Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Wir verwenden Ihre LinkedIn Profilangaben und Informationen zu Ihren Aktivitäten, um Anzeigen zu personalisieren und Ihnen relevantere Inhalte anzuzeigen. Sie können Ihre Anzeigeneinstellungen jederzeit ändern.
Igan (Alamat ng Iligan)
Noong unang panahon, May isang lugar na nag ngangalang Bayug. Ang bawat naninirahan sa lugar na
it...
A.Paglinang sa Talasalitaan
Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit . Isulat. Pagka...
3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang
makatotohanan at di- makatoto...
Nächste SlideShare
Wird geladen in …5
×
Nächste SlideShare
What to Upload to SlideShare
Weiter
Herunterladen, um offline zu lesen und im Vollbildmodus anzuzeigen.

0

Teilen

Herunterladen, um offline zu lesen

Alamat ng Iligan

Herunterladen, um offline zu lesen

Local Content Alamat ng Iligan

Ähnliche Bücher

Kostenlos mit einer 30-tägigen Testversion von Scribd

Alle anzeigen

Ähnliche Hörbücher

Kostenlos mit einer 30-tägigen Testversion von Scribd

Alle anzeigen
  • Gehören Sie zu den Ersten, denen das gefällt!

Alamat ng Iligan

  1. 1. Igan (Alamat ng Iligan) Noong unang panahon, May isang lugar na nag ngangalang Bayug. Ang bawat naninirahan sa lugar na ito ay masaya at puno ng pagmamahalan sa isa’t- isa. Hitik ito sa likas na yaman, magagandang tanawin at mga talon na kay sarap paliguan. Dito din isinilang si Igan. Simula sa kanyang pagkabata si Igan ay likas na matabil, malikot, at malimit na sumusuway sa ipinapangaral ng kanyang mga magulang. Isang araw, si Igan ay inutusan magtungo sa kabukiran upang dalhan ng pagkain na inihanda ng kanyang inay ang kanyang itay, Subalit, sa halip na magtungo sa bukid, si Igan ay tumuloy sa kagubatan upang manghuli ng ibon. Gamit ang kanyang tirador, kaliwat kanan niyang sinapul ng bato ang mga inosenteng ibon. Ang kanyang Ama, na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa kabukiran ay lubos ng nag- aalala kung bakit siya (si Igan) ay hindi pa nakakarating. Lumipas na ang pananghalian hanggang kinahapunan, hindi pa umuwi si Igan mula sa kagubatan. Lubos ng nababahala ang kanyang Ama at Ina Malapit ng magtakipsilim hindi pa rin dumating si Igan sa kanilang tahanan. Nang gabi ding iyun, ang mga magulang ni Igan ay tumawag sa diwata ng talon kay Maria Cristina. “Maria Cristina, ikaw na ang bahala sa aming pinakamamahal na anak. Kung nasaan man siya ngayon, pangalagaan mo siya kahit siya ay may hindi magandang ugali. Sakaling hindi na namin siya matagpuan., gawin mo po sanang makabuluhan ang kanyang buhay…” Sa kagubatan , sa kinaroroonan ni Igan, ay ganap ng lumatag ang kadiliman. Sinagilahan na siya ng takot sa kadahilanang hindi nya matunton ang landas na tatahakin patungo sa kanilang tahanan. Patuloy pa rin sa paglalakad si Igan sa pagbabakasakaling mahanap niya ang daan pauwi sa kanilang bahay. Nang nasa kalagitnaan na siya ng gubat, nakasalubong niya ang isang matandang kuba. Tinanong niya ito kung alam ba nito ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Subalit sa halip na sagutin ng matanda ang kanyang tanong, humingi ito ng pagkain sa kanya. Dahil hindi likas kay Igan ang pusong mamon, hindi niya pinagbigyan ang matanda at sinabi pa niyang wala siyang dalang pagkain. Inulit muli ng matanda ang paghingi ng kay Igan. “Iho may dala ka bang pagkain? Maaari mo ba akong