Ito ay isang powerpoint presentation na tumatalakay sa paksang tungkol sa Mga Pang-uring nagpapasidhi ng Damdamin. Dito din matatagpuan ang ilang depinisyon, halimbawa at aktibidad patungkol sa paksang tatalakayin.
3. • Sa pagpapahayag ng kaisipan o
damdamin, nais bigyan-diin o
pangibabawin upang higit na maipahayag
ang kaisipan o bagay na nais maiparating.
4. Paraan upang maipahayag ang
Masidhing Damdamin
• Pag-uulit ng pang-uri
• Paggamit ng mga panlapi
• Pagpapasidhi ng anyo ng pandiwa
• Paggamit ng mga pangungusap na walang
paksa
5. 1. Pag-uulit ng Pang-Uri
• Mainit na mainit ang damdamin ng mga
nagtatalo kanina
• Magandang-maganda ang tinig ng mga
Pilipino kapag binibigkas ang sariling wika
6. 2. Paggamit ng mga Panlapi
Ginagamitan ito ng mga panlaping: Napaka-,
Pagka-, kay-, pinaka-, ka-, ubod-/ubod ng-,
hari-, tunay-, lubhang-, at ang pinagsamang
walang at kasing upang maipakita ang
pinasukdol na katangian
7. 2. Paggamit ng mga Panlapi
• Napakaganda ng wikang Filipino
• Pagkasaya-saya ng mga dayuhan na
bumibisita sa ating bansa
• Walang kasingsarap ang marinig ang mga
Pilipino na gamitin ang Wikang Filipino
8. 3. Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa
Panlaping magpaka-
• Mapagkasipag
• Magpakahusay
• Magpakasanay
9. 3. Pagpapasidhi ng Anyo ng Pandiwa
Pagpapalit ng panlaping –um sa panlaping
magpaka-
• Humusay – Mapagkahusay
• Tumalino – Magpakatalino
10. 4. Paggamit ng mga Pangungusap na
Walang Paksa
• Sugod!
• Kay Hirap ng Buhay!
• Ang tapang!
• Grabe!
• Naku!
11. GAWAING-UPUAN:
1. (hanga) ___________ ang taong nagmamalaki
at nagmamahal sa kanyang bayan
2. (marami) __________ ng magagandang dahilan
upang ating mahalin ang sariling bayan
3. (mahusay) __________ ang mga Pilipinong
gumagawa ng kanyang makakaya para sa
bayan