1. Aralin 13: Ang Mga Unang
Pilipino
Paksa:
“Pinagmulan ng Pilipinas”
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9. Tanong: Nabalitaan niyo ba ang mga sumusunod na
balita na ito na nangyari noong nakaraang linggo?
- CNN Hero of the Year Efren Peńaflorida
- Maguindanao Massacre
- Fuel Prices Rises Anew
- Start of Filing of Certificate of Candidacy
- Bagyong Urduja
- Eid-l Adha
- Andres Bonifacio
Itanong: Pumili ng isang balita at ilahad ang
nalalaman ninyo sa balitang ito? Ano ang epekto
sa iyo ng balitang ito? Paano mo pinahahalagahan
ang balitang ito
10. I. Layunin:
A. Sa katapusan ng sesyon na ito, nais kung
matutunan, maunawaan at maipaliwanag
ninyo sa inyong sarili ang pinagmulan ng
lupain ng ating bansa.
B. Simulan natin: Alam ninyo ba ang ibig
sabihin ng salitang – TEORYA o “Theory” sa
wikang Ingles.
11. Buksan ang inyong aklat sa pahina 222 at
pag-aralan at bakasin ng daliri ang mga
tulay na lupa na nagdurugtong sa Pilipinas
sa lupain ng Asya.
Itanong: Anu-anong mga teorya ang
nalalaman mo tungkol sa pinagmulan ng
lupain ng Pilipinas?
12. Magbigay ng mga impormasyong nalalaman
mo tungkol sa mga Teorya ng Pinagmulan ng
Lupain ng Pilipinas:
1. Tulay na Lupa
2. Bulkanismo
3. Paglindol
4. Pagbaha
5. Tsunami
13. 1. Teorya ng Tulay na Lupa
Ayon sa teoryang ito, sinasabing dating bahagi
ng lupain ng Asya ang Pilipinas na tinatawag
na Sunda Land. Noong Panahon ng Yelo, ang
sapin-saping lupa sa ilalim ng dagat, ang
sunda at sahul shelf ay dating nakalitaw sa
ibabaw ng tubig na parang mga tulay na lupa.
5 tulay ang tinatayang nagdurugtong sa
Pilipinas sa lupain ng Asya. Ang mga ito ay
nasa pagitan ng Taiwan at Hilagang Luzon,
Borneo at Palawan, Borneo at Sulu, Celebes at
Mindanao at New Guinea at Australia.
14.
15. 2. Teorya ng Bulkanismo
Noong Pebrero, 1976, si Dr. Fritjof Voss,
isang siyentipikong Aleman (German) na nag-
aral ng Heograpiya sa Pilipinas, ang kumontra
sa Teorya ng Tulay na Lupa.
Sinasabi niya na may mga pag-aaral
siyentipiko noong 1964 hanggang 1967 ang
nagpapatunay na may 35 kilometrong kapal
ng crust na nasa ilalim ng bansang Tsina ay
hindi man lamang umabot sa Pilipinas.
Dahil dito sabi niya nabuo ang Pilipinas sa
mga bulkang sumabog sa ilalim ng dagat na
umangat sa ibabaw ng tubig at nabuo ang
Kapuluan ng Pilipinas.
16.
17.
18. Sinasabi sa Teorya ng Pangaea na ang lahat ng mga
Kontinente noon ay magkakadikit na isang “supercontinent”
na tinatawag na Pangaea. Ang salitang “Pangaea” ay
nangangahulugan na “lahat ng bansa” sa Griyego, na siyang
akmang kahulugan para sa mga kontinente may 200
milyong taon na ang nakakaraan bago sila
nagkahiwahiwalay dahil sa paggalaw o paglindol. Ang mga
paglindol na ito ay dahan dahang nangyari sa loob ng 200
milyong taon. Kahit ngayon, ang itsura ng mundo ay
nagbabago at habangbuhay na ito, hanggang ang lupa sa
ilalim ng daigdig ay patuloy na gagalaw at gumagalaw.
Ang Teorya ng Pangaea ay hindi masyadong pinaniniwalaan
noong una itong binanggit. Pero mula noon, mas marami
nang ebidensya ang nagpapatunay nito.
19.
20.
21. We can see on our planet 17 very strange features
which can now be systematically explained as a
result of a cataclysmic global flood who's water
erupted from subterranean chambers with an
energy release exceeding the explosion of ten
billion hydrogen bombs.
"This expiation shows us just how rapidly major
mountains formed. It explains the coal and oil
deposits, the rapid continental drift, why on the
ocean floor there are huge trenches and hundreds
of canyons and volcanos. It explains the formation
of the layers strata and most of the fossils; of the
frozen mammoths, the so-called ice ages and
major land canyons, especially the grand canyon.
22.
23. Sinasabi sa Teoryang ito nabuo ang mga
kasalukuyang mga lupain dahil sa pagbagsak ng
isang malaking bulalakaw (asteroid o comet),
isang uri na maaaring pumatay ng isang kaapat
ng populasyon ng mundo, na tumama daw sa
may Karagatang Indian may 4,800 taon na ang
nakararaan, na siyang lumikha ng isang tsunami
na may taas na 600 talampakan, may 13 beses
na taas sa tsunami na tumama sa Indonesia
may 2 taon na ang nakararaan. Ang tsunami na
ito ay siyang naglagay ng mga sediments sa
mga bansa na galing sa ilalim ng dagat.