bigyan kahit kaunti?” sambit ng matanda. Hindi kumibo si Igan, sa pagkakataong ito nagalit ang matanda, Isang himala ang nangyari ang matanda ay nagpalit ng anyo ng isang napakagandang babae siya pala ay si Maria Cristina. Maya-maya’y nagsalita ang babae at nagwika , “Bata!, dahil sa iyong pangit na ugali, ang iyong nakagawiang pag-iwas sa tamang asal ay bibigyan ko ng kapalit na kaparusahan. Simula sa araw na ito mananatili kang nakatayo sa iyong kinaroroonan at magsisilbing taga bantay ng bayan na ito. Ikaw ay gagawin kong isang malaking haligi isang moog na haharang sa lahat ng may masamang ninanais sa bayan na ito.” At gayun nga ang nagyari kay Igan. Mula nga noon, si Igan ngayon ay isa ng haligi ng Bayug, na patuloy na nagtatanggol sa mga mamamayan dito na parang kanyang hinaharangang makapasok ang mga may masamang ugali sa kanyang lugar na sinasakupan. Naging takbuhan ng mga naaapi ang bayan ng Bayug. Dahil dito, pinangalanan ng tao ang Bayug na isang lugar kung saan ay maiilagan ang lahat na kasamaan. Mula nga noon ang lugar na dati ay Bayug ngayon ay kilala na bilang bayan ng Iligan na ang kahulugan ay “Kuta ng Salag” o sa ingles ay, “ Fortress of Defense”. Alamat ng Iligan Mula sa http://alamatng kasaysayan.com/ igan-iligan/ http://allabout.com.ph/iligancity/alamat-ng-iligan-history-myth/ Modified to meet local content by: Evelyn R. Manahan 6/19/2017
  2. 2. A.Paglinang sa Talasalitaan Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit . Isulat. Pagkatapos ng pangungusap.. 1.Labis na nabahala ang mga magulang ni Igan dahil natagalan ito sa pag-uwi at mababakas sa kanilang mga mata ang pag-aalala.____ 2.Sumigaw nang malakas ang nanay kaya agad na dumating ang anak nang marinig ang singhal nito._____________ 3.Tuwang-tuwa ang binatilyo ng masapol ng kanyang tirador ang tinamaan nitong ibon._________ 4. Anumang pagsubok ang dumating hindi mabubuwal ang pader na mag sisilbing moog siyang taguan ng mga Iliganon. _____________ 5.Hindi ko maintindihan kung ano ang binigkas niya dahil parang kinakain niya ang mga salitang mahirap sambitin.__________ B.Pag-unawa sa Binasa 1. Sino-sino ang mga tauhan sa alamat? 2. Ilarawan si Igan noong bata pa siya 3. Ano-anong mga pangyayaring kababalaghan ang naganap sa alamat? 4. Bakit nagalit kay Igan ang diwata? 5. Ano ang parusang iginawad ng diwata kay Igan? 6. Alin sa mga pangyayari sa alamat ang higit mong naibigan? Alin naman ang hindi mo nagustuhan? Ipaliwanag. 7. Nakabuti ba ang kaparusahang nangyari kay Igan? Pangatwiranan. C.Pagsusuri sa Akda Ang gawaing ito ay nakatulong sa iyo upang madali mong maunawaan ang daloy ng mga pangyayari sa alamat. 1. Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa alamat sa tulong ng Story Mountain. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. 2. Sa iyong palagay, angkop ba ang naging wakas ng akda? Pangatuwiranan ang iyong sagot. Gawin sa papel. Simula Wakas Gitna __
  3. 3. 3. Suriin ang mga pangyayari sa bawat bahagi ng alamat.Itala mo sa talahanayan kung alin ang makatotohanan at di- makatotohanan. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. BAHAGI MAKATOTOHANAN DI- MAKATOTOHANAN SIMULA GITNA WAKAS

Local Content Alamat ng Iligan

Aufrufe

Aufrufe insgesamt

6.169

Auf Slideshare

0

Aus Einbettungen

0

Anzahl der Einbettungen

18

Befehle

Downloads

15

Geteilt

0

Kommentare

0

Likes

0

×