Pyudalismo
• Isang sistemang politikal at militar
sa kanlurang Europa noong Gitnang
Panahon. Sa panahong ito, nanaig
ang kaguluhan at kawalan ng
proteksiyon.
• Isang kasunduan sa pagitan ng mga
aristokrata (aristocrat), o ng
panginoon (lord) at basalyo
(vassal).
Dalawang dahilan Na pinag-ugatan ng
pyudalismo:
• Ang ugnayang namagitan sa
pangkat ng mandirigmang
Aleman sa Kalakhang Europa
noong Gitnang Panahon.
• Sistema ng pagmamay-ari ng
lupa.
Ang ganitong ugnayan ng panginoon
ay nagbago nang sumapit ang 700
CE. Ang mga nobleman o panginoon
ay kailangan ng mga hari upang
labanan ang mga mananalakay
kapalit ng pagbibigay ng fief o lupain
na tinatawag na sistemang
pyudalismo. Ang mga tumatanggap
ng fief ay tinatawag namang basalyo.
Isipin
• Paano naging simbolo ng
kapangyarihan ang
pagmamay-ari ng lupa?
• Buhay pa ba hanggang
ngayon ang ganitong
paniniwala? Paano ito
nakakapekto sa katahimikan
at kaunlaran ng bayan?
Noble (Maharlika)
• Kabilang dito ang mga hari, basalyo, at mga
nakabababang panginoon. Namamana ang
kanilang katayuan. Tanging mga hari at panginoon
lang ang nagmamay-ari ng mga lupain.
• Sila ang kumukontrol sa mga lupain at nagtataglay
ng kapangyarihang politikal, ekonomiko, hudisyal,
at militar.
• Tungkulin din nila na mangolekta ng buwis at mga
multa, tumayo bilang huwes sa mga pagtatalong
legal, at magpanatili ng hukbo ng mga kabalyero
sa loob ng kanyang teritoryo.
• Siya rin ang nangangasiwa sa pagtatanim sa mga
manor kung saan naroon ang kanyang lupain. Ang
mga may-ari ng fief ang siyang nagharing-uri sa
Europa sa loob ng 400 na taon.
Klerigo
• Dito nabibilang ang matataas na opisyal ng
Simbahan at mga pari.
• Naging pari sa mga nayon (mga mahihirap
na naging klerigo) at nakatira sa isang maliit
na dampang malapit sa simbahan.
• Hindi gaanong mataas ang pinag-aralan.
• Nagbibigay-payo at tulong sa mga
magsasaka, tagaayos ng mga sigalot, at
gumaganap ng seremonya sa simbahan.
• Nangongolekta rin ng butaw para sa binyag,
kasal, at paglilibing.
Karamihan sa mga Obispo at iba pang
matataas na klerigo ay mga noble na
inilaan ang kanilang buhay sa
paglilingkod sa simbahan. Sila ang
pangkat na nakapag-aral, namahala
ng malaking fief, at nabuhay din na
parang noble. Ang ilan sa kanila ay
kasingyaman at kasinlakas ng mga
panginoong militar.
Pesante
• Ito ang pinakamababang antas ng lipunan.
Nabibilang dito ang mga magsasaka at
nagtatrabaho sa bukid.
• Bumubuo sa pinakamalaking bahagdan sa
kabuuang populasyon.
• Kinakailangang magtrabaho sa lupang
kanilang kinagisnan at umaasa lamang sa mga
noble.
• Nagsisibak ng kahoy, nagkakamalig ng palay,
at nag-aayos ng mga kalye at tulay.
• Maraming binabayarang buwis at renta.
• Nakatira sa isang dampa at pinagbabawalang
mangaso at mangisda dahil sa pag-aari ito ng
panginoon.
Ang isang pesante ay hindi
kailanman maaaring maging
noble, subalit ang isang tao na
nagmula sa pangkat ng mga
pesante ay maaaring maging
klerigo at tumaas ang ranggo sa
simbahan.
