Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.

Lp1

123 Aufrufe

Veröffentlicht am

  • Als Erste(r) kommentieren

  • Gehören Sie zu den Ersten, denen das gefällt!

Lp1

  1. 1. Layunin: A. Natutukoy at nailalarawan ang tatlong layunin ng katipunan, B. Naipaliliwanag ang mga sinulat ni Emilio Jacinto at Andres Bonifacio na mga Kartilya ng Katipunan, C. Nakikilala ang mga uri ng namamahala sa katipunan; at D. Nailalahad ang mga pagkakaiba iba ng mga namuno sa katipunan. Nilalaman: A. Paksa: Layunin ng Katipunan at Kayarian ng Katipunan B. Sanggunian: Pilipinas “Isang Sulyap at Pagyakap” pp. 139 – 143 nina Michael DC. Rama, et.al C. Kagamitan: libro at visual aid Pamamaraan Gawaing Guro Gawaing Mag aaral 1. Balitaan Mangangalap ng balita ang guro sa mga mag- aaral. (Ang mga mag- aaral ay magbibigay ng kanilang balita.) A. Pagganyak Noong itinatag ng mga propagandista ang Kilusang Propaganda ay nagkaroon din sila ng kani kanilang ga layunin. B. Paglalahad Ngayon naman ay ating alamin kung ano – ano ang mga layunin ng Katipunan. C. Pagtatalakay Ano ang unang layunin ng Katipunan? Ang layuning politikal po sir. Tama. Ano ba ang ibig sabihin nito? Ito ay ang paghahangad ng kalayaan mula da Spain. Magaling. Ano ang pangalawang layunin? Ang layuning moral na naglalayong baguhin ang nilolob ng bawat Katipunero. Ok. Ito rin ay bumubuo ng pagtuturo at
  2. 2. pag aaral ng kagandahang asal, kalinisan, mabuting pakikipagkapwa, at ang pakikibaka sa panatisismo at mga aral ng prayle na nagpapalabo sa halip na nakapagpapaliwananag sa isipan ng mga Pillipino. Ano ang huling layunin ng Katipunan? Ang layuning sibiko na binubuo ng pagpapairal ng kapatiran sa mga kapwa kasapi, pagtatanggol, at pagtulong sa mahihirap at naaapi. ok klas. Maglabas kayo ng kalahating papel. Ang gagawin niyo lamang ay ipaliwanag sa sarili ninyong opinyon ang mga nilalaman ng kartilya ng katipunan ni Emilio Jacinto at Andres Bonifacio. Bibigyan ko lamang kayo ng sampung minuto para gawin ito. (Natapos ang aktibidad) Ngayon klas ay dumako na tayo sa mga seksyon na namahala sa katipunan. Ano ang unang seksyon? Ang unang seksyon ay ang Kataas taasang Sanggunian. Tama. Ito ay ang pinakamataas na pamunuan ng samahan. Ano ang pangalawa? Ang Sangguniang Bayan. Ano naman ang pang huling seksyon? Ang Sangguniang Balangay. Itong seksyon na ito klas ay kumakatawan sa lalawigan o munisipalidad. Ano nga ba ang Sangguniang Hukuman klas? Ito ay isang korte na kung saan dinadala ang mga kasapi na nakakaapekto sa samahan. Tumpak. Ito rin ay ang nagsisilbing korte ng katarungan na nagbibigay ng hatol sa kahit na sinong kasapi upang mamagitan sa dalawang magkalabang pangkat at hindi rin ito nagbibigay ng hatol na kamatayan.

×