2. Nagbunga ng pagbabago ng mga ruta sa kalakalan
ang pagtuklas at paglalayag noong ika-15 at 16 na
siglo.Nawala sa dating kinalalagyan ang Italy sa kalakalan
na kaniyang pinamunuan sa Medieval Period.
Naging sentro ng kalakalan ang mga pantalan sa
baybay-dagat ng atlantic mula sa Spain, Portugal,France,
Flanders, Netherlands, at England.Sa pagkakatuklas ng
mga lupain, higit na dumagsa ang mga kalakal katulad ng
spices na nagmula sa Asya.
North America - Kape, Ginto, at Pilak;
South America - Asukal at Moalsses;
Kanlurang Indies - Indigo
3. Ang produktong ito ang nagpalawak sa
paglaganap ng mga salaping ginto at pilak na
galing sa Mexico, Peru at Chile.
Dito nagsimula ang pagtatag ng bangko.
Sa dami ng salapi ng mga mangangalakal,
kinakailangan nilang may paglagyan ng kanilang
salaping barya. Kaya ang Salaping papel ang kanilang
ginamit at ipinakilalasa mga mangangalakal.
Ang salaping ito ang nagbigay daan sa pagtatag
ng Kapitalismo, ang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao
upang magkaroon ng tubo o interes.
4. Hindi alam ng mga tao ang pagiipon
ng mga salapi noong Medieval Period.
Nasisiyahan na sila kung sapat na ang
kanilang kita para sa pangangailangan.
Ngunit sa pag unlad ng kalakalan,
dumami ang kanilang salaping naipon. Hindi
nila ito itinago bagkus, ginamit nila itong
puhunan para higit na lumago pa.
6. Maraming mahahalagang epekto ang
unang yugto ng kolonyalismo.Katulad
ng mga sumusunod:
1.)Ang mga eksplorasyon na pinangunahan ng mga
Espanyol at Portuguese ay nagbigay-daan sa
malaawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa
nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa
natutuklasan.Ito rin ang nagpapalakas sa ugnayang
silangan at kanluran.
2.)Napukaw ito ng interes sa mga makabagong
pamamaraan at teknolohiya sa heograpiya at paglalayag
7. 3.)Sumigla ang paglalaganap ng sibilisasyong
kanluranin sa Silangan.
4.)Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga
bansang nasakop tulad ng pagkawala ng kasarinlan,
paninikil at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.
5.)Nagkaroon ng pagbabago sa ecosystem sa
daigdig na nagresulta nsa pagpapalitan ng mga
hayop, halaman, pati na sa mga sakit sa pagitan
ng Old World at New World.