FILIPINO 3 - QUARTER 4 - PAGBUO NG BUOD O LAGOM TUNGKOL SA KWENTONG BINASA O ...
ICT ARALIN 12
1. ICT Aralin 12
PANGANGALAP NG
IMPORMASYON SA WEBSITES
Editha T.Honradez
Pasolo Elementary School
Pasolo Valenzuela City
2. Kasanayan/ Kaalaman
1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba at
ugnayan ng World Wide Web, website, at
web page.
2. Nakikilala ang mga katangian ng isang
mabuting website.
3. Nakakapag-bookmark ng mga websites.
4. Nakakukuha ng makabuluhang
impormasyon sa nabibisitang websites
3. Ano ang
kaibahan ng
web page,
website at
world wide
web?
Paano makikilala ang
mabuting websites para
sa atin?
Paano makukuha
ang makabuluhang
impormasyon sa
website?
5. Ang World Wide Web
(www) ay isang information
system. Ginagamit ito ng
isang user upang makalipat
mula sa isang website
patungo sa iba pang website
sa tulong ng hypertext links
o hyperlinks.
Ang Webpage, Website, at World Wide Web
6. Ang web page naman ang
pinakamaliit na yunit ng World
Wide Web. Isa itong
dokumentong bahagi ng isang
website. Ang website ay
koleksiyon ng web pages na
pinag-uugnay ng mga
hypertexts o image links.
Kadalasan, ang isang website ay
may iisang tema at layunin.
Ang Webpage, Website, at World Wide Web
7. Ang hyperlink ang
pinakamahalagang aspekto ng
World Wide Web. Ito ang kawing
o tulay na magdadala sa user o
gumagamit ng internet sa ibang
kahalintulad website o web page
na hindi na kailangang
magbukas pa ng panibagong
browser.
Ang Webpage, Website, at World Wide Web
8. Pagsusuri sa Isang Mabuting Website
Maraming uri ng website na mahahanap sa
internet. Ang iba ay maaaring seryoso,
pangkatuwaan lamang, pangkomersiyo o pang
akademiko. Kaya mahalagang maging mapanuri sa
mga pinupuntahang websites.
9. 1. May pangalan ng manunulat o naglathala ng
website at mga detalye kung paano siya
maaaring maabot
2. May malinaw na layunin2. May malinaw na layunin2. May malinaw na layunin
3. Bago at tamang impormasyon
4. May balanseng opinyon at walang
pinapanigan
5. Mahusay na ayos at disenyo
Mga Katangian ng isang Mabuting Website:
10.
11. Tandaan Natin:
Malaki ang tulong ng mga websites sa
pangangalap ng mga impormasyon. Siguruhin lamang
na pasado ang napiling sa pamantayan ng isang
mabuting website. Bawat ay may layunin. Maaaring
magbigay ang mga ito ng makabuluhang
impormasyon, makatulong sa iyong pagkatuto,
maging daan sa mas mabilis na komunikasyon,
makapagbenta, o di kaya ay makapaglibang.
Mahalagang maging mapanuri sa pagpili ng na
pagkukunan ng impormasyon.
12. Gawain C: Pagkilala sa Gamit ng Website
Bisitahin ang sumusunod na websites at
kilalanin kung anong uri ng impormasyon ang
maaaring makuha rito. Itiman ang bilog ng
bilang na tumutukoy sa gamit ng website:
13.
14. Gawain D: Pag-bookmark ng Webpage
Magsaliksik ng websites na maaaring
makatulong sa pag-aaral ng iyong mga
asignatura at i-bookmark ang mga ito.
Tandaan na kung nais mong i-bookmark ang
isang web page gamit ang web browser na
Google Chrome, kailangan mong i-click ang
hugis bituin na button para i-save ang
address ng website. Sa ganitong paraan,
madaling mabalikan ang na-save na address
ng website kapag muli itong kinailangan.
Alamin kung paano ito gawin sa ibang web
browser.
15. Tama o Mali: Isulat sa patlang kung Tama o
Mali ang pahayag. Ilagay ang sagot sa
kuwaderno.
______1.Ang website ay koleksiyon ng webpage
na pinag-uugnay ng hypertexts o image links.
______2.Ang World Wide Web ang pinakapayak
at pinakamaliit na yunit ng web pages.
______3.May malinaw na layunin ang isang
maganda at mabuting website.
16. ______4.Mainam na bumisita lamang
sa websites na may maitutulong sa
pag-aaral o pagpapaunlad ng kaisipan
o pagkatao.
______5.Mabuti ang isang website
kung hindi nakikilala ang lumikha
nito.
17. Kasanayan/ Kaalaman
1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba at
ugnayan ng World Wide Web, website, at
web page.
2. Nakikilala ang mga katangian ng isang
mabuting website.
3. Nakakapag-bookmark ng mga websites.
4. Nakakukuha ng makabuluhang
impormasyon sa nabibisitang websites