1. BANGHAY ARALIN
Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa: November 19-23, 2012
Asignatura: Araling Panlipunan III
Paksa ng Aralin:Paglakas ng Monarkiya; Hundred
Years War at ang Black Plague
I. Mga Layunin: Sa katapusan ng aralin, ang mga magaaral ay inaasahang:
1. Naiisa-isa at nailalarawan ang mga
monarkiyang naging matatag noong
kalagitnaan ng Gitnang Panahon.
2. Nakikilala ang mga tao o pinunong
nagpalakas ng mga Monarkiya sa Europa
noong Gitnang panahon.
3. Natutukoy ang dahilan, bunga at
kinahinatnan ng daang taong digmaang sa
Europa.
4. Nasusuri ang daang taong digmaan gamit
ang iba’t-ibang perspektibo.
5. Nasusuri ang pinanggalingan ng sakit na
pumatay sa milyon milyong mga tao sa
Europa ng gitnang panahon at kung bakit
naging malala ito.
II. Mga KagamitanMga makukulay na Papel
Marker
Mga larawan
III. Pagpapalawak ng Aralin
Unang Araw:
Paglalahad:
1. Pagpapakilala
2. Balik Aral
Proseso:
1. Ipapaskil ng guro sa harap ang pangalan
ng mga bansa na nabuo at naging matatag
ng gitnang panahon.
2. Bawat pangkat ay itatalaga sa isang bansa
o monarkiya. Ilalahad nilan sa
pamamagitan ng isang outline o balangkas
ang paglakas ng bansang ito.
3. Magsasaliksik ang mga pangkat kung
paano nabuo ang bawat bansang ito sa
loob ng gitnang Panahon.
Ikalawang Araw
Paglalahad:
1. Balitaan
2. Balik-aral sa mga kaganapan ng nakaraang
araw.
Proseso:
1. Paglalahad o pag prepresenta ng mga pangkat
ng kanilang mga nagawa.
2. Mula sa mga nailahad, pipili ang klase ng
bansa o monarkiya na naging pinaka maunlad
o matatag ng gitnang panahon at bakit ito ang
napili nila.
3. Iisa-isahin sa klase ang mga naging dahilan ng
paglakas ng monarkiya ayon sa kanilang mga
ipinakita.
Ikatlong Araw
Paglalahad:
1. Balitaan
2. Balik-aral sa ginawa ng klase.
Proseso:
2. 1. Daang taon Digmaan- Thinking Hats
Unang pangkat- White hat
Ikalawang Pangkat- Yellow hat
Ikatlong Pangkat- Black hat
Ikaapat na pangkat- Red Hat
Ikalimang Pangkat- Green Hat
Pangkalahatan – Blue hat
Ikaapat na Araw
Paglalahad:
1. Balitaan
2. Balik-aral sa ginawa ng klase.
Proseso:
1. Ang Black Death- may ipapaskil na lumang awit
ang guro na isang awit pang pre-school.
2. Tatalakayin ng klase ang Black death at ang ugat
at epekto nito gamit ang sanhi at bunga.
Ikalimang Araw
Paglalahad:
1. Balitaan
2. Balik-aral sa ginawa ng klase.
Proseso:
1. Maiksing debate kaugnay ng anong institusyon
ang higit na may kapangyarihan noong gotnang
panahon.
2. Maiksing Pagsusulit
IV. Pagpapahalaga: Ang kakulangan ng
pagpapahalaga sa kalinisan at ang pang aalipin ang
naging dahilan ng pagdating ng Black death sa
Europa.
V. Paglalahat:
Ang gitnang panahon ay nag panahon
kung saan umusbong at lumakas ang mga
monarkiya kasabay ng pag sisimula ng tunggalian sa
pagitan nila at maging ang paglaganap ng Black
death.
VI. Ebalwasyon:
I. Maiksing Pagsusulit
VII. Kasunduan: Gitnang Panahon
VIII. Mga Sanggunian: Kayamanan III (Kasaysayan ng
Mundo) , Imperial, Consuelo,. Et. Al, Rex Bookstore,
2010.
Ipinasa ni : Bb. Emmanuela M. Licayan