1. Ang 3 yunit ng kursong ito ay pagtuturo ng pagsasanay ng
paggamit ng estruktura at gamit ng wikang Filipino sa pagtuturo
sa elementarya. Sumasaklaw sa deskriptibong pag-aaral ng
wikang Filipino ang lebel ng ponolohiya, morpolohiya,
semantika at sintaks. Kasama rin sa sa kursong ito ang
pagsasanay sa paggamit ng iba’t ibang anyo ng literatura ng
Pilipinas sa sarili at sa iba’t ibang rehiyon sa pagtuturo ng
produksiyon at pagtataya na angkop sa elementarya. Kaugnay
nito, bibigyang-tuon din sa kurso ang pagtuturo ng mga
metolohiya sa interaktibong pagtuturo ng wika at literatura
tungo sa pagbuo ng banghay-aralin sa Filipino.
2. 1. Naipamamalas ang kaalaman at pag-unawa sa konseptuwal na balangkas sa pagtuturo ng Filipino sa
K-12;
2. Nailalahad ang mga legal na batas pang-edukasyon, mga teoryang pilosopikal, mga kaalaman at batayang nag-
uugnay sa pagpapalawak ng kasanayan sa pagtuturo ng Filipino;
3, Naipamamalas ang kakayahang komunikatibo, replektibo, at mapanuring pag-iisip sa wikang Filipino sa
pamamagitan ng pag-unawa sa mga aralin hinggil sa ponolohiya, morpolohiya, semantika at sintaks, at
teknolohiya tungo sa paghubog ng isang buo at ganap na Pilipino, kultural na literasi, at patuloy na pagkatuto
upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig;
4. Nakabubuo ng mga kongkretong produkto na naglalapat sa mga natutuhan sa paggawa ng bawat bahagi ng
banghay aralin at mga istratehiyang angkop at napapanahong gamitin sa pagtuturo ng Filipino sa elementarya;
5. Naisasagawa ang pagpapakitang-turo nang dalawahan o pangkatan batay sa wasto at organisadong
pagkakabuo ng banghay aralin.
3. Modyul 1: Filipino sa Kurikulum ng Elementarya
Modyul 2: Ponolohiya ng Wikang Filipino
Modyul 3: Morpolohiya ng Wikang Filipino
Modyul 4: Pagbuo at Pagpapalawak ng mga Bahagi ng Pananalita
Modyul 5: Estratehiya sa Pagtuturo at Pagtataya
Modyul 6: Pagpaplano sa pagtuturo ng Filipino
4. Modyul 1: Filipino sa Kurikulum ng Elementarya
Aralin 1: Filipino Bilang Aralin sa Elementarya
Pagtuturo ng Filipino sa Ilalim ng K 12 Kurikulum
Pamantayan sa Programa, Bawat Yugto, at Baitang
Aralin 2: Balangkas ng Kurikulum ng Filipino sa K 12
Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino
Mga Batayang Teorya at Pilosopiya sa Pagtuturo ng Filipino
Aralin 3: Layunin sa Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
Aralin 4: Most Esssential Learning Competencies sa Filipino MELCs
5. 1. Sa iyong pananaw, gaano kahalaga ang pag-aaral ng Filipino sa elementarya?
2. Bakit kaya sa panahon natin ngayon maraming kabataan ang nahihirapan sa pag-unawa sa kanilang mga aralin sa
Filipino? Ano-ano kaya ang nakaaapekto sa kanilang pagkatuto?
3. Bilang magiging guro sa hinaharap, ano sa tingin mo ang magagawa ng mga guro sa Filipino upang matulungan
ang mga mag-aaral na mahalin at pahalagahan ang asignaturang Filipino?
6. Artikulo XIV Seksiyon 6, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Patunay ito na dapat nating patuloy na pagyamanin at payabungin ang wikang
Filipino at isang paraan ang pagtuturo ng asignaturang Filipino. Nabibigyang-halaga
rin natin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa ating araw-araw
na pakikipagtalastasan.
