1. Republic of the Philippines
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboang del Norte
SIARI JOHN H. ROEMER MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Siari, Sindangan Zamboanga del Norte
Prepared by:
JERELYN D. PEROCHO
Teacher III
2. Republic of the Philippines
Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboang del Norte
SIARI JOHN H. ROEMER MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
Siari, Sindangan Zamboanga del Norte
Inihanda ni
JERELYN D. PEROCHO
Teacher III
3. I. Layunin
1. Nasusuri ang limang temang heograpikal bilang kasangkapan
sa pag-unawa sa daigdig.
2. Nasusuri ang katangiang pisikal sa daigdig
3. Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon ,
bansa, at mamamayan sa daigdig, kabilang ang lahi, pangkat-
etniko at relihiyon.
II. Panimulang Pagtataya
1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa
bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal
o cultural?
A. Lokasyon C. Paggalaw
B. Lugar D. Rehiyon
2. Anong panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na
pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga
ginamit na kasangkapan at nagging hudyat din ng pagtatapos
ng Panahong Pleistocene?
A. Mesolitiko C. Neolitiko
B. Metal D. Paleolitiko
3. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na
antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan,
kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may
sistema ng pagsulat?
A. Imperyo C. Kalinangan
B. Kabihasnan D. Lungsod
4. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni
Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa Seven
Wonders of the Ancient World?
A. Alexandria C. Pyramid
B. Hanging Gardens D. Ziggurat
5. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng
pagkakaroon ng maraming wika sa isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya
B. Maraming sigalot sa mga bansa
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi
magkakaunawaan
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa
III. Ano ang dapat matutunan?
Sa araling ito ay pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng
heograpiya ng daigdig. Tatalakayion dito ang malaking
bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng
pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.
Malaki ang bahaging ginampanan ng heograpiya mula pa
noong sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.Ang
idinikta ng katangiang pisikal ng lugar kung saan
naninirahan ang mga sinaunang tao ang humubog sa
kanilang pamumuhay.
4. Gawain 1:
Suriin ang kasunod na GEOpardy board. Pagkatapos,
bumuo ng tanong na ang sagot ay salita o larawang makikita
sa GEOpardy board. Isulat sa sagutang papel ang nabuong
tanong at ang sagot nito.
Halimbawa: Ano ang pinakamalaking karagatan sa
buong daigdig? ( Pacific Ocean)
Pacific
Ocean
Antartica Gubat
Lahing
Austronesi
an
globo bundok
compass
bagyo Tropikal
5. IV. Mga saklaw sa pag-aaral ng Paksa
Heograpiya – nagmula sa
wikang Griyego
na geo o daigdig at graphia o
paglalarawan. Samakatuwid,
ang heograpiya ay tumutukoy
sa siyentipikong pag-aaral ng
katangiang pisikal ng daigdig
Na saklaw
Ang
HEOGRAPIYA
anyong lupa
at anyong
tubig
Likas na
yaman
Klima at
panahon
Flora (plant
life)
Fauna (animal
life)
Distribusyon at interaksyon ng tao at
iba pang organism sa kapaligiran
nito
6. Taong 1984 nang binalangkas ang limang magkakaugnay na
temang hoegrapikal sa pangunguna ng National Council for
Geographic Education at ng Association of American
Geographers. Layunin ng mga ito nag awing mas madali at
simple ang pag-aaral ng heogapiya bilang disiplina ng agham
panlipunan.
Unawain ang diyagram:
Diyagram 1.2 – Limang Tema ng Heograpiya
Lokasyong Iabsolute na gamit ang mga
Imahinasyong guhit tulad ng latitude line
Na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng
dawang
guhit na ito ang tumutukoy sa eksaktong
kinaroroonanng isang lugar sa daigdig.
na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy
Relatibong lokasyon na ang batayan ay mga
lugar at bagay na nasa paligid nito.
Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig , at
mga estrakturang gawa ng tao
Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima,
anyong lupa at tubig, at likas na yaman
na may dalawang
pamamaraan sa pagtukoy
Katangian ng mga taong ninirahan tulad ng
wika relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga
sistemang politikal
Kapaligiran bilang pinagkukunan ng
Pangangailangan ng tao; gayon din ang
Pakikiayon ng tao sa mga pagbabagong
Nagaganap sa kaniyang kapaligiran
May tatlong uri ng dinastiya ang isang
lugar
Linear – Gaano kalayo ang isang
lugar
Time – Gaano katagal ang
paglalakbay
Limang Tema ng Heograpiya
Lokasyon:
tumutukoy sa
kinaroronan ng mga
lugar sa daigdig
Lugar: Tumutukoy sa
mga katangiang
natatangi sa isang
pook
Rehiyon: Bahagi ng
daigdig na pinagbubuklod
ng magkakatulad na
katangiang pisikal o
kultural
Interaksyon ng Tao at
Kapaligiran: ang kaugnayan ng tao
sa pisikal na ktangiang taglay ng
kaniyang kinaroronan
Paggalaw: ang paglipat ng
tao mula sa kinagisnang
lugar patungo sa ibang lugar;
kabilang din ditto ang
paglipat ng mga bagay at
likas na pangyayari, tulad ng
hangin at ulan.
7. Psychological – Paano tiningnan
ang layo ng lugar
Isa ang daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa isang
malaking bituin, ang Araw. Bumubuo na tinatawag na solar system
ang mga ito. Ang lahat ng buhay sa daigdig – halaman, hayop, at
tao – ay kumukuha ng enerhiya mula sa araw. Gayon, halos lahat
sa kalikasan at kapaligiran – mula sa hangin, alon, ulan, klima, at
panahon – ay naaapektuhan ng Araw. Sa mga halaman upang
mabuhay at maganap ang photosynthesis. Samantala ang
halamang ito ay nagbigay ng oxygen na mahalaga sa lahat ng
nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay sa daigdig ay masasabing
dulot ng tiyak na posisyon sa solar system, patunay na ang pag-
Ang katangiang Pisikal ng
Daigdig
8. inog nito sa sariling aksis at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat
taon.
Ang Daigdig ay binubuo ng crust, ang
matigas at mabatong bahagi ng planetang
ito. Umaabot ang kapal nito mula 30-65
kilometro (km) palalim mula sa mga
kontinente. Subalit sa mga karagatan, ito ay
may kapal na 5-7 km.
Ang mantle ay isang patong ng mga batong
napakainit kaya malambot at natutunaw ang ilang
bahagi nito
Tinatawagna core ang kaloob-loobangbahagi ng
Daigdigna binubuongmga metal tuladngironat
nickel
Ang Daigdig ay may
plate o malalaking
masa ng solidong
bato na hindi
nananatili sa
posisyon. Sa halip,
ang mga ito ay
gumagalaw na tila
mga balsang
inaanod ng mantle
Estruktura ng Daigdig
Ang Daigdig ay may apat na hating-
globo (hemisphere):Ang Northern
Hemisphere at Southern
Hemisphere na hinahati ng equator,
at ang WesternHemisphere na
hinahati ng Prime Meridian.
Napkabagal ng paggalaw ng mga palte na sa katunayan,
umaabot lamang sa 5 sentimetro (2 pulgada) bawat taon.
gayunpaman, ang paggalaw at ang pag-uumpugan ng mga
ito ay nap[akalakas at nagdulot ng mga paglindol,
pagputok ng mga bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan
tulad ng Himalayas. tio rin ang makapagpaliwanag kung
9. Talahanayan 1.1: Ilang Mahahalagang Kaalaman Tungkol
sa Daigdig
Tinatayang Bigat ( mass) 5.9736 x 1 024 kg
Tinatayang Edad 4.6 bilyong taon
Populasyon (2009) 6 768 167 712
Kabuuang Lawak ng Ibabaw ng
Daigdig
510 066 000 kilometro
kuwadrado (km2
)
Lawak ng Kalupaan 142 258 000 km kwd (29.1%)
(km2
)
Lawak ng Karagatan 335 258 000 km kwd (km2
)
Pangkalahatang Lawak ng
Katubigan
361 419 00 km kwd (70.9%)
(km2
)
Uri ng Tubig 97% alat, 3% tabang
Circumference o Kabilugan sa
Equator
40 066 km
Circumference o Kabilugan sa Poles 39 992 km
Diyametro sa Equator 12 753 km
Diyametro sa Poles 12 710 km
Radius sa Equator 6 376 km
Radius sa Poles 6 355 km
Bilis ng Pag-ikot Lumiligid ang Daigdig paikot sa
Araw sa bilis na 66 700 milya
bawat oras (mph), 107 320 km
oras
Orbit sa Araw Lumiligid ang Daigdig paikot sa
Araw sa loob ng 365 araw,
Paano nakaapekto ang mga plate sa pagbabago ng hirsura ng
ibabaw ng daigdig?