Tungkulin ng isang basalyo:
• Pagtatatag ng kawan ng mga sundalo upang mag-alay
ng serbisyong militar sa panginoon ng 40 araw sa loob
ng isang taon.
• Pagbibigay ng perang pantubos sa panginoon kapag
nabihag siya sa digmaan, kung magiging kabalyero ang
pinakamatandang anak na lalaki ng panginoon, at kung
ang panganay na anak na babae ay mag-aasawa.
• Paglalaan ng tirahan at pagkain nang ilang panahon sa
loob ng isang taon para sa panginoon at mga kasama
nito.
• Pagdalo sa mga pagtitipon at seremonya, tulad ng
kasal ng anak ng panginoon.
• Paglilingkod sa korte ng panginoon upang magpairal ng
batas o katarungan.
Tulad ng mga basalyo, ang mga Obispo at
abbot ay may tungkuling pyudal na dapat
gampanan, gaya ng paglalaan ng mga
armadong kabalyero. Kinakailangan ng
panginoon ng matapat na Obispo at abbot
bilang mga basalyo, kaya’t siya ay
nagtatalaga ng mga tungkulin sa mga
taong simbahan na tinatawag na lay
investiture. Bagama’t ito ay taliwas sa
patakaran ng simbahan, pangkaraniwan
naman ito sa Alemanya.
• Pangkaraniwan ang digmaan sa
panahong pyudal sa pagitan ng mga
kaharian. Minsan, ang digmaan ay sanhi
ng pagsasawata ng isang hari sa kanyang
basalyo at ang ibang digmaan naman ay
sa pagitan ng mga panginoon o basalyo.
• Ang mga mandirigma ay gumagamit ng
helmet na bakal at damit na yari sa
kadena. Bitbit din nila ang mga espada,
panangga, at sibat. Lalong nadaragdagan
at bumibigat ang kasuotan ng mga
mandirigma habang tumitindi ang
digmaan.
pictures
• helmet na bakal at damit na yari sa
kadena. Bitbit din nila ang mga espada,
panangga, at sibat.
Kapayapaan ng Diyos (Truce of God)
Malawakang kagutuman ang kadalasang epekto
ng digmaan sa mga pesante kung kaya’t
inilabas ng simbahan ang batas na ito na
nagsasabing: “Bawal ang paglalaban sa ilang
pook, tulad ng simbahan”. Pinairal ito tuwing
huling araw ng bawat linggo at tuwing mahal
na araw. Umabot na lamang sa 80 araw ang
legal na araw para sa labanan ngunit hindi
gaanong naitupad ang batas na ito dahil
marami pa ring paglabag na nangyari gaya na
Sistemang manoryal (manorial)
• Sistemang agrikultural na nakasentro sa
nagsasariling estadong kung tawagin ay
manor.
• Nalinang sa panahong paliit nang paliit ang
bilang ng mga bayan sa Europa. Ang
pagbagsak ng Banal na Imperyong Roman
ay nagdulot ng kawalan ng serbisyo mula sa
gobyerno at bilang resulta, marami ang
nanirahan sa mga manor ngunit bilang mga
alipin.
Ang sentro ng manor ay ang palasyo ng
panginoon. Demesne ang tawag sa lupaing
kinatatayuan ng palasyo. Sa loob ng manor
matatagpuan ang simbahan, tirahan ng pari, at
ang nayon na kung saan nakahilera ang mga
magsasaka.
Three-field system
-sistemang pinairal na naghahati sa bukid sa
tatlong bahagi:
Taniman sa tagsibol
Taniman sa taglagas
Lupang hindi tinataniman
Sa gulang na:
• 7 taon- ang batang maharlika ay magiging isang
tagapaglingkod o page, tinuturuan siya sa
pangangabayo,wastong pangangalaga sa mga
armas,at kagandahang asal.
