Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Ang pambansang ekonomiya

PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
IBA'T - IBANG MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA

  • Als Erste(r) kommentieren

Ang pambansang ekonomiya

  1. 1. ANG PAMBANSANG EKONOMIYA PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA IBA’T-IBANG MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA
  2. 2. MAKROEKONOMIKS (MACROECONOMICS) Dibisyon ng ekonomiks na nakatuon sa pag-aaral ng kabuuang ekonomiya. Sinusuri ng makroekonomiks ang malawakang pangyayaring pang-ekonomiya (pagbabago sa kawalan ng trabaho, pambansang kita, gross domestic product, implasyon at antas ng presyo. Gumagamit ng modelo sa pagsusuri ang makroekonomiks.
  3. 3. MODELO Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat ng actor sa isang ekonomiya. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita nang simple ang realidad.
  4. 4. MGA KATANUNGAN NA BINIBIGYAN KASAGUTAN NG MAKROEKONOMIKS: Ano ang kayarian ng pambansang ekonomiya? Ang pambansang ekonomiya ba ay simple lamang? Ito ba ay nakatutok sa paggalaw ng komplikadong ugnayan ng mga sektor? Ito ba ay tumututok lamang sa panloob na kaganapan? Isinama rin ba nito ang panlabas na kaganapan?
  5. 5. MGA MODELO NG PAMBANSANG EKONOMIYA Unang Modelo : Simpleng Ekonomiya Ikalawang Modelo : Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan sa Pamilihan ng Tapos na Produkto at Salik sa Produksyon Ikatlong Modelo : Pamilihang Pinansyal : Pag-iimpok (Savings) at Pamumuhunan (Investments) Ikaapat na Modelo : Ang Pamahalaan at Pamilihan ng Pinansyal, Salik ng Produksyon, Kalakal at Paglilingkod Ikalimang Modelo : Ang Pambansang Ekonomiya sa Kalakalang Panlabas
  6. 6. UNANG MODELO : SIMPLENG EKONOMIYA Pangunahing aktor : Sambahayan – kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Bahay-kalakal – tagalikha ng produkto.  Ang sambahayan at bahay- kalakal ay iisa.  Ang lumilikha ng produkto ay siya ring konsyumer.  Ang supply ng bahay-kalakal ay demand nito kapag kabilang na ito sa sambahayan
  7. 7. IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON Ang pag-iral ng sistemang pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon dito. Pangunahing sektor : Sambahayan at Bahay-kalakal  Magkaiba ang sambahayan at bahay-kalakal  Dalawang uri ng Pamilihan : Pamilihan ng mga salik ng produksyon o factor markets (capital, lupa, paggawa) ; Tapos na produkto o commodity (good markets o commodity markets)
  8. 8. IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON  Ipinagpalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya – sambahayan at bahay- kalakal.  Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng produkto.  Ang bahay-kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto ngunit kailangan na bumili o umupa ng mga salik ng produksyon.  Tanging ang sambahayan ang may suplay ng mga salik ng produksyon.  Makikipag-ugnayan ang bahay-kalakal sa sambahayan sa pamamagitan ng mga pamilihan ng mga salik ng produksyon.
  9. 9. IKALAWANG MODELO : ANG BAHAY-KALAKAL AT SAMBAHAYAN SA PAMILIHAN NG TAPOS NA PRODUKTO AT SALIK SA PRODUKSYON  Kapital (magbayad ng interes) ; paggawa (pasahod); entreprenyur (kita) – kita ng sambahayan  Interes, pasahod, kita [sambahayan] : gastusin ng produksyon [bahay-kalakal]  Sa pamilihan ng kalakal at paglilingkod, bibili ang sambahayan ng produkto na pantugon sa kanyang pangangailangan at kagustuhan.  Kitang natanggap ng sambahayan = pambili ng produkto : Paggastos sa pagbili ng produkto [sambahayan]  Gastos ng sambahayan = kita ng bahay- kalakal.  Interdependence : umaasa sa isa’t-isa para matugunan ang pangangailangan
  10. 10. IKATLONG MODELO : PAMILIHANG PINANSYAL : PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS) PANGUNAHING SEKTOR : Sambahayan at Bahay-Kalakal  Isinasa-alang-alang ng sambahayan at bahay- kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.  Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili.  Hindi lang pangkasalukuyang produksiyon ang iniisip ng bahay-kalakal.  Pamimilili at paglikha ng produkto, pag- iimpok (savings) at pamumuhunan (investments) – nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya.  Nagaganap sa pamilihang pinansiyal (financial market)
  11. 11. IKATLONG MODELO : PAMILIHANG PINANSYAL : PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS)  Tatlo ang pamilihan : Salik ng produksiyon, commodity o tapos na produkto, at sa mga pinansiyal na kapital.  Nag-iimpok ang mamimili bilang paghahanda sa hinaharap.  Ang bahagi ng kita na hindi ginagastos ay tinatawag na impok / savings.  Ito ay inilalagak sa pamilihang pinansiyal : bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop, at stock market.  Sa bahay-kalakal, hindi lamang pagtubo ang iniisip, pati na rin ang mapalawak ang negosyo sa iba’t-ibang panig ng bansa.  Maaaring manghiram ito ng karagdagang pinansiyal na capital. Ito ay gagamiting puhunan sa nasabing plano ng produksyon.