Sa pagtuturo rin ng wika, kinakailangang ilantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang
makatotohanang gawain upang maiparanas sa kanila ang tunay at kapaki-
pakinabang na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng mga babasahin, pasulatin ng
tula o kuwento, pagtatalumpati, pagbigkas ng tula, pagsasagawa ng dula,
panonood ng makabuluhang palabas o pagsusuri ng pelikula, pakikinig sa balita at
pagbibigay ng opinyon hinggil dito, at marami pang iba na maglilinang sa limang
makrong kasanayan. Ang limang makrong kasanayan sa pagtuturo ng Filipino ay:
pagsasalita, pagbasa, pagsulat, pakikinig, at panonood.
7. 1. Pagsasalita – Mahalagang malinang ang kakayahan at kasanayan sa pagpapahayag ng kaisipan at
damdamin, makipagpalitang-kuro, makapagsalaysay ng mga karanasan, makapagbigay ng reaksiyon,
makipanayam, atbp.
2. Pagbasa – Mahalagang mahasa sa paghahanap ng kaalaman at katotohanan, pag-apuhap ng
kahulugan at kabuluhan ng mga bagay-bagay sa paligid o paglinang sa mapanuri at malikhaing kaisipan.
3. Pagsulat – Kailangang mapaunlad sa pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng paggamit
ng simbolo (titik). Makatutulong din sa pagpapahayag ng saloobin, reaksiyon, o opinyon.
4. Pakikinig – Mahalaga sa pagkuha at pag-unawa ng impormasyon at maging daan sa pagkakaunawaan
ng isa’t isa.
5. Panonood – Kailangang mahasa upang mapaunlad ang kasanayan sa paghihinuha, pagwawakas,
pagsusuri, paglalahat, pagkilatis sa katotohanan o opinyon, at maging alerto sa mga nangyayari sa paligid.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naglabas ng kurikulum (K-12) na may iba’t ibang pamantayan sa
programa (Core Learning Area Standards), bawat yugto (Key Stage Standards), at bawat baitang (Grade
level Standards) na inaasahang maipamamalas sa bawat yugto at baitang ng isang mag-aaral sa Filipino.
9. Pamantayan ng Prog
rama ng Baitang 1-6
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag an
g mga kaalaman sa araling pangnilalaman, magamit ang angkop at wastong sali
ta sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o karanasan nang may lubo
s na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe.
A. Pamantayan sa Programa (Core Learning Standards):
Kinder-Baitang 3
Sa dulo ng Baitang 3, nakakaya ng mga mag-aaral na ipakita ang kasanay
an sa pag-unawa at pag-iisip sa mga narinig at nabasang teksto at ipaha
yag nang mabisa ang mga ibig sabihin at nadarama.
Baitang 4-6
Sa dulo ng Baitang 6, naipapakita ng mga magaaral ang sigla sa pagtuklas at p
agdama sa pabigkas at pasulat na mga teksto at ipahayag nang mabisa ang m
ga ibig sabihin at nadarama.
B. Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto (Key Stage Standards):
10. C. Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards):
BAITA
NG
PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG
K
Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pagpapahayag ng iniiisip at damdamin sa wikang katutu
bo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at matutong makisalamuha sa ka
pwa.
1
Pagkatapos ng Unang Baitang, inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalita at di-pasali
tang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nang naaayon. Nakakamit ang mga kasanayan sa mabutin
g pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mg
a narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
2
Pagkatapos ng Ikalawang Baitang, inaasahang nasasabi ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekstong
binasa o napakinggan, nagagamit ang mga kaalaman sa wika, nakababasa nang may wastong paglilipon ng mg
a salita at maayos na nakasusulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan s
11. C. Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade Level Standards):
BAITA
NG
PAMANTAYAN SA BAWAT BAITANG
3
Pagkatapos ng Ikatlong Baitang, inaasahang nasasabi na ng mga mag-aaral ang pangunahing diwa ng tekst
ong binasa o napakinggan at nakapagbibigay ng kaugnay o katumbas na teksto, nagagamit ang mga kaalam
an sa wika, nakababasa nang may wastong palipon ng mga salita at maayos na nakasulat gamit ang iba’t iba
ng bahagi ng pananalita upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga
narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang antas o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
4.
