2. PIYUDALISMO sa EUROPA NOONG PANAHONG
MEDIEVAL
LUPA ang pinakamahalagang kayamanan sa Europa
noong Panahong Medieval.
Ang HARI ang nagmamay-ari ng lupa.
Dahil sa hindi kayang ipagtanggol ang lahat ng
kaniyang lupain, ibinahagi ng hari ang lupa sa mga
NOBLE o DUGONG BUGHAW.
Ang NOBLE ang naging VASSAL o basalyo ng hari.
(Ang basalyo ang nagmamay-ari ng lupa ngunit
isinusuko niya ang lupang ito para sa kanyang
seguridad
Samantala, ang lupang ipinagkaloob sa vassal ay
tinatawag na FIEF
4. MGA SEREMONYANG PIYUDALISMO
HOMAGE
Seremonya kung saan
inilalagay ng vassal ang
kanyang kamay sa pagitan
ng lord at nangangako ng
pagiging tapat na tauhan.
Bilang pagtanggap ng lord
sa vassal, isasagawa ang
INVESTITURE na kung saan
bibigyan ng lord ang vassal
ng fief (malawak na lupa)
Tingkal na lupa ang
sumisimbolo sa fief.
5. Mga Kasunduanng LORD at VASSAL
TUNGKULIN NG LORD
Suportahan ang lahat ng
pangangailangan ng
vassal sa pagkakaloob
ng fief.
Ipagtanggol ang vassal
ng lord laban sa
mananalakay.
Ang lord ang
mamamagitan sa lahat
ng alitan at magkaloob
ng katarungan.
TUNGKULIN NG VASSAL
Magbigay ng kaukulang
pambayad tulad ng ransom.
Kailangang tumulong sa
paghahanap ng sapat na
salapi para sa DOWRY ng
panganay na dalaga ng lord
at gastusin ng seremonya
ng pagiging KNIGHT ng
panganay na anak ng lord
6. KNIGHTHOOD/CHIVALRY
Isang magandang alaala ng Piyudalismo
ay ang sistema ng kabalyero
(knighthood)
Kinapapalooban ang kodigo o batas ng
kagandahang asal ng mga kabalyero
(Chivalry)
Pagtanggol sa naaapi at paggalang sa
mga kababaihan (gentleman)
KATAPANGAN, KAHINAHUNAN,
MARANGAL AT MAGINOO
Banal at isang propesyon na pinagpala
ng simbahan ang pagiging kabalyero.
7.
8. LIPUNAN SA PANAHONG
PIYUDALISMO
NAHAHATI SA TATLONG PANGKAT
A. MGA PARI
Hindi namamana ang
kanilang posisyon dahil
hindi sila maaring mag-
asawa.
Maaring manggaling ang
mga pari sa maharlika,
manggagawa at mga
fief.
9. B. KABALYERO(KNIGHT)
Matatapang at malalakas na
kalalakihang nagkusang loob na
maglingkod sa mga hari at sa
mga may-ari ng lupa upang
iligtas ito sa mga mananakop.
Pinagkalooban ng lupa bilang
kapalit ng kanilang paglilingkod
Mga unang maharlika na
maaring magpamana ng
kanilang lupa
10. C. SERF (alipin)
Masa noong panahon ng
Medieval Period.
Nakatali sa lupang
kanilang sinasaka.
Nagtratrabaho sa lupain
ng kanilang lord na
walang bayad.
Makapag-aasawa lamang
kapag may pahintulot ng
lord.
Wala silang ari-arian at
kontrolado ng lord ang
lahat nilang gawain.
11. SISTEMANG MANOR
Ito ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na
nakatira dito (VILLAGE)
Ang isang fief (lupain) ay binubuo ng maraming manor
na nakahiwalay sa isa’t-isa
Umaasa sa pagsasaka at ang kanilang lord ay umaasa sa
kita ng pagsasaka ng manor.
Ang kastilyo ng lord ang pinakasentro ng isang manor.
Nahahati ang manor ayon sa pinaggagamitan: kamalig,
kiskisan, panaderya, kwadra. Mayroon ding simbahan,
pandayan at pastulan.
Ang lahat na pangangailangan ng mga tao ay dapat
matugunan ng manor (self sufficent)
13. PAGLAGO NG MGA BAYAN AT LUNGSOD
SA EUROPA
MGA SALIK NA MGA
PANGYAYARI SA PAGLAGO NG
MGA BAYAN/LUNGSOD SA
EUROPA
A. Paglakas ng kalakalan
B. Mga bagong teknolohiya sa
agrikultura
C. Pagpapaggawa ng mga kalsada
(farm to market road)
D. Pagdami ng naninirahan sa
mga lugar na malapit mga
pangunahing daan
14. PAGGAMIT NG SALAPI
BARTER ang sistema ng
palitan.
Nauso ang taunang perya
(TRADE FAIR) o pagtatagpo
ng mga mangangalakal sa
isang lungsod upang
magkaroon ng palitan.
Dito umusbong ang
kahalagahan ng salapi.
Nagsulputan ang mga
MONEY CHANGER at ito
ang nagpasimula ng
PAGBABANGKO.
15. PaglitawngmgaBOURGEOSIE
Sa pag-unlad ng kalakalan at paglawak
ng mga bayan, lumitaw ang isang
makapangyarihang uri ng tao( BURGIS)
o BOURGEOISIE.
Sila ay mauunlad na negosyante at
bankers.
Sila ay naging GITNANG URI (middle
class) at ang kanilang mga anak ay nag-
aaral sa mga mahuhusay na
unibersidad.
Tagapagtaguyod ng sining at nakalinang
ng sariling uri ng pagkamaharilika
16. ANG GUILD SYSTEM
Samahan ng mga taong nagtratrabaho sa
magkakatulad na hanapbuhay
MERCHANT GUILD
Samahan ng mga
mangangalakal.
Kontrolado nila ang
lahat ng kalakalan sa
bayan
Maaring hadlangan
nila ang mga dayong
mangangalakal na
magnenesyo sa
kanilang bayan.
CRAFT GUILD
Samahan ng mga artisan o may
kasanayan katulad ng panadero,
sastre, panday, etc.
Ang sinumang hindi kasapi sa isang
guild ay hindi maaring gumawa ng
produkto na ginagawa ng nasabing
guild.
Ang mga produkto na kasapi sa
guild ay tinatatakan ng isang
simbolo na tinatawag na
HALLMARK, simbolo ng produktong
may mataas na kalidad.
17. PAMPROSESONG TANONG
1. Anu-anong pangyayari ang nagbigay
daan sa pag-usbong ng mga bayan?
2. Ano ang naging epekto ng paglakas
ng mga burgis sa lipunan?
3. Paano mo maiuugnay sa
kasalukuyang panahon ang mga
pangyayaring nabasa mo sa mga teksto?
Magbanggit lamang ng isa.
18. Pagtataya (Written work #1)
Sa isang buong papel, sagutan sa
modyul ang pahina 225
A.Photo-Suri:Iguhit ang larawan (10
points) at sagutan ang mga tanong.
B. Pamprosesong tanong (1-3)