pagtalakay Maraming pagkakataon na nababasa sa mga pahayagan, naririnig sa radyo, napanonood sa telebisyon, at napag- uusapan ang paksa tungkol sa karapatang pantao. Kung bibigyan ka ng pagkakataong magtanong sa mga taong iyong masasalubong kung ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao, iba’t ibang sagot ang iyong makukuha. Ito ay dahil sa iba’t ibang karanasang humubog sa kanila batay sa kinaaanibang relihiyon, uri ng kultura at lipunang kanilang kinabibilangan. Tatayo ang mga mag- aaral at mananalangin. Ang pagkamamamayan ay ugnayan ng isang indibidwal at estado. Artikulo IV. Likas o katutubo at Naturalisadong mamamayan. (Manonood) Mga Karapatang Pantao Karapatang mabuhay, at karapatang magsalita.
  • 3. 3 Tanong: Para sa inyo ano ang ibig sabihin ng karapatang pantao? Ang konsepto ng karapatang pantao ay nagmula pa noong sinaunang panahon hanggang sa mabuo ang Universal Declaration of Human Rights ng United Nations noong 1948. 539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.” Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome. Ang mga itinatag na relihiyon at pananampalataya sa Asya tulad ng Judaism, Hinduism, Kristiyanismo, Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa. Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari- arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa. Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan. Noong 1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang-batas ng Ito ang karapatan ng mga tao sa isang bansa.
  • 4. 4 kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa. Noong 1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda ng Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. Gawain 1 Human Rights Declared Magsaliksik tungkol sa mahahalagang probisyon ng sumusunod na dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao. Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa pangalawang kolum.  Silindro ni Cyrus Cyrus- nagpatupad ng mga batas sa karapatang pantao sa wikang Akkadian na nakaukit sa hinulmang luwad na hugis cylinder - Kauna-unahang hari ng Persia na nagplaya sa alipin ng Babylonia noong 539 BCE. Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao 1.Cyru’s Cylinder (Silindro ni Cyrus) 2. Magna Carta 3. Petition of Right (Ang Petisyon ng Karapatan) 4. Declaration of US Independence (Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos 1776) 5. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen (Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao at ng mga Mamamayan 1789) 6. The First Geneva Convention (Ang Unang Convention sa Geneva 1864)
  • 5. 5 “ANG LAHAT NG TAO AY MAY KARAPATANG PUMIL NG RELIHIYON AT MARAPAT ITURING NA KAPANTAY NG IBANG LAHI” Cyrus Cylinder- pinakamatandang talang pangkasaysayan at kauna-unahang kalipunan ng mga batas sa karapatang pantao.  Magna Carta (1215) Magna Carta o“GreatCharter”– nilagdaan ng Hari ng Inglatera noong 1215, nakapaloob rito ang karapatan ng simbahan na maging Malaya mula sa pakikialam ng pamahalaan, karapatan sa lahat ng mamamayan na magmayariat magmana ng ari-arian at mabigyan ng proteksiyon laban sa mapaniil napagbubuwis. Karapatan ng mga balo (widow) na magmay-ari at makapili na hindi na muling mag-asawa. Makatwirang proseso(dueprocess) sapagdinig ng kasoatpagkapantaypantay samatang batas.  Ang Petisyon ng Karapatan Sa pangunguna ni Edward Coke, ipinadala ng English Parliament kay Haring Charles I ng England ang Petisyon ng Karapatan noong 1628. Apat na Prinsipyo a. Walang pagbubuwis nang walang pahintulot ng Parliamento. b. Walang sinuman ang maaring ibilanggo nang walang paghahain ng akusasyonatpagdinig sakaso. c. Walang sundalo ang maaring kanlungin o patuluying pansamantala sa tirahan ng ordinaryong sibilyan o mamamayan. d. Ang batas military ay maaaring ipatupad sa panahon ng kapayapaan.  Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Estados Unidos (1776) I s in u la t it o n i T h o m a s J e f f e r s o n . Nakapaloob rito ang kalayaan ng 13
  • 6. 6 kolonya mula sa British Empire. Pagbibigay karapatansaindibidwal at karapatansarebolusyon  Ang Saligang Batas ng Estados Unidos (1789) Nangangalaga sa kalayaan sa pamamahayag, relihiyon, pagpulong, at petisyon. Pagbabawal sa hindi makatwirang paghalughog at pagdakip, malupit na kaparusahan, pamimilit sa pagkakasangkot ng sarili.  D E K L A R A S Y O N N G M G A K A R A P A T A N NG TAO AT NGMAMAMAYAN, 1789 Lahat ng mamamayan ay pinagkalooban ng karapatan at kalayaan sa ari-arian, seguridad at pagtutol sa paniniil.  Ang unang kombensyon sa Geneva, (1864) Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito bilang The First Geneva Convention na may layuning isaalang- alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon. Analisis Tanong: Bakit mahalaga ang mga binanggit na dokumento sa pag-unlad ng konsepto ng karapatang pantao? UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal Declaration of Human Rights. Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre
  • 7. 7 10, 1948 at binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind.” Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang Saligang- batas. Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21. Nakadetalye sa Artikulo 22 hanggang 27 ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy naman ang tatlong huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao. (Ipapakita ang ilan sa mga nilalaman ng UDHR) Naging sandigan ng maraming bansa ang nilalaman ng UDHR upang panatilihin ang kapayapaan at itaguyod ang dignidad at karapatan ng bawat tao. Naging inspirasyon din ang deklarasyong ito sa maraming opisyal ng pamahalaan at mga mambabatas upang magkaroon ng mas mabuting pamumuhay ang tao. BILL OF RIGHTS Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsama- samang karapatan ng bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19. Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Uri ng mga Karapatang Pantao 1. Natural -Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado. -Karapatang mabuhay, maging
  • 8. 8 malaya, at magkaroon ng ari- arian. 2. Constitutional Rights - Mga karapatang ipinagkaloob at pinanga-ngalagaan ng Estado. a. Karapatang Politikal- Kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan. b. Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas. c. Karapatang Sosyo-ekonomik – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang- ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal. d. Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay- proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anomang krimen. 3. Statutory - Mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas. - Karapatang makatanggap ng minimum wage. ANG KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS 1987, ARTIKULO III. SEK. 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng batas. SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong- bayan na magkaroon ng kapanatagan sa kanilang sarili, pamamahay, papeles, at mga bagay-bagay laban sa hindi makatwirang paghahaluglog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warrant sa paghalughog o warrant sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na pagpapasyahan ng hukom matapos masitasat ang mayhabla at ang mga testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyaking tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga bagay na sasamsamin.