Pagkatapos ng Ikaapat na Baitang, naipamamalas na ng mga mag-aaral ang kakayahan sa pagbasa, pagsul
at at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kaalaman, ideya at damdaming angkop sa kani
yang edad at sa kulturang kinabibilangan at nakikilahok sa pagpapaunlad ng pamayanan.
5
Pagkatapos ng Ikalimang Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, map
anuring pag-iisip at, pagpapahalaga sa panitikan at kultura sa pamamagitan ng iba’t ibang teksto/ babasahin
g lokal at pambansa.
6
Pagkatapos ng Ikaanim na Baitang, naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahan sa pakikipagtalastasan, ma
panuring pag-iisip at pagpapahalaga sa wika, panitikan at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa.
12. Itinuturo ang asignaturang Filipino sa
loob ng 30 minuto mula ikalawang
markahan hanggang ikaapat na markahan
ng unang baitang. Samantalang, 50 minuto
naman itong itinuturo sa ikalawa hanggang
ikaanim na baitang.
13. Aralin 2: Balangkas ng Kurikulum ng Filipino sa K
12
a. Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino
b. Mga Batayang Teorya at Pilosopiya sa Pagtuturo
ng Fi-lipino
14. 1. Ano-ano ang mga makrong kasanayan sa
pagtuturo ng wikang Filipino? Paano makatutulong
ang mga ito sa pagpapaunlad ng pagkatuto ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino?
2. Bakit mahalaga na alam ng guro ang bawat pamantayan
ng kurikulum lalo na ang pamantayan sa bawat baitang?
16. Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino
Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino
Sa larawan ng Konseptuwal na Balangkas ng Kurikulum sa Filipino,
makikita na ang tunguhin ng pagtuturo ng asignaturang ito ay
pagkakaroon ng buo at ganap na Pilipinong may kapaki-pakinabang na
kaalaman. Layunin naman ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang
(1) kakayahang komunikatibo, (2) replektibo / mapanuring pag-iisip at,
(3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan
ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng
pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na
pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig.
17. Ang bawat baitang ay may iba’t ibang domain na nakapaloob sa limang makrong kasanayan na lilinangin:
Para sa Baitang I-III:
1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Kamalayang Ponolohiya b. Pag-unlad ng Talasalitaan
c. Palabigkasan at Pagkilala sa Sarili d. Kaalaman sa Aklat at Limbag
e. Pag-unawa sa Binasa
4. Pagsulat
a. Pagsulat at Pagbaybay
b. Komposisyon
5. Estratehiya sa Pag-aaral
6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
18. Para sa Baitang IV
1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Pag-unlad ng Talasalitaan
b. Pag-unawa sa Binasa
4. Pagsulat (Komposisyon)
5. Panonood
6. Estratehiya sa Pag-aaral
7. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
19. Para sa Baitang V-VI
1. Pakikinig (Pag-unawa sa Napakinggan)
2. Pagsasalita
a. Wikang Binibigkas
b. Gramatika (Kayarian ng Wika)
3. Pagbasa
a. Pag-unlad ng Talasalitaan
b. Pag-unawa sa Binasa
4. Panonood
5. Estratehiya sa Pag-aaral
6. Pagpapahalaga sa Wika at Panitikan
20. Ang Batayang Konseptuwal ng Filipino
Sa larawan ng Konseptuwal na Balangkas ng Kurikulum sa
Filipino, makikita na ang tunguhin ng pagtuturo ng asignaturang
ito ay pagkakaroon ng buo at ganap na Pilipinong may kapaki-
pakinabang na kaalaman. Layunin naman ng pagtuturo ng
Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, (2)
replektibo / mapanuring pag-iisip at, (3) pagpapahalagang
pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng
pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na
pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong
nagaganap sa daigdig.