24.
25. Gamit ang inyong mga pangkat, sagutin ang
mga sumusunod na katanungan tungkol sa
ating paksa sa araw na ito:
Alin sa mga Teorya ng Pinagmulan ng Lupain
ng Pilipinas ang higit mong pinaniniwalaan?
Bakit?
Isulat ang inyong kasagutan sa Cartolina,
gamit ang mga markers ninyo.
Humanda sa pag-uulat nito sa harapan ng
klase.
26. PANUTO: Sa inyong kuwaderno ipaliwanag
kung paano nabuo ang bansa sa
pamamagitan ng mga sumusunod na Teorya:
1. Tulay na Lupa
2. Bulkanismo
3. Paglindol
4. Pagbaha
5. Tsunami
27. Itanong: Ano ang natutunan mo sa paksa sa
araw na ito? Ano nga bang teorya ang bumuo
sa bansa natin? Paano nga ba nabuo ang
bansa natin?
28. Tanong: Nabalitaan niyo ba ang balitang ito na
inilahad ng inyong kaklase?
Itanong: Ilahad ang nalalaman ninyo sa
balitang ito? Ano ang epekto sa iyo ng
balitang ito? Paano mo pinahahalagahan ang
balitang ito?
29. I. Layunin:
A. Sa katapusan ng sesyon na ito, nais kung
matutunan, maunawaan at maipaliwanag
ninyo sa inyong sarili ang pinagmulan ng
mga tao sa ating bansa.
B. Simulan natin: Alam ninyo ba ang ibig
sabihin ng Unang Tao?
30. Itanong: Anu-anong mga teorya ang
nalalaman mo tungkol sa pinagmulan ng
Unang Pilipino?
31. Magbigay ng mga impormasyong nalalaman
mo tungkol sa mga Teorya ng Pinagmulan ng
Unang Pilipino:
1. Taong Java
2. Taong Peking
3. Taong Tabon
4. Teorya ng Pandarayuhan
5. Homo Sapiens
32. 1. Taong Java
Java Man ang pangalan na ibinigay sa
mga labi (fossils) na natagpuan noong
1891 sa Trinil- Ngawi Regency sa gilid
ng Ilog Solo (Solo River) sa East Java,
Indonesia, isa sa mga unang halimbawa
ng Homo erectus. Ang nakatuklas ay si,
Eugène Dubois, ay siyang nagbigay ng
scientific name nito na
Pithecanthropus erectus , isang
pangalan hango sa Griyego at Latino na
ang ibig sabihin ay upright ape-man.
33.
34. Peking Man (pinyin) ang tawag sa Intsik, na
tinatawag din Sinanthropus pekinensis
(currently Homo erectus pekinensis), ay isang
halimbawa ng Homo erectus. Isang pangkat
ng mga labi (fossil) ang nadiskubre noong
1923-27 ng sila ay naghuhukay sa
Zhoukoudian (Chou K'ou-tien) na malapit sa
Beijing (na kilala sa tawag na Peking noong
panahon na yun), China. Nitong mga
nakaraang taon, ang mga nakita ay may idad
na 500,000 taon na[1], ngunit ang Carbon
Dating ay nagsasabi na ito ay
680,000-780,000 daan taon na ang tanda.[2][3]
35.
36. Tabon man ay ang labi (fossilized) ng tao na
nadiskubre sa Palawan sa Pilipinas noong
May 28, 1962 ni Dr. Robert B. Fox, isang
Amerikanong anthropologo ng Pambansang
Museo. Ang mga labi ay binubuo ng mga
bungo at mga panga ng tatlong tao, ay ang
pinakamatatandang labi na natagpuan sa
Pilipinas.[1] Ang mga labi ng 3 tao na ito ay
sama-samang tinatawag na mga Taong
Tabon, dahil sila ay natagpuan sa Kuweba ng
Tabon sa Palawan.
37.
38. Ayon kay Dr. Henry
Otley Beyer, noong
250,000 BC ang Dawn
Man, ang kauna-
unahang tao ang
nanirahan sa Pilipinas,
unang gumamit ng tulay
na lupa upang
makarating sa Pilipinas.
Narating nila ang
Pilipinas habang
nangangaso sila ng mga
hayop noong panahon
na iyon.
39. Aeta o Negrito
Unang taong nanirahan
pagkatapos ng mga
Dawn Man.
May pinakamahirap na
kultura: walang
permanenteng tirahan,
walang uri ng
pamahalaan, walang
sistema ng pagsulat, at
walang sining at
siyensya na
maipagmamalaki.
40. Itinuturing na kauna-
unahang gumamit ng
dagat upang
makarating sa
Pilipinas.
Dumating sa 2 bugso.
Nanirahan sa mga
pamayanan, at alam
gumamit ng mga
kagamitang gawa sa
bakal at mineral.
Sinasabing mga inanak
nila ay ang mga
Ibanags, Kalingas,
Apayaos, Ifugaos and
Igorots.
41. Dumating sa bansa ng
tatlong bugso:
◦ Ang mga namumugot na
Malays
Ninuno ng mga
Bontoks.
◦ Ang mga gumgamit ng
Alpabeto na Malays
Ninuno ng mga
Tagalogs, Ilocanos and
Visayans.
◦ Ang mga Muslim Malays
Ninuno ng mga
Pilipinong Muslims