Lesson Plan sa Filipino 3
I. Layunin
1. Napaghambing ang mga tao, bagay o pangyayari.
2. Nasasabi ang dahilan ng pagkakaroon ng trapiko sa bansa.
3. Napaghahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina sa bansa.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pangunahin Diwa ng Disiplina
B. Sanggunian: Ang Wikang Filipino 3
Akda ni Eloisa T. Taylo, pahina 173-183
C. Kagamitan: Aklat, Larawan, Manila paper
III. Pamamaraan
Guro Mag-aaral
I. Unang Araw
A. Panlinang na gawain
1. Balik-aral
Ano ang paksa noong nakaraang araw?
Tungkol saan ang tulang binasa?
Kapag sinabing Filipino ito ay?
Kapag Pilipino naman ay?
2. Pagganyak
Ipakita sa klase ang mga larawan ng trapiko sa
Pilipinas.
Anong masasabi ninyo sa mga larawan?
Kanais-nais ba ang lagay ng lansangan?
Ang Mayamang Wika ng Ating Diwa
FILIPINO
Ating pambansang wika.
Mamamayang Pilipino.
Guro trapik po; masikip po; magulo po;
nagbanggaan po.
Hindi po.
Sa inyong palagay, ano ang pinagmumulan ng
trapik sa bansa?Ipakita sa klase ang larawan ng
lansangang
Ipakita ang larawan ng trapiko sa ibang bansa.
Ano ang pinagkaiba ng una at iklawang larawan.
Sa palagay niyo? Saan ang bansa ang unang
larawan?
Ang ikalawang larawan?
Tama ang unang larawan ay sa Pilipinas at ang
ikalawa ay sa ibang bansa, sa Japan.
Sa inyong palagay, bakit magkaiba ng daloy ng
trapiko sa Pilipinasa at sa Japan?
3. Paglalahad
a. Talasalitaan
Buksan ang aklat sa pahina 173 sagutan
“Tuklasin Natin”
Nakahandusay
Pinaharurot
Kaskaserong
Pagpito
Magbubulyawan
b. Sa salitang trapiko, ano ang pumapasok sa
inyong isipan?
c. Pagbasa sa sanaysay. Isangguni ang aklat sa
pahina 174-176 basahin ang sanaysay na
pinamagatan “Trapiko at Disiplina”
B. Pagtalakay
Talakayin natin at sagutan ang tanong sa
pahina 176-177
Guro, gawa po ng mga aksidente.; masikip
na kalsada; madaming sasakyan; aksidente
po.
Guro, ang unang larawan po ay masikip na
kalsada, at ang ikalawa po ay maluwag ang
daan.
Sa Pilipinas po.
Sa ibang bansa po.
Hindi po naming alam.
Nakabulagta
Mabilis na pinatakbo
Mabilis magpatakbo
Pagsilbato
Nagsisigawan
Maraming tao, nagmamadali, mainit na
pakiramdam, naiinip, mahuhuli sa pagpasok
sa eskwelahan o trabaho.
1. Bakit malaking suliranin sa ating bansa
ang mabigat na daloy ng trapiko?
2. Paano kaya malulunasan ng pamahalaan at ng
mamamayan ang problema ng trapiko sa
bansa?
3. Bigyan kahulugan ang mahalagang
mensahe o kaisipang nais iparating sa binasa.
4. Kung ikaw ay kaisa sa mga kamag-anak
ng lalaking naaksidente, ano ang
mararamdaman mo? Bakit?
5. Naranasan mo na ba ang isa sa mga
pangyayaring nabanggit? Ibahagi ito sa
klase.
Talakayin natin ang kahulugan ng sanaysay.
Sabay sabay natin basahin.
Ang sanaysay ay isang maikling
komposisyon na may tiyak na paksa at tema.
Ang sanaysay ay karaniwang pagpapahayag
ng interpretasyon o opinion hinggil sa
tinatalakay na paksa.
Sanaysay ba ang ating binasa tungkol sa
Trapiko at Disiplina?
Bakit? Paano ninyo nasabing sanaysay ang
ating binasa?
Ano ang paksa ng ating binasa?