10. limang oras, 48 minuto at 46
segundo
Sa pagtakda ng lokasyon ng isang lugar sag lobo o mapa,
mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may
malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng
Longitude at Latitude ng isang lugar, maaring matukoy ang isang
lokasyon nito sa lobo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o
tiyak.
Diyagram 1.3 – Mahalagang imahinasyong guhit na
matatagpuan sa mapa o globo.
Longitude at
Latitude
Tinatawag na longitude ang
dinastiyang angular na
nasa pagitan ng dalawang
meridian patungo sa
kanluran ng Prime Meridian.
Ito rin ang mga bilog (great
circles) na tumutulak mula
North Pole patungong South
Pole
Ang Prime Meridian na
nasa Greenwich sa
England ay itinalaga
bilang Zero degree
longitude
Ang 180 degress
longitude mula sa
Prime Meridian,
Pakanluran man o
Pasilangan, ang
International Date
Line na matatagpuan
sa kalagitnaan ng
Pacific Ocean.
Nagbabago ang
pagtatakda ng petsa
alinsunod sa
pagtawid sa linyang
ito, pasilangan o
pakanluran
11. Tinatawag na kontinente ang pinkamalawak na masa ng lupa sa
ibabaw ng daigdig. May mga kontinenteng magkakaugnay samantalang
ang iba ay napapalibutan ng katubigan.
Diyagram 1.4 –Ang mapa at mahahalagang datos ng mga
kontinente ng daigdig.
Nagmula sa Africa ang malaking suplay ng ginto at
diyamante, naroon din ang Nile River na
pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara
Desert, na pinakamalaking disyerto. Ang Africa ang
nagtataglay na pinakamaraming bansa kung
ihahambing sa ibang kontinente.
Tinatawag na latitude
ang dinastiyang angular
sa pagitan ng dalawang
parallel patungo sa
hilaga o timog ng
equator Ang Equator ang humahati
sag lobo sa hilaga at timog
hemisphere . Ito rin ay
itinakdang zero degree
latitude
Ang Tropic of Cancer ang
pinakadulong bahagi ng
Northern Hemisphere na
direktang sinisikatan ng
araw. Makikita ito sa 23.5 0
hilaga ng equator.
Ang Tropic of Capricorn ay
ang piankadulong bahagi
ng Sotherm Hemisphere na
direkta ring sinisikatan ng
araw. Matatagpuan ito sa
23.5 Timog ng equator
Ang mga
Kontinente
12. Ang Antartica ang tanging kontinenteng natatakpan ng
yelo na ang kapal ay umaabot ng halos 2 km (1.2
milya). Dahil ditto, walang taong naninirahan sa
Antartica maliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng
pag-aaral tungkol ditto. Gayunpaman, sagana sa mga
isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
Pinakamalaking kontinente sa mundo ang Asya.
Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa
pinagsamang lupain ng North at South America, at ang
kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong (1/3)
bahagi ng kabuuang sukat ng lupain ng daigdig. Nasa
Asya rin ang China na may pinakamalaking populasyon
sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na
bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at
Tibet sa China
Ang Europe ay sangkapat (1/4) na bahagi lamang
ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakmaliit na
kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ng
kabuuang lupa ng daigdig.