  12. 12. IKATLONG MODELO : PAMILIHANG PINANSYAL : PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS)  Hihiram ang bahay-kalakal sa sambahayan : pamilihang pinansiyal  Ang paghiram ng bahay-kalakal ay may kapalit na kabayaran. Babayaran nito ng interes ang hinihiram na puhunan.  Sinisingil ang bahay-kalakal dahil may kapakinabangan itong matatamo sa paghiram ng puhunan. Ito ay ang pagtaas ng kita kapag lumawak na ang negosyo nito.  Ang isang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay magiging kabayaran sa sambahayan.  Kumikita ng interes ang sambahayan mula sa pag-iimpok.  Sambahayan : interes – kita ; Bahay-Kalakal : mahalagang gastusin
  13. 13. IKATLONG MODELO : PAMILIHANG PINANSYAL : PAG-IIMPOK (SAVINGS) AT PAMUMUHUNAN (INVESTMENTS)  Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi original na gawaing pang-ekonomiya.  Ito ay nagaganap dahil nagkakaroon ng pagpaplano para sa hinaharap ang mga naturang aktor. (broken lines)  Kung walang pagpaplano para sa hinaharap ang mga naturang actor, walang pag-iimpok at pamumuhunan.  Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan at bahay- kalakal. Kasama na ang gastusin sa pamumuhunan ng bahay-kalakal at ang kita ng sambahayan sa pag-iimpok.  Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon at sa paglaki ng pamumuhunan.  Mahalagang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan.
  14. 14. IKAAPAT NA MODELO : ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON, KALAKAL AT PAGLILINGKOD  Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.  Sektor : sambahayan , bahay-kalakal at pamahalaan.  Pagbabayad ng buwis ang karagdagang gawain sa ekonomiya. (broken lines)  Sumisingil ng buwsis ang pamahalaan para kumite.  Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na public revenue.  Ito ay ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod. (nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal)
  15. 15. IKAAPAT NA MODELO : ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON, KALAKAL AT PAGLILINGKOD  Ang kita ng pambansang ekonomiya ay maitatakda ng kabuuang gastusin ng sambahayan, bahay-kalakal at pamahalaan.  Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa : pagtaas ng produksyon, produktibidad ng pamumuhunan at produktibidad ng mga gawain ng pamahalaan.  Upang maging metatag ang ekonnomiya, mahalagang makalikha ng positibong motibasyon ang mga gawain ng pamahalaan.  Mahalagang maihatid ang mga pampublikong paglilingkod na ipinangakong isasakatuparan sa pagsingil ng buwis.
  16. 16. IKAAPAT NA MODELO : ANG PAMAHALAAN AT PAMILIHAN NG PINANSYAL, SALIK NG PRODUKSYON, KALAKAL AT PAGLILINGKOD  Ang mga pampublikong paglilingkod ay dapat maging produktibo.  Hindi dapat maging palaasa ang mga tao sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan.  Hindi rin dapat na makipagkompetensiya ang pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-kalakal.  Sa oras na maganap ito, marami ang magtatanggal ng puhunan sa bansa,  Marami ang mawawalan ng trabaho at kita.  Ang buong ekonomiya ay aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan.
  17. 17. IKALIMANG MODELO : ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS  Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado.  Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya.  Ang tuon lamang ng mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya.  Ang perspektiba sa saradong pambansang ekonomiya ay domestik.  Sa modelong ito, ang pambangsang ekonomiya ay bukas.  May kalakalang panlabas ang bukas na ekonomiya.
  18. 18. IKALIMANG MODELO : ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS  Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya.  Ang perspektiba sa pambansang ekonomiya na bukas ay internasyonal.  Ang pambansang ekonomiya ay kalimitang tinatawag na home economy.  Ang ekonomiyang kaugnayan nito ay tinatawag na dayuhang ekonomiya o foreign economy.  May sambahayan at bahay-kalakal ang pambansang ekonomiya at dayuhang ekonomiya.  Parehong may pinagkukunang yaman.
  19. 19. IKALIMANG MODELO : ANG PAMBANSANG EKONOMIYA SA KALAKALANG PANLABAS  Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami ng mga ito.  Maaring kailangan nila ang ilan sa mga ito bilang salik ng produksyon.  Ang pangangailangan sa pinagkukunang yaman ay isang basehan sa pakikipagkalakalan.  May pinagkukunang yaman na ginagamit bilang sangkap ng produksyon na kailangan pang angkatin sa ibang bansa.  Lumulikha ng produkto mula sa pinagkukunang yaman ang pambansang ekonomiya.  Maaaring magkapareho o magkaiba ang kanilang produkto.

×