C. Pagpapahalaga
(Isangguni ang aklat sa pahina 178 at
saaaaaagutan ang mga tanong sa Timbangin
natin.)
1.Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong
sa paglutas ng suliranin sa trapiko n gating
bansa?
2.Ano ang maipapayo mo sa mga taong
tumatawid sa maling tawiran?
3 .Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga
sa bantay-trapikong nagpapanatili ng
kaayusan sa langsangan?
1. Dahil kadalasan, nagkakaroon ng
aksidente sa trapiko at nahuhuli ang mga
mag-aaral at mga empleyado sa pagpasok.
2. Sa pagkakaroon ng disiplina ng bawat
isa, malulunasan ang matinding trapik na
nararanasan n gating bansa.
3. Ang mensahe na nais iparating n gating
binasa ay “kinakailangan magkaroon ng
disiplina ang bawat isa sa atin upang
malunasan ang problemang kinakaharapan
ng ating bansa.
4. Malulungkot, maiinis sapagkat walang
disiplina ang umiiral sa ating bansa.
5. Opo / Hindi po.
Ang sanaysay ay isang maikling
komposisyon na may tiyak na paksa at
tema. Ang sanaysay ay karaniwang
pagpapahayag ng interpretasyon o opinion
hinggil sa tinatalakay na paksa.
Opo.
Sapagkat ito po ay nagsasaad ng opinyon at
may tiyak na paksa.
Trapiko at Disiplina
1. Sa pagtawid pos a tamang tawiran.
2.Tumawid sila sa tamang tawiran sapagkat
maaari sila mapahamak.
3. Sa pagrespeto at pagsunod sa alituntunin
ng batas tungkol sa daloy ng kaayusan ng
lansangan.
D. Paglalahat
Ano ang mga dahilan ng pagkakaroon ng
trapiko sa bansa?
Mahalaga ba ang pagkakaroon ng disiplina
sa bansa? Bakit?
(Ipakikita muli ang larawan ng lansangan sa
Pilipinas at sa ibang bansa.)
May disiplina ba ang mga mamamayan sa
Pilipinas?
May disiplina ba ang mga mamamayan sa
ibang bansa?
E. Pagtataya
Tukuyin kung ang sumusonod na
nalarawan ay nagpapakita ng disiplina. Iguhit
ang kung ang larawan ay nagpapakita ng
disiplina at kung walang disiplina.
.
Walang disiplina, hindi pagtawid sa tamang
tawiran, hindi pagsunod sa batas
trapiko/lansangan.
Opo. Upang magkaroon ng maayos na
pamumuhay.
Wala po.
Opo.
II. Ikalawang Araw
A. Balarila – Wika
Buksan ang aklat sa pahina 178
“Alamin Natin”
Basahin ang mga sumusunod na
pangungusap. Pansinin ang mga salitang
may salungguhit. Anu-ano ang pang-uring
ginamit sa bawat hanay?
1. Ang lola ay higit na matanda kaysa sa
matandang babae.
Parehong masayahin ang matanda at batang
babae.
2. Ang encyclopedia ay mas makapal kaysa sa
coloring book.
Magkasingkulay ang encyclopedia at
coloring book.
3. Ang leon na nasa larawan ay higit na malaki
kaysa sa tigre.
Magkasimbagsik ang leon at tigre.
Ano ba ang pang-uri? Pakibasa.
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na
binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular
ito.
Halimbawa ng pang-uri:
Maganda Mabilis
Matalino Mataba
Ano ang ikalawang antas ng pang-uri? Basahin,
sabay-sabay.
Tinatawag na pahambing ang ikalawang
kaantasan ng pang-uri. Nasa kaantasang
pahambing ang pang-uri kapag ginagamit ito sa
pagkukumpara o paghahambing ng katangian ng
mga pangngalan o panghalip.
1. higit na matanda
Parehong masayahin
2. mas makapal
Magkasingkulay
3. higit na malaki
Magkasimbagsik
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita
na binabago ang isang pangngalan,
karaniwang sinasalarawan nito o
ginagawang mas partikular ito.
