Ito ay isang handout o learner's module na katatagpuan ng aralin o paksa tungkol sa relihiyong Kristiyanismo. Dito din matatagpuan ang mga iba't-ibang paniniwala ng relihiyong Kristiyanismo.
1. Lesson 14-B: Christianity
Ang relihiyong Kristiyanismo o Christianity ang pinakamalawak at pinakaraming tagasunod na relihiyon sa
buong daigdig.
Ang Kristiyanismo ay isang monoteismo atAbrahamic na relihiyon na nagsimula sa Kanlurang Asya, noong
panahon ni Hesus at ng kanyang mga apostles.
Mga Paniniwalang Kristiyanismo:
Naniniwala sa iisa at supremong diyos na nakakahigitsa anumang tao o bagay
Ang relihiyong ito ay nakabatay sa buhay at mga aral ni Hesu Kristo o Jesus Christ
Creed – ito ay ang mga salaysay pandoktrinal na nagpapakita ng buhay, pagpanaw at muling
pagkabuhay ni Hesu Kristo
Ang mga mahahalagang punto ng Creed:
1. Paniniwala sa Santisima Trinidad na binubuo ng Diyos, ang Ama, Hesu Kristo, ang Anak, at ang
Banal na Espiritu (Holy Spirit)
2. Ang pagkamatay, pagbaba sa impyerno, muling pagkabuhay, atang pag-akyatsa kalangitan ni Hesu
Kristo
3. Ang kabanalan ng simbahan at komunyon ng mga Santo
4. Muling pagbalik ni Hesu Kristo, Araw ng Paghuhusga, at ang pagliligtas ng mga naniniwala kay Hesu
Kristo
Naniniwala ang mga Kristiyano na si Hesu Kristo ang tagapaligtas ng sangkatauhan mula sa kanilang
mga kasalanan o ang tinatawag na Messiah
Kinokonsidera ng mga Kristiyano ang muling pagkabuhay ni Hesus bilang cornerstone ng relihiyon at
paniniwalang Kristiyanismo at ito din
Ang Santisima Trinidad o ang Holy Spirit ay isang paniniwala na ang Diyos ay binubuo ng tatlong
magkakaibang at magkakaparehong Personalidad:Ang Ama, Ang anak (si Hesu Kristo), at ang Banal na
Espiritu. Sinasabi din dito na ang Diyos ay hindi pwedeng hatiin at ituring bilang magkakaiba at
magkakahiwalay na Personalidad
Christian Bible – banal na Aklat ng relihiyong Kristiyanismo
Sola Scriptura (Scripture Alone) – paniniwala ng mga Kristiyanong Protestante na ang bibliya ay ang
supremong awtoridad sa mga batay patungkol sa mga doktrina at mga practice. Tinatawag bilang ang
pinal ng doktrinang Kristiyanismo
Sacrament – isang seremonya, na itinatag ni Hesu Kristo na nagpapakaloob ng mga grasya atmagtatag
ng misteryong sagrado
Baptism – ito ay isang aktong panritwal, na ginagamitan ng tubig, kung saan ang tao ay magiging
miyembro na ng Simbahan
Erehe (Heresy) – ito ay ang mga tao na hindi naniniwala sa mga doktrina ng Kristiyanismo