  • 9. 9 SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal n autos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas. (2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito sa sinusundang seksyon. SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan upang ilahad ang kanilang mga karaingan. SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon, o nagbabawal sa malayang pagsasa-gamit nito. Dapat ipahintulot magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng pagpapahayag ng relihiyon at pagsamba nang walang pagtatangi o pamimili. Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng mga karapatang sibil o pampulitika. SEK. 6. Hindi dapat bawahan ang kalayaan sa paninirahan at ang pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas maliban sa legal n autos ng hukuman. Ni hindi dapat bawahan ang karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan ayon sa maaaring itadhana ng batas. SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapagpabatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa tanan. Ang kaalaman sa mga opisyal na record, at sa mga dokumento at papeles tugkol sa mga opisyal na Gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang maaaring itadhana ng batas. SEK. 14. (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang criminal ang sino mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas. (2) Sa lahat ng mga pag-uusig criminal,
  • 10. 10 ang nasasakdal ay dapat ituring na walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado, mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng mabilis, walang kinikilingan, at hayagang paglilitis, makaharap ang mga testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang kapakanan. Gayon man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis kahit wala ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di makatwiran ang kanyang kabiguang humarap. SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng kaligtasang pambayan. SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang panghukuman, malapanghukuman, o pampangasiwaan. SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang sarili. SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa kanyang paniniwala at hangaring pampulitika. (2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod, maliban kung ang kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala. SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit, imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan. Gawain 2 Hahatiin ko kayo sa limang pangkat. Unawain ang sumusunod na panuntunan sa pagsasagawa ng human diorama. May mga ibat-ibang scenario akong ipapabunot sa inyo, batay sa inyong nabunot gumawa ng isang larawan na nagpapakita nito (estatwa). Ang lider ng bawat pangkat ang siyang magpapaliwanag ng inyong ginawa. o Kung ika’y dinarakip o Kung ang iyong bahay ay hinahalughog o Kung ikaw ay nililitis o Kung ikaw ay pipili ng sussunod (Isasagawa ang Human Diorama)
  • 11. 11 na opisyal ng pamahalaan o Kung ikaw ay nakakulong Pamprosesong mga Tanong 1. Ano ang mga karapatang pantao na binigyang-diin sa mga ipinakitang diorama? 2. Paano napangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan batay sa mga ipinakitang situwasiyon sa diorama? 3. Kung taglay ng mamamayan ang kanilang mga karapatan batay sa UDHR at Konstitusyon ng Pilipinas, ano ang nararapat nilang gawin upang higit na mapakinabangan ito? C.Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Bilang paglalahat, ano ang iyong nabuong konklusyon tungkol sa pag- unlad ng karapatang pantao sa iba’t ibang panahon? 2.Paglalapat Tanong: Bilang isang mag-aaral bakit mahalaga ang pagkakaroon ng batas para sa mga karapatan ng bawat indibidwal/karapatang pantao? 3.Pagpapahalaga Tanong: Paano mo pahahalagahan ang iyong mga karapatan bilang isang mamamayan n gating bansa? V. PAGTATAYA (Formative) I. Panuto: Bigyan ng mga hakbangin o solusyon ang ibat-ibang scenario na nagpapakita ng paglabag sa karapatang pantao (2pts). 1. OFW sa Kuwait na minamaltrato ng amo. 2. Hinahalughog ang loob ng bahay kahit walang search warrant. 3. Taong pinagbibintangan na wala namang sapat na ebidensya. 4. Mga mahihirap na may sakit, hindi binibigyan ng sapat na medikal atensyon sa ospital. 5. Magulang na binubugaw ang sariling anak kapalit ng malaking halaga. II. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa kasaysayan ng karapatang pantao mula 539 BCE hanggang 1789 (10pts).
  • 12. 12 VI. TALA (REMARKS) VII. PAGNINILAY A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya. B. Bilang ng mag-aaral na nagangailangan ng iba pang gawain para sa remediation. C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin. D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation. E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong? F. Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyonan sa tulong ng aking cooperating teacher? G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa kong guro? Prepared by: JORILYN P. LEGAYADA Grade 10- Student Teacher Checked by: _JOYCE DUREZA_ Cooperating Teacher Noted by: MARIANNE G. BASTIERO__ Head, Social Studies Department