2. Magkakasama sa isang barangay
Ang mga prutas at gulay na magkakapitbahay
Sa isang duluhan sila ay nagtatambay
At nagkukwentuhan ng buhay-buhay.
3. Kanilang napansin ang mga kasama
Isa na si Kasoy na nakaupo sa tasa
Upo sa hapon, upo sa umaga
Sa kunting trabaho, humihiga na.
4. Kung tamad si kasoy hindi si mansanas
At sa sobrang sipag at pagod ay laging maangas
Siya ay pulang-pula at palaging asar
At sa kasambahay, sigaw ang palaging banat.
5. Kung si mansanas ay pikon hindi ang saging
Sama-sama sila sa mga happenings
Kung saan ang isa doon lahat galing
Maghapon magdamag sila’y gumigimik.
6. Kung si saging approachable snob si manga
At dahil kulay ginto, siya ay suplada
Sa loob ng kwarto palaging nag-iisa
Maghapong nakaupo sa tapat ng computer niya.
7. Kung tahimik si mangga’y si buko’y malikot
Sa taas sila palagi’y umiikot
At dahil magaling sila ay matatayog
At sa sobrang hanging sila’y mahuhulog.
8. Kung sobrang likot ni buko, si talong tulala
Palaging iniisip ang mga problema
Laging nakakulong at nakatunganga
Kaya naman nagkulay violet na.
9. Kung si talong ay kulong, si kalabasa’y gala.
Palipat-lipat ng kain at kwento
Kain dito, kain doon
Sa sikip ng damit ay di makahinga.
10. Kung mataba si kalabasa
Si sitaw ay payat
Sa sobrang tipid, ulam ay maalat
Para di maubos kaagad at iwas sa snak
11. At sila ay masayang nag-uwian
At sa loob ng bahay ay nag-uasp-usap
Sila ay nagpahinga sa buong magdamag.
12. Sa tahimik na gabi
Gumala ang sakit
At sa buong bahay sila ay sumilip
Kanilang sinusuri at iniisip kung saan sila susuot.
13. Kasama si ulcer, rayuma at high blood
Ganun din si TB, sakit sa puso at atay
Sila ay excited na tumambay sa bahay-bahay
At kung papalarin doon ay maninirahan.
14. Sa barangay napansin na lang
Marami ang umuubo, nagkakasakit
Kung minamalas ay mayroong namamatay
At gabi-gabi na lang may lamay.
15. Ang kanilang kapitan ay nag-isip
At ang buong barangay ay sinuri
Pinagmasdan niya ang bawat kasapi
At kanyang nabatid ang dahilan ng pagkakasawi.