Tinatawag na pahambing ang
ikalawang kaantasan ng pang-uri. Nasa
kaantasang pahambing ang pang-uri kapag
ginagamit ito sa pagkukumpara o
paghahambing ng katangian ng mga
pangngalan o panghalip.
2 Uri ng Pahambing:
Una, .magkatulad, pakibasa.
1. Magkatulad – paghahambing na may pareho o
pantay na katangian. Karaniwan itong gumagamit
sa panlaping sing-, magsing-, magkasing-, at ga-,
at mga salitang kapuwa, pareho, katulad, gaya at
tulad.
Halimbawa:
Magkasintalino sina Joseph at Benedict.
Pareho ang sapatos ng magkapatid.
Magbigay kayo ng halimbawa ng pahambing na
magkatulad gamitin ito sa pangungusap.
Ikalawa, Hindi Magkatulad, pakibasa.
2. Hindi Magkatulad – paghahambing na may
magkaiba o magkasalungat na katangian. Maaari
pa itong mauri bilang palamang o pasahol.
Palamang – kapag ang inihahambing ay
nakalalamang kaysa isa. Karaniwan itong
gumagamit ng mga salitang mas, higit,
lubos, labis at hindi hamak.
Halimbawa:
Hindi hamak na masipag si Ronnie kaysa
kay Rey.
Higit na mataas ang puno ng niyog kaysa
puno ng saging.
Magbigay ng halimbawa na pangungusap na
paghahambing na palamang.
Pasahol – kapag ang inihahambing ay may
mas mababang katangian kaysa
pinaghahambingan. Karaniwan itong
gumagamit ng mga salitang hindi gaano,
hindi gasino, at hindi lubha.
Halimbawa:
Hindi gasinong mataba si Marie kaysa kay
Nimfa.
Hindi gaanong malawak ang aming bahay.
Naintindihan ba?
Isa-isa magbigay ng halimbawa ng
magkatulad at hindi magkatulad na uri ng
pahambing.
May tanong?
Magkatulad – paghahambing na may
pareho o pantay na katangian. Karaniwan
itong gumagamit sa panlaping sing-,
magsing-, magkasing-, at ga-, at mga
salitang kapuwa, pareho, katulad, gaya at
tulad.
(Magbibigay ng halimbawa ng pahambing
na magkatulad na ginamit sa pangungusap.)
Hindi Magkatulad – paghahambing na
may magkaiba o magkasalungat na
katangian. Maaari pa itong mauri bilang
palamang o pasahol.
(Magbibigay ng halimbawa na
pangungusap na paglalambing na
palamang.)
Opo.
Magbibigay ng halimbawa ng magkatulad
at hindi magkatulad na uri ng pahambing.
Wala na po.
IV. Pagtataya
Buksan ang aklat sa pahina178. Sagutan ang “Subuking Natin” letrang A.
A. Suriin ang paraan ng paghahambing sa mga pangngalan o panghalip sa bawat
pangungusap. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
a. Pahambing na magkatulad
b. pahambing na palamang
c. pahambing na pasahol
1. Mas maingay ang kalsada sa lungsod kaysa nayon.
2. Si Lina at Fe ay kapuwa masipag na kasambahay.
3. Ang bag ko ay higit na malaki kaysa bag mo.
4. Ang trapik sa kalye ninyo at sa kalye naming ay magkasinghaba.
5. Kasing edad ang kapatid mo.
6. Ayon kay nanay, mas matamis ang mangga kaysa mansanas.
7. Hindi gaanong mahal ang nabili kong sapatos ngayon kaysa noong nakaraan taon.
8. Mas malayo ang Baguio kaysa sa Tagaytay.
9. Hindi gaanong malinis ang kaniyang silid kaysa kay Liza.
10. Parehong matalino ang magpinsan.
V. Takdang Aralin
Sagutan ang pahina 181 sa aklat. Letrang B ng “Subukin Natin”
Filipino 3
Name: ________________________________
Tukuyin kung ang sumusonod na nalarawan ay
nagpapakita ng disiplina. Iguhit ang kung ang
larawan ay nagpapakita ng disiplina at kung walang
disiplina.