Ang Australia ay isang bansang kinikilala ring
kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalibutan ito ng
Indian at Pacific Ocean, at inihiwalay ng
Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong
taong pagkakahiwalay ng Australia bilang isang
kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop
at halaman na sa Australia lamang matatagpuan,
kabilang ditto ang kangaroo, wombat, koala,
Tasmanian devil, platypus, at iba pa.
Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok
subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng
Hudson Bay at Gulf of Mexico. Dalawng mahabang
kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito –
13. ang Applachian Mountains sa Silangan at Rocky
Mountains sa Kanluran.
Ang South America ay hugis tatsulok na unti-unting
nagiging patulis mula sa bahaginh equator hanggang s
Cape Horn sa Katimugan. Ang Andes Mountains na
may habang 7 240 km 4 500 milya) ay sumasakop sa
kabuuang baybayin ng South America.
Talahanayan 1.2: Ang ilang Dataos Tungkol sa Pitong
Kontinente
Kontinente Lawak
(Km2
)
Tinatayang
Populasyon (2009)
Bilang ng Bansa
Asya 44 614 000 4 088 647 780 44
Africa 30 218 000 990 189 529 53
Europe 10 505 000 728 227 141 47
North America 24 230 000 534 051 188 23
South America 12 814 000 392 366 329 12
Antartica 14 245 000 - NA - 0
Australia at Oceania 8 503 000 34 685 745 14
Karagdagan sa natutuhan mo tungkol sa mga kontinente ng daigdig.
Ipinapaliwanag sa ibaba ang mala – jigsaw puzzle na hugis ng South
America at Africa, at ang bahaging ginagampanan ng daan-daang
bulkan sa rehiyong tinatawag na Pacific Ring of Fire
Kung susuriin ang isang mapa,
mapapansing ang mga baybayon
ng silangang bahagi ng South
America at Kanlurang bahagi ng
Africa ay tila lapat at akma sa isa’t
isa na parang mga piraso ng
isang malaking jigsaw puzzle. Ito
ay sa kadahilanang dating
magkaugnay ang dalawang
lupaing ito. Habang tumatagal,
patuloy pa rin ang proseso ng
paglawak ng karagatan sa pagitan
nito at ang paglayo ng dalawang
nasabing kontinente. Ang
paliwanag na ito ay batay sa
14. Sa kasaysayan, tinatayang may 540 bulkan na ang pumutok at 75% sa mga
ito ay nasa Pacific Ring of Fire. Ilan sa mga bulkan sa Pacific Ring of Fire
na pumutok at nagdulot ng malaking pinsala, ang Tambora noong 1815 (92
000 ang namatay); Krakatoa noong 1883 (36 000 ang namatay); at Mt.
Pelee noong 1902 (30 000 ang namatay). Samantala, ilan sa mga bansang
labis na napinsala ng malakas na lindol ay ang China noong 1923 (143 000
ang namatay); Sumatra noong 2004 (227 898 ang namatay); at Haiti noong
2010 (222 570 ang namatay).
Gawain 2: Three Words in One
Saang kontinente matatagpuan ang mga pook / hayop na
tinutukoy sa bawat bilang? Isulat ang sagot sa kahon. Gawin
ito sa kwaderno.
1.
2.
Ang malawakang hangganan ng Asya, North America
at South Americaay matatagpuan sa Pacific Ringof
Fire, Saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South
America at NorthAmerica patungong hilaga sa Aleutian
Islands ng Alaska, pababa sa silangang hangganan ng
Asya hanggang New Zealand sa Timog Ocenia.
Tinatawag itong ring of Fire dahil matindi ang pagputok
ng bulkan at paglindol sa rehiyong ito bunga ng pag-
uumpugan ng mga tectonicplate o tipak ng crust ng
daigdig kung saan nakapatong ang mga naturang
kontinente
Nile River Sahara
Dessert
Egypt
Hudson Bay
Appalachian
Mountains
Rocky Mountains
15. 3.
4.
5.
6.
Tinatawag na topograpiya ang pisikal na katangian ng isang lugar o
rehiyon. Sa pagdaan ng panahon, ang mga tao ay natutong
makiangkop sa kanilang kapaligiran.
Sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang mga kauna-unahang
kabihasnan ng daigdig ay umusbong malapit sa mga lambk-ilog.
