Diese Präsentation wurde erfolgreich gemeldet.
Die SlideShare-Präsentation wird heruntergeladen. ×
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige
Anzeige

Hier ansehen

1 von 22 Anzeige
Anzeige

Weitere Verwandte Inhalte

Diashows für Sie (12)

Ähnlich wie Epp he aralin 3 (20)

Anzeige

Weitere von EDITHA HONRADEZ (20)

Anzeige

Epp he aralin 3

  1. 1. Home Economics Aralin 3 Wastong Paraan sa Pag-aayos ng Sarili EDITHA T. HONRADEZ
  2. 2. Isulat ang tamang sagot: 1. Sa anong paraan ka makaiiwas sa pagkakaroon ng kuto sa ulo? 2. Ilang beses dapat magsipilyo ng ngipin sa loob ng isang araw?
  3. 3. GANITO MAGHUGAS Tono: Mulberry Bush Ganito maghugas ng mukha Maghugas ng mukha Maghugas ng mukha. Ganito maghugas ng mukha Tuwing umaga. (Palitan ang parte ng katawan) - maghugas ng paa - magsuklay ng buhok - magsipilyo ng ngipin - magpalit ng damit
  4. 4. PAGLILINIS NG SARILI May kasabihan tayo na”Ang Kalusugan ay Kayamanan.” Mapapanatili nating malusog ang ating katawan kung tayo ay naliligo, nagsusuklay ng buhok, nagsisipilyo ng ngipin, at gagawin ang iba pang gawaing pangkalusugan araw-araw.
  5. 5. Sino sa inyo ang kaya nang alagaan ang sarili tulad ng paglilinis at pag-aayos ng sarili tuwing pumapasok sa paaralan o di kaya kung may pupuntahan o may lakad ang pamilya? a. Paano mo ito ginagawa? b. Kailan mo ito ginagawa? c. Gaano mo ito kadalas ginagawa?
  6. 6. PALILIGO Dapat ugaliing maligo araw- araw para mapanatili tayong malinis. Gumamit ng sabon sa buong katawan. Gumamit ng shampoo na akma sa klase ng buhok mo. Bago matulog sa gabi ugaliin ding maglinis ng katawan upang maging presko ang pakiramdam.
  7. 7. Mga Dapat Gawin sa Paliligo 1.Basain ang iyong katawan. Simulan sa tiyan, pagkatapos sa hita, alak- alakan, kili-kili, at sa ibang bahagi ng katawan. Huling basain ang buhok. . 2.Maglagay ng sapat na shampoo sa iyong palad. Ikuskos ito sa buhok upang bumula. Gamitin ang dulong mga daliri sa pagmamasahe.
  8. 8. 3.Sabunin ang buong katawan. Gamitin ang basing bimpo sa paghihilod ng katawan. Linisin ang tainga at ang likod nito, ang leeg, batok, kili-kili, siko, tuhod, ang mgapagitan ng daliri sa kamay at paa. 4.Banlawan nang mabuti ang buhok at buong katawan. 5.Punasan nang mabuti an gbuhok at katawan upang matuyo ang mga ito. 6.Pulbusan ang buong katawan upang makaramdam ng ginhawa.
  9. 9. PAGSISIPILYO NG NGIPIN Ang pagsisipilyo ng ngipin pagkatapos kumain ay makatutulong ng malaki upang maiwasang masira o mabulok ang mga ito. Ang bulok na ngipin ay nagiging sanhi ng mabahong amoy sa bibig. Gumamit ng toothpaste na may fluoride na angkop para sa mga bata. Ugaliing magsipilyo ng ngipin sa umaga, tanghali at gabi pagkatapos kumain. Ang dila at ngalangala ay dapat ding sipilyuhin.
  10. 10. Tamang Pagsisipilyo ng Ngipin 1.Kumuha ng isang basong tubig. Hugasan ang sepilyo at lagyan ng "toothpaste". 2. Isepilyo ito sa ngipin hanggang sa bumula ang "toothpaste". Sepilyuhin nang pataas at pababa ang mga ngipin sa harap. Sepilyuhin ding mabuti ang pagitan ng mga ngipin at ang mga sulok ng gilagid. 3.Sepilyuhin ang mga ngipin sa itaas nang pababang haplos at ang mga ngipin sa ibaba nang paitaas na haplos.
  11. 11. 4.Magmumog. Ipagpatuloy ang pagsesepilyo ng mgangipin. 5.Magmumog muli hanggang sa maalis nang mabuti ang "toothpaste" sa bibig. 6.Linisin at hugasan ang sepilyo bago ito itago. Ilagay sa sariling lalagyan ang sepilyo nang hindi ito marumihan at hindi madapuan ng langaw at ipis. 7.Ang"toothpaste" ay dapat tipirin. Maglagay lamang sa sepilyo ng katamtam ang dami upang hindi ito masayang.
  12. 12. Pag-aalaga ng Buhok, Kamay, Kuko at Paa. 1.Suklayin at ayusin sa paraang nababagay sa iyo. Ito'y kailangan laging maayos upang maging malusog, makintab at magandang tingnan. 2.Syampuhin ito nang dalawa o tatlong ulit sa loob ng isang linggo. Sa ganitong paraan, hindi mawawala ang natural na langis na nagpapakintab sa buhok. 3.Suklayin ang buhok bago matulog, mapanatili itong malinis at makintab.
  13. 13. Pag-aalaga ng Kamay, Kuko at Paa 1.Kailangang gupitin minsan sa isang lingo ang mga kuko at sundin ang hugis ng daliri. 2.Putulin ng diretso ang mga kuko sa paa upang hindi tumubo nang pailalim ang mga ito at maging "ingrown toenails". 3.Linisin ang mga paa. Kung may di-kanais- nais na amoy at ito'y pawisan, ibabad sa maligamgam na tubig na may kaunting asin sa loob ng 15 minuto.
  14. 14. WASTONG PANGANGALAGA NG KUKO Mahalagang panatilihing malinis ang mga kuko sa paa at kamay. Iwasang isubo ang mga daliri sa bibig lalo na kung marumi ang kuko.
  15. 15. Gawain 1 Panuto: Gawin ang mga ss: 1. Kumuha ng partner 2. Lahat ng nasa gawing kanan ay magkunwaring nanay at ang nasa gawing kaliwa ay magkunwaring anak.
  16. 16. 3. Lahat ng anak ay ipakikita sa nanay kung paano linisin at ayusin ang katawan bago pumasok sa paaralan. 4. Lahat ng nanay ay pagmasdan ang anak kung paano maglinis at mag-ayos ng sarili.
  17. 17. 5. Isusulat ni nanay sa kuwaderno kung paano isasagawa ang gawain, 6. Pagkatapos magpalitan ng role ang kapartner.
  18. 18. Gawain Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado/ Linggo
  19. 19. Batayan: 4 – Napakahusay 2 – Mahusay 3 – Mas Mahusay 1 – Hindi Mahusay

×