2. • Ang Enlightment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ng
mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwirang
at pamayani ng pamiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.
Ang ambag ng mga intelektuwal na ito ang nagsilbing pundasyon ng
mga mordenong ideyang may kinalaman sa pamahalaan, edukasyon,
demokrasya, at maging sa sinig. Ang mga intelektuwal na ito ay
nakilala bilang mga philosopher o pangakat ng mga intelektuwal na
humikayat sa paggamit ng katuwirang, kaalaman at edukasyon sa
pagsugpo sa pamahiin at kamangmangan.
3. ANG MAKABAGONG IDEYANG PAMPOLITIKA
• ANG MAKABAGONG IDEYANG PAMPOLITIKA Naging daan ang mga
pagbabago sa siyensiya upang mapag- isipan ng mga pilosopo at
marunong na kung ang mga sistematikong batas ay maaring maging
kasagutan sa paglikha ng sansinukob at kapaligiran, maari ding
maging gabay ang mga ito sa mga ugnayang politikal, pangkabuhayan,
at panlipunan.Inaakala nilang maipaliwanag ang mga bagay-bagay sa
tulong ng analitikong pangangatuwiran. Tunay na malaki ang
impluwensiya ng siyentipikong pag-iisip sa teoryang pampolitika.
4. ANG PAGPAPALIWANAG NI HOBBES TUNGKOL SA
PAMAHALAAN
• ANG PAGPAPALIWANAG NI HOBBES TUNGKOL SA PAMAHALAAN Ginamit ni Thomas
Hobbes ang ideya ng natural law upang isulong ang paniniwala na ang absolutong
monarkiya ang pinakamahusay na uri ng pamahalaan. Pinaniwalaan niya na ang
pagkakaroon ng kaguluhan ay likas sa tao kaya dito ay kailangan ng isang absolutong
pinuno upang supilin ang ganitong mga pangyayari.
• Sa kaniyang psgpapaplimbag ng isinulat niyang aklat na “Leviathan” noong 1651 ay
inilarawan niya ang isang lipunan na walang pinuno at ang possibleng maging direksiyon
nito tungo sa magulong lipunan.
• Binigyan niya ng pagdidiin na ang tao ay kinakailangan pumasok sa isang kasunduan sa
pamahalaan naa kailangan iwanan niyaang lahat ng kaniyang kalayaan at maging
masunurin sa puno ng pamahalaan. Dahil sa kasunduang ito, pangangalagaan at
protektahan ng pinuno ang kanyang nasasakupan. Di na bibigyan pa ng karapatang
magrebelde ang mga tao, kahit pa hindi makatuwirang ang pamamalakad.
5. PAGPAPAHAYAG NG BAGONG PANANAW NI LOCKE
• PAGPAPAHAYAG NG BAGONG PANANAW NI LOCKE Isa pa sa kinilalang
pilosopo sa England ay John Locke na may paniniwala kagaya ng kay
Hobbes na kinakailangan magkaroon ng kasunduan sa pagitan ng mga
tao at ng kanilang pinuno.
• Nguni’t naiiba siya sa paniniwala na ang tao sa kaniyang natural na
kalikasan ay may karapatang mangatuwiran, may mataas na moral, at
mayroong mga natural na karapatan ukol sa buhay, kalayaan, at pag-
aari. Sinasabi niya na ang tao ay maaaring sumira sa kaniyang
kasunduan sa pinuno kung ang pamahalaan ay di na kayang
pangalagaan at ibigay ang kaniyang mga natural na karapatan.
Binigyan diin din niya na kung ang tao ay gumagamit ng
pangangatuwiran sila ay makarating sa pagbuo ng isang pamahalaan
may mabisang pakikipag-ugnayan na maktutulong sa kanila ng pinuno.
6. • Ang kaniyang mga ideya ay sinusulat niya noong 1689 sa pamamgitan ng
lathalaing “Two Treatises of Government”. Ang kaniyang sulatin ay naging
popular at nakaimpluwensiya sa kabuuan ng Europe at maging sa kolonya ng
England, ang Kolonyang Amerikano. Ang ideya niya ang naging basehan ng
mga Amerikano na lumaya sa pamumuno ng Great Britain. Ang Deklarasyon
ng Kalayaan na sinusulat ni Thomas Jefferson ay naging mahalagaang sulatin
sa paglaya ng Amerika sa mga Ingles.
• Ito ay halaw sa mga ideya ni Locke ukol sa kasunduan sa pagitan ng mga tao
at ng pamahlaan. Isa pa sa kinilalang pilosopo sa larangan ng politika ay ang
Pranses na si Baron de Montesquieu na naniniwala sa ideya ng paghahati ng
kapangyarihan sa isang pamahalaan. Hinati niya sa tatlong sangay ang
pamahalaan: ang lehislatura na ang pangunahaing gawain ay ang pagbubuo
sa batas; ang ehektibo na nagpapatupad ng batas, at ang hukuman na
tumatayong tagahatol.
7. •Si Voltaire o Francois Marie Arouet, sa tunay na
buhay at isa ring Pranses ay sumulat ng ilang mga
lathalain laban sa Simbahan at Korteng Royal ng
France. Ito ang naging dahilan ng kaniyang dalawang
beses na pagkakabilanggo at nang lumaon siya
pinatapon sa England. Pinagpatuloy niya ang
pagsusulat sa England at binigyan niya ng
pagpapahalaga ang pilosopiya ni Francis Bacon at
sinyensiya ni Isaac Newton.