Kabilang ditto ang lambak nt Tigris-Euphrates, Indus, Huang Ho sa
Asya, at lambak-ilog ng Nile sa Africa.
Ang mga bulubunduking lugar ay kadalasang nagtataglay lamang
ng maliit na populasyon. Kapansin-pansing ang pinakamataas na
bundok sa buong daigdig ay matatagpuan sa Asya, tulad ng Everest
Andes
Moutains
Cape Corn Argentina
K-2 Lhotse Tibet
Kangaroo Tasmanian
Devil
Micronesia
Lberian
Peninsula
Balkan Peninsula Italy
mga Anyong Lupa at
anyong Tubig
16. (29 028 talampakan o 8 848 metro) at Europe, ang Elbrus sa Russia
(18 510 talampakan o 5 642 metro).
Talahanayan 1.3: Pinakamataas na bundok ng Daigdig
Bundok Taas ( sa Metro) Lokasyon
Everest 8 848 Nepal/Tibet
K-2 8 611 Pakistan
Kangchenjunga 8 586 Nepal/India
Lhotse 8 511 Nepal
Makalu 8 463 Nepal/Tibet
Cho Oyu 8 201 Nepal/Tibet
Dhaulagiri 8 167 Nepal
Manaslu 8 163 Nepal
Nanga Parbat 8 125 Pakistan
Annapurna 8 091 Nepal
Matagal ding panahong apat na karagatan lamang ang
kinilala sa daigdig: Pacific, Atlantic, Indian, Arctic. Noong
2000 lamang itinakda ang International Hydrographic
Organization sa isang panibagong karagatan na pumapalibot
sa Antartica: ang Southers Ocean na umaabot hanggang
60os latitude.
17. Talahanayan 1.4: Mga Karagatan sa Daigdig
Karagatan Lawak (sa kilometro
kuwadrado)
Average na lalim (sa
talampakan)
Pinakamalalim na bahagi
(sa talampakan)
Pacific Ocean 155 557 000 12 926
Mariana Trench, 35840
talampakan
Atlantic Ocean 76 762 000 11 730
Puerto Rico Trench, 28 232
talampakan lalim
Indian Ocean 68 556 000 12 596
Java Trench, 23 376
talampakan
Southern Ocean 20 327 000 13 100
(4 000 – 5 000 metro) 16
400 talampakang lalim, ang
katimugang dulo ng South
Sandwich Trench, 23 736
talampakang lalim (7 235)
Artic Ocean 14 056 000 3 407
Eurasia Basin, 17 881
talampakang lalim
Matatagpuan sa mga karagatan ang ilang pinakamalalim na bahagi ng daigdig, Pangunahin sa talaan
ang Challenger Deep sa Mariana Trench na nasa kanlurang bahagi ng Pacific Ocean. Iba pang malalim na
trench ay ang Puerto Rico Trench sa Atlantic Ocean, Java Trench sa Indian Ocean, at Eurasia Basin sa
Arctic Ocean.
Marami pang dapat na matatagpuan sa daigdig na kadalasang bahagyang napaliligiran ng mga lupain.
Pinakamalaking dagat sa daigdig ang South China Sea, Caribbean Sea, at Mediterranean Sea.
19. V. Ano ang Natutunan:
I. Isulat ang salita ng tamang sagot mula sa mga
pagpipilian sa loob ng kahon at isulat sa nakalaang
patlang.
_____1. Dito nagmula ang pinakamalaking supply ng ginto
at diyamante.
_____2. Ang laki ng kontenenteng ito ay sangkapat na
bahagi lamang ng kalupaan sa Asya
_____3. Pinakamalaking kontenente sa daigdig
_____4. Dito matatagpuan ang bukod tanging species ng
hayop at halaman
_____5. Dalawang mahabang kabundukan ang
matatagpuan sa kontinenteng ito – ang Applicachian
Mountains sa Silangan at Rocky Mountains sa kanluran.
II.Enumeration:
Ano ang Limang Tema ng Heograpiya?
_________________END OF TOPIC____________________
Antartica Asya Africa Europe
Australia North America