• 14 taon- nagiging isa na siyang squire o nasa
pangalawang antas tungo sa pagiging
kabalyero. Tinuturuan siyang lumaban habang
nangangabayo at ng paraan ng paggamit ng mabibigat
na sandata tulad ng sibat, palakol, espada, at pana.
• 21 taon- isa ng siyang ganap na kabalyero. Sa isang
seremonya,na tinatawag na accolade, habang
nakaluhod ang squire sa harap ng panginoon,
mahinang tapik sa balikat ng espada ng panginoon ang
hudyat ng kanyang pagiging ganap na kabalyero.
Kabalyerismo
• Hango sa salitang French na chevalier,
na ang ibig sabihin ay ‘isang
mangangabayo’.
• Ang kodigong ito ay humihingi sa
kabalyero na maging matapat, magiliw,
relihiyoso, at magalang sa mga
nakatataas sa kanya at pati pagiging
maginoo sa mga kababaihan.
Lumaganap ang nakasisindak na Black Death
sa buong Europa sa kalagitnaan ng ika-14
dantaon. Ipinalalagay na 30%-60% ng
populasyon sa Europa ang namatay dulot nito.
Ang malaking bawas sa populasyon ay naging
dahilan ng pagkakaroon ng kaguluhan sa
ekonomiya.
Sa pagsapit ng ika-13 dantaon ay humina na
ang sistemang pyudal. Maraming panginoon
ang sumama sa krusada at karamihan sa kanila
ay hindi na nakabalik. Ang iba naman ay
nagbenta ng mga karapatan dahil sa
pangangailangan ng salaping magagamit sa
pagsama sa krusada.
1. Ano ang tawag sa lupaing
kinatatayuan ng palasyo na
siyang sentro ng manor?
2. Sino ang tumatanggap ng
fief bilang kapalit ng
serbisyong militar niya.
3. Ito ay ang sistema ng
pagsasaka sa manor.
4. Ang tawag sa
pagtatalaga ng mga
Obispo at abbot.
5. Kailan humina na ang
sistemang pyudal?
6.-7. Ano ang dalawang
dahilan ng
pinagugatan ng
pyudalismo?
Ang pyudalismo ay
isang kasunduan
sa pagitan ng mga
____(8)______, o ng
____(9)______at
____(10)_____.
Noble, Klerigo, o Pesante?
11. Nangongolekta ng butaw para sa
binyag, kasal, at paglilibing
12. Sila ang kumukontrol sa mga lupain
at nagtataglay ng kapangyarihang
politikal, ekonomiko, hudisyal, at
militar.
13. Tungkulin nila na mangolekta ng
buwis at mga multa.
14. Nakatira sa isang dampa at
pinagbabawalang mangaso at
mangisda dahil sa pag-aari ito ng
panginoon.
15. Ang ilan sa kanila ay kasingyaman
at kasinlakas ng mga panginoong
militar.
16. Sila ay may tungkuling
pyudal gaya ng paglalaan ng
mga kagamitan ng mga
armadong kabalyero.
17. Anong batas ang nagbabawal
sa paglabansa ilang mga pook
gaya ng simbahan?
18. Ito ang pinagmulan ng
salitang ‘kabalyero’.
19. Lumaganap ito sa buong
Europa sa kalagitnaan
ng ika-14 na dantaon.
20. Ano ang pamagat ng
Aralin 21?
1. Demesne
2. Basalyo
3. Sistemang Manoryal/ Manoryalismo
4. Lay Investiture
5. Ika-13 dantaon
6. Ugnayan sa pagitan ng mandirigmang Aleman sa Kalakhang
Europa.
7. Sistema ng pagmamay-ari ng lupa.
8. Aristokrata (aristocrat)
9. Panginoon (lord)
10. Basalyo (vassal)
11. Klerigo
12. Noble
13. Noble
14. Pesante
15. Klerigo
16. Obispo at abbot
17. Kapayapaan ng Diyos/ Truce of God
18. Chevalier
19. Black Death
20. Ang Sistemang Pyudalismo at Manoryalismo